Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata nung nakaramdam ako ng pagkakatapik nang balikat ko. Tinanggal ko ang suot kong airpods at umupo ng maayos nung nakita ko si Ken.
"Sorry to wake you up. But we already landed" aniya
"Ohh" nung iginala ko ang tingin ko sa buong paligid, dun ko lang napagtanto na kami na lang pala ni Ken at ni Sian sa kabilang banda ang natitirang nakaupo dito sa eroplano.
Dali dali akong tumayo tsaka inayos ang nagulo kong buhok. "Sorry sorry, nakatulog ako." pag hingi ko ng tawad sakanya.
Sa pag pikit ko ng mga mata kanina ay hindi ko na namalayan naka idlip na pala ako.
He chuckled "No worries, kung pwede lang sanang pagmasdan ka buong araw na mahimbing na natutulog, ginawa ko na. Kaso kanina pa nila tayo hinihintay, so"
"Hay nako! Tulo laway ako kapag natutulog, kaya hindi magandang idea na pagmasdan mo ko kapag tulog." biro ko habang pababa ng private plane.
May nakaabang kaagad na puting bus sa amin. Naaninag ko na sina Sage na tumatawa dun sa loob.
Napapaisip nga ako, paano kaya kinaya ni Sage na iwanan ako dun sa loob ng plane na mahimbing na natutulog na mag isa? Kaibigan ko ba talaga to?
At dahil sabay nga kami ni Ken pumasok sa bus, panunukso kaagad ng mga kaibigan ang natanggap namin.
"Yie! Lumalove life na si Ken." rinig ko
"Ken okay lang ba sayo LDR?" si Sage na sumasapaw pa talaga.
Ang natitirang bakanteng upuan na lang dito sa loob ay nasa bandang likuran na, kaya kahit anong pag iwas ko sana sa panunukso nila ay wala kaming takas, dahil kailangan namin dumaan sa gitna nilang lahat.
Ngunit habang nag lalakad, may umagaw ng atensyon ko. Si Leila, tahimik na nakaupo, hindi sumasali sa panunukso, pero ang mga mata niya ay nakatingin sa bandang likuran, na para bang may hinihintay. Or should I say, si Sian mismo ang hinihintay niya. Pinigilan ko lang ang sarili kong mapairap nung napansin kong nireserve niya pala ang katabing upuan niya para kay Sian.
And to tell you the truth, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Never in my life, nainis sa taong kakilala ko lang. I really love to meet and talk to new people, but not Leila. Ewan ko ba, parang ang sama ng timpla ko sa babaeng ito, na wala naman siyang ginagawang masama sa akin.
O sadyang, dahil ito sa kung ano man ang relasyon namin ni Sian ngayon. Tsaka kung makalapit sakanya, halatang may gusto siya kay Sian.
Natigil ako sa pag lalakad nung huminto si Ken.
"Do you want to sit near the window or—"
"Window" nakangiting pag putol ko sa sinabi niya. Tumabi siya ng kaonti para makadaan ako. "Thanks" sabi ko pa nung tuluyan na akong nakaupo ganun din ang ginawa niya.
Ngunit wala pang isang minuto ang nakalipas ay may naaninag na akong lalaking nakatayo, at madilim na nakatingin sa amin.
"O Cassian ikaw pala? May kailangan ka? Akala ko ibang sasakyan ang susundo sayo." katulad ko gulat din si Ken nung nakita niya si Sian sa harapan namin.
"I prefer to take the bus." maikling sagot niya sabay sulyap niya sakin. "I'd like to sit here."
"O sure" nagagalak na sabi ni Ken ngunit kita ko ang pagkataranta sa mukha niya nung nalaman niya na wala na palang bakanteng mauupuan si Sian dito. May pag aalinlangan pa siya nung humarap siya sakin. "Uh Xyra" pagkasabi niyang yun ay alam ko na kaagad ang kasunod nun.
Kaya bago pa niyang tuluyang sabihin yun ay unti unti na akong tumayo, tsaka iginala ang paningin para makahanap na ng bakanteng mauupuan.
Kung minamalas ka naman oh, sa tabi pa talaga ni Leila ang natitirang bakanteng upuan. I took a deep breath, bago sana magpalit ng mauupuan. Ngunit, hindi pa ako nakakahakbang nung nag salita ulit si Sian na ikinagulat ko.
"Xyra should stay here" seryosong saad niya tsaka muli niya akong sinulyapan. But compare earlier, he is much calmer now.
Nalito si Ken nung narinig niya ang sinabi ni Sian. Kahit ako kung hindi ko lang talaga alam ang gustong mangyari ni Sian, panigurado ganitong ganito rin ang magiging reaksyon ko, katulad na katulad kay Ken.
Pabalik balik ang tingin niya samin, bago na realize niya ang sinabi ni Sian sakanya.
"Oh! Sige Cassian dito ka na umupo. Ako na dun kay Leila." tsaka peke siyang tumawa sabay tayo at ayos ng kaniyang bag "Xyra, dun na muna ako ah. Mamaya na lang ulit tayo mag usap." paalam niya, ngumiti naman ako.
Kita ko kung paano tumabi ng kaonti si Sian para mabigyan si Ken ng space na makadaan. Pagkatapos nun ay sumimangot na ako nung nakuha ni Sian ang mga mata ko. Hindi ko mapigilan na mapairap atsaka umupo ulit, umupo na rin siya sa tabi ko kalaunan.
Abala ang lahat dito, kaya hindi masyadong nakaagaw ng pansin ang ginawa niya kay Ken. O sadyang natakot na sila kanina pa dahil sa ginawa niya eroplano pa lang. Kaya siguro kahit na rinig naman nila ang ginawa niya dito sa bus, ay pinili parin nilang wag na lang itong pansinin, kesa naman pagbuntungan sila ng galit ni Sian.
"Babe, let's talk" sa mababang tono. Ramdam ko na kahit nakaupo siya ay nasaakin ang buong atensyon niya. Ngunit hindi ko siya pinansin, inabala ko ang aking sarili sa pag hahanap ng airpods ko. "Babe" he pleaded
"Cassian, we're not allowed to talk. Remember?" nasabi ko na lang.
"Why not?"
Napabuntong hininga muna ako atsaka napapikit ng mariin bago ko siya hinarap. Seryoso siyang nakatingin sa akin, na parang gusto niya na akong hilain palabas dito, para makausap niya na ako.
"Galit ako Cassian. Mamaya na tayo magusap." Kalmado kong sabi.
Natatakot ako na kapag pilitin niya akong kausapin siya ay baka mapagsalitaan ko siya ng masama, kahit hindi ko sinasadya, at dahil lang yun sa galit na nararamdaman ko. Gusto kong harapin siya kapag kalmado na ako.
He sighed "Okay, we'll talk later."
Kaya laking gulat ko nung agad siyang sumangayon sa kagustuhan ko. O baka dahil na nga sa galit ako ngayon kaya ko siya napa oo nang ganito kabilis.
Pagkakuha ko ng airpods sa loob ng aking bag ay agad ko sinuot tsaka sumandal at napapikit sa upuan. Gusto ko kasing umidlip muna , pakiramdam ko kasi ang bigat bigat ng katawan ko dahil sa pagod sa pag eempake ko ng gamit kagabi. Atsaka mukhang matatagalan pa kami bago makaalis ang bus, dahil kinukuha pa ng mga tauhan ang mga gamit namin sa private plane.
Napadilat na lang ako at napaupo ng maayos nung naramdaman ko na dahan dahan hinawakan ni Sian ang aking kamay. He even interwined our hands. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba, paano kung may makakita sa amin? Anong kapanipaniwalang dahilan ang sasabihin ko? tinangka ko sanang bawiin ang kamay ko ngunit mas lalo niya lang itong hinigpitan ang pagkakahawak.
"Cassian." Pagtawag ko sakanya, dahil nakasandal na nakapikit siya ngayon. Ngunit parang hangin lang ako sa tabi niya, hindi rinig ang pag tawag ko sakanya.
Muli kong iginala ang mata ko sa buong bus, wala paring may pumapansin samin dahil abala sila sa kanya kanyang ginagawa.
Wala na akong nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga, umupo ng tuwid , atsaka inayos ang pag kakahawak sa kamay niya. Sinulyapan ko siya ulit, I saw him smile, kahit na pikit ang mga mata.
Linapit ko ang mukha ko sa tenga niya "Diskarte mo talaga Sian" I whispered.
Mas lalo siyang napangiti sa sinabi ko, nilingon niya ako habang nakasandal parin ang ulo sa headrest.
Sunlight directed to his face, kaya ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda kulay nang mga mata niya, kung gaano ka kinis ng mukha niya, at kung gaano mas lalong pinamumukha na kahit anong anggulo ay pogi talaga siya.
Bumilis ang t***k ng puso ko, pakiramdam ko hindi na ako makakahinga ng maayos dahil sa sobrang bilis neto.
Bago pa ako matunaw sa kakatitig niya ay tinakpan ko na ang mga mata niya gamit ang kamay ko.
"Wag mo kong titigan" sabi ko pa bago ko tinanggal ang pagkakatakip ko sakanya.
Umupo ulit ako ng maayos tsaka pumikit. I heard him chuckled, as he raised his hand. Ang kamay kung saan nakahawak sa kamay ko para mabilis na mahalikan niya ito.
Ngumuso ako para pigilan ang ngiti sa ginawa
Xyra! Galit ka kay Sian. Tandaan mo.
Pero sino ba ang niloloko ko? Konting pag lalambing lang ni Sian, alam kong mawawala na tong galit ko sakanya.
"Cassian"
"Mauna na kayo, hintayin ko lang magising si Xyra. Sunod na kami." Rinig kong usapan. Sa tingin ko si Gavin ang kausap ni Sian.
Hindi ko namalayan, nakasandal na pala ako sa balikat niya nung tulog ako. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata, at ang una kong nakita ay ang mag kahawak kamay naming dalawa. Napangiti ako nung nalaman ko na suot suot niya pala ang mumurahing bracelet na ibinigay ko sakanya kahapon.
Ilang segundo pa ang nakalipas na ganun ang position namin. Me leaning on his right shoulder, while he's holding my hand tightly on an empty bus. Patiently waiting for me to wake up.
I chuckled, at dahan dahang umupo ng maayos.
"Kanina pa ba tayo nakarating? Ba't hindi mo ko ginising?" nakangiti ko siyang tiningnan
"I didn't want to wake you up" aniya sabay ayos ng nagulo kong buhok
"Sus, nagpapa good shot ka sakin no? Dahil nag tatampo ako sayo" biro ko, pero totoong nabawasan na nga ang tampo ko. Lalong lalo na't magkahawak kamay ang bungad sa akin.
He chuckled "Really, I just didn't want to wake you up. Pero kung yan ang naiisip mong ginagawa ko, sige sabihin na nga lang natin na nagpapa good shot ako sayo. Effective diba?"
"Alam mong hindi kita matiis hindi ba? Lalong lalo na't ito ang binungad mo sakin" sabay angat ng mag kahawak kamay namin ni Sian, kung saan suot niya ang bracelet.
"Well, expect me to use this everyday from now on. Hindi ko na ata to tatanggalin." aniya "Anyway, let me ask you something." biglang sumeryoso ang mukha niya sabay baba ng kamay namin
"What?" sabi ko pero may kutob na ako kung ano ang gusto niyang pag usapan namin.
"Bakit ka na galit? What did I do that made you mad?"
Umayos ako ng pagkakaupo bago ulit ignala ang mata ko sa buong paligid. Nakarating na nga kami sa resort na tutuluyan namin for this trip. At mukhang tuluyan na nga kaming iniwan ng mga kasamahan namin, dahil kami na lang talaga ni Sian ang natitira dito. Siguro ngayon na ang tamang panahon para kausapin siya, tsaka kumalma na rin ako.
"Kahit naman ata sino magagalit sa biglaang sigaw mo kanina sa eroplano Sian."
"No they won't"
"Tingin mo lang yan, paano? Eh takot kaya nila sayo. Tsaka ba't ka ba sumigaw? Eh nag bibiruan lang naman ang lahat ah."
"Like what i've said earlier, hindi nakakatuwa ang mga sinasabi nila." seryoso niyang sabi
"At teka nga, may kasalanan ka rin sakin" sabi ko sabay baling sakanya "Ba't magkatabi na kayo ni Leila kanina? Akala ko ba gusto mo tayo ang magkatabi?"
"I didn't asked her to sit besides me, umupo na lang siya bigla sa tabi ko" pag depensa niya, I tilted my head, not satisfy on what he said.
"Tapos ikaw pa tong galit dahil magkatabi kami ni Ken. Tsk" sabay bawi ng kamay ko
"Tinutukso kayo babe, I don't like it."
"Eh kayo rin naman ah, kaso walang may mag lakas loob na gawin sainyo dahil sayo. Tsaka pabayaan mo na nga ang panunukso nila. Alam naman natin ang totoo hindi ba?"
"That's why I don't want to hide our relationship, I can't promise you that I can keep my silence until the end of this trip Xyra. Lalong lalo na't tinutukso ka pa nila sa ibang lalaki." may pagbabanta akong narinig sa boses niya
I sighed "Fine! We can tell our close friends about our relationship. Me with Dana and Sage, you with Gavin and Clint. Okay?"
"Better" lumiwanag ang mukha niya nung sinabi ko yun. Muli niyang hinalikan ang kamay ko bago tumayo para maalalayan niya ako sa aking pag tayo.
Sabay kaming pumunta sa lobby ng resort, pero bago pa kami makarating ay binitawan ko muna ang kamay ni Sian.
Nandun na ang lahat, si Gavin kausap ang isang staff.
"Sian" tawag ni Clint sa kaibigan, pasimpleng sumulyap pa si Sian bago tumungo sa kaibigan para kausapin ito.
Habang ako naman ay dumerecho sa kung saan nakatayo sina Sage at Dana.
"Ah okay lang sakin kung nasa iisang room lang kami ni Sage." pag suggest ko.
Pano ba naman kasi, sa dami namin ngayon na nandito ay kinulang ang kwarto. Papano hindi mag kulang, eh isang tao isang room ang binook nila. Para daw may kaniya kaniyang privacy. Maliban na lang kina Clint at Dana na magkasama sila sa iisang room.
"What?" gulantang sabi ni Sian kaya halos lahat kami napatingin sakanya.
"Are you sure Xyra?" Gavin, while holding a piece of paper, siguro nandito nakasulat ang lahat.
"Ah oo, ayos lang samin ni Sage na sa iisang room lang kami, tsaka two days lang naman kami mananatili dito. Alis din kami ng sabay."
"Alright, ikaw Sage?" Gavin sabay tingin kay Sage "Okay lang ba sayo?"
"Oo naman" sagot naman ni Sage "Tsaka tama si Xyra, mauuna rin naman kaming aalis sainyo kaya mabuti nang nasa iisang kwarto lang kami."
"Okay, so are we good here?"
"Hell no!" Sian sabay agaw ng papel na hawak ni Gavin, mag kasalubong ang kilay niya nung binasa na niya ito. Kita ko sa mukha niya ang galit dito "Akala ko ba sinabi na sainyo kung ilan kaming pupunta ngayon? Ba't ganito?" galit na sabi niya sa isang staff.
Pansin kong napayuko ito dahil sa takot kay Sian, kita ko rin ang pag pigil ni Gavin sa kaibigan. May binulong pa si Clint kay Sian, ngunit parang wala lang itong narinig. Mariin niyang tiningnan ang staff, na konting konti na lang ay maiiyak na.
"Is this the best service that you can offer?" umiling pa ito "Well i'm disappointed."
"Sian!" hindi ko na napigilan ang sarili kong suwayin siya.
Alam kong customer kami, at may kasabihang customers is always right, pero hindi naman ata kailangan pagsalitaan ng ganito ang staff. Hindi niya naman kasalanan, tsaka pano kung makakarating ito sa head nila? Edi siguradong tanggal na kaagad siya sa trabahong ito.
At kahit kailan hinding hindi ko ata matatanggap yun. Ang liit lang ng problema para patalsikin siya dito.
Nag martsa na ako papunta sa kinatatayuan ni Sian tsaka inagaw ang hawak niyang papel bago hinarap si Gavin "Just proceed with the plan, ayos lang na magkasama kami ni Sage" mahinahon kong sabi tsaka pilit na ngumiti sakanya.
Kunot noo akong tiningnan ni Gavin, ilang beses pang pabalik balik ang tingin niya samin ni Sian bago kinausap ang kawawang staff, na kita ko kung paano pasimple niyang pinalis ang luha niya.
"What now?" sabi niya nung tuluyan ko siyang nahila palabas ng lobby
"Sian" kalmado kong sabi
"Don't tell me kasalanan ko na naman? Trabaho nila yun para alamin ang mga pupuntang bisita nila sa resort. I've been working in this industry, at alam kong hindi nila nagawa ng maayos ang trabaho nila. Confirmation lang sa customer, hindi pa nila magawa?"
"Sian, maliit lang na bagay ito, hindi mo na sana pinalaki, hindi ba't sinabi kong ayos lang sakin na mag kasama kami ni Sage sa iisang kwarto?"
"No, hindi ito maliit na bagay lang. I need to talk to their supervisor." akmang aalis na sana siya ngunit pinigilan ko ang kanyang braso
"Sian! For Pete's sake! Pwede ba?" Inis ko siyang tiningnan "Maawa ka sa staff, anong gagawin mo? Ipapatanggal mo sa trabaho agad agad? Paano kung siya pala ang breadwinner nang pamilya nila? Ano ang pagkain na maibibigay niya sa pamilya kapag pinatanggal mo siya sa trabaho?" mariin ko siyang tiningnan "Siguro maliit na bagay lang ito sainyo dahil mayaman kayo, kayo ang nasa tuktok. Pero nakikita niyo ba ang mga tao na nasa ilalim? Nag hihirap at maayos na nag tratrabaho para sainyo. Tapos maliit na pagkakamali lang na nagawa, ay walang kahirap hirap niyo tatanggalan ng trabaho? Seriously Sian? Ganitong klaseng boss ka ba?"
Kita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko, umawang ang bibig niya. Naparang may gusto sana siyang sabihin ngunit hindi niya magawa dahil sa pagkabigla. Pumikit ako ng mariin tsaka huminga ng malalim.
"Sa iisang room lang kami ni Sage, tungkol sa pag anunsyo ng relasyon natin sa mga kaibigan ay ikaw na bahala kung anong oras, tawagan mo na lang ako." sabi ko na lang bago ko siya tinalikuran papasok ulit ng lobby.