Habang nag eensayo ay hindi ko pinapakita yung best ko dahil gusto ko bukas ko na ibigay ang lahat lahat ko. Ganun din yung ginawa ni Sage. Napatawa pa nga ako dahil yung mukha ni Sage ay parang naiinip na siya sa ginagawa at gusto nang umuwi.
Pansin ko rin ang paminsan minsang sulyap ng ibang babae kay Sage halatang nag papacute sakanya. Ngunit ni isang beses ay hindi niya ito pinapansin. Ang suplado niya ngayon ah.
"Saan ka nga pupunta? Ba't hindi ako pwedeng sumama?" pangungulit ko sakanya. Kakatapos lang nang blocking at palabas na kami ngayon Sage nang auditorium.
Dahil late na kaming natapos at ginutom na ako sa kakaensayo. Inaya ko siyang kumain na muna bago umuwi. Kaso tinanggihan niya ako, sinabing may pupuntahan pa raw siya.
"Basta! Wag kang sumama may booking ako." sabay kindat pa sakin. Lalag ang panga habang nanatili ang mata ko sakanya. Hindi pa niya ako hinayaang mag salita pa nung nag madali siyang umalis sa harapan ko.
Sa tagal naming mag kasama ay alam na alam ko na ang ibig sabihin nang booking na tinutukoy niya
"Ang landi mo!" natatawang sigaw ko sa tumatakbong Sage. Tumigil naman ito bago ako hinarap
"Para maganda yung performance ko bukas" biro pa niya
Napiling na lang ako bago nag lakad muli palabas ng campus na mag isa.
Pagod na pagod na ako ngayon, idagdag mo pa na masakit ang paa ko dahil sa suot kong heels kanina. Sa dinami dami kasi na pwede kong makalimutan ay yung heels ko pa talaga ang nakalimutan kong dalhin. Kaya napahiram tulou ako nang wala sa oras sa ibang candidates nang sapatos nila.
Bigla akong napamura at napahawak sa dibdib ko nung biglang may bumusina mula sa likuran ko. Mariin akong napapikit ngunit ramdam ko na may humintong sasakyan sa tabi ko.
Unti unti ko yun nilingon at bumungad sakin ang isang itim na Lamborghini Urus. Heavy tinted yung windows niya kaya kunot noo kong pinagmasdan ang kotse.
Wala akong kakilala na may ganitong sasakyan at imposible namang si Niel ito.
Laglag ang panga ko nung nakita ko kung sino pala ang nag dridrive nang mamahaling sasakyan na ito, binaba niya na kasi yung bintana nang shotgun seat niya. Bahagya pa akong lumapit at yumuko para ma kumpirma kung siya nga talaga yun.
"Cassian!" nakangiting bati ko sakanya
"Where are you going?" kunot noo niyang tanong sakin habang yung isang kamay niya ay nasa steering wheel parin.
"Ah uuwi na, kakatapos lang nung blocking namin para bukas. Ikaw saan ang punta mo?"
"I'm going home. Get in i'll give you a ride." pag aya niya pa na ikinagulat kong muli. Mula sa pag kakayuko ay umayos ako nang tayo bago umiling at winave pa yung dalawang kamay ko sa harapan.
"No it's okay. May dadaanan pa ako. Mauna ka na." tanggi ko ngunit mas lalo lang sumama yung tingin niya sakin. Bago pa niya tinanggal ang suot niyang seatbelt at lumabas na nang tuluyan sakanyang sasakyan.
I stepped backward and blinked a couple of times when I looked at him walking towards me.
Walang pasabi niyang binuksan ang pinto ng shotgun seat niya
"I'll drive you home" sabi niya nung na pansing wala akong planong pumasok sa kotse niya
Nag tataka at gulong gulo sa ginagawa niya ngayon. Bakit niya ako ihahatid sa bahay ko? Sa pag kakaalam ko hindi kami gaanong close netong si Cassian na to para ihatid niya ako sa bahay ko. Sa katunayan ay mukha pa nga siyang galit sakin.
Bakit bigla naman ata siya naging mabait sakin ngayon.
"May bibilhin pa ako"
"Sasamahan kita. Get in the car."
"But why?"
"It's getting late Xyra." Aniya "mahihirapan ka nang sumakay ngayon dahil rush hour na at pagod ka na sa kakaensayo mo. Mas mabilis kang makakauwi kung sasama ka sakin."
Napaisip ako dun sa sinabi niya. Tama nga naman siya dun na pagod na talaga ako sa araw na ito. Wala naman sigurong magagalit kung sasama ako sakanya hindi ba? Tsaka isang beses lang naman ito.
Tumingin tingin pa muna ako sa paligid bago tuluyang pumasok sa kotse niya. I saw his lips curved before touching his nose while he closes the door.
Habang tumatakbo siya papunta sa side niya ay iginala ko ang mata ko sa kotse niya. Kung ano kalinis nang sasakyan niya sa labas ay ganun din kalinis nang kotse niya sa loob. I can also smell his manly and expensive scent inside his car.
Napaayos ako nang upo nung tuluyan na siyang nakapasok muli sa sasakyan niya. Nanginginig pa ang kamay ko nung isinuot ko na yung seatbelt.
"Mukhang na late ka ata nang labas ngayon ah?" pagsira ko sa namumuong katahimikan namin.
"Yes, may ipinasa lang na reports" seryoso niyang sabi habang nasa daan parin ang atensyon.
I looked at him and I was so amused by his side profile. Kahit anong anggulo nang mukha niya ay hindi ko maitatanggi na guwapo parin siya. Kahit siguro mag wacky pose ito ay hindi parin mababawasan ang kapogian niya.
"Thesis?"
"Yeah"
"Mahirap ba? I heard na yan yung kinakatakutan nang lahat ng college student eh."
Nagulat ako bigla nung tiningnan niya ako sa aking mga mata.
"It depends on your case study." Simpleng sagot niya bago ibinalik sa daan yung atensyon. Green light na kasi kaya kailangan niya nang gumalaw.
"Dito na ako." Sabi ko sabay turo nang waiting shed. Hindi pa naman ito yung building nang condo ko ngunit kailangan ko nang bumaba dahil bibili pa ako nang pagkain. Dahil sa pagod, wala na akong lakas para mag luto pa nang dinner ko.
"Where do you live?" tanong pa niya nung huminto na siya sa harap nang waiting shed na tinutukoy ko.
"Uhmm doon pa sa kabilang kanto. Bibili lang ako nang pagkain dito" habang tinatanggal ang suot kong seatbelt "salamat sa pag hatid. Mag ingat ka." Nakangiti ko siyang hinarap bago binuksan yung pinto.
Pagkasara ko nito ay agad niyang binaba ang bintana. Lumapit naman ako doon dahil yung mukha niya ay parang may sasabihin pa siya sakin.
Ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay wala parin ni isang salita ang lumalabas sa bibig niya. Nanatiling nakatingin lang sa akin.
I smiled and wave my hands "Bye. Salamat ulit" paalam ko. Tumalikod na ako sa sasakyan niya ngunit narinig ko ang pag bukas nang pinto kaya naman hinarap ko siya ulit. "May nakalimutan ba ako?" tanong ko nung tumigil siya sa harapan ko.
Nanatiling naka hazzard sa gilid yung sasakyan niya
"Cassian?" takang tanong ko
He pursed his lips kaya kita ko ulit yung dimples niya. Walang pasabi niyang inabot sakin ang kanyang phone.
Hindi ko alam kung anong gagawin kaya tiningnan ko lang yung cellphone niyang nasa harapan ko.
"Give me your digits."
"Huh?" my brow furrowed as I looked at him. Umiwas lang siya nang tingin sakin
"Give me your digits and your social media accounts." simpleng sagot niya
"What for?" nanlaki ang mata niya nung nalaman niya na nakatingin pa pala ako sakanya.
He licked his lower lip as he touches his nose again. Pansin ko rin ang namumula niyang tenga. I don't know why, but I got this feeling na nahihiya siya sa akin ngayon.
"I want to communicate with you. Isn't it obvious Xyra?" nung nag tama muli ang mata namin ay ako na naman ang nag iwas nang tingin.
I didn't know what to say or react. Hindi ito ang unang beses na may humingi nang number ko ngunit ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ang isang katulad ni Cassian ang humihingi sa akin ngayon.
Don't tell me.......
I smirked "are you flirting with me?" taas noo kong tanong
"Tsk" napairap pa siya kaya hindi ko napigilan na tumawa. "Just give me your damn phone." suplado niyang sabi
"Alright chill bro!" biro ko bago kinuha yung phone ko sa bulsa at ibinigay yun sakanya
Agad naman niya itong inabot at may tinype saglit sa phone ko. Hindi nag tagal ay nakita kong nag ring yung phone niya na agad namang nawala.
Inabot niya muli sakin yung phone ko
"That's my number" aniya sabay tingin sakin "don't you ever give my number to anyone" pag banta pa niya
I chuckled "bakit? Mukhang ang bilis mo ngang mag bigay nang number eh. I'm sure matutuwa ang ibang babae pag nakuha nila to."
I didn't even ask for his number. Kusa niya lang itong binigay sakin.
"tsk! Wag mong ibigay" supladong pag banta niya sakin "Text me kung nakauwi kana sainyo." paalala niya bago iniwas muli ang tingin niya sakin at tuluyang nag lakad papunta sa kotse niya.