Pikit ang mga mata habang ninanamnam ng mabuti yung hangin na galing aircon sa mukha ko.
"Kamusta yung date niyo? Nag kamabutihan na ba kayo ni Ken?" wala sa oras akong napadilat dahil sa sinabi ni Sage sakin. Nasa tabi ko siya nakatayo at mayroong mapanglokong ngiti.
Nasa loob kami ngayon ng restaurant na matatagpuan rin dito sa golf club para kumain ng lunch. Sina Dana andun na nakaupo kasama nung iba, nag hihintay nang pagkain habang kami naman ni Sage ay nandito sa harap ng malaking aircon nakatambay para mag pahangin.
"Anong date? Hindi yun date. Ano ka ba!"
"Sus, sa ilang buwan na nating mag kaibigan alam ko na yung tipo mo sa isang lalaki. Don't worry, hindi ko sasabihin sa iba." tsaka pabiro niyang sinindot yung tagiliran ko.
Natatawang umiling na lang ako sakanya "Mag kaibigan lang kami ni Ken no. Ano ka ba?"
"Sa ngayon magkaibigan kayo, pero who knows after few meet ups mag level up hindi ba? Ang gwapo kaya nun. Matangkad, matipuno, athletic at mukhang daks."
"Ang bibig mo Sage baka may makarinig sayo." suway ko. Agad niya namang tinikon ang kanyang bibig "Atsaka hindi yan mangyayari dahil mag kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya. Kung sa bar kami nag kakilala baka pwede pa. Ngunit nasa iisang student org kami, kung mag kakaroon man kami nang relasyon edi awkward sa lahat."
At isa pa, hindi ako pumapatol sa barkada ko. Kahit nung nasa France pa ako ay hindi ko nilalandi yung mga lalaking nasa circle of friends ko lang.Dahil magiging awkward ang lahat kapag mag break man kami o mag away.0
"Anong awkward sa lahat? Hindi yun no." aniya "tingnan mo nga sina Dana at Clint. Wala ka namang awkwardeness na mararamdaman sa dalawa" sabay baling sa dalawang kasalukuyang mag katabing nakaupo. At sweet na sweet sa isa't isa, kahit na maraming mata ang nakatingin sakanila.
"Magkaiba sila sa amin Sage." tsaka seryoso ko siyang tiningnan. Hoping to get my point
He sighed "Fine! Sayang kung ganun. Bagay pa naman sana kayo. A western girl meets an eastern boy. Akalain mo nag paiwan talaga siya para maturuan ka lang mag laro." nandiyan pa rin sa mukha niya ang panunukso
"Sadyang mabait lang talaga si Ken. Tsaka hindi lang naman kaming dalawa ang naiwan." napawi kaagad yung ngiti niya at napalitan ito ng pagkagulat
"As far as remember, kasama namin halos lah——-" nanlaki ang mata niya tsaka dumapo sa bibig niya ang kanyang kamay para pag takpan yun dahil sa gulat. He leaned closer to me "Cassian was not with us earlier. Don't tell me mag kasama kayo?" he whispered.
"Yeah he's with us earlier." sagot ko na ikinagulat niya. "May kinausap daw siya sa telepono kaya nag paiwan kanina."
Bakit ganito na lang kung makapag react si Sage. As far as I remember ganitong ganito din yung naging reaksyon ni Ken kanina nung nakita niya si Cassian na kasama ko.
Ilang segundo siyang nanatiling tahimik. Kukunin ko na sana ang atensyon niya ngunit may naunang tumawag ng pangalan niya kaya agad kaming napalingon dun.
Isang sophomore member, nandun na daw yung pagkain namin. Nakaramdam ako ng hiya nung nalaman na kami na lang pala ang hinihintay para kumain.
Tatlong round tables ang nakalaan para sa aming lahat. Dumerecho kami sa table nina Dana para doon maupo. Nandun na rin si Cassian na tahimik na nakaupo. Nung tingnan ko siya ay saktong pag angat niya ng tingin sa akin.
Saglit kong tinaas baba yung dalawang kilay ko para batiin siya. Habang siya naman ay nanatiling nakatingin sakin pagkatapos ay bahagya niyang hinawakan ang kanyang ilong bago nag iwas ng tingin sa akin.
Sa gitna ako nina Sage at Dana nakaupo. Habang si Cassian ay nasa harapan ko.
Yung pagkain namin ay nasa gitna, nakalatag ito sa maliit na round glass. Kung saan ipapaikutin mo lang ito hanggang sa nasa harapan mo na yung ulam na gusto mo.
Tahimik akong kumakain habang si Sage ay nakikisali na sa usapan nina Dana. Hindi naman ako makapasok sakanila dahil tungkol sa naging laro nila kanina ang usapan.
Bigla ako na hinto sa pag ngunguya ko ng dumpling nung nahagip ko ang mga mata ni Cassian na nakatingin pala sa akin. Na conscious naman ako sa mga titig niya kaya agad kong pinunasan yung bibig ko. Takot na baka may dumi doon. I saw him smirked before drinking his water.
After that, umiwas na siya ng tingin. Hindi naman ako makakain ulit ng maayos dahil naisip ko na baka pinag mamasdan niya ulit ako.
Panay lang ang tusok ko sa dumpling na nasa plato ko. Natigil lang nung napansin ko ang pag galaw nung round glass. Nagtaka ako dahil walang tigil ito sa pag iikot. Yung para bang nilalaro ito nang kung sino man sa table namin.
Tiningnan ko yung mga katabi ko, nag babakasakali na sila ang may gawa neto. Ngunit busy sila pareho sa pakikipag usap. Nung napunta naman kay Cassian ang mga mata ko ay na nagulat ako.
Siya pala ang may pakana kung bakit walang tigil ang pag iikot ng round glass. Nasa akin parin ang buong atensyon niya habang yung isang kamay niya ay patuloy sa pag iikot nito.
Kunot noo ko siyang tiningnan pagkatapos ay bumaba ang tingin ko sa kamay niya na panay parin ang pagpapikot ng round glass.
After a few seconds I felt my phone vibrated. Kinuha ko ito sa aking bulsa para tingnan.
1 message from Cassian.
I glanced at him first, bago kila Sage na busy parin sa pakikipag chikahan. Pagkatapos ay binaba yung phone ko para hindi nila kaagad makita kung sino ang kausap ko sa oras na lingunin nila ako.
I remember how Cassian wanted to hide the fact that we are talking with each other. That we are friends.
Why are you not eating? You don't like the food?
To Cassian:
The food was fine. Sadyang busog na ako.
From Cassian:
Busog ka na? Ilang dumplings pa lang ang nakain mo. Or you want something else? You should eat more.
To Cassian:
Wag na. Totoo busog na ako. At tigilan mo nga yang ginagawa mo. Nahihilo na ako sa kakaikot niyan.
Pagkatapos kong isend yun ay umayos na ako sa pagkakaupo. Pansin ko na rin na tumigil na sa ginagawa niya si Cassian. I smiled when our eyes met. Ilang sandali siyang nakatingin sakin bago umiwas. But I saw the corner of his lips rose up.
Bahagya pa siyang umubo para pag takpan ang ngiti niya.
Mabuti na lang at busy talaga yung mga taong nasa mesa namin. Dahil hindi nila napansin ang mumunting tinginan namin ni Cassian dito. Na kahit anong ingay nung nasa paligid namin at layo namin sa isa't isa ay nagagawa parin namin ito.
Pagkatapos naming kumain ay nag kayayaan pa silang mag laro ulit.
"Nice shot babe!" puri ni Clint kay Dana. I put my golf club in between my thighs to properly clap for Dana. Halatang matagal na nga nila ito ginagawa dahil sa galing nilang lahat mag laro.
Nakangiting lumapit siya kay Clint. Bahagyang ginulo pa nito ang buhok ni Dana.
"Xyra ikaw na." bumalik lang ako sa aking katinuan nung bahagya akong siniko ni Sage.
Dali dali kong kinuha ang nakaipit na golf club sa aking hita bago tumungo sa kung saan nakalagay yung golf ball.
Pumwesto ako katulad ng itinuro sa akin ni Ken kanina.
I parted my feet a little bit, bended my upper body. I took a deep breath before swaying my upper body.
Mariin akong napapikit habang ginagawa ko yun. Unti unti ko lang minulat nung narinig ko ang palakpakan nilang lahat sa akin.
"Nice shot!" I heard Ken's voice
"Nice shot Xyra! Ang layo nang narating nang golf ball mo." Sage sabay halakhak.
Litong lito ko siyang tiningnan bago bumaba ang tingin ko sa kung saan nakapatong ang golf ball kanina. Napakagat labi ako dahil sa hiya na natamo ko. Hindi ko man lang na tamaan yung bola.
Sobrang init na nang pisngi ko dahil sa sikat ng araw, idagdag pa ang kahihiyan ko.
Akamang aalis na sana ako at napiling tumabi na lang kay Sage nang bigla kong narinig si Cassian na nag salita.
"Do it again." utos pa niya habang nag lalakad palapit sa akin.
Taranta akong umiling "Naku wag na... uhmmm kayo na lang ang mag laro... manonood lang ako." ngunit tila hindi niya ako narinig.
Sunod sunod lang siyang nag lalakad palapit sakin.
"Your posture was wrong." mahinahong sabi niya. "You should hold this properly." pag explain niya sabay ayos nang pag kakahawak ko sa golf club.
Ramdam ko ang panginginig nang kamay ko nung nahawakan niya ang kamay ko
Napakurap kurap pa ako nung nag kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Hindi ako makagalaw o makapag salita man lang dahil sa sobrang lapit niya sakin.
Akala ko ba ayaw niya kaming mag kausap kapag may taong nakatingin samin? Ano naman tong ginagawa niya ngayon?
I'm sure hindi lang ako ang nagulat sa inaasta niya ngayon. Panigurado pati yung mga kaibigan niya.
"There you go." nanlaki ang mata ko nung nilingon niya ako. Napaatras ako sa kinatatayuan ko. Hindi na yata kakayanin ang bilis ng t***k ng puso ko ngayon. Kunot noo niya akong tiningnan. Confused on my sudden move
I laugh awkwardly para pagtakpan ang nararamdaman ko. Bago pumwesto ulit ng maayos.
"Tama ba to?" I tried myself to sound as normal as possible. Kahit na ang totoo ay parang sasabog na ang puso ko dahil sa bilis ng pag takbo nito.
Tumango siya kaya naman ginawa ko ang kung ano ang dapat kong gawin.
After I swing my upperbody ay isang palakpakan na naman ang narinig ko mula sa mga kasamahan ko.
"Better." pag puri niya habang tinatanaw kung saan tumungo yung golf ball ko.
"Uhmmm thanks." nauutal kong sabi bago naunang tumakbo papunta sa kung saan nakatayo si Sage
Nakangisi akong sinalubong ni Sage "May naamoy ako sainyong dalawa."
"Anong may na aamoy? Wala ah."
He lean closer to me so that he can jokingly sniffed at me. "Alam kong imposible mangyari ito. Pero baka nga tama ang naiisip ko." then he gave me a meaningful smile.
Umiling ako sakanya. "Kung ano man yang iniisip mo, sinasabi ko na nga mali yan. Kaya itigil mo na yan."
Nagkibit balikat lang siya sakin bilang tugon bago nag punta sa starting point. Siya na kasi ang mag lalaro ngayon.
Nag tagal ang laro namin ng higit tatlong oras dahil sa dami namin. Kaya pagod na pagod ako sa kakatayo kanina sa gitna ng field. Hindi na rin ako nag abala pang maglaro dahil alam kong mapapahiya lang ulit ako sa lahat. Taga palakpak at taga cheer lang ako dun kanina.
Nung makarating na yung van ay agad na kaming pumwesto para makauwi at makapag pahinga na, dahil bukas panibagong linggo na ulit sa university.
"Ano?" Gulantang sabi ko "At saan ka naman pupunta? Hindi ko kayang dalhin to." sabay turo sa malaking itim na golf bag.
Kakarating lang kasi namin dito sa East High. Dana offered us a ride but I declined it. Dahil nakakahiya na kung ihahatid pa niya ako sa condo ko mismo. Atsaka, sigurado ako na sasamahan pa ako ni Sage pauwi, knowing may dala akong gamit.
Ngunit kabaliktaran pala ng gusto kong mangyari ang pumasok sa utak ni Sage. Pagkaalis na pagkaalis nina Dana ay dun ko lang nalaman na may ibang plano na pala siya ngayong hapon.
"Hindi mo ba ako pwedeng ihatid muna sa bahay bago ka makipagkita sa iba?" inis na sabi ko sakanya
"Sorry, nasa labas na kasi siya nag hihintay sakin." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. As if he is asking for forgiveness.
Hindi ko mapigilan na mapairap sakanya "Hindi lang ito yung unang beses na nang iwan ka Sage"
"Sorry sorry"
"Sana sinabi mo sakin kanina, edi sana sumama na lang ako kina Dana."
"Ganito na lang.." nataranta niyang sabi nung napansin niya nang galit na talaga ako sakanya. Ngunit hindi niya pa ito natapos nung biglang nag vibrate yung phone ko.
It was Xander who is calling. I was about to answer the call when Sage tapped my shoulder.
"Sorry Xyra, I need to go. Babawi na lang ako bukas." hindi niya na ako hinintay ba magsalita pa nung kumaripas siya ng takbo palayo sa akin.
Napailing na lang ako sabay sagot sa phone ko na kanina pa nag vivibrate.
"Mon Amour" bungad ni Xander sa kabilang linya
"Bonjour"
"Galit ka ba?" nag aalalang tanong niya
Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa tanong niya sakin. Kahit na ilang segundo pa lang niya narinig yung boses ko ay alam niya na kaagad kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
"Wala to" I lied eventhough I have this feeling that he has an idea already.
I heard him chuckled "Nag away kayo ng boyfriend mo no? " laglag ang panga ko dahil sa narinig ko mula sakanya "Don't worry, hindi kita isusumbong sa tatay mo." biro pa niya
"Excuse me Alexander. Wala akong boyfriend dito no. Alam naman natin na hindi ako mag tatagal dito sa Pilipinas. And i'm not fond in doing a long distance relationships." paliwanag ko "Pero kung fling lang, pwede."
"At alam mong hindi ako pabor sa pagkakaroon mo ng fling Xyra Venice" seryosong sabi niya kaya napahalakhak ako ng wala sa oras. As if i'm pushing his button on.
My parents are not strict on me when in comes to my relationships with a guy. Sabi pa nga ni nanay sakin collect and collect then select the best.
While Xander, he prefers a serious and matured kind of relationship. Naawa nga ako minsan sakanya, dahil sa sobrang busy niya sa companya ay wala na ata siyang panahon para makipag date pa sa ibang babae. I wonder where his first girlfriend is right now.
Ang alam ko, hindi na ulit siya nagkaroon nang ibang girlfriend after they broke up. Hindi ko na nga naalala kung ano yung pangalan nung ex niya sa sobrang tagal na nun.
"I'm just joking. Chill!" bawi ko
Our conversation didn't last for so long, dahil nasa office daw siya ngayon at maraming naka pile-up na trabaho. Tumawag lang para kamustahin ako saglit.
Na excite pa nga siya nung sinend ko sakanya yung photos ko kanina sa gitna nang green field na may hawak na golf club. Ang sabi pag uwi daw nila dito ay dapat daw na mag laro kaming tatlo nina tatay.
"Ay pucha!" hindi ko mapigilan ang pag mura ko nung biglang sumulpot ang itim na lamborghini sa aking harapan nung naibaba ko na ang tawag ni Xander. Napapikit ako ng mariin habang nakahawak ang isang kamay ko sa aking dibdib.
Niraramdam ang mabilis na t***k nito dahil sa nerbyos na natamo. Kasabay ng pagdilat ko muli ay yung pagbaba ng tinted window nung passenger seat ng lamborghini. At iniluwa neto ang isang Cassian na nakahawak sa manibela. He crouched a little bit so that he can see me properly. Ganun din ang ginawa ko para mag tama ang mga mata namin.
"Uuwi ka na?" he asked I just nodded as a reply. Walang pasabi siyang lumabas galing sa driver's seat "Where's your friend?" His brow furrowed as he glanced my golf bag besides me
"Nauna na, may pupuntahan pa daw."
"And you let him leave you?"
"I didn't, kaso may biglang tumawag sakin kaya nakatakas."
"Tsk!" Yumuko siya para kunin yung golf bag ko "get in the car. I'll drive you home."
Hindi na ako nag tangkang mag reklamo sa alok niya dahil hindi naman ito ang unang beses na ihatid niya ako sa condo ko. Pangalawa, may dala akong sobrang laking bag at ako lang ang mahihirapan kung tanggihan ko pa siya.
Tahimik akong pumasok sa kotse niya habang siya naman ay dumerecho sa compartment ng kotse niya para dun ilagay yung golfbag ko.
I can smell his expensive scent in his car. I don't know why, but I find his scent so relaxing. Or sadyang weird ko lang.
"Sino yung kausap ko nung nakatakas si Sage?" Tanong niya nung naipit kami sa gitna ng traffic
"Ah si Xander."
"Your boyfriend?"
Bigla akong napatingin sakanya "boyfriend?"
Instead of answering me, he choses to pursed his lips "No he's not my boyfriend. He's jus..." hindi na niya ako pinatapos nung nakita ko siyang may ibinulong sa sarili "Anong sabi mo?" kahit na malapit na kami sa isa't isa ay hindi ko parin nakuha yung ibinulong niya
Umiling siya na pinapahiwatig sakin na wag ko na yun pansinin. Pagkatapos nun ay hindi na ulit kami nag usap pa hanggang sa dumating na nga kami sa condo building ko.
"Thanks for the ride." nakangiti kong sabi. Bumaba na rin siya sa para kunin yung golf bag ko.
"You're welcome"
I starred at him for a while. He didn't changed his clothes. He was still in his golfing outfit. Navy blue Ralph Lauren polo shirt, white pants. Agaw pansin siya sa mga taong dumadaan.
"Uhmm." pag aalinlangan ko siyang tinawag. It is already five in the afternoon. Hindi naman siguro masama kung yayain siyang mag dinner sa unit ko. This is already his third time driving me home safetly. Isipin ko na lang na ito ang kabayaran ko sa pag hatid niya sakin.
I don't have the money to buy him a token of gratitude but I can cook him a dinner. Kung saan ako magaling.
"Gusto mo bang umakyat sa unit ko?" nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at agad ko naman yung pinag sisisihan. Mali ata yung choice of word ko dun ah. "Gusto lang sana kita ipagluto ng dinner. Think this as my token of appreciation sa pag hatid mo sakin dito sa unit."
He shifted his gaze from me to his Tag Heuer watch "if you're busy we can do it next time." agad na bawi ko
binaba niya ang kanyang kamay bago binuhat muli yung golf bag ko "I'm not busy, let's go." sabi niya sabay balik nung golf bag ko sa compartment niya.
Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan ko siya sa ginagawa. "Get in. Ipapark ko lang tong kotse ko sa basement niyo."
Parang tanga akong tumango at dali daling pumasok ng passenger seat. Nga naman, ba't hindi ko naisip na kailangan ipark ng maayos ni Cassian yung kotse niya kung aakyat nga siya sa unit ko.
Pagka labas ulit namin sa kotse niya ay siya na mismo ang nag dala nung golf bag ko hanggang sa makarating kami sa pinto ng unit ko.
"Uhm, you can leave your shoes there." Utos ko sabay turo nang shoe rack ko katabi nang door. "Ako na bahala dito." mula sa balikat niya ay dahan dahan kong kinuha yung golf bag para ilagay sa study room ko. Pumunta na rin ako sa kwarto para makapag bihis nang shirt. Oversized shirt ang napili ko para mas kumportable ako mamaya sa pag luluto.
Pagbalik ko ay nakita ko siyang nakatayo sa living room ko. Pinagmamasdan ang buong unit ko. Mabuti na lang at nakapag ayos ako kagabi kaya hindi masyadong makalat.
"Uhm, maupo ka muna diyan" sabay turo sa L shaped sofa ko sa living room. Alam kong nahihiya pa siya nung una, ngunit kalaunan ay naupo na rin ito. "Ano ang gusto mo? Water? Juice? Or coffee?"
"I'm fine, mamaya na siguro."
Tumango ako "Okay, i'll make this quick. Are you fine with butter garlic steak?" I asked. Sa pag kakaalam ko kasi ito lang yung maayos kong gawin ngayon, dahil naubos na yung mga ibang sangkap na binili ko last week. Bukas pa ulit ako makakapag grocery after class.
"Anything's fine." he said
"Medium or well done?"
"Medium."
"Alright! Maiwan na muna kita dito" aalis na sana ako nung may bigla akong naalala kaya napaharap ulit ako sakanya "May wifi ako dito. Akin na phone mo, icoconnect kita."
I heard him chuckled "No need Xyra. I'm fine."
"Pero baka mabore ka habang nag luluto ako."
"You know what" aniya sabay tayo "I'll just watch you cooking." he then marched our distance
Kunot noo ko siyang tiningnan. Edi mas lalo siyang ma bobore kung ganun.
"Bahala ka" sagot ko na lang sabay lakad papuntang kusina
Sinuot ko yung white apron ko habang siya naman ay umupo sa isang high chair kaharap nung counter.
Yung kitchen ko kasi ay maroong counter which seperates my living room and kitchen. Mayroon akong dinning table pero pa minsan minsa ay dito ako kumakain sa counter na ito kung nasaan yung high chairs ko dahil mas convenient saakin.
Itinali ko muna yung buhok ko bago dumerecho sa ref para kunin ang iba pang sangkap na gagamitin. Pagkatapos ay tumungo na ako sa sink para hugasan ito.
While holding the ingredients, I stiffened when I saw him looking at me. Yung para bang inaaral niya yung galaw ko.
Sa counter kasi kung nasaan siya nakaupo ako mag saslice ng sangkap. Ibig sabihin magkaharap kami habang nag luluto ako. Hindi pumasok sa isipan ko ang ganitong eksena pala ang aabutin ko.
Aside from my family and blockmates, this is the first time na mayroong manunuod sa akin habang nag luluto ako.
"You need help?" he asked
Mabuti pa to, kahit walang kasiguraduhan na may alam talaga siya sa pagluluto ay nag abala pang mag tanong sakin kung may maitutulong ba siya. Habang si Sage, ni minsan ay hindi ginawa. Mas pipiliin niya pang matulog sa sofa at tawagin na lang kapag handa na pagkain.
Ngumiting umiling ako sakanya sabay lapag sa counter ng mga ingredients "Wag na, madali lang naman ito."
As I started preparing the ingredients, tahimik lang akong tinitingnan ni Cassian. Hindi ko na rin siya magawang tingnan dahil naging abala ako sa pag luluto.
"How was it?" I asked while I interwined both of my hands infront of me. Nakaupo ako sa katabing high chair niya.
He was silently chewing the steak. Matagal bago siya nakapag salita muli. Did I cooked it wrong?
Na overcook ko ba yung steak? Or hindi ba masarap?
Kulang sa salt? Pepper?
"It's perfect."
Abot hanggang langit ang ngiti ko nung narinig ko ang pag puri niya.
"Talaga?" He nodded as a reply "Buti na lang at nagustuhan mo. First time ko lutuin yan" pag mamayabang ko sabay slice nung saakin.
Hmmm. Masarap nga!
"First time mong gawin to?"
Nakangiti ko siyang nilingon "oo, hindi ba halata?"
"Well, I thought this was your specialty"
"Oh not my specialty. Actually, wala pa akong masasabi na specialty ko dahil i'm still exploring all the types of cuisines."
"Hmm, you can visit one of our hotel's kitchen if you want." My jaw dropped when he offered this kind opportunity to me.
Cassian's family hotel chains are known to be on top. At hindi matatanggi na halos batikan at kilalang mga chefs ang namumuno sakanilang hotels. This is a huge thing for me.
"Talaga?"
"Uh huh. You can send me a message if you want to visit."
"Can't wait for that day to happend then." Excited kong sabi
"But I want something in return." pag habol niya
"What is it?"
Kahit anong gusto niyang kapalit ay gagawin ko. Dahil masisigurado ko na sobrang dami kong matutunan kapag makapunta ako sa kitchen ng hotel nila.
"I want you to cook for me. A dinner or sa tuwing may gagawin kang panibagong dish. I want to taste your new dish first before anyone else" seryoso niyang sabi
"Sus! Yun lang?" akala ko kung ano ang hihingin niyang kapalit. Yung lang pala.
"Yes."
"Okay deal!" inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya para makipag shakehands na agad niya naman itong tinanggap.
"Deal." he said then I saw him smile.
A smile that is new to me. A smile that is true. A smile that can reached his eyes. A smile that tells he is breaking the wall that he made.
And I am happy that I can see who he really is as a person. Not the snobish, stern and authorative Cassian. But a warm, considerate one.