"Are we good now?" Tanong ko kay Sage habang abala siya sa pagaayos ng dala namin sa pushcart. Hindi na ako mapakali ngayon, gusto ko nang iwanan na lang dito si Sage at tumungo na sa labas. Katulad ng ginagawa niya parati sa'kin Nakarating na kami sa NAIA, at may natanggap na akong message galing kay Sian. Ang sabi nandun na daw siya labas nag hihintay. Kaya kating kati na talaga akong tumakbo palabas. Sa halip na sagutin niya ako ay patuloy siya sa pag checheck kung kumpleto na ba o hindi ang dala namin. Tig tatatlo kaming luggage ni Sage. Ang dalawang maleta namin ay mga regalo ni nanay sa mga kaibigan. The rest ay mga gamit na namin. May binili kasi kaming gamit para sa pag luluto, tsaka mga damit na rin. May dala rin akong imported whiskey, para incase na maisipan ng tropa na pumar

