Kinabukasan, unti kong minulat ang aking mga mata. I looked at my phone, 6:30am pa lang naman, ngunit wala na akong kasama dito sa loob nang kuwarto.
Kami lang dalawa ni Sian ang natulog sa silid na ito, dahil si Sage doon nakipagsiksikan sa isang kwarto kasama ng mga pinsan niya.
Nakaramdam pa nga ako ng kaonting inggit, dahil sa dami at laki ng pamilya niya, kahit magulo makikita mo naman kung gaano sila kasaya sa tuwing mag kasama silang lahat.
Tumayo ako, inayos ang higaan tsaka humarap sa mirror para tingnan kung okay ba ang mukha ko. Pagkatapos nun ay inayos ko na ang buhok ko gamit nung clamp na ibinigay sakin ni Sian kahapon.
Pagkababa ko, rinig ko kaagad ang tawanan at kuwentuhan ng mga tao, kaya naman sinundan ko kung saan ito nanggaling. Hoping that Sage and Sian would be there.
Dinala ako nang ingay sa hardin nang bahay nina Sage. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig na dulot ang simoy ng hangin. Kita kong may naka pwestong mesa at iilang stool chairs doon. May nakapatong din na blue thermos, iilang mug at sachet of instant mix coffee sa mesa.
Marami sila ang nag uusap usap, isa na dito si Sian, white v neck shirt, khaki board shorts and a pair of slippers. Halatang kakagising pa lang nito kaya magulo ang buhok.
Nakatayo na may hawak na mug habang kausap si tita Sally, Sage's mom together with Sage's aunties.
Nung mag tama ang mga mata namin ni Sage ay ngumiti ito saglit sa akin bago itinuon ang atensyon sa kausap. Siguro para mag paalam sakanila, dahil kita ko na pagkatapos niyang mag salita ay nilapag niya ang hawak niyang mug tsaka nag simula siyang mag lakad papunta sa akin, lumingon pa nga sila tita Sally sa akin. Nginitian ko sila sabay lakad papunta sakanila.
Umiling pa ako kay Sian nung muli kaming nagkatitigan. No need to come near me, dahil papunta naman talaga ako sakanila.
"Good morning." he said before kissing my forehead.
"Good morning"
"It's too early, you should sleep more." tsaka unti unti siyang umakbay sa akin.
Umiling ako "sanay na akong magising nang maaga, tsaka naipangako ko kay Sage na tutulong ako sa pag luluto ngayon. Ikaw ba't ang aga mo ata na gising?"
"I didn't sleep"
"Huh? Why? Ba't hindi mo sinabi? Sana umal—-"
"Hindi ako nakatulog kakatitig sa mukha mo mag damag. It was my first time seeing you asleep, hindi ko na napansin na madaling-araw na pala kakatitig sayo. So before I disturb your sleep bumaba na ako dito."
Umawang ang aking bibig, I blinked my eyes for a couple of times. Hindi makapaniwala sa narinig. Kahit malamig ang paligid dahil sa simoy ng hangin, ramdam na ramdam ko parin ang pag init nang mukha ko dahil sa sinabi niya.
Thinking that Sian is staring at me while i'm sleeping peacefully made me want to jump and scream. Para akong bata na binigyan ni Santa sa tuwa.
Ngumuso ako para hindi tuluyang mapangiti, baka sabihin niya na patay na patay ako sakanya, which is partly true. Pero nakakahiya kapag malaman niya ang tungkol dito. I cleared my throat.
Naalala ko na kahit may hinanda na kuston si Sage kagabi sa sahig, pareho namin pinili ni Sian na magkatabi, yakap yakap ang isa't isa sa sa single bed. Laking pagtataka ko kung paano ako nakatulog kaagad nang sobrang himbing, knowing Sian, the man that I love is hugging me tightly last night, on that small single bed.
"Magandang umaga po" bati ko kila tita Sally nung tuluyan na kaming nakalapit ni Sian sakanila.
"Magandang umaga rin hija, kamusta ang tulog? Kape?" Tita Sally.
"Ah okay naman po, masarap pala talaga ang simoy nang hangin dito sa probinsya." napatingin ako kay Sian na nag titimpla na ngayon nang panibagong kape, sa gilid.
Tita Sally smiled "Iba nga talaga dito sa probinsya, tahimik at wala masyadong polusyon, nakakagaan sa pakiramdam."
"Uhm thank you." I said when Sian gave the mug to me. Dalawang kamay ang gamit ko para hawakan ang mug, para ma ibsan ang nararamdaman kong ginaw sa katawan.
Tipid nga ngumiti siya bago hinarap ang mama ni Sage, para makinig sa pinag uusapan.
"Alam niyo" tita Sally sabay tingin samin ni Sian "Malaki ang kutob ko na magiging ninang ako sa kasal niyo."
"Oo nga!" Ani pa ng isang tita ni Sage "ang gandang bata atsaka guwapo ni Cassian."
"Hindi ko naman sinabi na next year kaagad ang kasal ha?" Tita Sally sabay ngiti na para bang tinutukso pa lalo kami ni Sian.
My face blushed
"Ah hindi pa naman po namin pinag uusapan ni Sian ang tungkol dito." nahihiya kong sabi. Hindi ko magawang masulyapan si Sian sa hiya at tuwa na nararamdaman ko.
Hiya dahil baka makita niya ang pamumula ng pisngi ko. At tuwa dahil naiimagine ko ang ara na hinihintay ni Sian ang pag dating ko sa gitna nang altar sa araw ng kasal namin.
"Dapat lang, ang bata niyo pa para mag pakasal" Tita Sally "You know there are pros and cons in marrying at the early age. It is good to see your family grow. Lalong lalo na't kung may mga anak na kayo, ang sarap tingnan na pag lumaki na sila ay parang magkaibigan lang kayo sa mga mata ng ibang tao, dahil hindi mag kakalayo ang age gap niyo sa anak. But at the other hand, we all know that if you're planning to have an early marriage with your partner you should know the possibilty that you are not yet ready on your finances. Siguro kakagraduate niyo lang, hindi pa gaanong mataas ang isasahod niyo, paano niyo haharapin ang bukas kung bubungad sainyo kinabukasan ay ang mga unpaid bills niyo kahapon. Hindi sa lahat nang bagay masarap at madali ang haharapin natin, mahirap mamuhay sa mundong ito mga anak."
"Alam po namin tita."
At hindi pa namin napag usapan ni Sian ang bagay na ito. Bago pa lang kami, gusto kong ienjoy muna namin ang isa't isa. Pangarap ko rin na makapag travel abroad with Sian.
"Ngunit sa mga pagsubok na mararanasan niyo, wag na wag kayong susuko. Dahil hindi iyan ibibigay sainyo nang Diyos kapag alam niyang hindi niyo kayang lagpasan ito." Tita Sally with her calm smile "Katulad ninyo, hindi kayo bibigyan nang pagkakataon na magkatagpo kung walang rason. And I think, you are meant to see each other to complete all the gaps that you have in your hearts. The way I see both of you, I hope kayo na talaga hanggang sa huli."
"We will tita." walang pag alinlangang sagot ni Sian sabay akbay sa akin. Nanlaki ang mata ko sa biglaang ginawa.
Tita Sally chuckled at Sian
Hindi ko na talaga kaya ang bilis ng t***k nang puso ko nung narinig ko mismo kay Sian ang salitang iyon. He again proved to me how much he loves me, how much he wanted this relationship to work out.
Ganun din naman ako, kaya ko siya sinagot dahil gusto ko na siya na ang lalaking mamahalin ko hanggang sa huling hininga.
After our little morning coffee break, nag simula na kaming mag handa nang pagkain. Habang si Sian naman ay tumulong kay Ashton para kumuha nang iba pang gagamitin dito sa bahay nang isa pa nilang kamag anak.
Hindi ko pa gaanong alam kung paano lutuin ang napili nilang ulam dito, kaya pawang ang pag aasist lang ang na gawa ko.
It was around eleven in the morning when we finished cooking. Kaya naman naligo na ako bago pa mag sidatingan ang iba pa nilang bisita.
At tama nga ang sinabi ni Sage sa amin na magiging abala kaming lahat dito kapag mag simula nang mag sidatingan ang bisita nila. Panay ang pag checheck ko sa long table na inihanda nang pamilya ni Sage para sa bisita, kung may sapat na ulam pa ba o wala.
May iilang classmate si Sage na ipinakilala sa akin, kaya naman sila na ang nakakausap ko. Si Sage ay hindi kayang manatili sa isang upuan dahil sa mga bisita. Si Sian naman ay nandun na sa labas kasama ni Ashton at ang iba pang kalalakihan. Hapon na kasi at nag sisimula na ata ang inuman sa labas.
Hindi ko siya pinagbabawalan, sa katunayan mas gusto ko nga na nandun si Sian sakanila, para sa ganun ay makakasalamuha siya nang ibang tao.
"Tara labas tayo kina Ashton." biglang aya sa amin ni Kaye, isang kakklase ni Sage nung high school.
Kaya naman tumayo na kami atsaka lumabas na nang bahay, kita namin sa isang round table nakapwesto ang mga kalalakihan.
Nakita ko kaagad si Sian tumatawa, at medjo namumula na ang kanyang leeg dahil sa alak na nainom.
"Ito na pala sila!" ani nung isang kasama nilang lalaki. Napatingin sila Sian at Ashton sa amin.
I smiled to my boyfriend when I realized that it was not only his neck, but all of his face turned red right now. Napunta sa isang local brand whiskey ang mga mata ko. Pawang tubig lang ang ginagawa nilang chaser.
Lumapit ako sa kinauupuan ni Sian, he even tried to stand up and offer his seat for me but I immediately put both of my hands on his shoulders to stop him from standing up.
I leaned closer "Okay ka pa ba? Mukhang ang tapang niyan ah." I whispered
Bahagya niya akong sinulyapan
"Okay pa naman." He said
Umayos ako nang tayo para tingnan ang iba pang kaklase ni Sage, na nag simula nang mag kakamustahan sa isa't isa. Mabilis na tumayo rin si Ashton para kumuha nang chairs at ibigay ito sa mga kababaehan.
"Halika" Sian sabay hila nang braso ko atsaka sapilitang pinaupo sa kandungan niya na ikinagulat ko.
Mas lalong nanlaki ang mata ko nung pinalupot niya ang dalawang kamay niya sakin, tsaka ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko.
Na para bang kinulong niya ako sakanyang bisig. Hindi ko magawang gumalaw o kumawala dito dahil sa higpit nang pagkakayakap niya.
I never imagine Sian would be this open and vocal towards me. Akala ko, ikakahiya niya na ako ang girlfriend niya, na kapag may mag tatanong sa estado nang relasyon namin ay pipiliin niyang itago ito kesa sa ipaglantaran sa iba.
O ako lang ang nakakaisip nun?
Wait? Hindi ko naman ikinahiya ang relasyon ko kay Sian ah.
"Oy pare! Foul yan!" biro nang isang lalake, nakaupo sa tapat namin.
Tiningnan ko siya at napansin kong nasa kamay ni Sian na nakalagay sa bandang puson ko ang mga mata neto. I akwardly laugh as I tried to get Sian's hand off me.
"S-Sian?"
"Is it my turn now dude?" Sian na hindi pinansin ang pag kukurot ko nang kamay niya para tanggalin sana ang pagkakayakap niya sa akin.
"Dalawang shot, dahil may jowa ka at wala ako." ang classmate ni Sage, kaya naman napahalakhak ang iba sa sinabi niya. Nakangiting umiling naman ako.
Tinanggal ni Sian ang pagkakayakap niya sa akin, aambang tatayo sana ako at sa bakanteng silya na lang ako uupo para hindi na siya mahirapan.
"Where are you going?" aniya habang may hawak na dalawang baso. Sa kanan ay ang local brand whiskey habang sa kaliwa naman ay ang tubig.
"Uhmm kukuha ako nang mauupuan, madami pa namang vacant eh, kaya." hindi matanggal ang mga mata ko sa hawak niyang inumin.
Talaga bang iinumin yan ni Sian? Nanatili akong nakatayo habang hinihintay ang sunod niyang gawin dito.
Una niyang ininom ang local brand whiskey, kumunot noo siya. Pagkatapos nun ay ang tubig na. He wiped the corner of his lips after drinking, pansin ko rin ang pag abot niya nang boy bawang sa mesa para kainin ito.
"Xyra upo ka" natigil ako sa kakatitig sa ginawa ni Sian nung nag salita si Ashton sa tabi ko. Nung nilingon ko siya ay kita kong may dala na pala siyang stool chair para sa akin.
"Salamat" I said while smiling at him.
Tipid na ngumiti at tumango naman siya.
Kinuha ko na ang silya at ipinwesto iyon sa tabi ni Sian. Pinagmamasdan ko siyang nakikipag kwentuhan parin sa mga kakalakihan.
Bumaliktad ata ang mundo namin ngayon. Ang pagiging suplado ni Sian ay nasa dugo niya na, ngunit habang tinitignan ko siya ngayon. Hindi mo maisip na suplado siya dahil sa kung paano siya makikitungo sa mga tao. Take note that ngayong araw lang niya silang lahat nakilala.
Pakiramdam ko mas marami pa ang naikwento ni Sian ngayon kesa sa mga naikwento niya sa mga kasama namin sa golf club.
Kumunot bigla ang aking noo nung napansin may dayaan sa pag iikot nang alak nila dito. Hindi mapapansin nang iba na ang nag lalagay ng alak sakanila ay sinasadyang binabawasan ang pag lalagay niya nang alak sakanyang shot, habang sa iba naman ay dinodoble nito.
"Sian" pag agaw ko nang atensyon niya
"Hmm"
"Mag pahinga ka na dun sa taas." sabi ko na lang. Ayaw ko kasing ipoint out ang dayaan dito, baka magkagulo pa at masira ang hapon.
"Mamaya na, masaya pa dito." sabi niya sabay kuha nang kamay ko na nakapatong sakanyang legs.
Alam kong masaya siya, kahit lasing at nakainom si Sian ngayon nakikita ko parin sa mga mata niya kung gaano siya kasaya habang kausap ang mga kaibigan ni Sage.
"Alright, pero wag ka nang uminom, may pupuntahan pa tayo mamayang gabi." paalala ko
Baka kasi nakalimutan niya na may plano pa kaming manuod nang isang baranggay pageant dito mamaya.
"Masusunod po" he then smirked as he slowly raised my hand, para mahalikan niya ito.
Mabuti na lang at hindi na nga uminom muli si Sian, nakikipag usap na lang siya. Kalaunan lumapit narin si Sage sa pwesto namin, siguro dahil nakauwi na ang iba nilang bisita. Kumuha siya nang vacant seat at tinabi iyon sa akin.
"Ba't hindi ka umiinom?" laking pag tataka ni Sage nung nalaman niya na hindi ako uminom ngayong araw.
I smiled "Nakainom kasi si Sian" simpleng sagot ko
"Takot kang maagaw ang jowa mo no?" ngumisi si Sage
"Hindi no" sabay iling "Walang mag aasikaso sakanya kapag uminom pa ako."
"Sus! Malaki na si Sian, kaya niya na ang sarili." Sabay sulyap kay Sian na ngayon ay nakapatong na ang kanyang noo sa aking balikat. Mukhang tulog na ata. "Alam mo ang mabuti pa, ihatid mo na muna siya sa kwarto para makapag pahinga na. At hindi na rin tayo aalis para manuod nang pageant, pagod na ako atsaka maaga pa ang flight natin bukas hindi ba?"
Tumango ako "Hmm sige" tsaka dahan dahan kong tinapik ang kamay ni Sian na hawak ko. "Sian?"
"Hmm?"
"Tara akyat tayo sa kwarto" pag aya ko. Unti unti siyang umupo nang maayos, his eyes are still close, hindi ko mapigilan ang ngiti ko.
Pulang pula ang kanyang mukha, parang bata na ginising nang kanyang ina.
"Aakyat ka rin? Sasamahan mo ako?" he tried to open his eyes, pero kalaunan unti unting bumagsak ang kanyang mata. Hindi kinaya.
I chuckled as I gently hold his face.
"Akyat na tayo."
Tumayo kami habang hawak ang kamay ni Sian, ako na ang nag paalam sa mga kaklase ni Sage.
"Pare alis na kayo? Ang aga pa ah." sabi nang isang kaklase ni Sage
"Nag aaya nang matulog ang misis ko kaya kailangan ko nang umalis." biglang nanlaki ang mata ko at agad na hinampas ang braso ni Sian. Hindi ako makapaniwala na nagawa pa niyang mag biro sa estado niya ngayon. "Aww" reklamo niya habang hawak ang banda nang braso niya kung saan ko siya hinampas. Ngunit may bakas na ngiti sa mukha niya. Kaya alam kong hindi masakit ang pagkakahampas ko sakanya.
"Yieeee!!"
"Nakakainggit kayo."
"Pikit kapag inggit pare."
Napakagat labi ako dahil sa panunukso nila, habang si Sian naman ay nakipag high five dun sa iba at isa isang nag paalam.
"Sage una na kami ah?" paalam ko kay Sage na ngayon ay kakakuha lang nang isang bote ng red horse.
"Sige Xyra, sabihin mo lang sa akin kapag may kailangan kayo."
"Sige."
Pagkatapos nun ay hinila ko na si Sian paalis, hanggang sa makarating na kami sa kwarto namin. Bagsak kaagad ang katawan niya sa higaan.
"Sian, ayosin mo ang pagkakahiga mo. Hindi tayo niyan kakasya kapag ganyan ka matulog." sabi ko habang inaangat ang isang paa niya para maayos siyang makahiga.
Mabuti na lang at siya na mismo ang umayos habang nakapikit parin.
"Xyra?" he huskily said
"Hmm?" Umupo ako sa tabi niya para marinig ko siya nang maayos.
Mula dito kasi rinig na rinig parin ang ingay na nanggagaling sa karaoke sa baba.
Kahit hirap na hirap siya ay tinry niyang umupo nang maayos. Hinarap niya ako, at seryosong tiningnan derecho sa aking mga mata.
I didn't know that Sian's drunk version is way hotter.
Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin, kaya bahagya akong napaatras. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko bago ito binalik sa mga mata ko.
"Let's get married." aniya "Mag pakasal na tayo Xyra."
_________
Vote.Comment.Share.BeAFan
Belle❣️