[4]

3701 Words
Please don't say my name. Please don't say my name. Paulit ulit kong sinabi yan sa utak ko. Kasalukuyang dalawa na lang kami nang isang higher year na contestant ngayon na nakatayong mag kahawak kamay sa stage. Malapit nang matapos yung pageant, announcement na lang talaga. Nanalo kami ni Sage sa best in talent kanina kaya laking tuwa namin dun. Tapos yung best in long gown, production, interview at most photogenic ay nakuha ko rin. Ngunit habang dumadami ang nakukuha kong special awards ay mas lalo lang akong kinakaban sa mangyayari, dahil huli ko na nalaman nung nasa bandang q&a portion na kami nang pageant na ang mananalo pala dito ay siya yung mag rerepresent nang buong department sa gaganaping MR and MS Intrams. At wala na akong planong sumali pa dun! Katuwaan lang ang pag sali ko dito, tapos ito pala ang resulta. Ngayon pa lang sasabihin ko na, na ayaw ko! Kaya sisingsisi talaga ako na nag pakitang gilas ako ngayong gabi. Panay kasi yung ngiti ko sa judges tsaka sa banda nang auditorium kung saan nakapwesto yung mga kaklase ko. "And the winner for this year's Miss Acquaintance is contestant number?" pa suspense na tanong nung MC "Number 8!" "Number8" "Five!" "Five!" Parang mabingi ako sa ingay nang audience dito sa loob nang auditorium. May iba't ibang pakulo ang mga estudyante dito. May nakahawak nang mga balloons, banners at yung iba may dala pang drums at tarpulin. Kaya naman sobrang ingay nila ngayon dito. Please don't say my name Please don't say my name Pumikit na ako at paulit ulit pinalangin na wag banggitin yung number na nakasabit sa gilid nang baywang ko. "Our Miss Aqcuaintance 2021 is, contestant number 8." okay i'm doomed habang yung ibang estudyante ay nag sihiyawan at tatalon na sa tuwa dahil sa results "Miss Xyra Venice Villanueva, and our first runner up is contestant numbe 5. Congratulations!" sabi nang mc Nakangiting nakipag beso sakin yung first runner up bago tuluyang lumapit ang isang judge at usherette para ibigay sakin yung sash,crown at boquet. Pilit na lang akong ngumiti at nag pasalamat sakanila. Bago humarap para mag papicture. Ilang sandali ay dinumog na ako nang mga kaklase ko. Umakyat pa talaga sila nang stage para makalapit at ma congratulate. "Congrats!" nakangiting asong bati sakin ni Sage. Sinamaan ko siya nang tingin kaya mas lalo siyang tumawa. He also did good tonight sa katunayan first runner up siya sa male category. "Ba't mo ko iniwan?" parang mangiyak ngiyak kong sabi. Natatawang tinuro niya ang kanyang sarili "ako? Bakit ako? Eh hindi ko naman hawak yung utak nung judge Xyra." "Congrats!" Sabi nang isa ko pang kaklase. Tuluyan na silang nakalapit sakin at nasa gitna na nila akong lahat. Lahat sila ay natutuwa sa ikinalabasan nang pageant. Syempre sino ba ang hindi matutuwa hindi ba? Hakot awards pa ang nangyari. Ngunit, wala talaga akong plano sumabak sa isa pang pageant. "Pres! Ba't hindi mo sinabi na ang mananalo pala dito ay siya yung isasabak sa isa pang pageant." pag tampo ko na ikinagulat nilang lahat "Ah..." napakamot si Huebert sakanyang batok hindi alam kung ano ang dapat niyang sasabihin sa akin. "Hayaan mo na Xyra, you deserve that crown! Kami bahala sayo pag dating nang intrams week natin. Congrats ulit" Sage sabay yakap sa akin ng mahigpit "dali! Picture tayo." anyaya niya pa sabay labas nang phone niya at nakipag selfie na sakin. "Okay group picture." tinawag pa niya yung mga kaklase ko dun. May iilang estudyante na hindi ko man lang kilala ang lumapit sakin para makipag picture. Kaliwa't kanan hindi ko alam kung saan ako haharap dahil sa dami nila. "Waaah! Xyra congrats! Ang galing mo" natutuwang bati sakin ni Nikka nung makarating sila nang stage kasama ni Niel, Dana,Clint,Gavin at Cassian. Hindi ko akalain na nanuod pala talaga sila. "Ang ganda mo." pag puri ni Niel sakin sabay akbay. "Congrats Xyra! I know you'll win." Dana sabay yakap sakin "Ugh thank you. Salamat sa pag punta." nahihiya kong sabi tsaka isa isa ko silang tiningnan. Ngunit hindi ko kayang tingnan nang matagal si Cassian dahil naalala ko ang nangyari samin kahapon. Pag kauwi ko kahapon ay nag dalawang isip pa ako kung itext ko ba siya o hindi. Ngunit sa huli ay inilapag ko yung phone ko sa aking bed para makapag half shower muna. Mamaya ko na itext mukhang hindi naman siya seryoso nung sinabing kailangan kong ipaalam sakanya na nakarating na ako sa bahay. Pagkatapos kong gawin ang night routine ko ay dun na ako humiga sa aking malambot na higaan. Habang angat yung cellphone ay kunot noo ko yun tiningnan dahil sa natanggap kong message galing sa isang unknown number Are you home? It took me a few seconds for me to realize that it was Cassian who texted me. My jaw dropped and my hand went to my mouth. Nanlambot ang kamay ko nung bigla ulit lumabas ang number niya sa buong screen ng phone ko. Nataranta akong umupo nang maayos sa aking higaan. Nanatiling nag riring yung phone ko dahil sa pagtawag niya. I took a deep breath before answering the call "Hello?" "Are you home?" "Ah oo" "I told you to text me when you're home." "Sorry, akala ko kasi nag bibiro ka lang." "Tsk! Now you know that i'm not joking." Aniya. Napakagat labi ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sakanya "Matulog ka na. Alam kong pagod ka." He ordered Tumango ako na agad ko namang pinagsisihan. Dahil naalala kong hindi niya naman yun makikita "Sige ikaw rin matulog ka na. Thanks for the ride earlier." Nung binaba ko na ang tawag ay doon na ako nakahinga nang maluwag. Gulong gulo sa pakikitungo ni Cassian sakin. I never thought he has this side of him. Ang akala ko kasi suplado siya at mukhang may galit sa mundo. Ganito pala siya makitungo sa kaibigan niya. Teka? Mag kaibigan na ba kami? I shrugged on that question bago nilapag sa side table ko yung phone atsaka humiga para matulog. "Xyra picutre tayo, ipapakita ko to kay mommy." natanggal ang tingin ko kay Cassian nung lumapit si Nikka sakin para makipag selfie sana kaso "Uy! Sama ako diyan." sulpot ni Niel tsaka nakipag siksikan sa amin. Napaatras ako sa ginawa niya kaya hinampas nang kakambal niya yung braso niya "Sorry Xyra, attendance para hindi nila masabi na wala ako dito." biro pa niya Ilang selfies ang kinuha naming tatlo. Hindi ko mapigilan ang tawa ko kay Niel dahil nasa bandang likuran siya namin kung anu anong pose ang ginawa niya, parang tanga. "Kadiri ka Niel!" Nikka "Ewan ko kung bakit madaming babae ang naloloko mo. Eh hanggang ngayon isip bata ka parin." "Okay na yun kesa sa pagiging mature, sa sobrang mature mo hanggang ngayon kita mo wala ka paring boyfriend." Niel fired back. Nakangiting umiling ako. Hanggang ngayon kasi kahit na college na parang aso't pusa parin sila kung mag away. Hindi makukumpleto yung araw nila kapag walang sagutan na magaganap. "Xyra tayo naman." Dana. Tumango ako tsaka lumapit sa kinatatayuan nila. Nung una ay dalawa lang kami ni Dana, pag katapos nun ay sumama na sina Clint at Gavin sa picture. Kaso hindi kami mag kasya sa photo dahil sa tangkad nung dalawa at ang may hawak nung phone ay si Dana. "Ang laki nang mukha ko. Cassian kunan mo nga kami nang picture." utos niya sa kaibigan na tahimik lang na nakatayo sa gilid. Pinag titinginan siya nang iba pang estudyante. Mas naagaw pa nito ang atensyon nila kesa sa doon sa nanalong Mr Acquaintance. Sila kasi yung mga taong hindi inaasahang manunuod sa ganitong patimpalak nang university. "Why me?" supladong sagot niya kay Dana bago tumingin sakin. Mula ulo hanggang paa. Napalunok ako sa sarili kong laway dahil doon. Bumilis ang t***k nang puso ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba ba ito o ano. I smiled when his eyes went back to mine. Ngunit hindi niya man lang ito ginantihan. Nanatiling seryosong nakatingin lang siya sa akin. Anong problema niya? Ba't ang suplado niya na naman sakin? Napairap ako nung tumagal na at wala parin akong natanggap na bati mula sakanya. Ang gulo naman nang lalaking to. Parang babae kung mag mood swing. Sinundan ko nang tingin si Dana na nag martsa patungo sa kinatatayuan ni Cassian at walang pasabing inabot niya yung phone niya. "Kunan mo kami nang picture. Siguraduhin mong maganda kami ni Xyra, okay?" Paalala ni Dana bago nakangiting nag lakad papunta sa kinatatayuan namin. Agad na pinalupot ni Dana yung kamay niya sa braso kong nakahawak nang bulaklak. Clint on her left side while nasa right side niya naman ako. Tapos si Gavin ay nasa kabilang side ko nakatayo. "Cassian ano ba? Kukunan mo ba kami o hindi?" Dana Nakaharap na kasi kaming apat sakanya at hinihintay na kunan kami nang litrato. "Tsk!" Cassian sabay angat nang phone ni Dana ngunit kasabay nun ay ang pag angat din ni Gavin nang kanyang braso papunta sa balikat ko. Nanlaki ang mata nung nilingon ko siya. He was already looking at me "Picture tayo" Among the three boys he's the friendliest. Siya yung pinaka madaling pakisamahan kaya siya nasasabihan matinik sa babae dahil sa ugali niya. Tiningnan ko siya saglit bago humarap kay Cassian na ang talim na nang tingin niya sakin. I raised my brow at him. Ano na naman ba ang ikinagalit niya? Eh wala naman akong ginawang masama. Ni hindi ko pa nga siya nakakausap eh. Umiwas siya nang tingin nung napansin niyang nakatingin na ako sakanya. Bored siya sa pag ciclick nang phone ni Dana bago niya yun isinoli. Tapos na? Yun na yun? I don't even remember him saying 1,2,3 before taking a picture. "Teka!" pag pigil ko na ikinagulat nila. Kahit na hirap na hirap ako dahil sa suot kong long gown ay lumapit parin ako sakanya para tingnan yung litratong kuha ni niya samin. Uminit yung mukha ko at nanginginig yung kamay ko dahil sa galit. Paano ba naman kasi ni isang litrato wala siyang magandang kuha. Kung hindi nakatingin sa camera ay nakapikit naman yung mga mata ko. "Ano ba yan! Ayusin mo nga" reklamo ko sabay balik sakanya nang phone ni Dana. Mahuhulog pa sana yung mamahaling phone ni Dana dahil sa hindi niya pag abot nito kaagad. Tumalikod ulit ako para bumalik sa tabi nina Dana bago humarap kay Cassian. "Rinig mo yun Cassian? Ayusin mo daw" biro pa ni Clint sa kaibigan. Rinig ko na humalakhak naman si Gavin at Dana sa tabi ko. "Tsk! Bilisan niyo nga tong kalokohan niyo." he was glaring at me when he said it. Kaya alam kong ako ang pinag sasabihan niyang yun. Edi ayusin niya ang pagkuha para ma matapos na. Hindi ko talaga alam kung ano ang pinuputok nang buchi niya. "Alright! Chill!" Dana Kaya umayos na kaming apat. Inangat muli ni Gavin yung braso niya papunta sa balikat ko kaya dumikit ang pawisan at puno ng glitters kong katawan sakanya. "Sorry" sabi ko nung nakitang may napunta ngang glitters sakanya at bahagya ko pa akong lumayo ngunit pinigilan niya ko "It's okay Xyra" Gavin "But your——-" "Ano mag papapicture ba kayo o mag lalandian na lang?" Sabay kaming lumingon ni Gavin kay Cassian. Kung kanina ay masama na ang tingin niya samin, ngayon ay parang pinapatay niya na kami dito. Ngayon ko lang na pansin na nakaakbay na rin pala si Clint sakanyang girlfriend. Napakagat labi ako bigla dahil sa hiya. Umayos na kami nang tayo at ngumiti para makunan ka agad nang litrato. Marami na kasing nakatingin sa amin at halata na ang bulong bulongan nung iba dahil sa pagkakaakbay ni Gavin sakin. Makalipas nang ilang click ay bored na isinoli ni Cassian kay Dana yung phone atsaka aalis na dapat siya, ngunit hinila ito ni Dana papunta sa tabi ko. Kaya nabunggo ang mukha ko sa dibdib niya. Habang yung kamay niya ay nakaalalay sa bandang likuran ko. Nanlaki ang mata ko dahil may napuntang foundation sa suot niya grey shirt. Dali dali kong pinagpag yun para mawala bago ko siyang tiningnan. "Sorry" sabay atras. Nalaman ko kasi na sobrang lapit na pala nang mukha ko sa mukha niya. Nag iwas siya nang tingin sakin habang inaayos ko yung suot kong sash sa balikat "Kayo naman ang kukunan ko. Dali!" Dana sabay angat nang phone niya "Ang layo, ano ba? Hindi kayo kasya sa screen oh?" Reklamo ni Dana. "Tsk!" Cassian but he stepped sideward, ganun din ang ginawa ko ngunit pansin kong ang pamumula nang kanyang tenga at pag hawak niya sakanyang ilong. "There you go! Okay 1,2,3" ngumiti naman ako sa picture. Ewan ko lang sakanya "Cassian ano ba! Ngumiti ka naman diyan para kang namatayan eh." "Okay na yun" "Ako ang photographer dito kaya ako ang masusunod. Ngumiti ka!" Dana spat "Tsk" rinig ko mula kay Cassian. Nanlaki na lang ang mata ko nung naramdaman ko yung braso niya na pumatong sa balikat ko. Atsaka mas lalong idinikit niya ako sakanya. Nung tiningnan ko siya ay nakita kong nakangiti siyang nakaharap kay Dana. Gusto ko siyang itulak ngunit hindi ko magawa. My heart skip a beat. Inakbayan din ako ni Gavin ngunit ngayon lang bumilis ang t***k nang puso ko. Is it because of his hand around me? Or is it because of his beautiful smile? Napakurap kurap ako at hindi ko namalayan tapos na pala kami kunan nang litrato. Hindi pa ako nakakapag salita nung binitawan niya na ako atsaka nag martsa palabas nang auditorium. Nanatili ang aking mga mata sa kanyang likuran nawala. "Gosh! Isn't it the first time na ngumiti si Cassian sa isang picture?" gulantang sabi ni Dana habang tinintingnan yung phone niya ng mabuti. habang yung dalawang lalaki naman ay natatawang sumilip na rin sa phone niya. Gusto ko sanang sundan ang sinasabi nila ngunit may iilang estudyanteng hindi ko kakilala ang lumapit sakin para makipag selfie. Wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti sa harap nang camera nila. Hindi ko na rin na kita yung pag alis nila dahil pinag kaguluhan na ako ng ibang estudyante. Mabuti na lang at lumapit na si Huebert para mailayo na ako sa kaguluhan. Tinulungan pa niya ako sa dala kong bulaklak paalis nang stage. Nakahawak ako sa braso niya hanggang sa makarating na kami sa isang room kung saan ko iniwan yung gamit ko. Sinalubong kami kaagad nang iba pa naming kaklase. Halos lahat nang kaklase ko ay nandito. May nakikita din akong nakahanda na long table malapit sa blackboard. May nakapatong na pagkain. "Andyan na ang reyna! Magsitayuan kayong lahat!" Biro nang isa lalaki kong classmate. Nung nakita niya kaming papasok sa classroom. Huminto sila sa ginagawa para tumayo tsaka isa isa silang nag bow sakin. Na para bang totoong reyna talaga ako. Mga kalokohan talaga nila minsan. Pero I can't help it, masaya ako dahil sakanila. Hindi ko ito maipapanalo kung hindi dahil sa tulong nila. Sila ang nag hirap para hanapan ako ng magandang gown na maisusuot, pinag aralan pa talaga nang isa kong kaklase kung paano mag make up para dito. Kaya hindi ako ang mag isang nanalo dito, kung hindi kaming lahat na nandito ngayon sa loob nang classroom. I never felt this way. Kahit ilang buwan ko pa lang sila nakakasama ay magaan na ang loob ko sakanilang lahat. Lahat sila ay ginagawa ang lahat para sa event na ito, mula sa booth at hanggang sa pageant night. "Mamaya niyo na asarin si Xyra, mag bibihis pa siya." Suway ni Heubert "Hannah tulungan mo muna si Xyra." utos niya kay Hannah. Isa din siya na umalalay sakin sa backstage. Nakangiting kinuha niya yung duffle bag na dala ko bago lumapit sakin. "Tara Xyra" anyaya niya. "Kunin ko muna to" sabi ko tsaka tinanggal ang suot kong crown at sash. Medjo na hirapan pa ako sa pag tanggal kaya may lumapit pa sakin na iilan kong classmate para matulungan ako. Tinanggal ko na rin ang suot kong heels, dahil masakit na yung paa ko dahil doon. Pagkatapos nun ay tumulak na kami ni Hannah papuntang cr habang nakaalalay parin siya sakin. Mabigat kasi yung gown ko kaya tinaas ko yung ibabang parte, tapos si Hannah naman ay nakahawak sa bandang likuran nang gown ko hanggang sa makarating na nga kami nang CR. Wearing a black sleeveless croptop, white highwaist shorts and a pair of Nike woman slides ay lumabas na kami. Neverminding all the glitters on my body. Mamaya ko na tanggalin kapag nasa bahay na ako. Mas matimbang kasi yung gutom at pagod na nararamdaman ko ngayon. Agad binigyan ako ni Huebert nang paper plate nung nakabalik na kami sa classroom. "Thank you" nakangiting kong sabi. "Kumain ka na marami kaming inihanda para sa lahat. At para na rin makauwi ka na at makapag pahinga. Alam kong pagod ka" mahinahong sabi pa nito habang sinasabayan ako papuntang long table. Napalunok ako sa sarili kong laway nung nakita ko ang nakalapag na pagkain sa harapan ko. Tanaw ko pa lang ay sigurado na akong masarap ito. Dahil sa gusto kong matikman ang lahat ay kumuha ako nang pa konti konti sa lahat bago tumungo papunta sa isang vacant arm chair malapit sa pintuan. Nasa tabi ko rin umupo si Huebert. Binuksan niya yung coke sakto bago pinatong sa taas nang arm chair ko. "Uhm, thank you." nauutal kong sabi. Hindi ko kasi akalain na para sakin pala yung dala niyang softdrink Tahimik kaming pareho habang kumakain. Paminsan minsan ay tumatawa dahil sa mga kaklase namin. Hindi kasi maubos ubos ang kalokohan at topic nila. Lalong lalo na nang mga kalalakihan. Yun nga lang wala si Sage dito. At wala akong alam kung nasaan na ang baklang yun! Hindi man lang nakapag paalam nang maayos sakin. humanda siya sakin sa lunes. "Oh ano? Game kayo bukas?" napaangat ako nang tingin sa biglaang aya ni Travis. Hindi ko alam kung para saan ang aya niya kaya hindi ako nakasagot at pinatuloy na lang ang pag kain ko nang lumpia. Isa sa sikat na estudyante nang department namin si Travis. Anak siya kasi nang isang sikat na chef dito sa Pilipinas. Kung hindi lang siya tumanggi ay siya raw dapat ang class representative namin hindi si Sage. "Marami bang magaganda dun?" singit naman nung isa "Syempre, oh ano?" "Sige ba! Basta't ireto mo kami dun." "Akong bahala" taas noo niyang sagot bago siya tumingin sa banda namin "Kayo Huebert?" "Saan na naman ba?" Huebert "Doon parin sa dating bar na pinuntahan natin nung nakaraan." Aniya "May event ulit." "Pass muna ako pare" tanggi niya "Ganun ba? Sayang naman, nandun pa naman sana si Francine. Ikaw Xyra? Gusto mo bang sumama samin?" tinginan niya ako. May pagkain pa ang bibig ko kaya uminom muna ako ng coke "Anong oras?" "10pm" nakangising sagot ni Travis sakin "Sige sasama ako." Agad na napalingon sakin si Heubert. Kunot noong nakatingin sa akin. His face says that he wanted to say something but choses not to do so. I just shrugged at him while I continued eating. Basta't party wala akong dapat palampasin pa. "Xyra sigurado ka na bang okay ka lang dito?" nag aalalang tanong sakin ni Hannah nung nasa labas na kami nang building. Kakatapos lang namin kumain at nag paalam na ako sakanila na mauna na akong uuwi. "Oo. Naka book na ako nang grab. Padating na yun dito." "Samahan na lang kaya kita dito. Hanggang sa makarating na yun grab." Umiling ako "Thanks Hannah, pero hindi na kailangan. Kaya ko na to." tanggi ko "Pero ang dami mong dala" nag aalalang sabi niya sabay tingin sa dala kong gamit sa tabi ko. "It's fine. Mag papatulong na lang ako mamaya sa driver." marahan kong hinawakan yung kamay niya. Para malaman niya na ayos lang talaga ako. Napabuntong hininga siya bago tuluyang pumayag sa kagustuhan ko. Bagsak yung balikat niyang papasok nang building namin. While I was busy scrolling my timeline. Sobrang dami nang naka tagged photos sakin mapa ig o sss. Lahat ito ay mga larawan mula sa pageant. May biglang huminto na sasakyan sa harapan ko kaya agad kong dinampot yung paperbag at duffle bag ko sa gilid. Thinking that it was the car that I booked. Ngunit natigilan ako at nanlaki ang mata ko nung bumungad sakin ang isang itim na Lamborghini at alam ko na kung sino ang may ari nito. It is already 12 midnight, what is he doing here? Binaba niya yung bintana ng shotgun seat "Get in i'll drive you home." sabi pa nito mula sa loob. Nakangiting umiling ako tsaka binaba ulit yung dala ko. Ang bigat kasi nun. "Wag na papunta na yung grab na susundo sakin." Kita ko kung pano humigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel niya at pag galaw nang panga niya. "It's getting late Xyra. At madami pa yung dala mo ngayon." "No i'm fine. Mauna ka na Cassian." tanggi ko sabay tingin sa phone para malaman kung nasaan na yung sasakyan Hindi nag tagal ay narinig ko na lang na bumukas yung pinto nang kotse niya. Napaatras ako sa kinatatayuan ko nung nakita ko siyang papunta sakin. Ganitong ganito ang nangyari samin kahapon. "You can cancel that Xyra. Ako na ang mag hahatid sayo." using his authorative voice. Payuko na sana siya para kunin yung dala ko kaya nataranta akong pinigilan siya. "It's okay Cassian. Kawawa naman yung driver kung icacancel ko pa. Sayang yung gas." kunot nuo niya akong tiningnan habang tumayo nang maayos. "Okay then." aniya sabay lakad papunta sa kotse niya. Makakahinga na sana ako nang maluwag kung tuluyan na siyang sumuko. Ngunit nag kakamali ako dahil imbes na pumasok siya sa kotse niya ay sumandal lang ito sa kanyang kotse. Tahimik na nilagay ang dalawang kamay sakanyang bulsa. "Anong ginagawa mo?" "Let's wait for your grab. Since you won't cancel it. I'll pay for it." normal na pag kakasabi niyang yun ay kasalungat sa naging reaksyon ko "Ano?" gulat kong sabi "As i've said i'll drive you home." seryosong sabi niya sabay tingin sakin "You're crazy! Sayang ang pera Cassian. Ano ba?" "It's my money. Not yours" "Kahit na! Umuwi ka na nga!" Inis kong sabi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD