"What the f**k was that Xyra?" kunot noo akong napabaling kay Sage na pabulong na sumigaw sakin. Get's niyo ba yung ginawa niya? Basta yun na yun!
"Hmm? Why? Anong problema?"
"Si Clintton Tiu yun hindi ba?"
"Yes. What about it?"
"Paano kayo nag kakilala?"
"Uhm? Mutual friend? Teka bakit anong problema?" gulong gulo sa reaction niya nung nawala na nang tuluyan si Clint kasama nung mga kaibigan niya sa cafeteria.
"Clint, Gavin, Dana and Cassian are the most elite students here in EHU. Kung hindi ka kasing yaman nila hinding hindi ka nila papansinin. Pakiramdam mo para kang isang hangin sa tuwing mag kakasalubong kayo niyan." huminto siya ng ilang saglit to catch his breath. Hindi ata nakahinga ng maayos dahil sa sunod sunod niyang pag sasalita.
"I don't think so." sabi ko. Pero ramdam ko kanina na pinag titinginan kami dito sa cafeteria ng lahat na estudyante
"Totoo nga"
"Okay let's say totoo nga yung sinasabi mo. Kung sa ganun bakit lumapit si Clint satin dito? At nakipag usap pa?"
I raised my brow. I have a point here right? Kung hindi nga sila namamansin bakit siya pumunta? Eh isang beses lang naman kami nun nagkita
"Yan ang gusto kong itanong sayo." Aniya "sino yung sinasabi mong mutual friends niyo?"
"It's Niel and Nikka"
"Delos Santos?"
Bahagya akong nagulat dahil pati pala sila Nikka at Niel ay kilala netong si Sage. Siguro dahil nga dito na siya nag aaral nung nasa junior high pa lang siya ay kilala niya na ito.
"Uh huh" then I tied my auburn colored hair up using my red scrunchie. Ang init parin kasi at puno na nang pawis yung katawan ko. His eyes widened and jaw dropped na agad naman by niya itong tinakpan. What's with his reaction?
Big deal ba na mag kakilala nga kami ng kambal?
"Xyra mag sabi ka nang totoo sakin. Anak mayaman ka ba?" I was a bit shocked with his sudden question.
Well Delos Santos family owned a lot of malls here in the country and aside from that kilala bilang sikat na designer si tita Nikki sa buong mundo. Ngunit ano naman yung connection nang tanong niya sa pagkakilala ko kila Nikka at Niel hindi ba?
"Hindi ba't ang sabi mo galing France ka? Anong trabaho ng parents mo doon?"
"Uhmm my parents has a small company there"
I don't want to share that thing about my life. I find it uncomfortable. Ayaw ko kasing ipagkalat yung trabaho nang pamilya ko atsaka hindi pa naman ako nag tratrabaho sa companyang yun kaya I can't say that i'm rich as my parents are. That's their own hard earned money not mine.
"Atsaka mag kaibigan yung parents ko at parents ng kambal kaya kami nag kakilala." patuloy ko
He pursed his lips before nodding. "So hindi ka nga anak mayaman?"
"Of course not Sage"
"Okay! Anyway, it's weird na inaya pa talaga tayo ni Clint na sumali sa org nila. Ano sasali ba tayo?" pag change ng topic niya.
"Uhm ikaw? Hindi kasi ako marunong mag laro ng golf ngunit okay lang sakin na sumali doon mukhang minsan lang naman sila nag aayang mag laro."
"Hindi ako sure kung gaano sila kadalas mag laro pero ang alam ko hindi lang ang pag lalaro ng golf ang ginagawa nila." Naubos na ni Sage yung binili kong piattos kanina kaya siya na ang nag ligpit nito "Ang alam ko minsan nag lalaro yan nang archery, polo, fencing and even car racing. You know they're on top so mas mahal, mas magastos ang mga hilig nun. Baka hindi pa tapos yung semester ilang libo na ang nagasto natin sa club nila."
Sa ayos at tindig ni Clint hindi maikakaila na anak mayaman nga talaga siya. Ang mismong suot na relo ay halatang sobrang mahal na nun. Pero gusto ko sanang mapalapit kay Clint. I sighed.
I'm sure na pag bibigyan ako ni Xander once na humingi ako nang pera sakanya kapag sasali ako sa club nila, ngunit hindi naman ata tama yun. Joining a student org should be a gain for me not a loss. Kailangan yung pipiliin kong sasalihan ay mag eenhance nang skills ko bilang isang chef. Tsaka ano pa yung point na umuwi ako dito at hihingi lang pala ako ng dagdag pang gastos sa parents ko hindi ba?
My parents are still sending me an allowance monthly. Pero sa gastusin pang bahay at schools lang yun nakaalaan. If I need something beyond my allowance I need to work for it.
"Tingnan na muna natin yung ibang orgs sa field baka may mas maganda pa dun."
I'm wearing a red croptop fitted polo,highwaist jeans and sneakers today. Hindi pa naman required ang mga freshmens na mag suot ng uniform dahil hindi pa naman nag foformally start yung mga classes. Baka next week required na.
Tumayo kami at dinampot yung mga plastic na pinagkainan namin para ma tapon muna ito sa trashbin bago tuluyang tumulak papuntang field.
"Hindi ka parin ba nakaka adjust?" natatawang tanong ni Sage nung papunta na kami sa field. Kinuha ko kasi yung portable mini fan ko sa loob ng bag dahil parang nag mumukhang kamatis na ako ngayon dahil sa sobrang pula ng mukha ko dahil sa init.
Madami namang puno yung university kaso may parte parin dito na open space tsaka hindi masyadong mahangin ngayong araw kaya ganito na lang kainit yung pakiramdam ko.
"Give me a week makaka adjust din ako" sabi ko tsaka napapikit habang tinututok sa mukha ko yung hawak kong portable mini fan.
Nung makarating na kami sa field ay bumungad samin ang nakahilerang student booths. It looks like a festival here. May mga nakasabit na balloons sa iilang booths. Kaninang umaga wala pang ganito sa field nung pumasok ako. Siguro bago lang ito ginawa ng mga seniors. Na excite tuloy ako sa mapapasukan naming org.
May iilang freebies sila na pinamimigay sa freshmens kapag sasali at nakapasok na sila sa org na yun. Hindi maalis ang pagkamangha ko sa nakikita dito.
"Ano hanapin muna natin yung bartending?" pasigaw na sabi ni Sage sakin. Maliban sa mga estudyante ay mayroong malakas na music kang maririnig dito sa field.
"Sige. Baka maubusan pa tayo ng slots." sagot ko. Dahil late na nga kaming pumunta dito at hindi namin inexpect na ganito kasaya at karami ang tao na nandito.
"Welcome freshies!"
"Sali kayo samin! Hindi kayo masisi"
"Do you want to enjoy your college days? Ano pang hinihintay niyo? Sali na kayo."
Habang nag lalakad ay sari't saring pakulo yung mga estudyante sa booths nila. May iilang nag abot pa ng flyers saamin.
"Xyra!" sabay kaming napalingon ni Sage sa isang booth kung saan nanggaling yung boses. It was Nikka's voice.
Nakangiting kinawayan niya kami. Palabas siya ngayon sa booth nila para makalapit samin ni Sage. I waved back at her and I saw Sage eyes widened.
"Akala ko nag bibiro ka lang nung sinabi mong mag kakilala kayo nang kambal." bulong niya habang nakay Nikka parin yung tingin.
"Hindi nga ako nag sisinungaling. Mag kabarkada ang parents namin." Pag explain ko ulit sakanya pagkatapos ay nilapitan ko na rin si Nikka para makausap.
"May sasalihan ka na bang org?" Nikka. She is a year older than me kaya naka suot na university uniform lang siya ngayon. But she has a lot of cute hairpins on her long straight hair
"Gusto namin sumali sa bartending or barista" sabi ko. Nakita kong napasulyap si Nikka sa taong kakadating lang sa tabi ko bago ngumiti na may kahulugan kaya agad akong umiling sabay wave ng dalawang kamay ko sa harapan niya "That's not what you think Nikka. We're just friends."
I heard her chuckled "I didn't say anything Xyra."
Kung tutuosin kasi sa pag tayo, salita at pananamit hinding hindi talaga mahahalata na malambot itong si Sage na ito. Tsaka idagdag mo pa na sobrang gwapo niya kung hindi lang ito malambot masisiguro ko na may nabuntis na to.
"Nikka i'd like you to meet Sage kakalase ko." Pakilala ko ngunit hindi parin naalis yung ngiti niya. Pinagdilatan ko siya ng mata at dun lang siya umayos ng tayo at pilit na mag seryoso "Sage this is Nikka kababata ko."
Si Nikka ang naunang nag lahad ng kamay kay Sage. Kita ko kung paano tumuwid ang pag kakatayo ni Sage bago inabot yung kamay ni Nikka para makipagshakehands ng mabilis.
"Anong org mo dito Nikka?" tanong ko tsaka sumulyap sa booth kung saan ko siya nakitang lumabas kanina.
"Arts club" aniya sabay turo ng booth na ngayon ko lang napansing puno pala ito ng paintings, portraits at canvass. "Gusto mo bang sumali?"
Nakuha ni Nikka ang galing ni tita Nikki sa pag dradraw habang si Niel naman yung nakuha kay tita ay yung pag waldas nang pera.
Nag tataka parin nga ako kung bakit business management at hindi connected sa arts ang kinuha niyang course sa college. I know she can be on top in that field like her mom.
Mag sasalita na sana ako nung biglang sumulpot si Niel sa tabi ko na nakasuot ng university white shirt, jersey shorts, basketball shoes at may dala pang duffle bag.
"Hi Xyra." bati ni Niel with a smile on his face "Picking an org?" Dahan dahan niya akong inakbayan kaya nakita kong napaatras ng kaonti si Sage.
"Niel ang dungis mo! Alisin mo nga yang kamay mo kay Xyra" suway ni Nikka sa kakambal pero imbes na kunin ni Niel yung kamay niya na nakapatong sa balikat ko ay mas lalo niya akong idinikit sakanya. He crouched a little kaya mag kasing tangkad na kami ni Niel.
"Nakapag shower na ako." aniya "Hindi na ako mabaho kung yun ang iniisip mo Nikka."
Kita ko kung pano napairap si Nikka dahil sa kakambal. Habang si Niel naman ay tumayo na ng maayos ngunit nanatili parin siyang nakaakbay saakin.
Then I introduce Sage to Niel as my friend. And to tell you honestly mas na fefeel ko na mas nagustuhan ata ni Sage na ipinakilala ko siya kay Niel kesa kay Nikka. Kita ko kung paano niya ito pinagmasdan at simula nung napako ang mata niya kay Niel ay hindi niya na ito tinanggal pa.
Pasimple akong lumapit kay Sage "Uy ang laway mo teh." biro ko.
Kita ko kung paanong mabilisan niya pinunasan ang kanyang bibig na naging dahilan ng pag halakhak ko. Napatingin yung kambal saakin at agad akong siniko ni Sage. I pursed my lips to stop myself from smilling.
Malalaman pa ata nang dalawa ang tunay na anyo ni Sage kapag hindi ako tumigil dito sa kakatawa.
"Pare freshmen ka diba?" Niel talking to Sage. Laglag ang panga at yung mata niya ay hindi mapakali dahil sa biglaang pag pansin sakanya ni Niel
"Uhm oo." ako lang siguro ang nakakapansin kung paano niya iniba ang boses niya.
"Nag lalaro ka ba nang basketball?" Niel "May try outs kami bukas, baka may plano kang sumali? Ako bahala sayo."
I swear kanina pa ako hirap na hirap pigilan ang tawa ko. Alam kong baka malaman ng lahat ang sikreto ni Sage sa reaksyon ko ngunit hindi ko na talaga ma pigilian. Pinalobo ko na nga ang bibig ko para hindi lang ako matawa ngunit dahil sa huling tanong ni Niel kay Sage ay hindi ko na talaga mapigilan.
Napahalakhak ako na mag isa. Si Sage? Mag babasketball? Baka kung sasali nga siya hindi pag bantay sa kalaban ang gagawin. Baka yakapin at amoy amoyin niya yung kalaban at ka teammate nito. Knowing him? Pareho kami na pogi ang hanap neto. Excited nga din ako na dumating yung araw na sabay kaming mag ninight out. It would be a disaster for sure.
The twins are curiously looking at me while Sage is killing me inside his mind. Maluha luha na yung mata ko nung tumigil ako sa kakatawa at nakahinga na ng maayos.
"I'm sorry about that" sabi ko sabay punas ng luha tsaka tiningnan si Sage at nag peace sign sakanya
Umiling si Sage bago nag salita "I don't play basketball. Sorry." supladong sabi niya
"Oh" tanging nasagot ni Niel na pabalik balik yung tingin saamin ni Sage. Ngumiti ako sakanya to let him know that everythings fine. Na nag susumpong lang tong girlfriend ko.
Marahan kong hinawakan yung braso ni Sage kita ko kung paano pasimpleng umikot yung mata niya. I bit my lower lip to stop myself from smilling again. Baka tuluyan na itong magalit sakin at hindi na niya ako papansinin kapag humalakhak pa akong muli.
"Mauna na muna kami sainyo. Kailangan pa kasi naming mahanap yung booth nang bartending or barista." Paalam ko then I gave them a crooked smile before pulling Sage away from them. Hindi ko na hinintay yung sagot ng kambal.
Habang hinahanap yung booth ay panay yung hingi ko nang sorry kay Sage, puro irap naman ang sagot niya sakin ngunit alam kong hindi na siya galit katulad nung kanina.
Luckily, may available slots pa sa bartending group kaya nakapag sign up pa kami ni Sage doon. Ngunit sa barista ay hindi na kami nakaabot. Maaga pa lang daw kanina nakuha na yung available slots nila.
Kasalukuyang nakaupo kami ngayon ni Sage sa isang bench sa ilalim ng puno kumakain ng icepop bigay ng bartending club samin. Pagod sa pag iikot ng field kakahanap ng magandang org
"Ano pa ba ang pwede nating salihan?" tanong ko
"Let's see. Mayroong mounteneering, cycling, swimming,stitching,fishing,band and golfing which is yung grupo nina Clint."
Kahit anong sikat ng grupo nina Clint dito sa university ay hindi parin napupuno yung available slots nila. Maliban sa sobrang simple nung booth nila ay hindi naman sila nag eengganyo sa mga freshies na sumali sakanila, idagdag mo pa na sobrang mahal nung mga kakailanganin sa pag gogolf. Hindi kaya ng isang ordinaryong estudyante ang sumali doon.
"Wala na bang available na mas light na org. Feeling ko yung lahat na open ay puro buwis buhay na"
"Fishing na lang kaya? Itatapon lang naman natin yung fishing rod sa gitna ng dalampasigan tapos matulog kakahintay." Sage
"Ay sige gusto ko yan. Baka sirena pa ang ma bingwit natin." biro ko. Sage chuckled sabay pabirong sinuntok yung braso ko
"Sira ka talaga! Mabuti na lang at nakilala kita."
"Ano naiinlove ka na sa charms ko no?"
"Ewww! Asa ka naman Xyra." sabay irap sakin
I grin before standing up. Ubos na yung icepop ko, kailangan na naming humanap ng isa pang sasalihan. Ngunit napahinto ako para tingnan ang magandang tanawin na bumungad sakin. Sunset is my most awaited part of the day when I went home here in the Philippines. Yung umaagaw ang kulay asul at kulay kahel. Kung minsan nag mumukha pa itong pink skies katulad ngayon. How wonderful life is.
I took my phone out and take sa shot. Wide soccer field with a lot of students enjoying their time, above is a pinkish skies full of clouds and birds.
Habang hila hila si Sage may bigla na namang tumawag ng pangalan ko kaya kami napahinto. Kunot noo ko siyang tiningnan at inaalala kung ano yung pangalan ng babaeng mahaba ang buhok at mala pocelana ang balat, papunta sa kinatatayuan namin si Sage. She looks familiar but I don't remember her name. Sa bar ba kami nag kita? Ngunit isang beses pa lang naman ako lumabas ng gabi at yun yung kakalapag ko lang dito sa Pilipinas.
"Hi!" malambing niyang bati saamin ni Sage.
Yung boses niya ay yung pinapangarap kong boses simula't sapul. Yung malambing at mahinhin na boses, yung para bang kahit anong galit mo hindi parin mahahalata na galit ka dahil sa lambing nito. Kaso kabaliktaran yung naibigay na boses sakin ng may kapal. Yung kahit hindi ako galit ay nag mumukha akong galit dahil sa tono ng boses ko.
"Uhmm hi?" nagalinglangan pa ako kung tama bang batiin ko siya or hindi.
She flashed her perfect smile at us. She has this nice monolid eyes kaya she looks so cute when she smile I admit.
"I saw you earlier sa cafeteria. Kayo yung nilapitan ni Clint hindi ba?"
Shocked by her sudden question sabay kaming nagkatinginan ni Sage.
"Uhm yeah."
"Freshies?" Tumango naman ako
"Great! May org na ba kayo?" na eexcite niyang tanong samin.
"Uhmm meron na ngunit kailangan pa namin mag hanap ng isa pa."
"Wait! Gusto niyo ba na samin na lang kayo sumali? We still have a slots for you guys." aniya her eyes were like pleading at us to join them.
Nag katitigan muli kami ni Sage as if we are talking through out our minds. Hindi ko alam kung paano siya tatanggihan. I'd love to join that group actually ang nag pipigil lang sakin ay yung pera.
"If you're worried about the fees like the other students don't worry all expense paid yan ng mga seniors" Laglag ang panga at nanlaki ang mga mata namin ni Sage sa bagong impormasyon na nalaman.
All expense paid by them? You gotta be kidding me! This filthy rich kids doesn't care about the money huh? This is jackpot dude!!
"So are you guys interested?" her eyes twinkled as if she knows that we will eat her bait. Ngumiti siya bago inilahad yung kamay niya sa harap ko. As if she takes our silence as a yes to her offer "By the way my name is Diana Beatrice Ong, Dana for short. Mag kaibigan kami ni Clint" pakilala niya
Tinanggap ko ang kamay tsaka nag pakilala na rin sakanya ganun din ang ginawa ni Sage.
"So sasali na ba kayo samin?"
Sinulyapan ko si Sage na pasimpleng tumango bago ko tiningnan si Dana na tahimik na nag aantay ng sagot ko.
After I slightly nod at her nagulat na lang ako at pumalakpak ito tsaka tumalon talon pa dahil sa tuwa. Wala na kasi akong maisip na magandang rason para tanggihan ang magandang offer niya saamin.
"Great!!! Tara punta tayo sa booth namin para maka sign up na kayo. Wala nang atrasan ah." sabi pa niya tsaka mas lalong lumapad yung ngiti niya saamin ni Sage bago naunang nag lakad patungo sa booth nila.
"Sigurado ba talaga na shouldered nga ng seniors yung gastusin? Baka scam to! Ang alam ko kasi pumapasok nang mayaman yung bago nilang recruit tapos umuuwing pulubi." bulong ni Sage sakin habang nakasunod kami sa nag lalakad na Dana
"Ewan ko! Ikaw itong matagal na nag aaral dito sa East High dapat ikaw ang may mas alam tungkol dito" I spat
"Hay nako! Basta the moment na maningil sila ng pera lalabas na ako ng org"
"Ako din naman ah!"
Tumigil kami sa pag lalakad nung makarating na kami sa isang pinakasimpleng booth na makikita dito sa field. Nandun si Clint at yung dalawa pang lalaking kasama nila kanina sa cafeteria.
"Clint! Look who's with me." may excitement na maririnig sa boses ni Dana nung sinabi niya ito sa tatlong lalaki na busy nakikipag usap.
Agad namang umangat ang kanilang mga mata kay Dana.
"Sino?" other guy asked
"Oh right!" biglang huminto si Dana tsaka nilongon niya kami na tahimik na nakasunod sakanya "What's your name again?" she politely asked
"I'm Xyra and this is Sage." ngumiting tumango ito bago hinarap muli ang mga kaibigan. Hinipan ko pa ang takas na buhok ko dahil sa kaba na mag kikita muli kami ni Clint.
"Xyra?" sabi pa ni Clint bago tumayo nung nakumpirmang ako nga ito "Sasali na ba kayo samin?" excited na tanong niya habang nilalakad ang kaonting distansya namin.
"Ah yeah. Wala na kasing available na orgs eh." nahihiyang sagot ko "May slots pa ba kayo dito?" kahit na alam ko namang meron pa kaya nga kami nandito.
"Of course!" aniya "Come here!" anyaya pa niya na pumasok kami sa sobrang simpleng booth nila. Wala man lang ka balloons balloons dito hindi katulad sa ibang booths. Pawang isang squared table lang at limang stools ang nandito
"Here! This is our form." Dana sabay bigay samin ni Sage ng form with ballpens. "Just write your name there at isasali ko na kayo sa group chat namin dahil magkakaroon tayo ng welcome party sa mga freshies katulad niyo."
"Ah sure!" nataranta pa ako nung nahagip ko ang mga mata ni Clint na saakin nakatingin. He is also smiling at me kaya pakiramdam ko nanginging yung kamay kong nakahawak sa ballpen.
"Finally! May kasama na akong babae sa grupong ito." Dana nung inabot na namin ni Sage yung form at inilagay ito sa isang brown envelope. Bago siya nakangiting inakbayan ni Clint.
Parang gumuho ang mundo ko sa nakikita ko. Don't tell me may relasyon ang dalawang to.
"I told you! They'll join us." Clint sabay gulo pa ng buhok ni Dana. Napunta sa kamay ni Dana yung mata ko na ngayon ay mahigpit na nakahawak sa beywang ni Clint at nakangiti rin siya.
"Mabuti na lang talaga at nilapitan mo siya kanina doon sa cafeteria." kung kanina nagandahan ako sa malambing niyang boses ngunit ngayon parang naiirita na ako sa tuwing naririnig ko ang boses niya kahit na wala naman siyang ginagawang masama sakin
Hindi ko pa nga ginagawa yung plano ko mag papansin kay Clint ay palpak na kaagad. I sighed. Pwede pa kayang bawiin yung form ko? Wala naman sigurong contrata dun. Kaso sayang naman, at mukhang wala na ngang bukas na booth dahil late na.
Mas lalo kong napagtanto na may relasyon nga yung crush ko sa harapan ko nung nakita ko siyang hinalakan nito ang balikat ng girlfriend niya. How sweet that I want to vomit!
"Hey guys! Welcome our freshies!" utos ni Dana sa dalawang lalaki na nakaupo parin sa stool. Naunang tumayo yung medjo wavy hair na lalaki.
He also has this chinky eyes, high nose and sharp jaws. "Welcome! I'm Gavin Chua" he said huskly and gave me a flirty smile.
"Xyra" kahit may nararamdamang kirot sa puso dahil brokenhearted nga ay nagawa ko pang ngumiti
"Sian?" pag agaw ng atensyon ni Dana sa isang lalaki na wala atang planong mag pakilala saamin. Ito yung supladong walang pakealam kanina. Sa mukha niya mukhang pasan pasan niya ang lahat ng problema ng buong bansa.
He has this hooded like eyes, thick eyebrows, high nose, thin reddish lips and a dimple on his cheeks. Compare to Clint he looks more stern and serious type. He also has this clean cut with wax hairstyle. At sa kanilang tatlong siya ata ang pinakamatangkad and the most clean looking guy. He even looks good on his uniform.
"Psh! Kayo na bahala sakanila. I've done my part. I should go." supladong sabi niya bago padabog na tumayo at naunang umalis ng booth. Ngunit bago pa siya lumabas ay huminto ito sa harapan ko at mabilisan niya inangat baba yung mata niya sa buong katawan ko like as if he's surveying my whole body.
I raised my brow at him. Then his dimples showed as he smirked "Tsk" umiling pa ito bago tuluyang umalis sa harapan ko.
What's wrong with that brute?
Huminga ako ng malalim dahil uminit bigla ang ulo ko sa supladong yun! May kasalanan ba ako? Eh first time lang namin magkita nung lalaking yun?
Don't tell me were not welcome here! Edi wag! Mag sabi siya na bawal kami dito. As if ikamatay namin ang hindi pag sali dito no. Tsk!
"Sorry about that. He is always like that pero don't worry he's a good guy." Si Dana ang sumira sa namumuong katahimikan namin dito sa loob nang booth nila "that's Cassian by the way." pakilala niya at awkward na tumawa.
"As i've told you ang grupo ni Clint ang pinakamayaman dito sa EHU o kahit sa buong bansa. Ang mga pamilya nila ay hindi nawawala sa listahan ng mga mayayaman dito sa bansa." pag umpisa ni Sage. Friday na ulit ngayon at kasalukuyang nakatambay muli kami sa ilalim ng puno dito sa field. Vacant dahil absent yung prof namin sa isang subject mamayang alas tres pa ang susunod naming klase. Naka uniform na rin kami dahil hindi na kami pinapapasok ng gate kapag hindi na nakasuot ng uniform
Matagal ko ng gustong itanong ang tungkol sa grupo ni Clint dahil na curious ako sakanila. Lalong lalo na sa supladong lalaking yun.
"Magkaibigan na silang apat simula nung pagkabata. Clint is known as the loyal guy. He's been with Dana for years."
Nanlaki ang mata ko sa kumpirmasyon mula kay Sage. So that's why, wala siyang ginawa sa first meeting namin sa bar. Tapos hindi ko siya mahila hila man lang dahil loyal pala talaga siya sa girlfriend niya. I sighed. Okay I should moved on. I should be happy for him at mukhang mabait talaga si Dana. Eventhough that i'm a girl I can say that Dana is a good catch for him bagay sila. Pero mas bagay sana siya sa akin.
"Gavin is known as the playboy sa grupo. I've seen him with Niel sa clubs pinagkaguluhan ng mga babae. Araw araw iba yung girlfriend nun. And Cassian, he is the wealthiest among them. He is the only heir of Dy's Group. They have the largest hotel chains in Asia. Simula pagkabata he is trained to lead."
Kaya pala ganun yung mukha niya sa booth. Kunot noo, nakabusangot at parang ang daming problema. No wonder!
"And he doesn't have the time to date dahil busy sa negosyo. May narinig din akong chismis na naka arrange marriage na yan. A girl who is as wealthy as he is and of course a chinese girl. Wala pang may alam kung sino. Hinihintay lang nila na grumaduate si Cassian bago iannounce yung engagement nila, yun daw ang kagustuhan ni Cassian. Which is malapit nang mangyari"
Dahil sa sinabi ni Sage hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot para kay Cassian. I feel like he is caged by his parents. If what Sage said was true na simula pagkabata ay tinuruan na siya tungkol sa kanilang negosyo, hindi naman ata tama yun. As a child he should enjoy playing like a child. Not work as an adult. He has the money but he has no freedom. He can't even choose the person who he wanted to marry and to be with for the rest of his life.
Pero matanda na siya. Bakit hinahayaan niyang makealam sa mga desisyon niya ang mga magulang niya hindi ba? Kahit anong sabi ng iba siya lang talaga ang makakaalam kung ano ang makakabuti sakanya. He can't lead a company if he can't decide on his own. Pano na lang yan kapag wala na ang mga magulang niya sa tabi? That would be a disaster right?
Hanggang sa dumating na yung araw na pinapatawag kami ni Dana para sa isang dinner. Welcome party daw ito para saaming bagong salta sa grupo nila. It was thursday night kakatapos lang ng klase namin at dumerecho na kami kaagad ni Sage sa hotel kung saan gaganapin yung dinner namin. Ni hindi na nga kami nakapagpalit ng uniform.
Laglag ang panga ko nung nakapasok kami sa isang five star hotel. Everything's here is luxury. Mula sa muwebles, chandeliers at kahit ang mga crew ng hotel na yun ay sumisigaw ng kayamanan! Halatang mayayaman din ang guest nila dito. Pakiramdam ko wala akong karapatan na pumasok dito sa loob. Idagdag mo pa na naka uniform lang ako ay nag mumukha akong naliligaw na bata sa mall.
"Pag mamay-ari ito ng pamilya ni Cassian." bulong pa ni Sage tumango tango naman ako habang nakasunod sa isang bellboy papunta sa isang hall kung saan gaganapin yung dinner.
First meeting sa org sosyal na. Paano na lang kung totoong lakad na namin ito. I shrugged.Huminto yung bellboy sa ikalawang palapag kaharap ng double door. May nakalagay sa gilid na VVIP HALL
"Enjoy your dinner ma'am,sir." nakangiting sabi ng bellboy samin bago binuksan yung double door. I awkwardly smiled at him.
Pag pasok namin ay isang nakangiting Dana kaagad ang bumungad saamin. "Welcome! Kanina pa namin kayo hinihintay. Upo kayo." pag aya niya lumapit naman si Clint para salubungin din kami.
"Sorry may ipinagawa pa kasi yung prof namin kaya kami nalate" nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil mukhang hinintay pa nila talaga kaming dumating bago kumain.
May nakahandang buffet table sa loob ng hall. Hindi lang simpleng buffet. Naka table skirting pa dito at may nakalagay na vase sa gitna ng round tables. This is not a simple dinner that I expected. Kung hindi lang kami naka uniform mag mumukha na itong fine dinning.
"Hey guys i'd like you to meet Xyra and Sage. Sila yung sinasabi namin sainyo na bago" Dana isa isa nila kaming binati. Nasa around 15 kami ngayon at dalawa lang talaga kami ni Dana ang babae dito.
"Tama pala yung desisyon natin na sumali dito. Ang daming gwapo" bulong ni Sage sakin nung paupo na kami sa isang vacant round table. Agad ko naman siyang siniko
"Baka marinig ka nila" suway ko he just giggled
Kita ko si Cassian na madilim ang tingin sakin. Nakupo siya sa katabing table namin na kasalukuyang may dalawang waiter na nag seserve ng pagkain niya. Haring hari ang pakikitungo sakanya. Syempre expected eh anak ito ng may ari ng hotel na ito.
Bahagya kong itinaas ang aking kamay tsaka nginitian ko siya para batiin. Nanatili ang masamang tingin niya sakin bago niya ito iniwas at napailing nang hinidi niya man lang ako sinagot.