My eyes stayed on my lap. Hindi ko na kayang iangat ang aking tingin sakanila. Laking pasasalamat ko na lang na hindi na ulit sila nag salita, hanggang sa nakabalik na sina Sian at ang kanyang lola. Kasunod ang iilang nurse at kasambahay nila. Inalalayan ni Sian ang kanyang lola hanggang sa makaupo ang lola niya ng maayos bago tumungo sa upuan niya na nasa tabi ko. His hand immediately claimed mine. He leaned closer to me just to give a shallow kiss on top of my head. Napapikit ako ng mariin at nakaramdam ng takot dahil sa ginawa niya. Gusto ko siyang pigilan at balaan na kung pwede wag na muna niya gawin ito. Lalong lalo na't sa harapan ng pamilya niya. Ngunit alam ko na sa oras na pagsabihan ko siya tungkol dito, mag tatanong at mag tatanong siya ng kung bakit. Ayaw kong malaman niya

