"Mag pakasal na tayo Xyra." Kahit anong pigil niya sa mga mata na hindi tuluyang pumikit para tingnan ako, ay hindi niya magawa.
Aambang tatayo pa siya nung napansin na hindi ako makasagot kaagad sakanya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya para hindi siya tuluyang tumayo at matumba.
He sighed "Let's get married." Ulit niya tsaka kinuha ang mga kamay ko, hinawakan ang ring finger ko. Mariin niya itong tiningnan at sinumulan niya pa itong pag laruan.
I bit my lower lip, hindi ko alam kung ano ang isasagot sa biglaang tanong niya sa akin. Hindi ako kaagad mapakapag isip nang mabuti.
"S-Sian let's take this relationship slow."
I love him, I also wanted him to be my husband. But I can't say yes to him right now because of our situation.
First, ilang araw pa lang kaming magkarelasyon ni Sian, I know we are in our relationship wherein we are still discovering each other.
Second, baka nadala lang si Sian sa nararamdaman niya sa akin ngayon kaya niya ito sinabi. Paano kung makalipas ang ilang araw ay mag bago na ang damdamin niya para sa akin? Para sa relasyon na ito
Lastly, he is drunk, paano kung wala siyang may maalala kinabukasan diba?
He groaned, fraustrated because I choose not to answer him.
"Babe" magkasalubong ang kilay
I chuckled. Para kasi siyang bata na hindi pinapayagan sa gustong mangyari.
Unti unti kong nilagay ang index finger ko sa gitna nang kanyang kilay, tsaka hinaplos ang pisngi niya.
"No! You will marry me." he commanded
"Are you threatening me Mr Dy?" I scoffed at him
"No but—" hindi niya na tuloy ang dapat niyang sasabihin nung pabiro kong tinaas ang isa kong kilay. Ginulo niya ang kanyang buhok kaya hindi ko mapigilan na hindi tumawa sa harapan niya. "Arggh! Babe i'm serious, let's get married." mariin niya akong tiningnan.
Ngunit kahit anong seryoso niya ay mas lalo ata akong natatawa. Ngumuso ako para pag takpan ang ngiti kong kanina ko pa pinipigilan.
"Fine!" sabi ko na lang para matapos ito, atsaka para makapahinga at makatulog na siya "in one condition." habol ko, kahit na alam ko namang makakalimutan niya ang parteng ito.
"What condition?" he said in a monotone voice.
"Tanongin mo ako ulit niyan pagkatapos kong grumaduate, let's see if your love for me won't change."
"My love for you won't ever change Xyra."
"Hmm"
"Are you doubting me?"
I chuckled as shooked my head
"You'll marry me on the day of your graduation." Mariin na pagkabigkas niya, ngunit hindi man lang ako nakaramdam nang takot sa pagbanta niya
Umiling ako na natatawa pa rin, ewan ko ba kung bakit hindi ko mapigilang hindi matawa kay Sian ngayon.
"Babe!" pag agaw niya muli nang aking atensyon,
Hinarap ko siya "Fine, we'll get married on the day of my graduation, kung hindi nag bago ang isip mo. Sa ngayon, matulog at mag pahinga ka na." pag sangayon ko para matapos na ito. Sa tingin ko kasi hindi niya ako titigilan, kukulitin at kukulitin niya lang ako magdamag
Pagkatapos nun ay bumagsak at natulog na nga siya. I traced his nose down to his lips. Ang makakapal na pilik mata, kahit ang bibig niya ay sobrang pula. I saw him frowned a little bit because of what I did. Kaya naman huminto ako sa ginagawa ko, baka kung magising ko pa siya.
"Xyra nakikinig ka ba?" Sage while snapping his finger infront of me. "You're spacing out too much. Ano na miss mo na ang jowa mo? Balik na tayo sa Pilipinas?" Sage smirked.
Sa sobrang pag iisip nang mga nangyari samin ni Sian kagabi, hindi ko na marinig ang mga sinasabi ni Sage sa aking tabi. Kakarating lang namin nang Charles De Gaulle Airport, at sobrang namamangha si Sage dito.
"Wala may na iisip lang." sabi ko sabay turo sakanya nang lauggage namin na papalapit sa kinatatayuan namin.
"Ba't hindi nga pala siya sumama satin dito? We both know that he can afford the plane ticket, kahit biglaan na pag book."
Pumasok din sa isipan ko na yayain nga si Sian papunta dito, ngunit hindi ko na tinuloy dahil baka nga sumama. Tsaka may party na inihanda para sakanya nang pamilya niya kaya ayaw kong masira ang matagal na nilang plano.
"Ay mabuti na lang pala at hindi siya sumama satin, ayaw kong maging third wheel sa buong bakasayon na ito." Sage rolled his eyes
"Hindi ka mag mumukhang third wheel Sage, baka si Cassian ang third wheel natin."
Sa close at same nang gusto ba naman namin ni Sage, ma oout of place talaga si Sian.
Pagkatapos naming kunin ang dala naming maleta ay lumabas na kami, nakita kaagad namin si kuya Roger, siya ang driver ni Xander nung nasa Pilipinas pa sila. He is a good employee kaya nung umuwi ulit sila dito sa Paris ay hindi nag dalawang isip si lolo na bigyan siya nang pagkakataon na mag trabaho dito.
Kuya Roger gladly accepted our offer, kaya laking tuwa daw ni Xander nung nalaman. Kaya heto hanggang ngayon siya ang family driver namin dito sa France, at isa sa pinagkakatiwalaan nang pamilya.
"Kamusta ang Pilipinas miss Xyra?" Kuya Roger with his fatherly smile
"Okay naman po, madami nang improvement simula nung huli nating bakasyon doon kuya."
Dahil pilipino nga si kuya Roger, paminsan minsan sinasama namin siya sa tuwing nag babakasyon kami sa Pilipinas, ngunit kadalasan tumatanggi din ito dahil sa tagal niya nang pananatili dito sa France nag karoon siya nang pagkakataon na irequest ang kanyang buong pamilya para ditonl na manirahan sa France
"Sigurado ako diyan miss, dahil matagal tagal na ang huling uwi ko nang Pilipinas. Akin na po ang mga dala niyo." sabi neto sabay yuko para kunin sa mga kamay
"Salamat kuya, si Sage nga po pala. Kaklase ko." Pakilala ko
"Magandang araw sir Sage, welcome to Paris." Magalang niyang bati sa aking kaibigan. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Sage.
"Magandang araw din po" Sage "Nako wag na po, ako na po dito." sabi niya nung tinangka ni kuya Roger na kunin ang dalang maleta. Ngunit huli na ito dahil tuluyan na ngang nakuha ni kuya Roger ang kanyang gamit.
I shrugged when Sage looked at me. Pagkatapos nun ay nauna nang lumakad si kuya Roger habang kami naman ni Sage ay tahimik lang na nakasunod sakanya, ngunit habang nag lalakad ay patuloy parin ang pagkukuha nang mga litrato ni Sage sa paligid.
Panay naman ang ngiti ko sa camera niya sa tuwing nahuhuli kong nakatutok sa akin.
Hindi ko pa magawang sabihan si Sian na safe kaming nakarating nang France dahil parehong wala pa kaming signal ni Sage, kailangan pa namin ng panibagong sim o phone.
"Welcome home anak" nakangiting salubong sa amin ni nanay nung nakarating na kami ng bahay. She spreads her arms, waiting for my embrace. Tumakbo ako tsaka yinakap ko siya nang sobrang higpit
"I missed you nanay." sabi ko habang yakap yakap ko parin siya, ramdam ko na mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin bago niya ako bitawan. She gently fixed my hair using her hand.
"How was your flight?"
"Okay naman po, nay kaibigan ko pala si Sage." pakilala ko sa kanina pang tahimik na Sage, siguro hanggang ngayon namamangha parin sa lahat na nakikita.
My nanay looked at him with a smile on her face
"Welcome Sage, I hope you'll enjoy your trip." nanay tsaka niya nilahad ang kanyang kamay sa kaibigam. Agad naman itong inabot ni Sage
"Thank you po mrs Villanueva" nahihiyang sagot ni Sage
"Oh drop the formality hijo, just call me tita since mag kaibigan naman kayo nang anak ko."
"uhmm, tita?"
"There better" nakangiting sagot ni nanay bago niya ulit ako tiningnan "I bought new phones for you, habang nandito kayo yun na muna ang gagamitin niyo."
"Okay po, thank you. Nga pala nay, nasaan sila tatay tsaka Xander?" sabay tingin sa loob nang bahay
"Nasa office may meeting, pero patapos na ata kaya maya maya baka nandito na rin sila." Aniya "Pumasok na kayo." mas lalong binuksan ni nanay ang double door nang bahay namin para tuluyan kaming makapasok ni Sage
Compare sa bahay namin sa Pilipinas mas malaki ang bahay namin dito sa Paris, dahil dito na nga kami nakatira.
Nasa isang building nga pala kami nakatira. Kung saan mula rito, tanaw na tanaw ang Eiffel Tower. Sa ibabang parte nang building na ito ay pinapaupahan nina nanay, habang sa pinakaataas na palapag naman matatagpuan ang mismong bahay namin.
nasa baba rin matatagpuan ang main branch ng pastry shop ni nanay, kaya hindi mahirap para sakanya ang pag mamanage dito.
Pumasok kami ni Sage guest room, kung saan siya matutulog buong bakasyon.
"s**t Xyra, ang yaman yaman mo, jusko!" bulalas kaagad ni Sage nung tuluyan naming sinara ang pinto ng kwarto niya
"Ano okay lang ba sayo dito? Nasa kabilang pinto ang kwarto ko, kung may kailangan ka o hindi ka makatulog kumatok ka lang dun." umupo ako sa higaan niya, habang siya naman ay patuloy na iniikot ang buong kwarto.
"May mas igaganda pa ba ang kwarto na ito Xyra? Ang laki na neto, kaya ayos na ayos na. "
He open the curtains of this room, I close my eyes because of the sunlight coming inside the room. Maya maya ay may narinig akong katok mula sa labas kaya naman mula sa pagkakaupo ay tumayo na ako para pag buksan ito. It was nanay, holding a small paper bag.
"Use this anak, ibigay mo sa kaibigan mo ang isa." aniya sabay abot sakin nang dalawang paper bag na may malaking mansanas. "Napaayos ko narin ang line neto para pwede niyo na magamit ka agad."
"Nay, sana hindi na po kayo bumili ng bago, sapat na sana kung sim lang."
"It's okay, mas madali kapag bagong phone kesa sa sim, atsaka ganitong ganito rin naman ang gagawin ng dalawa kaya inunahan ko na sila" nanay winked
I sighed as a defeat. They are really spoiling me too much, kahit na hindi naman kailangan
"Thank you so much nanay." sabi ko sabay yakap ulit, ramdam ko ang pag haplos niya sa likod ko bago siya tuluyang kumawala sa pagkakayakap.
After that, hinarap kong muli si Sage na kasalukuyang nag seselfie na sa tabi nang malaking glass window.
"Sage" pag agaw ko ng atensyon niya "Para sayo" sabay abot sakanya ng isang paper bag. Agad namang nanlaki ang mata niya nung nakita ang kung ano man ang ibinigay ko sakanya
"Akin na ito?" hindi makapaniwalang sabi ni Sage sabay angat ng isang maliit na box kung saan nakalagay ang bagong phone.
"Pinabibigay ni nanay, ito na raw ang gagamitin natin habang nandito tayo sa Paris."
"Pag katapos nang bakasyon na ito isosoli ba natin?"
Umiling ako at nagkibit balikat "Not sure, pero baka nga hindi na kailangan isoli." sabi ko bago ko siya tinalikuran at agad na tumungo sa bed. Sumunod naman si Sage at nakangiting umupo sa harapan ko.
It was the latest unit of this brand, same with Sage. Kaso magkaibang kulay lang
"Okay na ba sayo ang kulay? gusto mo palit tayo?" sinulyapan niya muna ang hawak kong telepono bago umiling
"Nah okay na ako dito." ngumisi siya habang in oon na ang phone "Sa wakas magaganda na ang quality ng pictures ko." Sage
Pagkatapos nun ay nag paalam na ako kay Sage.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong napansin kung gaano kalinis ang loob nito, walang pinagbago ang kwartong ito. Pawang ang pag linis lang siguro ang ginawa dito, makalipas ang ilang linggo. Kita ko nailagay na ni kuya Roger ang dala kong maleta malapit sa closet ko.
Tinapon ko ang buong katawan ko sa aking kama habang angat ang bago kong cellphone.
Sandamakmak na mensahe galing kay Sian ang natanggap pagkabukas na pagkabukas ko dito.
I'm home babe
How was your flight?
I hope you're doing fine
I missed you already
To Sian:
Hey we just got home, at ngayon lang ako nagkaroon ng signal. The flight was fine, I miss you too.
It was few hours ago, kaya hindi na ako umasa na makatanggap ako ng reply galing sakanya.
Hindi nag tagal ay nakatulog ako, nagising na lang nung dinaganan ako ni Xander.
As in, literal na tinapon niya ang buong katawan niya sa akin.
"Xander! Lâchez-moi" I groaned as I tried to push him "Ang bigat mo ano ba!"
Natatawang humiga siya sa tabi ko "Sobrang na miss kita." sabi pa neto bago niya ako yinakap nang sobrang higpit
"Arrrghh! I know you missed me, pero hindi ako makahinga sa ginagawa mo Xander." reklamo ko tsaka pilit kong tinutulak ang dibdib niya.
"Oppss! Sorry" Napairap ako
"Kanina pa kayo?" mula sa pagkakahiga ay unti unti akong bumangon
"Yeah, your tatay is outside, tumutulong kay ate, habang ako naman derecho na dito."
"Galing kayo ng office?"
"Yeah"
"Xander ma tanong nga kita." Hinarap ko siya
"Qu'est-ce que c'est" sa mababang tono
"Are you still planning to expand our business?" I crossed my arms "May ikakalaki pa ba ang companyang ito?"
Xander chuckled "We're not expanding anymore mon amour, we just wanted to make sure that no one's gonna destroy us. Atsaka ayaw mo nun? Marami tayong employees, ibig sabihin marami tayong matutulungan na pamilya."
"Gusto ko ang parteng marami nga kayong natutulungan na tao, pero ayaw ko naman na may naapakan tayong ibang tao. And I know nanay has the same opinion as I have."
"Don't worry mon amour, wala tayong may naapakan sa negosyong ito. I promise you that."
"Dapat lang, dahil kapag nalaman kong meron mag tatampo talaga ako sainyo ni tatay."
"I promise."
"And wait, about your ex girlfriend." I saw him stiffened with my sudden question.
He cleared her throat "What about her?"
"Nakita mo na ba talaga siya? O baka naman nag sisinungaling ka lang sakin para hindi ko matuloy ang plano kong hanapin siya sa buong Pilipinas?" tinaasan ko siya nang kilay, he pursed his lips into a thin line.
"I told you, I already found her Xyra."
"Then why are you still here if you already found her?"
"It's not yet the right time mon amour."
"Not the right time Xander? Really? Quel âge as-tu encore?"
"I'm still on my twenties Xyra, kaya"
"And you're not getting younger. Instead of expaning our company, how about making a move on your ex? Kung hindi sa ex edi sa ibang babae? Kailan mo bang planong bigyan ako nang pinsan? Akala ko ba gagawa ka ng maraming Rodriguez? Time is ticking Xander."
Mabait at workaholic etong si Xander, kaya taon taon na lang, pataas na pataas ang stress ko dahil sakanya. Wala talaga planong mag karoon ng pamilya. At ayaw ko namang mangyari yun sakanya.
After that conversation with Xander, lumabas na kami ng kwarto. Agad akong sinalubong ng yakap ni tatay nang sobrang higpit. Halatang galing talaga sila ng office dahil naka white dress shirt at slacks pa sila pareho.
Puno nang kamustahan ang nangyari, hanggang sa tinawag ko na si Sage para sa aming hapunan. Natawa pa ako dahil kita ko ang pag laglag panga ni Sage nung nakita niya si Xander.
Alam kong na popogian siya kay Xander, sino ba naman ang hindi? Matipuno, matangkad, may mapupungay na mga mata, mabait at ang pinaka mahalaga ay kahit kailan hindi nagagalit, he is really patient in everything. Asawa na lang talaga ang kulang sakanya.
May sariling bahay na dito si Xander kaya bago siya umalis iniwan pa niya talaga sakin ang kanyang black card. Ang sabi pa niya, I can buy whatever I want. Hindi ko na daw titingnan ang price dahil siya na daw bahala.
Syempre si tatay hindi nag papahuli, ibibigay niya rin dapat sakin ang card niya, para yun na lang daw ang gagamitin namin ngunit agad naman iyon pinigilan ni nanay. Mabuti na lang at napapayag niya ito, hindi ako sigurado kung ano ang kapalit sa pag payag niya.
After the dinner, balik ulit kami ni Sage sa aming mga kwarto para matulog.
Kinabukasan, the first thing that I did was to check all my social media accounts.
From Sian
Hey babe, sorry hindi ako nakareply kaagad sayo. Pinapunta kasi ako nila dad sa office kahapon, he needs my opinion at may pinareview siya sa akin na papers.
Baka nga pala lalabas kami nina Gavin mamaya. Kung okay lang sayo?
Saan kayo mamamasyal ni Sage? Please take care of yourself and enjoy your vacation.
I miss you and I love you so much.
Hindi ko mapigilan ang aking ngiti dahil sa mensahe ni Sian, mula sa pagkakahiga ay umupo ako tsaka sinuklay ang aking buhok gamit ang kamay
To Sian
Hey, I just woke up, jetlag. Maybe we'll just stroll within the city, sight-seeing. Going to Louvre Museum. I'm not yet sure about our plan later.
And you can go out with your friends Sian, you don't need my approval on this matter. As long as walang babae okay na sakin. Hahaha, kidding. Anyway, mag ingat ka dun and enjoy. I miss you and I love you too Sian.
Kahit few hours ago nang offline si Sian, nanatili parin akong nakatingin sa aking telepono, hoping to pop out his name on it. But I just let out a huge sigh before closing my phone. Thinking that, maybe he's sleeping.
Tumayo na ako tsaka dumerecho na sa bathroom para makaligo at makapag bihis na.
Wearing a white turtle neck, earth tone trench coat, fitted trouser and a pair of white boots. Kinulot ko na rin ang lower part ng buhok ko.
I should visit a hair salon here before going back to the Philippines. Kaonting humaba na kasi ang buhok ko kaya hindi na pantay ang kulay neto.
Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kwarto para tingnan kung gising na rin si Sage, mabuti na lang at nung nakapasok ako sa kwarto niya ay tapos na rin siya sa pag aayos.
"Let's go?" anyaya ko.
Like what i've said to Sian, namasyal lang talaga kami sa malapit. Kumain sa mga kilalang restaurant dito sa Paris. Hindi kami masyadong namili ng kung ano ni Sage ngayong araw dahil matagal pa bago kami makauwi. Puro pag kuha nang litrato lang ata ang nagawa namin ngayon.
During our trip, wala akong natanggap ni isang message galing kay Sian. Kahit ngayon na nakahiga na sa aking bed habang angat ang cellphone, preparing to sleep.
He is online 1 day ago, he didn't even open my message for him earlier.
I sighed
I miss him
To Sian
Hi, we just got home. At matutulog na ako maya maya.
Namasyal nga pala kami ni Sage kanina, i'll send you some of our photos earlier.
I hope you're doing fine there, I miss you. Can't wait to see you na! I love you.
After messaging him, I scrolled up a little bit on my social media accounts.
Panay ang pindot ko sa story ng mga kakilala ko para mabilis itong mawala, ngunit nung napunta sa story ni Gavin ay agad ko iyon binalik. Matagal ko itong pinindot para hindi mawala, I narrowed my eyes. It was Sian.
Driving a black sports car. Pagkatapos niyang tinaas ang salamin nang sasakyan niya ay mabilis siyang nawala sa video, dahil pinatakbo niya na ito nang sobrang bilis.
I heard Gavin muttered a curse bago siya tumawa dahil sa ginawa ng kaibigan.
Ilang beses ko pa ulit pinlay ang story ni Gavin. Just to make sure that it was really Sian driving it.
Bumilis ang t***k nang puso ko dahil sa kaba at takot nung na kumpirma ko sa isang story ni Clint na si Sian nga yun.
On Clint's story, bumababa si Sian sa black sports car, sabay hubad nang suot niyang helmet tsaka binaba ng kaonti ang zipper ng damit niya.
"Walang pinagbago" ani ni Clint sa video "Mabilis pa rin" rinig ang pag mamangha niya sakanyang boses
Ito ang sinabi niyang pupuntahan nila kasama ang mga kaibigan. I've seen Xander driving his sports car, I even watched him on track. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng takot.
Paano kung magkamali siya sa pag liko ng sasakyan? Pano kung hindi gagana ang break nung sasakyan niya? Paano kung maaksidente siya habang nasa malayo ako?
Nanlamig ako sa mga pumapasok sa aking isipan. Gusto kong maiyak.
To Sian
I saw some videos from your friends. Alam kong matagal niyo nang ginagawa pag cacar racing pero nag aalala ako. Please mag ingat ka Sian while i'm away.
After that, I decided to post a picture of mine as myday.
Sipping a glass of coffee sa isang café na pinuntahan namin kanina ni Sage, Eiffel tower my backround.
I added a caption on it
I'll sleep for now, so that I can see you in my dreams my love. I miss you.
Dahil sa pagod sa pagiikot, hindi nag tagal ay sumuko na rin ang aking mga mata.
Kinabukasan, nakita ko na lang na iilang mensahe ang natanggap ko galing kay Sian.
From Sian
Sorry for my late reply babe. I was planning to message you right after nung lakad namin nina Gavin kaso my dad kept bugging me now a days. Gusto niya na buong araw ako sa opisina, nakatutok sa trabaho.
I'm sorry if pinag aalala kita kahapon, promise maingat ako habang nag mamaneho.
But don't worry it would be the last time, sa susunod hindi na ako sasama sakanila.
Hey babe, I have a meeting now. At gusto ko nang matulog sobrang boring. Paulit ulit ang problema pero hindi naman nila masabi kung saan ang puno't dulo ng problema. We are just wasting our time here.
I saw a blue circle on his profile photo, pinapahiwatig na may pinost ito.
It was him leaning on his black sports car, half of his track suit is open. Mula ss angle ng litrato niya ay kitang kita kung gaano kahaba ang kanyang legs.
Magulo ang buhok at medjo basa dahil sa pawis.
I pursed my lips, stopping myself to shriek when I saw his caption.
Uwi ka na dito, miss na kita.
Sobra
Kagat parin ang aking labi habang nag tatype ako ng irereply ko sakanya. Alam kong para sa akin ang mga salitang iyon.
To Sian
Ten days love, please wait for me. Uuwi ako
Hindi ko na mapigilan ang ngiti ko nung nakita ko ang sunod na litrato
He was holding the steering wheel of his Porsche. Ang kamay na gamit niya ay yung kamay kung saan niya suot ang ibinigay ko sakanyang cheap na red string bracelet.
Hindi sapat na sa panaginip lang kita makikita, gusto kitang makita at mayakap sa personal.
Binaon ko ang buong mukha ko sa unan at doon na nag simulang tumili ng tumili.
Geez! Cassian!
________
Vote.Comment.Share.BeAFan
Belle❣️