Simula nung nagkausap kami ni Sian, hindi niya na ulit hinahawakan ang kanyang telepono sa tuwing kasama niya ako. He either turned it off or hid it inside his bag. Hindi pinapansin ang mga tawag na natatanggap dito. Nakaramdam ako ng guilt dahil sa ginawa niya but at the same time natuwa. "Why are you smiling?" naudlot ako sa kakaisip nung muling nagsalita si Sian. Nandito kami ngayon sa hill, nakaupo sa malaking mat na hinanda niya para sa date namin ngayon. Nakaupo ako sa gitna niya nakahilig sakanyang dibdib habang yakap yakap niya ako mula sa likuran. Hindi ko maramdaman ang ginaw na dulot nang simoy ng hangin dahil sa init na nanggagaling sa katawan ni Sian. "I'd like to bring you in our house this coming saturday." aniya sabay patong ng kanyang baba sa kaliwang balikat ko, kasu

