"Let's tell them." seryoso niyang sabi bago niya sana ako hilain ulit papasok sa dinning area, ngunit agad ko siyang pinigilan. Kunot noo niya akong sinulyapan.
"Babe." dalawang kamay ko na ang nakahawak sa kaliwang kamay niya para pigilan ito.
Pumikit siya tsaka napabuntong hininga, sa pag kakataong ito alam kong pag bibigyan niya ako sa gusto kong mangyari
"Alright, tatawagan ko na lang sila na pumunta sa kwarto ko pagkatapos nilang kumain. Habang wala pa sila, tatawag na rin ako sa front desk, para ipagluto ka ng dinner. Dahil alam kong ilang oras ka nang walang kain."
Akmang tatanggi sana ako sa kagustuhan niyang umorder ng pagkain namin, kaso saktong nag wala ang sikmura ko kaya napahawak ako sa aking tiyan atsaka dali daling umubo para pag takpan sana yun kaso mukhang huli na ata ako.
"Wag ka nang tumanggi love, dahil tinatawag na ako ng mga alaga mo oh." biro pa nito bago niya ako hinila papunta sa suite noya
Agad niyang tinawagan ang mga kaibigan nung nakapasok na kami sa suite, hindi ko nga lang mainitindihan ang mga sinabi niya dahil mandarin ang gamit niyang langguage. Pagkatapos ng tawag ay tumungo siya sa desk kung saan nakalagay ang isang hotel telephone.
Habang abala siya sa telepono, inabala ko naman ang sarili ko pagmasdan ang suite niya. Kasing laki ng suite namin nina Dana at Sage ang suite ni Sian. Ang pinagkaiba lang ay siya lang mag isa ang may ari nito, habang tatlo naman kami sa kabila.
Kung dito na lang kayo ako matutulog mamaya? Tutal malalaman naman ng mga kaibigan namin ang totoong relasyon namin ni Sian, hindi naman siguro weird na tabi kaming matulog ni Sian hindi ba?
Tsaka tabi lang, wala ng iba pa. Siguro manunuod kami ng Netflix mamaya
Yun lang ba talaga ang gagawin namin?
I hurriedly shaked my head, hoping to erase all the naughty thoughts that I have in mind. Pinaypayan ko pa ang mukha ko gamit ang kamay, dahil ramdam ko ang pag init neto. Kahit na naka on naman ang aircon nang suite.
"Hello this is Sian, i'd like to order two pepper steak. Room 355, medium. Charge it in my room. Okay. Thanks" rinig ko mula kay Sian tsaka tumayo ulit nung binaba niya ang telepono.
Makisig niyang nilakad ang distansya namin. Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan niya, at kahit ilang beses ko na sabihin ito. Sobrang ganda talaga ng katawan niya, hindi masyadong malaki, hindi masyadong payat. Talagang saktong sakto lang ang hubog ng katawan niya sa kaniyang tangkad.
Idagdag mo pa na kahit anong anggulo sobrang ganda ng mukha niya, nakadagdag sa aura niya ang pagkasuplado niya.
Clint was my first crush nung nakauwi ako dito sa Pilipinas. Pero ibang iba ang naramdaman ko nung nakilala ko si Sian.
Siya ang taong hindi ko kailan man akalain na mag kakagusto pala ako sakanya ng husto. To the point na kaya kong isugal ang lahat ng mayroon ako para sakanya.
"Our friends are coming, tapos na silang kumain nung——-" hindi niya na tapos ang dapat niyang sasabihin nung biglang may nag doorbell. "Nandito na pala sila" rinig kong sabi niya bago tumungo sa pinto para pag buksan ang mga kaibigan.
Kaya naman habang nakatayo ako dito, ramdam ko ang pag bilis ng t***k nang puso ko, takot na baka hindi nila tanggap ang relasyon namin ni Sian.
"What is it dude? Gaano ka importante ang sasa——" nahinto ang dapat sabihin ni Gavin nung nahanap niya ako sa loob ng suite ni Sian. "Xyra?" gulantang sabi niya.
Pilit akong ngumiti tsaka ramdam ko ang panginginig ng kamay ko nung inangat ko yun para batiin sila
"What are you doing here?" aniya "Inside Sian's suite?" taas ang isang kilay niya nung nilingon ang kaibigan.
"Hindi totoo ang iniisip mo Gavin" seryosong sabi naman ni Sian sa kaibigan.
Kita ko ang gulat na mga mukha ng tatlo nung napansin na nila akong nakatayo sa loob.
Agad akong nilapitan ni Sage nung nakabawi na
"akala ko restroom? Ba't ka nandito sa kwarto ni Cassian?" bulong niya sakin habang nilalayo ako ng kaonti kina Sian
"Walang may nangyari" alam ko ang tumatakbo sa isipan ni Sage ngayon kaya ko sinabi ito
"Dapat lang, dahil malaking eskandalo ito kapag nakabuo kayong dalawa" sabi pa niya sabay kurot ng tagiliran ko.
"Aray Sage, masakit" reklamo ko ngunit pinadilatan niya lang ako ng mata.
"Akala ko ba iiwasan mo si Cassian? Anong nangyari? Ba't kinain mo ata ang sinabi mo?"
"I have something to say." sabay si Sian atsaka si Sage nag salita, kaya hindi ko na nasagot ang huling sinabi ni Sage
Ramdam ko na kumalabog ang dibdib ko, nakailang boyfriend na ako, ngunit ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganito. Siguro dahil kahit na isang araw pa lang kami na mag jowa ay ramdam ko kung gaano ka seryosos si Sian sa akin, ganun din naman ako sakanya. At ngayon lang talaga ako nakipag relasyon sa circle of friends ko.
Iba ata talaga ang tama ko kay Cassian.
Nakaupo sa bed ang tatlo, habang si Sage naman ay nakatayo sa tabi ko, tahimik silang apat na nakikinig sa sasabihin ni Sian. Kita ko ang pag sandal ni Sian sa pinto, sabay lagay ng dalawang kamay niya sa loob ng kanyang bulsa
"Xyra and I are in a relationship" walang paligoy ligoy na sabi ni Sian sa mga kaibigan. Ako lang ata ang kinakabahan sa pag amin namin ngayon.
Pawang ang pagsamid ni Sage sa sariling laway lang ang narinig nung inanusnyo na ni Sian ang relasyon namin. Kaya dali dali kong hinagod ang likod ni Sage.
Naging seryoso ang mukha nina Gavin at Clint, pansin ko rin na mula sa seryosong mukha mas umaangat ang pag aalalala sa mukha ni Dana. Na para bang may dapat akong ikakatakot.
Ilang saglit ang nakalipas bago nag salita si Gavin, sabay tayo para lapitan si Sian. Kunot noo akong nakikinig sa usapan nila, ngunit kahit anong tangka kong marinig yun ay hindi ko maintindihan dahil nag sasalita sila ulit ng chinese.
Paminsan minsan rin sumasagot si Dana, at nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin. Pilit siyang ngumiti sakin nung nag tama ang mga mata namin.
Mas lalo akong kinakabahan sa inaasta nila ngayon, may dapat ba akong pag handaan? Hindi ba sila sangayon sa relasyon namin ni Sian? May dapat ba silang itago saakin? Dahil kung wala, bakit kailangan pa nilang gumamit ng isang langguage na hindi ko maintindihan. Kahit na alam ko naman na tungkol sa relasyon namin ang pinaguusapan nila.
Habang seryosong kinakausap ni Sian ang kaibigan, unti unti niyang nilakbay ang pagitan namin, tsaka hinawakan ang kamay ko para hilain ako papalapit sakanya.
"Sian may problema ba?" I curiously asked
Nilingon niya ako tsaka marahan na pumikit sabay ngiti "Wala" he calmly said then he kissed my forehead.
I tilted my head, hindi kumbinsido sa isinagot niya sa akin
"May dapat ba akong malaman Sian?"
"There's nothing to worry love" nung sinabi niya ito ay agad kong iginala ang mga mata ko sa buong silid. Trying to read the atmosphere.
Clint and Gavin is still talking, while Dana ngumiti siya sa akin nung nahuli niya akong nakatingin sakanya, katabi niya na si Sage. Masama ang kutob ko
"Love" pag agaw niya ng atensyon ko sabay hila ng braso ko ng marahan para harapin ko siya. "Nagulat lang ang mga yan dahil ikaw ang kaunaunahang babae na pinakilala ko sakanila bilang girlfriend ko"
"First?" litong tanong ko "you're lying Sian" natatawa pa ako, paanong maging first eh ilang taon na si Sian ngayon, tsaka idagdag mo pa ang mukha niya, kahit suplado siya maraming babae parin ang magkakagusto sakanya.
"Hindi ako nag gigirlfriend love"
"Fling?"
He chuckled and touched the tip of his nose, base sa ipinapakita niyang reaksyon, tama ang hinala ko. Tumango tango ako. A thought that concluded in my mind.
"So you're into fling type of relationship. One night stand man perhaps? No cuddle after f**k?"
"Love! What the——" bulalas niya na ikinataka ng mga kaibigan, humalakhak ako dahil sa mukha niya, hindi makapaniwalang na sabi ko yun ng walang preno sa harapan niya.
"Tsk" ngumuso ako para pigilan ang ngiti ko.
Tumunog ang doorbell ng suite, si Sian ang nag bukas neto, habang ako naman ay umupo sa bed katabi ni Dana.
"Sorry about my reaction Xyra, it's just that" Dana sabay lingon kay Sian na ngayon ay may bitbit na tray ng pagkain. "Ang hirap kasi paniwalaan na may ipinakilala na girlfriend niya si Sian, and we all know that his parents wanted him to marry someone they want."
yumuko ako, dahil ito ang isa sa rason kung bakit ako nag dalawang isip na makikipag relasyon kay Sian.
Hinawakan ni Dana ang kamay ko, trying to comfort me. "Maybe Sian is really inlove with you Xyra." unti unti kong inangat ang aking tingin sakanya, ngumiti siya "Kilala si Sian bilang magalang at masunuring anak sa mga magulang. Kaya kung niligawan ka niya, ibig sabihin nun mahal ka niya ng totoo, kahit na may posibility na hindi ka matatanggap ng pamilya niya, niligawan ka parin niya. But i'm sure Sian will protect you from his family."
Kumalabog ang puso ko dahil sa takot, takot na dumating ang panahon na ipakilala nga ako ni Sian sa pamilya niya.
Dana chuckled "Tita Cheska is cool, I guess madali kayong mag click nun." pahabol pa niya, pilit na lang akong ngumiti.
Hindi nag tagal tinawag muli ako ni Sian para kumain, ayaw ko pa sana dahil wala nga akong gana, at nag simula nang dumaldal ulit si Sage kaya napapasarap ang kuwentuhan namin. Kaso hindi na maipinta ang mukha ni Sian kaya kalaunan pumayag na ako sa gusto niya.
Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti dahil nalaman ko pa na mag kakaroon ng pool party mamaya, kaya excited na excited akong pumarty.
Habang kumakain kami ni Sian ng dinner sa suite niya ay nauna na ang tatlo sa pool, dahil mula dito rinig na rinig ang musika na nanggaling sa pool. Kaya kating kati silang lumabas ng kwarto, at hindi na nila ako hinintay pang matapos kumain
Pagkatapos nun ay inaya ko si Sian papunta sa aming suite, syempre hindi ako papayag na dumalo sa isang pool party nang hindi nakasuot ng bikini. Ayaw pa sana ni Sian, gusto niyang dumerecho na lang dun sa pool dahil okay naman daw sa party ang suot kong romper shorts. Pero matigas ang ulo ko, kaya sa huli napabuntong hininga siyang sumangayon sa akin.
Hinintay niya ako sa labas ng suite hanggang sa nakapag bihis na ako, agad niyang sinuri ang buong katawan ko nung nakalabas na ako.
Wearing a maroon bikini top and a see through trouser ang suot ko. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko sa kung paano niya ako tinititigan.
"Uhmm, ayaw mo ba? Should I change?" malungkot kong tanong.
Mas mabuti nga siguro kung sinunod ko ang kagustuhan niyang dumerecho na lang kami kanina sa pool, hindi na dapat ako nag abala pang mag bihis. Nakalimutan kong parati siyang nagagalit sa tuwing kulang nang tela ang suot kong damit.
Nanatili siyang tahimik nakatayo, akmang papasok na sana ulit ako sa suite namin, kahit imposible iniisip ko na rin kung may naligaw bang rash guard sa maleta ko. Yun na ang susuotin ko, kahit na hindi ako kumportable dun.
"Where are you going?" Sian sabay hawak sa palapulsuhan ko.
"Uhmm, mag papalit ng damit." sabi ko tsaka tinuro pa ang pinto ng aking suite.
"Why?" kunot noo niya akong tiningnan
"You don't like my outfit right? Wait lang mag hahanap ako ng medjo conservative na damit sa loob"
Imbes na bitawan niya ako at hayaan na makapasok ulit sa suite, laking gulat ko nung yinakap niya ako. Parang naging isang yelo ako, hindi magawang gumalaw dahil sa pagkayakap niya sakin.
Ramdam ko pa ang pag halik niya sa tuktok ng ulo ko.
"No need to change love, as long as you're comfortable wearing it."
"Are you sure?" Tanong ko kahit na alam ko na ang isasagot niya, gusto ko lang makasigurado.
"Hmm" taas ang dalawang kilay siyang tumango.
After that, he effortlessly snaked his arms around my waist and started to walk.
Nung makarating na kami sa pool area ay agad akong namangha. May maliit na stage kung saan tumutugtog ang dj, tsaka may mini bar din dito.
"Ba't ngayon lang kayo?" Salubong kaagad samin ni Sage sabay abot ng tig iisang cocktail. Halatang naparami na siya ng inom dahil hindi na gaanong makatingin ng derecho sa mga mata ko. Tsaka pansin ko rin ang pamumula ng upper body niya.
"Lasing ka na?" Bulalas ko,
"Of course not! Ako pa ba?" aniya "Halika nga dito" sabay hila na ikinagulat ko. Nilingon ko si Sian ngunit isang kalmadong ngiti at tango ang ibinigay niya sa akin. Katabi niya na sina Clint and Dana, Gavin with two unknown ladies on his side.
"Enjoy the night, if you need something nandito lang ako." Sian
Kaya ngumuso akong tumango sakanya. Lumapit na rin si Dana sa kinatatayuan namin ni Sage, iniwan si Clint kausap na kausap si Sian.
"Hindi magagalit si Sian kapag lalasingin kita mamaya hindi ba?" Sage sabay ngumisi na parang may masamang balak.
"No, pero tingnan natin kung kaya mo akong lasingin." I smirked while his jaw dropped when I challenged him.
"Ikaw Dana, magagalit ba si Clint?" Sage sabay baling kay Dana.
"Hindi, as long as kasama ko siya."
"Okay, mabuti naman at nag kaalaman tayo, ayaw kong masuntok ako ng mga boyfriend niyo no? Lalong lalo na't bibilisan ko ang pag bibigay ko ng inumin sainyo." He grin, tsaka tumayo siya sa gitna namin ni Dana para pareho kaming akbayan tsaka hinila papunta sa minibar.
"Cheers! Dahil may nabingwit na isda na si Xyra sa dagat" Sage habang tinataas ang hawak niyang margarita.
Natatawang tinaas na rin namin ni Dana ang hawak naming shot glass para makipag cheers kay Sage.
"Alam mo Xyra, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na magkakaroon ng girlfriend si Cassian." si Dana naman ang nag salita, sabay sulyap kina Sian na nasa isang high table malapit sa amin.
Kaya naman napasulyap na rin ako sa kinaroroonan nila. Nahuli ko kaagad ang mga mata ni Sian na nakatingin sa akin, kaya naman nginitian ko siya, bago ko binalik kina Dana ang atensyon.
"Kahit kailan, hindi yan nag aaya o sumasama samin pumunta ng bar, ngunit these past few days napapadalas na ang pag aya niya sa amin. May kutob ako na dumidiskarte siya sa isang babae, ngunit hindi talaga pumasok sa isipan ko na ikaw pala ang babaeng yun."
"Ay ako, matagal ko nang napapansin ang dalawang yan" Sage tsaka tinaas baba niya ang kilay niya sakin.
"Cheers?" ang nasabi ko na lang sabay angat muli ng aking shot glass. Wala naman kasi akong may isasagot pa sakanila. Hindi ko naman pwedeng itanggi ang kung anong meron kami ni Sian dahil umamin na rin naman kami sakanila.
Siguro kahit napili naming itago parin ang relasyon, malalaman at malalaman parin nila kalaunan. Sa kung pano kami makikitungo sa isa't isa ni Sian.
"Cheers! Ang ganda mo!" Sage sabay mahina niyang hinila ang buhok ko pababa
"Oy! Sumusobra ka na ah" reklamo ko
"Nakakainggit ka! Kayo!" pahabol niya "Anong sikreto niyo ni Dana? Na ganyan ka gwapo at ka hot ng mga boyfriends niyo? Prayer reveal naman diyan, para lahat tayo happy."
Nagkatinginan kami saglit ni Dana tsaka sabay na humalakhak. Sage is drunk, pero kahit na lasing na siya ay patuloy ko parin siya binibigyan ng alak. Malapit lang naman kasi dito ang kwarto namin kaya hindi mahirap ang pag liligpit sakanya.
Habang patuloy kami sa pagkwekwentuhan, hindi ko mapigilan ang pag sulyap ko kay Sian. Nahuhuli ko pa nga na may mga babaeng nag tatangka sakanila na kumausap. Ngunit dedma sila ni Clint. Para bang sobrang seryoso ng pinaguusapan nila na kahit isang tango lang sa babaeng nandun ay hindi pa nila magawa. Pawang si Gavin lang talaga ang pumapansin sa mga babaeng ito.
"Let's dance!" Agad na na agaw ang atensyon ko ni Sage nung bigla siyang sumigaw.
Kahit nahihirapan siya ay hinila niya na kami papunta sa dancefloor. Alam ko na kung paano sumayaw si Sage, dahil parati ko siya kasama. Ngunit si Dana mukhang na culture shock pa ata samin.
Hindi makasali sa sayaw, dahil ang lokong Sage sinasadyang nilalapit sakin ang likod niya. Kahit anong hawak ko sa likuran niya para mapigilan ko siya ay hindi ko magawa dahil sobrang bigat niya. He is swaying his body towards me, na para bang siya talaga ang babae at ako ang lalaki. Kaya hindi ko mapigilan ang halakhak ko. Lasing na talaga ito.
"Xyra!" may biglang sumulpot na lalaki sa harapan namin kaya nahinto sa pag sasayaw si Sage atsaka tumayo ng tuwid.
"Greg!" biglang nanlaki ang mata ko nung nakit ko ang kasama niya "Janna" I immediately hugged her. "Comment ça va?"
Janna is my schoolmate, kaya ko nakilala si Greg
"I thought Greg was lying earlier when he said that he saw you." Janna
"Who would have thought that I can meet you here?" nakangiting sabi ko
Hindi kaluanan, pinakilala ko hlit sina Sage at Dana sakanila, kita ko ang pag kislap muli ng mga mata ni Sage nung may lumapit pa na mga kaibigan nina Greg at agad kaming pinakilala dito.
Habang tumatagal ang usapan namin dito sa gitna ng dancefloor, doon ko lang na realize kung gaano ko rin pala na miss ang mga kaibigan ko sa Paris. Kaya laking tuwa ni Janna nung nalaman niya na uuwi ako next week, pinangako pa niya na magkakaroon siya ng house party sa bahay nila para saakin. At para narin magkikita kita ulit kami ng mga kaibigan ko dun. Hindi niya na rin kasi maalala kung kailan ang huling party nila kasama ang mga kaibigan.
Nakaramdam ako ng excitement dahil dun, at isa pa ipapasyal ko rin si Sage sa ikalawang tahanan ko.
Dahil palalim na palalim na ang gabi, napaparami na ang inom namin dito kahit na nakatayo kami dito sa gitna ng dancefloor, dahil panay parin ang order nina Greg ng inumin. Idagdag niyo pa ang ingay ng musika, LED light, at ang pag aalog sakin ni Sage. Parang umiikot na ang paningin ko. Hindi ko nga maalala na kung kailan nakalapit ang isang kaibigan ni Greg sakin.
Umatras ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ako kumportable, pansin ko rin kasi ang pasimpleng sulyap niya sakin mula ulo hanggang paa. Pilit na lang akong ngumiti sakanya nung mag tama ang mata namin.
Muli akong napaatras nung nakita ko siyang lumapit, dahil nga umiikot na ang paningin ko atsaka medjo nahihirapan na akong tumayo ng tuwid, nawalan ako ng balanse pag atras na pag atras ko. Buti na lang may sumalo kaagad sa akin, hinawakan niya ang mag kabilang braso ko para maalalayan ako.
"Are you okay?" nag aalalang tanong niya saakin habang hawak hawak parin ang braso ko.
I automatically smiled and faced him. Slowly wrapped my arms around his neck.
"Hey handsome." I used my flirtiest voice when I said that.
Mariin niya akong tiningnan, dinilaan ang pang ibaba niyang bibig bago napailing. Dahan dahan niyang pinalupot ang mga kamay niya sa bewang ko.
"Xyra? Do you know him?" biglang tanong ni Janna, kaya naman napatawa ako at binitawan ang pagkakahawak ko kay Sian para harapin sila .
"Guys i'd like you to meet Cassian my boyfriend" nakangiting pakilala ko sabay hawak sa kamay ni Sian. Kita ko ang gulat sa mga mukha ng kaibigan "Greg and Janna mga kaibigan ko nung nag aaral ako sa Paris."
Si Sian mismo ang unang nakipagkamayan sakanila para pormal na ipakilala ang sarili. Pansin ko na tumagal ang tingin ni Sian sa lalaking lumalapit sa akin.
Hindi nag tagal ay umalis na sina Greg at Janna kaya naman hinila na ako ni Sian sa high table nila. Wala na dun sina Clint at Dana. Si Gavin naman ay kita kong naliligo sa pool kasama nung mga babae niya. Habang si Sage naman ay bumalik na sa minibar, may kausap na rin.
Agad na pinalupot ulit ni Sian ang kamay niya sa bewang ko kaya napahawak ulit ako sa batok niya. Nilaro laro ko pa ang buhok niya.
Tahimik niya akong tinititigan, pagkatapos ay unti unti niyang inangat ang kanyang kamay para ayusin ang takas kong buhok.
"Hindi ka ba giniginaw?" he asked, na agad naman akong umiling, tsaka dahan dahan ko siyang yinakap. Ramdam ko rin ang pag ayos niya ng kanyang pagkakayakap sa akin.
Pumikit ako para mapakinggan ng mabuti ang t***k ng kanyang puso. Simula ngayon, Sian's heartbeat is my favorite lullaby. I found my home in his arms, I found my happiness.
___________
Comment. Vote. Share. BeAFan
Belle❣️