[5]

2081 Words
Naibuga ko nang wala sa oras ang ininom kong tubig nung pangalan ni Cassian ang bumungad sa akin nang binuksan ko yung i********: account ko. Umayos ako nang upo habang nakatitig parin sa phone. Cassian Matthew Dy is now following you Napakurap kurap ako habang paulit ulit kong binasa yung pangalan niya. Pumikit pa ako nang mariin bago nag lakas loob na pindutin yung profile niya. Ngunit bagsak kaagad ang balikat dahil nalaman kong private pala yung profile niya. At kailangan ko pa siyang ifollow bago ko siya mastalk. "Sobrang misteryoso naman. Ang daya!" bulong ko sa sarili bago ko pinindot yung follow button nang profile niya. Yung profile ko kasi naka public kaya kahit na hindi niya na ako i follow ay makikita niya na ang lahat na pinost ko dun. Nanlaki ang mata ko dahil wala pang isang minuto ay inaccept niya na yung request ko. He's online! Bahagya ko pang nabitawan yung phone ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Parang sasabog ang puso ko dahil dito. Why am I feeling this way anyway? Hindi naman ito ang unang beses na nag follow ako sa ibang tao ah? He is just your normal friend Xyra, walang masama dun. I shrugged to wipe away all my thoughts. Kumunot ang noo ko nung napunta nga ako sa profile niya. I saw his myday. Ako ba yun? Namalik mata lang ata ako. Muli kong pinindot yung profile picture niya para matingnan muli ang kanyang myday. I pressed it longer so that it won't fade immediately. It was posted eight hours ago. Hindi ako sigurado kung ako nga yung nasa larawang iyon dahil mula siya sa loob nang sasakyan niya tapos madilim yung picture niya, tsaka may nakalagay na caption na DESERVE dun. Ngunit pamilyar yung mga building na nakikita ko. It was our department building. Kita ko pa yung orasan mula sa sasakyan niya 12:00. Nanlaki ang mata ko habang napunta yung isang kamay ko sa aking bibig. Don't tell me ito yung panahong nilapitan niya ako habang hinihintay ko yung grab car. Tinangka ko pang izoom yung larawan, ngunit hindi ko magawa. Kaya hindi ko makumpirma kung ako nga talaga yung nakatayo o guniguni ko lang. Sa halip na isipin ko yun ay mas pinili ko na lang na tingnan yung profile niya. It was normal guy i********: feed. Ngunit sa mga larawang yun ay hindi na maitatanggi na anak mayaman talaga siya. May larawan kasi siya sa ibang bansa, may iilang larawan din siya na nasa isang golf course. Naka white pants, black polo, sneakers, and gloves. I can't deny it, he is so handsome on that outfit. Hindi ko maimagine yung mismong araw na makikita ko siya na ganun yung suot. Ngunit may isang larawan siya na nag patigil sakin. Isa itong candid photo. He is wearing a white fencing attire, nasa isang kamay fencing mask tapos sa kabila yung sword. Basa ang buhok kaya halatang kakatapos niya lang mag laro. Nakangiti pa kaya kitang kita ang maganda niyang dimple. So aside from golfing, he's into fencing like what Sage said. Anak mayaman talaga! I muttered as I leave his profile. Tingnan ko yung mga tagged photos ko, nilagyan ko nang puso ang lahat, pagkatapos ay yung mga naka tagged na stories naman saakin ang tiningnan ko. shinare ko na rin ang lahat ng yun sa stories ko. Kaya nag mukhang powerpoint presentation ngayon yung myday ko. Sa kalagitnaan ng tahimik kong pagkain nang breakfast ay tumawag si Xander. "Alam kong mananalo ka." sabi niya. Sinend ko kasi sa group chat naming apat yung mga larawan ko kagabi. Busy ata siya nung oras na nasend ko kaya ngayon lang niya ako tinawagan. "Nasabi mo lang yan dahil pamangkin mo ko." "No, seryoso Xyra. You are beautiful, talented and smart lady. It is a loss if you didn't win the crown last night." aniya "Nag tataka nga ako kung bakit hindi ka sumasali sa ganitong pageant nung nandito ka pa." "Hindi ko kasi tipo ang ganitong bagay." "Pero nang umuwi sa Pilipinas ay sumali kaagad?" He chuckled ganun din ako "Hindi ko naman sineryoso. Katuwaan lang namin nung kaibigan ko na sumali." "Katuwaan niyo lang pero nanalo ka na Xyra. How much more kung sineryoso mo ang pageant na yun no? Hindi na ako mag tataka kung ang sunod na sasalihan mo ay yung malalaking pageant na." "Dream on Xander. Hinding hindi mangyayari yun." Humalakhak siya nang tawa, kaya nadali tuloy ako sa pagtawa niya. Huminto nung may naalala "Ay nga pala Xander, hindi ba't nag gogolf din kayo ni tatay dito sa Pilipinas?" his eyes drifted on me through the screen. Habang kumakain kasi kanina nabasa ko sa groupchat namin sa golf club na napag desisyunan nilang lahat na magkikita kita daw kami bukas sa East High dahil gusto na nang karamihan mag laro. "Ba't mo natanong?" "Uhm.. sumali kasi ako sa isang student org dito.." "Don't tell me golf ang napili mo sa dinami dami na org?" he chuckled "And as far as I know hindi ka nag lalaro nun. Naalala ko hindi ka sumasama samin dahil sabi mo boring ang sports na yun." "Yun kasi ang nahanap naming org na hindi masyadong nagkikita kita. Tapos all expense paid pa." ngumisi ako sakanya. "Huy Xyra! Mahiya ka naman. Mag bayad ka alam mo naman kung gaano ka mahal yung fees sa tuwing mag lalaro ka ng golf hindi ba?" "Alam ko, kaya hindi ako sasali dun kapag galing sa sarili kong pera ang ibayayad sa fees." "Ba't hindi? Eh kayang kaya mo naman mag bayad nang fees?" he stopped for a while "Teka nga, wag mo sabihing tinatago mo naman ang totoo mong pagkatao diyan sa Pilipinas?" "Anong tinatago? Wala ah." tanggi ko sabay iwas nang tingin sakanya "Naku Xyra Venice kilala kita. At hindi ito ang unang beses na ginawa mo to." Aniya "Are you not proud of being a Rodriguez?" may lungkot sa boses niya kaya agad akong napatingin sakanya "Of course i'm proud Xander!" I am not ashamed of being a Rodriguez. Never in my life! "Then why are you doing this Xyra? Why is it that you're hiding the fact that you're a Rodriguez?" I sighed "Hindi ko naman tinatago na isang Rodriguez ako Xander" panimula ko "Kaya lang sa tuwing nalalaman nang tao na Rodriguez ako ay nag iiba ang pakikitungo nila sa akin. It seems like they are treating me like their Goddess, they want to gain my trust on them para mailakad ko sila sa companya natin. And I hate that! Kung gusto talaga nilang makipag deal sa companya natin, bakit hindi sila dumerecho sainyo ni tatay? Bakit gagamitin pa nila ang mga anak nila para makipagkaibigan sakin? They should work hard for it not the easy way around. You know what I mean?" Naalala ko nung bata pa ako, sinama ako nina tatay at nanay sa isang party. It was first time for me kaya sobrang kinakabahan ako nun. I am wearing my favorite floral pink dress and a pair of white doll shoes. Dala ko rin yung sling bag ko with a bunny ear shape. Maraming malalaki at maimplowensyang tao nandun sa party. But when we entered the hall everyone flocked on us. Nakipag kamayan halos lahat kila nanay at tatay. They are all talking about business kaya tahimik lang ako nakatayo sa gitna nang mga magulang ko. Hindi makasali sa usapang matatanda. Ilang minuto na kami dito nakatayo at hindi makalapit sa assigned table namin dahil sa daming lumalapit sa amin. "Is this your daughter mr Villanueva?" an old man asked "Ah yes mr Dy." bahagyang hinawakan ako ni tatay sa balikat "Xyra" pag tawag niya kaya napaangat ako nang tingin. "What a lovely daughter you have mr Villanueva" old man said while he smiled at me. "Thank you mr Dy" si nanay naman ang nag salita "I have a grandson few years older than her. I am planning to bring him here for a vacation. Maybe they can be friends?" "Oh sure mr Dy. I'd also loved to meet your grandson." nanay "That's great. I'll contact you if were back." "Sure sir. No worries." after that conversation my dad excused ourselves from the crowd. Napapansin niyang ang mukha kong napapagod sa kakatayo kahit wala naman akong may sinabi. Nasa isang malaking round table kami malapit sa stage. Nakaupo ako sa gitna nina nanay at tatay. May iilang businessmen kasama ang kani kanilang asawa ang nakaupo rin sa round table namin. I smiled at them whenever I heard them saying my name. "Hindi ba kilala ang pamilya nila sa arranged marriage?"tatay asked nanay when we settled down on our table. "Yes! Kaya nga mukhang nilalakad niya yung apo niya satin." Nanay "And I won't let him meet our daughter again." napatingin ako kay nanay nung marahan niyang hinaplos ang aking buhok. She is smilling at me. "Gutom ka na ba anak?" "Hindi pa naman po." Tumango si nanay habang inaayos ang buhok ko "Malapit na siguro mag umpisa ang party." sabi pa niya. Nag taka pa ako nung una dahil yung ibang negosyante pala na nakaharap ko kanina sa party ay nag suggest sa mga magulang ko na ipakilala saakin ang kanilang lalaking mga anak. Little did I know, they wanted to make a deal. Gusto nila akong ipakasal sa anak nila para sa negosyo. Tinawanan lang naman yun nina tatay at nanay. Simula nun hindi na ako sinasama nina nanay at tatay sa kahit anong party nila. They wanted to protect me from the people who is eyeing me for their sons. Kahit mas matanda pa nang ilang taon yung mga anak nila. And I thank them for doing that. Hindi daw nila makita ang sarili nila na binebenta nila ako para sa negosyo. At alam nila na hindi ako sasaya hangga't sa mamatay ako kung ipagpilit nila ako sa lalaking hindi ko naman mahal. "I get it, but Xyra ang sa akin lang naman.. Kung kaya mong bayaran ang isang bagay bayaran mo... Don't tell me pati ang pagkain mo diyan ay nag titipid ka? I can't remember you asking money from me." Agad akong umiling sakanya "Of course not Xander. Sa pagkain nga nauubos yung pera ko." "Mabuti naman kung ganun." aniya "May gamit ka na ba sa pag gogolf?" "Wala eh. Kaya tinanong kita, baka may naiwan kayo dito ni tatay." His brow furrowed as his lips turned into thin line. "Nasa bahay ata. Ipapahatid ko dyan sa condo mo mamaya kay manang." "Sige, salamat." "May kailangan ka pa ba?" Umiling ako "Wala na." "Alright then" Pagkatapos nang tawag ay naging abala ulit ako sa pag scroscroll ko sa aking social media accounts. Hanggang sa naisipan ko nang mag hanap ng pwedeng mapuntahang gym habang nandito ako. "Good morning." bati nang isang staff sa akin nung makapasok ako sa gym nila. Ang gym na ito ang pinakamalapit sa unit ko, walking distance lang. Atsaka kahit na hindi pa ako tuluyang nakapasok sa gym na ito ay halatang maganda na. Malaki rin ang gym na ito mukhang kumpleto rin sa kagamitan. "Good morning" sabi ko sabay lapit sa counter. "How may I help you ma'am." "Gusto ko sana mag tanong kung magkano ang membership fee niyo dito?" "Monthly po ba? Or walk in?" "Monthly." "Meron po kaming three thousand five hundred at two thousand po. Ang pinagkaiba lang ay yung three thousand five hundred na rate namin ay para po sa VIP. May sariling lounge po sila dito at space kung saan makakapag gym ka na mag isa. Pero may instructor ka pa rin naman." Tumango tango ako. Trying to think which of the two is better. "Yung two thousand na lang po. May personal instructor naman yun hindi po ba?" "yes ma'am" nakangiting sabi niya sabay labas ng isang form na may nakapatong na ballpen "Paki fill up na lang po neto." Habang tahimik kong sinasagutan yung form ay panay yung explain sakin ng staff, hanggang sa matapos na ako. "Pwede na ba ako magsimula ngayon?" "Sure ma'am." aniya "Nandoon po yung lockers at washroom.. Ito naman po yung susi nang locker mo" sabay abot sakin nang susi "Salamat" sabi ko bago umalis para tumungo sa lockers Nilagay ko lang ang dala kong duffle bag sa loob na locker bago pumunta sa kung saan nakalagay yung mga yoga mat dito sa gym. Plano kong mag stretching muna, matagal tagal na kasi ang huli kong pag wowork out baka ma bigla yung katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD