The whole gym was nice. Halatang sikat ang gym na ito dahil sa dami nang members nila na nandito ngayon. I just did a simple work out for today. Hindi na ako tumawag ng instructor dahil wala akong planong mag tagal dito.
Tamang gamit lang ng treadmill, at abs workout lang ang ginawa po. Bago nag pasyang umuwi na. Babawi na lang ako sa wednesday at next week.
Kinagabihah ay tumungo na rin ako sa club kung saan gaganapin ang class victory party namin. I enjoyed the party, kaya nga umuwi ako nang wala may naalala dahil sa kalasingan.
Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa ingay ni Sage. Panay kasi ang pag dodoorbell niya, kaya inis kong binuksan yung pinto. Dagdagan pa yung sakit nang ulo ko dahil sa hangover na natamo ko kagabi.
"Ang aga mo naman Sage!" reklamo ko pagkabukas na pagkabukas ko nang pinto. Ngumisi siya sabay peace sign sakin.
"Sorry na excite lang." sabi niya sabay pasok sa unit ko. Umikot ikot pa siya nung makarating na siya sa living room ko "Ano okay ba yung outfit ko?"
Humalukipkip ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. He is wearing a black Lacoste polo and white above the knee shorts
"Ganda nang ayos natin ngayon ah... Wala namang alam sa pag gogolf" biro ko
"Gaga kung makapag salita ka naman. Pareho lang naman tayong walang ka alam alam sa pag gogolf." Sabay irap sakin
hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Tumungo ako sa ref para tingnan kung ano ang pwede kong kainin ngayon "Breakfast?"
"Nakakain na ako. Thank you."
"Ay nga pala nandiyan na yung gagamitin natin para mamaya." sabi ko saby kuha ng eggs sa ref.
French toast na lang ang gagawin ko para mabilis at hindi gaano ka bigat sa tyan. Hinatid kagabi ng driver namin dito ang gamit nina tatay at Xander.
"Baka may ma basag ka diyan Sage." suway ko nung nakita kong hawak niya na ang isang club at nag kukunwaring nag lalaro na talaga siya ng golf sa loob nang unit ko.
Nag peace sign siya ulit bago niya binalik sa malaking bag yung club. Napailing na lang ako.
Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nag bihis.
Baby pink sleevless with collar top and white tennis skirt is my outfit for today. Nag dala na rin ako ng white visor hat para kumpleto yung outfit ko.
Si Sage na ang nag buhat nung malaking bag na may lamang golf clubs.
Pagkarating namin sa East High ay iilang mamahaling sasakyan ang nakaparada sa parking lot area.
Agad na kinawayan kami ni Dana nung nakita niya kami ni Sage na papalapit sa kinatatayuan nila. Nasa tabi niya yung tatlo. Halatang nag uusap.
Cassian's eyes darted on me, I smiled at him.. ngunit agad naman siya nag iwas ng tingin.
Right! My bad. Hindi nga pala siya kumportable na mag pansinan kami sa harap nang maraming tao.
"Sorry are we late?" Sage nung tuluyan na kaming nakalapit sakanila
Dana shooked her head "No no.."
"May van kaming inihanda. Doon niyo na lang ilagay yung gamit niyo sa likod." Dana sabay turo nang kulay itim na van na nakapark sa hindi kalayuan.
"Sige. Teka ilalagay ko muna to." paalam ni Sage bago tumungo sa van. Sinamahan siya ni Gavin papunta doon.
"Mabuti na lang talaga at sumali ka Xyra." maligayang sabi ni Dana sabay palupot nang kamay niya sa braso ko "May kasama na akong babae."
"Wala ba talagang babae na gustong sumali?" tanong ko habang nag lalakad papunta kung saan ang ibang members
"Meron naman... Pero ang aarte kaya pinatanggal ko." Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. "Obviously, sumali lang sila sa amin para mag papansin sa mga members namin." pag kasabi niyang yun ay sumulyap siya sa members ng club na ito kaya ganun din ang ginawa ko.
Almost all of them are busy talking with each other. Si Sage nakikita ko narin nakikipag usap sa iba. Masasabi ko nga talaga na naiiba ang grupong ito. Maliban sa mga anak mayaman silang lahat ay ang tatangkad at ang popogi pa. Siguro kung pag sasamahin mo silang lahat ay masasabi mong nasa pageant ka o kaya nasa runway show.
Siguradong busog na busog na naman ang mata ni Sage ngayon.
"Paano naman kung malaman mo na gagawin ko mamaya ang ginawa nung mga past members niyo?" biro ko
"Well.." she stopped for a while. She puts her hand on her chin "I think you're not that kind of girl Xyra. Siguro mag rereklamo ka lang sa init ng araw mamaya. Given na yun dahil lumaki ka sa ibang bansa. But aside from that, I know wala kang ka arte arte sa katawan."
Tama nga naman siya. Wala nga akong may naisip na kartehan sa katawan ko. Kung mayroon mang bago sa paningin ko ay mas na chachallenge pa akong gawin yun. Paano mo malalaman kung ikakabuti ba o ikakasama ito sayo kung hindi mo subukan hindi ba?
"Tingin ko kumpleto na tayo." Gavin nung nag titipon tipon na kami sa gitna. Nasa tabi ko na nakatayo si Sage "Sinu sino dito sasakay sa van?"
"Kami ni Xyra." Sage dahil wala naman kaming dalang sasakyan
"Kami rin ni Clint." Dana
May ibang members na nag pasyang sumakay ng van kahit na may dala naman silang sasakyan. Tamad lang daw silang mag maneho at gustong mag pahinga kaya ayun nagsihanap na sila nang ma pwepwestuhan sa loob ng van.
"Sina Gavin at Clint?" tanong ko kay Dana habang nakatayo malapit sa pinutan ng van.
"Wag kang mag alala. May mga sasakyan ang mokong yun. They're not comfortable riding a car with many passengers on it. Especially Cassian, allergic yung sa mga taong hindi niya kakilala."
Pa simple kong sinulyapan si Cassian na nakasandal sakanyang lamborghini kaharap netong van.
Agad naman siyang napatayo nang maayos nung nahuli niya akong nakatingin sakanya.
Ngumiti ulit ako sakanya sabay kaway, ngunit para isang hangin na naman ako sakanya. Hindi niya ba talaga ako papansin kapag maraming tao ang nakatingin?
At ba't ko ba naman proproblemahin yun? Hindi ko maiwasan ang pagirap ko nung mag tama ulit yung mga mata namin.
Pansin ko ang pagkagulat niya sa naging reaksyon ko. Bahala siya! Kung hindi siya kumportable edi wag, hindi din ako kumportable sa tuwing kakausapin niya ako na kami lang.
Pumasok na lang ako sa van. Katabi ko si Sage at Dana habang nasa frontseat naman si Clint, kausap yung driver.
Napuno ng kwentuhan at tawanan namin ang buong biyahe. Nung una awkward pa dahil hindi namin maintindihan ni Sage ang mga pinagsasabi nilang lahat. Hanggang sa napuno at nag reklamo si Sage
"Ano ba yan! Pwede bang mag tagalog na lang kayo. Hindi kami nakakarelate ni Xyra."
"Ay oo nga pala..... sorry!" Dana nung narealize niya na sila lang ang masaya sa usapan nila.
"So fluent ka talaga Xyra sa french?" tanong ni Ken. Second year na siya ngayon at kaklase pa ata siya ni Nikka.
"Malamang Ken. Ikaw ba naman tumira sa France nang ilang taon tingnan natin kung hindi ka parin magaling sa french." sagot naman ng katabi "Ang nakaka amaze ay yung magaling pa rin siya mag tagalog."
"Ah oo. Yun kasi ang ginagamit namin sa bahay."
"I heard maraming magaganda golf course dun sa France. May na puntahan ka na ba dun?"
"Ah wala eh.. Hindi rin naman kasi ako nag lalaro ng golf. Ngayon lang."
"Huh?" Litong lito si Ken sa sinabi ko "Eh paano ka nasali samin kung ganun?"
"I invited them to join us" si Dana na ang sumagot "Kailangan pa nila nang isa pang org and we need more members kaya ininvite ko na."
Pagkatapos nila akong interviewhin ay napunta sa pag gogolfing ang usapan nila. At tama nga ang hinala ko na napuntahan na nila ang halos lahat na mga golf course dito sa Pilipinas. Nalaman ko na may member dito na mayroong private jet yung pamilya nila kaya hindi problema ang pa lipat lipat nila.
"Marunong ka bang mag laro?" dalawa na lang kami ngayon ni Ken nag uusap. Nakarating na kami sa golf course na tinutukoy nina Dana at nauna na silang mag lakad dahil may titingnan pa daw.
"Hindi eh."
Sumasama lang ako kina tatay noon pero hindi naman ako nag lalaro. Taga cheer at kain lang ako dun.
"Hayaan mo. Tuturuan kita mamaya." bigla akong napahinto para tingnan siya nang mabuti. Nakita ko siyang nagulat sa ginawa ko.
"Talaga? ... Naku salamat... Don't worry i'll try my best not to give you a headache later on."
"Headache?" natatawang tanong niya
"Well you know i'm new to this kind of sport. Sasablay at sasablay ako mamaya kaya baka sumakit yung ulo mo." tumawa na rin ako.
"Walang magaling sa mga first timers Xyra kaya okay lang yan.. Bigyan mo yung sarili mo nang ilang buwang pag lalaro ng golf, sigurado akong magaling kana nun." Sumangayon naman ako sa sinabi niya.
Nung palapit na kami ni Ken sa tanggapan ay nandun na pala ang lahat nakatayo.
"Uy! Si Ken dumidiskarte na." kantyaw kaagad nang isang senior nung nakita na nila kami.
"Wala ahya, may pinagusapan lang kami." Ken
"Kailangan talaga mahuli kayong dalawa? Ano ba ang pinagusapan niyo?"usisa pa niya.
Yung iba kahit tahimik ay nakikita kong mayroong panunukso sakanilang mga mata.
"Ano ka ba Kevin, tigilan mo nga yang kapatid mo." Suway ni Dana
"What?" natatawang sabi ni Kevin. May kumausap na kay Kevin kaya nawala yung atensyon niya sa amin ni Ken.
"Sorry about my brother." Ken whispered
"No, it's okay." sabi ko sabay ngiti sakanya. Sanay na ako sa tuwing tinutukso ako sa ibang lalaki.
Nang tuluyan na kaming nakapasok ay may nakaabang sa aming limang golf cart. Nasa iisang golf cart sina Dana, Clint, Gavin at Cassian.
Habang kami ni Sage, Ken at Kevin ang mag kasama. Mabuti na lang talaga at may dala akong visor hat. Kahit papaano ay mayroon akong panlaban sa sikat ng araw ngayon.
"Ken ano one round tayo?" tanong sakanya ng isa pang member
"Kayo muna, mamaya na ako. Tuturuan ko pa si Xyra kung pano mag laro."
And for the second time, lahat sila ay napalingon sa kinatatayuan ko na may tukso sakanilang mata. Si Sage nakisali na rin. Pabirong sinisiko pa niya ako sa tagiliran ko.
"She doesn't know how to play, so I should teach her." Ken para sana matigil ang lahat, ngunit mas lalo lang ata nila kami tinukso sa isa't isa.
Nakita kong nakangiting umiling si Ken bago lumapit sakin. "Swerte mo naman, isang Chan kaagad ang nakapansin sayo." bulong ni Sage habang kay Ken parin ang tingin. "Iwanan ko muna kayo." dugtong pa niya bago tuluyang umalis sa tabi ko.
Nung nakalapit na si Ken sakin ay inaya niya na akong mag laro.
Pinakita niya sakin kung paano ang tamang pag hawak ng club. At kung ano yung tamang posture.
"Tama ba?" tanong ko habang ginagawa ang proper starting position.
"Uh huh. Now, try to swing." humigpit lalo ang pagkakahawak ko ng golf club, huminga ng malalim bago sinwing yung upper body ko. Kita ko kung gaano kalayo ang narating ng golf ball ko.
"Nice shot." puri niya sa akin sabay palakpak sakin. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil maganda yung kinalabasan ng first try ko.
Nakailang try pa ako dito, hanggang sa nakuha ko na kung paano talaga ang mag laro nang maayos.
"Wag mong masyadong galingan ha? Baka makalimutan mo first time kong mag laro." sabi ko sabay ayos ng suot kong visor hat.
Sabi niya magaling na raw akong maglaro napag kasunduan namin na kung sino ang matatalo sa aming dalawa ay siya yung manlilibre sa school bukas ng lunch.
"Mas magaling ka pa nga sa akin. Tingin ko nga nag sisinungaling ka nung sinabi mong first time mo mag laro ngayon."
"Totoo, first time ko." giit ko pa. "Teka water break muna tayo, bago magsimula." paalam ko.
Nanatili siya doon habang ako naman ay nag simula nang mag lakad papunta sa golf cart. Dun ko kasi iniwan yung bag ko.
Napahinto ako nung nandun sa golf cart namin si Cassian, tahimik na nakaupo. Anong ginagawa niya diyan? Akala ko ba sumama siya kina Dana kanina?
Kami na lang kasi ni Ken ang nandito sa starting point ng course, dahil nga tinuturuan pa niya ako. Tsaka yung iba hindi ko na alam kung nasaang banda na sila ng course na ito. Paniguradong masaya na nag lalaro na sila ngayon.
"Hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?" I asked habang papalapit sakanya. Nasa tabi niya kasi yung bag ko.
Napaangat siya ng tingin sa akin sabay usog sa kinauupuan niya. "Not in the mood to play?" dugtong ko pa habang kinakalkal yung laman ng bag ko.
"Tssk"
"Gusto mo?" pag alok ko ng bottled water ko sakanya. Ngunit tiningnan niya lang ito saglit bago inangat muli sa mga mata ko ang kanyang tingin "What?"
"Tsk." kita ko sa mukha niya may gusto pa sana siyang sabihin ngunit mas pinili niyang tumahimik na lang.
Idinikit ko sa mukha niya yung water bottle ko. Inilagan pa niya sana ngunit naabot ko na yung mukha niya kaya bahagyang nabasa yung left cheek niya. Kung kanina ay masama na yung tingin niya sakin, mas lalong sumama pa ngayon dahil sa ginawa ko
"Init ng ulo natin ngayon ah. May problema ka ba?" tanong ko sabay akyat ng golf cart para makaupo sa tabi niya at para na rin makatago sa sikat ng araw.
"Tungkol ba sa negosyo niyo?" nasa malawak na green field ang atensyon ko sabay inom ng tubig.
I noticed how his body shifted towards me, kaya naman nilingon ko na rin siya.
Kung tama ang sinabi ni Sage sakin noon na tumutulong na nga siya sa pagpapalago ng companya nila. Baka ito nga yung rason kung bakit badtrip siya ngayon.
"Mahirap bang patakbuhin ang isang malaking companya?" his brow furrowed while looking at me. "Pressured ka ba sa kumpanya niyo? Kaya ka badtrip ngayon?"
Nanatili siyang tahimik na nakatingin sakin ng ilang saglit bago napabuntong hininga tsaka umupo ng maayos. Pareho na kami ngayon nakatingin sa malawak na green field.
"Walang problema ang kumpanya namin." pag umpisa niya
"Hmm."
"But lately something's bothering me." aniya. Tahimik lang akong nakikinig sakanya, hinihintay ang susunod niyang sasabihin "deciding if should I take the risk or not."
Parang tumigil ang oras nung nilingon ko ulit si Cassian at nalaman kong na saakin pala siya nakatingin.
I akwardly smiled at him. Hoping that he won't notice that my heart is beating so fast right now.
"It is not wrong to take a risk. Ang masama ay yung wala ka pa ngang ginagawa ay umaatras ka na kaagad. Don't be afraid to take all the opportunity you have infront of you. If it fails take it as your lesson in life, if it's a success then I guess, that was really meant for you." Sabi ko sabay pat ng balikat niya bago tuluyang tumayo para puntahan si Ken sa field.
Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalayo kay Cassian ay nilingon ko siya. Nanatili parin siyang nakaupo. Ngumiti ako nung nalaman kong nakatingin siya sakin.
"Gusto mo bang sumali sa pustahan namin ni Ken?" tanong ko. "Manlilibre daw kung sino ang matatalo." hindi siya sumagot, mukhang malalim pa rin ata ang iniisip niya. Kaya naman nag martsa na ako pabalik sa kinauupuan niya tsaka ko siya hinila patayo na ikinagulat niya
"Masasayang ang pag punta mo dito ngayong araw kapag hindi ka mag lalaro." Sabi ko habang hila hila parin siya binitawan lang nung malapit na kami kay Ken. "Sorry, but can Cassian join us?" tanong ko kay Ken. Nakita ko na nagulat pa siya nung nasa harap niya na si Cassian.
Pabalik balik ang tingin niya sa amin bago napakamot ng batok "Sure. Naiwan ka nila Cassian?" Ken talking Cassian.
"I have an important call to answer kaya pinauna ko na sila." Cassian as he stood besides me.
"Ah ganun ba." panay parin ang pabalik balik ng tingin ni Ken sa amin ni Cassian. Yung para bang isang ka takang taka na mag katabi kami ni Cassian ngayon.
"Okay! Kung sino ang matatalo siya ang manlilibre ng lunch sa mananalo ngayon." pag uulit ko bago kami mag simula. Pareho naman silang sumangayon. Kahit na si Cassian ay mukhang hindi interesado at napilitan lang.
"Gusto ko sanang ako ang manlibre sayo Xyra pero a game is a game."natatawang sabi ni Ken
"Edi mag patalo ka" biro ko
"Hmm. Pwede naman kitang ilibre kahit tapos na ang pustahan."
"Talaga?" natuwa ako sa narinig ko mula kay Ken.
"Oo ba, kahit k———"
Hindi na natapos ni Ken ang dapat niyang sabihin nung biglang pumagitna samin si Cassian "Let's start" seryosong sabi niya sabay tingin ng masama kay Ken
O pakiramdam ko lang na masama ang tingin niya kay Ken. Kung sabagay normal niya na siguro ito. Kahit ako nga sanay na ako sa ganitong paraan niya ako tinitingnan.
Hindi pa kami nangangalahati sa laro ay sumuko na ako. Dahil halatang talo na ako sa dalawa. Puro kasi sablay ang attempts ko. Magkadikit ang laban nung dalawa, hindi masasabi kung sino ang mananalo. Pareho silang seryoso sa pag lalaro. Habang ako naman ay seryoso sa pag papaypay ng sarili ko gamit ang suot kong itim na gloves kanina.
Tutal ako rin naman ang siguradong manlilibre sa mananalo mamaya. Ano kaya magandang ilibre? Kumakain ba sila ng pancit canton? O kaya fishball sa kanto? Yun lang kasi ang makakaya ko ngayon dahil next week pa ulit mag papadala sina tatay ng allowance ko.
"As expected from Cassian." sabi kaagad ni Ken nung naipasok na ni Cassian yung bola.
Cassian won the game, so that means i'll treat him a lunch or merienda sa school.
Instead of answering Ken, nag lakad siya papunta sa kinatatayuan ko.
"Congrats!" maligayang bati ko sakanya. I saw him removed his black gloves as he looked at me.
"You owe me a lunch now." inayos pa niya ng kaonti ang yung suot niyang baseball cap
"Of course! A deal is a deal." taas noo kong sabi kahit na nakaramdam ako ng kaba dahil sigurado akong kahit kailan hindi siya kumakain ng mumurahing pagkain. Baka magka LBM pa tong lalaking to kapag pinakain ko siya ng fishball.
"Alright then, can't wait for that day to happend." He said in a low note. Just enough for the both of us to hear it. But I can see his lips rose up a little bit. Dinilaan pa niya ito para sana pag takpan. Ngunit huli na dahil nakita ko na siyang ngumingiti