Simula nung nag umpisa ang panibagong semester, katulad ni Sian mas lalo akong naging abala sa school works. Panay ang pag papapunta sa'min ng mga professors sa iba't ibang workshops about culinary. Nakauwi na ang pamilya ko, ipinadriwang pasko at bagong taon na kasama sila, hindi ko pa'rin naipapakilala si Sian sakanila dahil sa hectic nang schedules namin. Siya ang nag hahatid sa'kin pauwi ngunit hindi na siya bumababa dahil derecho na siya sa office para mag trabaho. Nag kikita naman kami pareho sa campus ngunit ilang minuto lang 'yon dahil ako naman ang busy. Naging active kasi ang bartending org this semester dahil sa nalalapit na school festival. Hindi ko akalain na practice na pala namin ni Sian ang pag alis ko papuntang France. Practice sa pagiging LDR. Because the only way for

