"Tita, La andito na kami." ani ni Ashton ang pinsan ni Sage na sumundo sa amin sa Mactan Airport kanina. Habang nauuna siyang pumasok sa kulay red na gate. Sunod neto ay si Sage, pagkatapos ay ako atsaka si Sian.
Sumama samin si Sian papuntang Cebu, nalaman na lang namin kanina na gusto niya palang sumama samin. Madaling araw pa lang kanina ay tapos na kaming mag ayos ng aming sarili papuntang port ng Amanpulo kung saan nag hihintay ang chopper sa amin papuntang Puerto Princesa. At mula doon, derecho Cebu na.
Ngunit, laking gulat namin pareho ni Sage nung nakita namin si Sian, nakaupo sa lobby ng resort at bihis na bihis na, tumayo siya nung nahagip niya kaming papunta sakanya.
"Good morning" bati pa neto sabay hawak sa bewang ko para hilain ako papalapit sakanya at pinatakan ng halik ang aking noo. Napapikit ako sa ginawa.
"Good morning, ang aga mo ata?" tiningnan ko siya bago napunta sa bag na nakapatong sa sofa ang aking mata.
Don't tell me?
"Sasama ako sainyo papuntang Cebu."
"Sinasabi ko na nga ba." Sage
"Huh? A-anong sasama ka sa amin?" kunot noo ko siyang tiningnan "May meeting ka dun?"
"Ah no" umiling siya "Sasama ako kung saan kayo pupunta ni Sage?"
Kahit nasa kay Sian ako nakaharap, kita ko parin kung paano napasapo ng kanyang noo si Sage sa gilid ng aking mga nata.
"Bakit?"
Parang hindi pa gumagana ang utak ko sa nga sinasabi ni Sian. Hindi ko alam kung kulang ba ako sa tulog ngayon, hangover pa o dahil madilim pa ang kalangitan sa labas. Pero hindi mag sink in sa utak ko ang sinasabi niya.
"Gusto kitang makasama."
"Bakit nga?" nanatili ang mga mata ko sakanya, trying to digest all the things that he said. "P-pano ang mga kaibigan mo dito?"
"Malaki na sila, kaya na nila ang kanilang mga sarili." Aniya sabay lingon kay Sage kaya napalingon na rin ako. "Can I come?"
"Maliit lang ang bahay namin, at ancestral home yun kaya malamang marami kaming kamag anak na nandun, baka masikipan ka atsaka wala kaming aircon."
Sa tingin ko lahat na nang dahilan na pwedeng mapaatras kay Sian ay sinabi niya na. We both know that Sian doesn't like to be associated with the crowd, lalong lalo na't hindi nito kakilala.
"I don't mind" Sian sabay baba ng kamay niya, slowly claiming my hand "As long as i'm with Xyra, i'm fine with anything." mas lalo niyang hinigpitan ang pag kakahawak niya ng kamay ko.
Para namang tambol ang sinabi niya sa aking pandinig, parang ngayon lang ako nagising nang tuluyan sa sinabi niya.
"You'll be away until this break ends" Sian talking to me, hindi ako nag salita, tahimik kong hinihintay ang sunod na sasabihin "Kaya hanggang nandito pa kayo, i'll stick besides you."
Eversince, being clingy is one of my major turn off sa lahat ng mga nagiging ex ko, kaya walang kahirap hirap ko silang hinihiwalayan kinabukasan.
Pakiramdam ko kasi, we won't grow individually if we'll be together 24/7, atsaka nasasakal ako kapag bantay sarado ako ng boyfriend ko noon.
But in Sian's case it's different, I hate to admit it but mas nagustuhan ko ang kagustuhan niyang sumama samin ngayon para makasama niya ako. Kahit na alam niyang there is a possibility that all through out this trip magiging uncomfortable siya sa paligid. Ngunit sumama parin siya sa amin.
"I'm not sure if there's an inn or a hotel that can suit your standard, pero pupwede na rin na doon ka manatili——"
"I'm fine with anything Sage" putol ni Sian "Kahit sa sofa niyo na ako matulog." he chuckled
"Weh?" hindi makapaniwalang sabi ni Sage sabay taas ng isang kilay niya
"Try me" hamon pa ni Sian.
Sage smirked "Ang magagawa nga naman nang pag-ibig sa isang tao. Nakakainggit kayo." sabay irap samin tsaka nag lakad papalabas ng lobby.
Ngumuso ako para hindi tuluyang ngumiti, habang si Sian naman ay pansin ko ang pamumula ng kanyang tenga and he pinched his nose.
Ang bahay nina Sage ay mayroong dalawang palapag, 1st floor is made of concrete while their 2nd floor is made of wood. May maliit na terrace sa taas, at ang mga bintana nito ay sliding wood window.
Hindi malaki, hindi rin maliit ang ancestral home nila, tamang tama lang ang sukat para sa isang pamilya. Ngunit malawak ang kanilang lupain, maraming bulakak at iilang puno ang nakatanim sa hardin nila Sage.
"Mabuti at nakauwi ka na dito apo." Bati saamin ng isang may katandaan na babae, suot ang kulay pula na daster at may hawak na sungkod. Sa tingin ko siya ang lola ni Sage.
Agad nilapitan ito ni Sage para abotin ang kamay ng kanyang lola para mag mano.
"Kaawaan ka ng diyos apo" sabi ng kanyang lola,
"La mga kaibigan ko pala. Sina Xyra at Cassian." Sage
"Magandang umaga po lola. Ako nga po pala si Xyra." magalang na pakilala ko sa aking sarili tsaka dahan dahan ring inabot ang kamay nang lola ni Sage para mag mano.
"Kaawaan ka ng diyos hija." Lola
"Good morning i'm Cassian." nag mano din si Sian na ikinagulat namin pareho ni Sage, ngunit agad naman natawa dahil pansin ko ang pagiging awkward niya nung ginawa niya yun. Halatang hindi niya ito nagagawa kahit kailan.
"Kaawaan ka ng diyos hijo." Lola tsaka bumaling siya Sage "Nakakain na ba kayo apo?"
"Hindi pa po la." Sage sabay hawak sa braso ng matanda para maalalayan ito.
"Oh siya, halina kayo sa loob, may nakahanda nang pagkain para sainyo."
Pagkapasok namin sa bahay nila ay may iilan kaming babae nakita nakaupo at nag uusap usap sa living room, maraming tao halatang kamag anak lahat ni Sage. Panay naman ang tango, ngiti at bati ko sa tuwing nahuhuli ko silang nakatingin samin.
"Sila papa at mama la, asan sila?" Sage nung nasa harap na kami ng hapag.
"Nandun sa tindahan, may binili lang hayaan mo baka pauwi narin sila" Lola
Tahimik kaming kumakain ni Sian, habang si Sage at lola ay panay ang kwentuhan. Patapos na kaming kumain nung may isang ginang ang lumapit.
"Ma" Sage sabay tayo para halikan ang kanyang mama tsaka nag mano rin pagkatapos. Kita ko kung gaano kasaya ang kanyang mama nung nakita niya ang kanyang anak.
Sage's mom is beautiful and young looking. Hanggang balikat at straight na straight ang kanyang buhok.
Nakatayo narin kami ni Sian para batiin ang mama ni Sage
"Mabuti at nakadalaw kayo dito hija, hijo." Sage's mom referring to us.
"Siya po ma ang tinutukoy kong kaibigan na galing France." Sage agad na tumango tango ang mama niya
Ngumiti ako sabay abot ng kamay nang mama ni Sage para mag mano.
"Magandang araw po tita."
"Magandang araw din, kinukuwento ka nga netong anak ko sakin parati. Hindi ka ba inaaway ng anak ko?" Biro pa niya sabay baling sa anak.
I chuckled "Ah hindi naman po."
"Mabuti kung ganon. Kapag inaway ka neto, isumbong mo sakin, ako na ang bahala."
Tumango ako na natatawa parin. Pagkatapos ng kaonting usapan kasama ang mama ni Sage ay umakyat na kami para tingnan ang kwarto kung saan kami matutulog ngayon.
Simple ang kuwarto, wala masyadong palamuti sa loob, single bed, electric fan at wooden cabinet lang ang mayroon. Halatang walang gumagamit nang silid na ito. Sinadyang pinalinisan lang ngayong araw para sa okasyon.
"Mamayang gabi gusto niyo bang pumunta ng perya?" Sage na nakaupo sa kama
Alam kung ano ang perya, ngunit kahit kailan hindi pa ako nakakapunta doon.
"Sige ba, hindi pa ako nakakapunta doon." Nakangiting sabi ko sabay upo sa tabi ni Sage
"What's perya?" kunot noong tanong ni Sian sabay linga ng buong kwarto.
Kanina ko pang napapansin ang katahimikan ni Sian simula nung makarating kami, halatang out of place na talaga siya dito. Ang cute niya tingnan. Sarap kurutin.
"It is a Philippine version of carnival, ngunit tuwing may piyesta lang sila matatagpuan. Maraming rides at games dun." aniya "Nandun sa plaza, kung napansin niyo kanina nung dumaan tayo."
May nakita nga ako dun kanina sa plaza, ngunit hindi ako sigurado kung perya ba yun o hindi, dahil hindi pa ako nakakapunta sa ganung lugar kahit kailan.
Kaya nakaramdam ako ng excitement nung sinuggest ni Sage ang pag punta namin doon mamaya.
Ilang saglit ang nakalipas ay lumabas na si Sage sa kwarto, kaya kami na lang ni Sian ang natira. Agad siyang nag lakad papunta sa akin kaya umusog ako para bigyan siya ng space.
"Are you okay?" nag aalalang tanong niya sakin
"Huh? I'm okay" naguguluhan kong sagot "Ikaw dapat ang tatanongin ko kung ayos ka lang ba?"
He licked his lower lip, kita ko rin ang pag ngiti niya pagkatapos "I'm fine"
He then slowly wiped my forehead "sorry I didn't bring my portable hand fan." Sabi pa nito habang ang buong atensyon niya ay nasa noo ko.
Ngumuso ako, hindi talaga ako naiinitan pero ewan ko ba kung bakit parang gripo kung tumulo ang pawis ko ngayon. O baka dahil sa suot ko. Naka tshirt at maong pants kasi ako ngayon, balot na balot ang katawan. Sana pala nag sleeveless ako tsaka shorts.
"Turn around first." He commanded
Kahit litong lito ako sa sinabi niya ay sinunod ko ang kagustuhan niya. Tumalikod ako sakanya, laking gulat ko nung naramdaman ko ang pag pasok ng kamay niya sa loob ng shirt ko. Bahagya akong lumayo sakanya dahil sa gulat.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, parang nakalimutan ko na kung pano huminga ng tama. Don't tell me, he wanted to do it, in this room at sa puder pa talaga nina Sage. Pero papayag ba ako? Handa na ba ako para rito? Naka lock ba ang pinto? Sabay baling sa pinto ng kwarto para tingnan kung naka lock nga. Napasinghap ako ng wala sa oras, nakakahiya. Paano kung biglang bumalik si Sage at mahuli kami sa ginagawa?
"S-Sian" nauutal kong sabi. Hindi parin bumalik sa normal ang pag t***k ng puso ko.
"Sorry did I scare you?" hinawakan niya ang dalawang braso ko, naramdaman ko rin ang paglapit ng mukha niya sakin para masulyapan niya ako. Napapikit ako ng mariin tsaka pinigilan ang pag hinga ko.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa o para saan ito pero yun ang naging reaksyon ko sa biglaang galaw niya. Parang tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan
"I just wanted to put a towel on your back, pawisan ka. Baka magkasakit ka kapag hayaan nating matuyuan ka ng pawis sa likod."
Unti unti kong minulat ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Napalitan nang kahihiyan ang buong katawan ko. Gusto kong umpugin ang ulo ko dahil sa kahihiyan. Ba't naisip kong gawin ni Sian yun sa akin? At ba't parang papayag ako kaagad sakanya kapag yayain niya ako?
Fudge Xyra?
But what's wrong with that? It is also a way to express your love for someone right?
"Babe?" mahinahong tawag niya sakin.
Agad akong umiling, para bumalik sa tamang pag iisip ang utak ko.
"Sorry Sian may sinasabi ka?"
"I'm asking, kung okay lang ba sayong lagyan ng towel ang likod mo? Puno ka ng pawis."
Hindi ko pa siya tuluyang nilingon ay ramdam ko na kung gaano kalapit ang mukha niya sa mukha ko. Na para bang kaonting galaw o tingin ko lang sakanya ay mahahalikan at mahahalikan namin ang isa't isa.
"Uhmm oo okay lang. Thank you."
"Alright" sabay patak ng halik sa pisngi ko bago siya umupo ng maayos.
Ba't sa pisngi lang?
Ngumuso ako. Muling pinigilan ko ang aking pag hinga nung naramdaman ko ang pag pasok ng kamay ni Sian sa likod ko. Pinunasan niya muna ito ng ilang beses bago tuluyang pinwesto ng maayos ang towel sa likod ko.
Hindi ko alam pero parang tumaas lahat ng dugo ko sa pisingi. Sobrang init tsaka sigurado akong sobrang pula na nang mukha ko.
Nakahinga ako ng maluwag nung inalis niya na ang kamay niya sa likuran ko. Haharapin ko na sana siya ngunit bigla siyang nag salita.
"Wait i'm not done yet." sabi pa nito.
"Huh? Anong ginagawa mo?" sabi ko nung naramdaman kong hinawakan niya ang buhok ko tsaka sinusuklay suklay gamit ang kaniyang kamay.
"Wag malikot babe, i'm having a hard time here." seryosong saad niya na ikinataka ko.
Panay parin ang pag suklay niya sa buhok ko. Hindi ko alam kung sinusuklay niya lang ba ako o pasimple niya akong sinasabunutan ng buhok. Parang tanggal na nga ang iilang buhok ko sa ginagawa niya. Hindi ko naman magawang mag reklamo.
"Aww" mahinang reklamo ko tsaka pumikit nung inipit niya ang buhok ko.
"There"
Kinapa ko kaagad ang buhok ko para malaman kung may buhok pa ba ako o ano ang ginawa niya dito. Pero nung kinapa ko yun ay may naramdaman akong matigas.
Agad akong tumayo at tumungo sa wooden closet kung saan may nakalagay na salamin.
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nung nakita kong may metal hair clamp claw na sa buhok ko. Medjo magulo ang buhok ko at wala sa ayos, but thinking that Sian did this for me made my heart fluttered. Parang kinikiliti ako dahil sa kilig na nararamdaman.
Sinulyapan ko siya sa pamamagitan ng salamin, kita ko na nasa buhok ko parin ang kanyang paningin. Kunot noo, halatang kahit siya hindi nagagandahan sa ginawa niya.
Nakangiting hinarap ko siya tsaka nilakad ang distansya namin. Agad akong umupo sa legs niya at pinalupot ang braso ko sa leeg niya. Ramdam ko ang pag hawak niya sa bewang ko para maalalayan niya ako, umayos pa nga siya ng upo para hindi ako tuluyang mahulog.
"Thank you, where did you buy this clip? I like it." Nakangiting sabi ko
"In a mall, naalala kita nung nakita ko yan kaya binili ko na." sabi nito sabay tanggal ng takas kong buhok na nasa mukha ko. "I always saw you having a hard time on your beautiful hair, so."
Wala na to, hulog na hulog na talaga ako sa lalaking ito.
I gave him a couple of shallow kisses, before giving him a longer and passionate kiss.
"I love you" I said in between our kiss
"I love you more Xyra." he said huskily.
At dahil sa halik na iyon, para akong nalunod. Ngunit kahit na ganun ay ayaw ko paring umahon sa pagkakalunod ko. Sa halip, I rather choose to swim deeper and deeper.
Mas lalo kong hinila papalapit sa akin si Sian, humigpit din ang pagkakahawak niya sa bewang ko, kaya nag kadikit ang katawan namin sa isa't isa. I opened my mouth to give him more access.
Tumaas baba na ang pag haplos niya sa buong likuran ko, habang ako naman ay napahawak na sakanyang buhok.
Hindi ko namalayan na nagawa ko na palang harapin siya ng maayos. Both of my knees is now touching the bed, locking him while i'm still sitting on his lap.
I felt my body burning when I felt his left hand on my stomach. I can't help it but to let out a soft moan.
Hindi ko alam, pero I like what he's doing right now, actually I wanted more from him. I can't stop him.
Tumingala ako tsaka napasinghap nung bumaba ang halik niya sa leeg ko.
"Ah ah ah. Mic test."
Agad na tumigil sa si Sian sa ginagawa at bahagya pang nilayo ang sarili sa akin. Inis kong minulat ang mata ko.
"O Ricardo! Umpisahan niyo na" rinig kong boses nang lalaki sa speaker "FIVE ZERO FIVE FOUR." boses na alam mong galing sa isang karaoke. Pagkatapos nun ay nag umpisa na ngang umingay ang karaoke sa baba.
Nung tiningnan ko si Sian ay nahuli kong nakatingin sakin ang mapupungay niyang mga mata. Nanatili ang kamay niya sa likod ko para maalalayan akong hindi mahulog.
He slowly kissed my nose once again, kaya napapikit ako. Hinihintay na muli niya akong halikan para ipagpatuloy ang naudlot na ginagawa. Ngunit walang halik sa labi akong natanggap.
Nakapikit na ngumoso ako sakanya, I heard him chuckled before giving me a shallow kiss
"I think we should go out now, baka ano pa ang magawa ko sayo dito." Aniya tsaka niya ako niyakap.
"Wala na talaga? Tapos na?" I curiously asked while still hugging him. "Yun na yun?"
Ramdam ko ang pag tango niya sa balikat ko "hmmm. Yun na yun" he said
"Tssk" padabog akong kumawala sa pagkakayakap ko sakanya tsaka umayos na ng upo.
"I DID IT MYYYYYYYYYYYY WAAAAAAAYYY" rinig kong kanta galing sa labas. Kaya masama kong tiningnan ang bintana ng kwarto. Lecheng kanta yan!
Istorbo naman! Kainis
Ilang minuto ang pinalipas namin ni Sian bago lumabas ng kwarto para hanapin si Sage sa baba. Sinigurado kasi namin pareho na maayos na ang kalagayan namin kapag humarap na sa ibang tao.
Nakita siya namin sa dinning table, kasama ng iba pang kamag anak niya. Nag babalot ng lumpiang shangai.
"Xyra Sian!" tawag niya nung nakita niya kami.
Luminga linga ako kaagad para hanapin ang sink kung saan pwedeng makapag hugas ng kamay. Pagkatapos kong mag hugas ay umupo ako sa tabi ni Sage, kaya pinayagan niya ako na sumama dito sa kundisyon na tutulong ako sa pag luluto.
Ilang beses ko na ito nagawa noon kaya madali lang ito sa akin. Kumuha ako ng plato tsaka kutsara ganun din ang ginawa ni Sian kaya napangiti muli ako. Hinarap ko siya sabay lapit ng mukha ko
"Do you know how to do this?" I whispered, umiling siya. Pansin ko ang mga mata niya ay na sa ginagawa nang nasa harapan niya. Para bang inaaral niya kung ano ang tamang pag gawa. I chuckled, kaya nakuha ko ang atensyon niya.
Kunot noo niya akong tiningnan. I bit my lower lip to stop myself from laughing
"You don't have to this Sian. We got this." Sabi ko
"But I—"
"Eto na lang." sabay kuha ng isang naka plastic pa na lumpia wrapper. Tsaka ipinatong ito sa plato niya "Paghiwa-hiwalayin mo na lang to. Para mapabilis tayo."
Kaya iyon kaagad ang ginawa ni Sian. Ang paghiwa-hiwalay ng lumpia wrapper. Natatawa pa nga ako sakanya dahil sa dami naming taga gawa nang lumpia ay kailangan niyang mag doble time sa ginagawa, dahil sa bilis na pagkakaubos neto.
Kinagabihan, excited akong sumakay ulit sa pick up nina Sage, si Ashton parin ang mag hahatid samin papuntang plaza. May iilang kababatang pinsan din si Sage na sumama samin. Para daw kapag gusto naming mapag isa ni Sian ay may kasama parin si Sag doon.
I'm wearing a maong shorts and plain shirt, ganun din ang ayos ni Sian. Faded jeans and black round neck t-shirt, nga lang may suot siyang itim na baseball cap. May dala akong maliit na sling bag, ang laman nun ay pera.
Pagkadating namin sa plaza ay namangha ako kaagad sa lugar. Tama nga ang sinabi ni Sage kanina, madaming tao ngayon ang dadalo dahil bisperas ng piyesta nila.
Pumila kami sa entrance, 20 pesos lang naman ang entrance fee, si Sage na ang nag bayad para samin.
Nung tuluyan kaming nakapasok ay sinalubong kami kaagad ng iba't ibang palaro, tinda atsaka rides. Maingay din sa loob dahil may kanya kanya silang pakulo.
Ramdam ko ang pag hawak ni Sian sa kamay ko, nauna pa siya ng kaonti saakin. Para ma protektahan ako sa mga taong nakakasalubong namin sa daan, habang si Sage naman ay nasa tabi ko.
"Saan niyo gustong mauna?" Sage
"Kahit saan. Kayo bahala, susunod na lang muna kami sainyo." Sabi ko
Pahirapan kaming nag lakad papunta sa isang laro.
"Pili lang kayo nang kulay, kung lalabas ang kulay na gusto niyo panalo kayo. Kung wala edi talo." Sage explaining the game to us. Pasigaw pa niyang ginawa yun dahil nga sa ingay na nandito.
Pinag masdan ko ang mga taong dali daling nag lagay nang kanilang pera sa mga kulay na napili nila. Pagkatapos ng ilang segundo ay pinalo ng taga bantay ang kanyang stick ng ilang beses. I think it was a sign to the person who is holding the handle.
Pagkatapos hinila nang isang tao ang handle ay bumaba ang tatlong box na may mga kulay. At nilabas ang green, green, white.
Mabilis na kinuha ng tagabantay ang pera sa mga kulay na wala sa tatlong box. Tsaka binigyan naman ng pera ang mga nasa green at white box.
So this is how they play. Easy
Kaya naman nung sumenyas ang taga bantay na pwede nang mag lagay nang pera sa mga boxes ay nag lagay na ako ng one peso coin sa kulay red.
Ilang segundo ang nakalipas bago nag bigay ulit ng senyales ang taga bantay. I clasped both of my hand above my chest. Praying that there would be red.
Pagkalabas ng resulta ay hindi ko mapigilan na mapalakpak dahil sa tuwa. Tatlong red ang lumabas.
Kaya naman malaki ang ngiti ko nung kinuha ko na ang pera ko. Tsaka agad na pinakita kay Sian ang four pesos ko.
"I won!" Proud na sabi ko.
The corner of his lips rose up, then he pinched my cheeks "congrats love." aniya
We played for a couple of times, bago tinry ang iba pang palaro dito.
"Hahahahahaha." Hindi ko mapigilan ang halakhak ko sabay palakpak nung nanalo si Sian ng isang drinking glass, sa isang laro kung saan mag tatapon ka lang ng one peso coin, kapag pumasok sa maliit na box ang tinapon mo ay may makukuha kang premyo.
"Thank you" nakangiting sabi ko nung inabot sakin ng babaeng tagabantay ang prize ni Sian.
Sometimes we win sometimes we lose in a game. But it doesn't matter to me. Dahil ang importante ay masaya ako. At sa tingin ko masaya din si Sian na pumunta kami dito. Panay rin kasi ang ngiti niya sa nilalaro namin, o sadyang naaliw lang talaga siya sa mga reaksyon ko?
Ewan ko ba! Basta ako masayang masaya ako ngayon. Lalong lalo na't marami rami na ang maiuuwi naming premyo mamaya.
"Which one do you want?" tanong ni Sian sa akin nung nasa harapan na kami ng isang shooting game.
Kami na lang pala ni Sian ang umiikot dito, may nakita kasi si Sage na kakilala niya kaya nag paiwan na muna doon para makipag usap. Ang sabi, mag tetext lang daw kami sakanya kapag gusto na naming umuwi.
Tinuro ko ang malaking bear na prize sakanya.
"Alright i'll get it for you." Sabi pa nito sabay abot ng pera sa taga bantay. Kinuha niya ang isang laruang pistol. "So I just need to hit 8 matches straight right?" tanong ni Sian sa lalaki na agad namang tumango sakanya. Binaliktad pa niya ang pag suot niya ng baseball cap niya para maayos siguro niyang makita ang kanyang target. I don't know but he looked so damn attractive wearing the baseball cap that way.
I saw how Sian check the pistol first before holding it properly. His muscled flexed while he is seriously aiming the match.
He closes his left eye before pulling the trigger.
He was quick, walang pag aalinlangan, sunod sunod ang pag putok ng baril. At ang lahat ng attempts niya ay may natatamaan siyang posporo. Hindi ko mapagilian ang pagkamangha ko sa kanya.
Pano niya natamaan yun? Eh ang liliit ng mga posporo tsaka hindi ba siya naduduling? Tsaka hindi maliit ang prize na gusto kong makuha, kaya sigurado ako na ito ang pinakamahirap na tamaan. Maliban sa maliit na nga ang posporo nakapatong pa ito sa pinakatuktok na level. Pero walang kahirap hirap niya ito nagawa. And this was only his first try.
"Here" Sian sabay bigay sakin nung teddy bear na gusto ko.
Nakangiting yinakap ko ito "thank you. Ang galing mo."
"You're welcome. I didn't thought that playing airsoft for years would make my girl this happy."
______________
Vote.Comment.Share.BeAFan
Belle❣️