Chapter 30: Byron Acuesta
*****
Third Person's Pov
Ngayon na ang nasabing party na isinagawa ni byron, nakasakay si raven sa kotse niya kasama si archer, sa kabilang kotse naman ay si von at seira, grabeng pahirapan pa ang nangyari sa kanila dahil ayaw mag suot ng pormal ni raven, pero sa huli ay wala itong nagawa. Si archer ang nagmamaneho habang may isang malaking ngisi sa kanyang labi. Naiinis naman si raven dahil sa pinapakitang reaksyon nito.
Tuwing lilingon si archer sa dalaga ay pinapatay lang ito ni raven ng masamang tingin. Pikon na pikon talaga siya sa binata.
Pagdating nila sa nasabing hotel ay bumaba na kaagad sila, hindi maipagaakila ang angking ganda ng dalaga, mula sa suot nitong itim na gown na may mahabang slit sa kanang bahagi ng hita, lutang ang maputi nitong balat. She's an epitome of beauty and elegance kahit saan mo pa tignan.
Naglakad sila papasok at lahat ng madadaanan nila ay napapatingin sa kanila, specially to raven. Nakaramdam ng inis si archer kaya walang sabing hinapit niya ito sa may bewang, she's shocked for a minutes at hindi niya magawang makapalag sa hawak nito.
Hindi niya maintindihan kung dahil ba sa pagkagulat kaya hindi siya makapalag o dahil sa nagugustuhan niya ang nangyari. She just glance to archer's side at nakita niya ang blangko nitong muka. Tila wala siyang pakialam sa paligid kung pinagtitinginan at pinagbubulungan sila.
"I don't want anyone looking at you, like i always do. I can kill them using barehanded" malamig pero may himig na lambing sa kanyang boses.
Para nanaman tumakbo ng ilang kilometro ang puso niya dahil sa sobrang bilis nito, at tila ba may nakapasok na mga paru-paro sa loob ng tiyan niya, hindi niya alam ang gagawin niya, alam niyang mali ito pero ano bang pwede niyang gawin para maiwasan ang boss na hindi niya maintindihan ang takbo ng utak.
Hindi nga din niya alam sa sarili niya kung may gusto ba ang boss niya sa kanya o trip lang siya nito. Hindi din siya sanay na sinisigawan siya nito. Well... there's an instances pero hindi na ganun karami na halos magpatayan na silang dalawa. Hindi niya din maintindihan ang puso niya sa sinasabi nito. Pero alam niya kung ano ang ipinapahiwatig nito.
Nakarating sila sa nasabing palapag at pumasok na sila sa loob ng hall, inilibot niya ang paningin niya sa paligid at nakita niya ang maroon theme ng buong venue, may mga mesa din sa paligid na good for every five persons, catering team at the left corner, a light music, dim lights at makikita mo din ang mga waiters at waitresses sa paligid.
There's a lot of business men and women around the corner, the elegance of the hall is showing because of the people who's inside it. This party is for the merging of the company of Acuesta Group of Companies and Gonzalez INC.
Naglalakihan at maimpluwensiyang mga tao ang makakasalamuha niya kaya dobleng ingat ang kailangan niyang gawin. Knowing na hindi pwedeng mawalan ng kaaway sa isang negosyo. She needs to protect her subject in any cost.
Sinalubong sila ni byron na ngayon ay ngiting-ngiti ng sobra, hindi niya talaga nagugustuhan ang presensya ng binata kahit noong umpisa pa lang. She loathe him for unknown reasons. Parang ang bigat lagi ng pakiramdam niya pag malapit ito sa kanya.
"You came archer, seira, von and...miss raven" Sabi nito at hinalikan ang likod ng palad niya. Pinilit niyang wag ipakita ang ngiwi sa muka niya. Thank god she managed it!
"Your hand byron" may himig ng pagbabanta sa boses nito kaya hindi maiwasang mapangisi ang binata sa kanya.
Binitawan kaagad ito ni byron at nagtaas ng kamay sign as a surrender. Pinaupo sila ni byron sa naka reserved na pwesto para sa kanila. Tumayo si von at archer para kumuha ng pagkain nila, raven insist na siya na lang pero wala siyang nagawa kung hindi manahimik sa pwesto niya since tinignan na siya ng masama ni archer. As much as possible ayaw niya ng masyadong away. Nauubos ang lakas niya pag nakikipagtalo siya sa binata. Ayaw din kasi nito magpatalo.
Tanging si raven at seira na lang ang natira sa mesa, hindi na lang siya nagsalita since wala din naman siyang sasabihin dito. The silence won't last long when she heard this girl speak.
"Archer is so sweet isn't he?" Tanong niya kay raven. Hindi alam ni raven kung bakit ba 'to sinasabi ng katabi niya. Parang out of nowhere yan ang nasa isip niya.
Hindi siya sumagot dahil hindi niya alam ang sasabihin niya, she just gave this girl a blank stare, saying that she's listening eventho it's not interesting.
"But can you please distance yourself to him, I risk everything just to have him kaya wag ka ng pumapel pa, you're just a simple secretary girl that he have right now, nothing more." At dahil sa sinabi nito ay parang gusto na lang niyang kunin ang mini magnum niya sa clutch bag niya at pasabugin ang bunganga nito.
Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito, bukod kasi kay von ay si archer lang nakakaalam na isa siyang agent/bodyguard ni archer. Ayaw niyang malaman pa ito ng iba, dahil alam niyang hindi ito makakabuti lalo na ay may sarili din kaaway ang angkan niya dahil sa mga malalaking tao na napabagsak niya o ng pamilya niya.
Nag iingat siya na baka ikapahamak din ito ng mga subjects niya, kaya ginagawa niya ang lahat para lang maprotektahan ang mga ito.
Binalik niya ang atensyon niya sa dalaga na hindi pa pala siya tapos pagbantaan. Nakatingin lang siya dito na bored na parang nagsasalaysay ito ng math problem ng calculus na dinagdagan pa ng trigonometry. Means. Boring.
"I can slit this knife on your throat if you still be clingy to archer, I'm the only one who can do the things like a woman needs to do for her man. Get it?" Tila ba ang puting pakpak nito noong una niyang nakita ay naputol at napalitan ng sungay at buntot.
Ako pa talaga tinakot mo? Sa isip ng dalaga
Hindi na niya pinansin ito at maya-maya lang din ay dumating na ang dalawang lalaki, si archer ay grabe asikasuhin si raven para mag ngitngit ang isang dalaga na kasama ni von.
"Sei? Is there a problem?" Tanong nito sa pinsan pero nginitian lang siya ng dalaga. Mahahalata naman na plastik na ngiti ito pero pinagsawalang bahala na lang ni von at nagpatuloy sa pagkain.
Natapos na silang kumain at ilang minuto na lang ay mag uumpisa na ang announcement. Napalingon sila kay seira ng bigla itong dumaing na tila ba nasasaktan, hindi alam ni raven pero pansin niyang umaarte lang ito. Ganito ba katanga mga kasama niya? Natatarantang lumapit si archer kay seira, hindi alam ni raven pero nakaramdam siya ng sakit sa kaliwang parte ng dibdib niya. Para itong pinipiga. Kitang kita niya kung paano ito mag alala sa dalaga, kung paano niya masuyong haplusin ang pisnge nito, at kung paano siya maayos makipag usap dito. Unlike sa kanya. Laging paasik, pautos, pasigaw, at padabog ang mga kilos nito. Minsan ay marahas pa.
What do you expect raven? Bodyguard ka lang, wala ka lang sa buhay niya. Simpleng tao ka lang para sa kanya, you're not special to treat you like these kind of stuffs, always remember that! Kaya kung ano man yan nararamdaman mo, better stop it before you experience your downfall- Sabi ng isip niya.
"I'm just going to take her to the hospital, both of you stay here" Sabi ni archer. Nakunot naman agad ang noo niya dahil dito.
"You know that i can't do that" Sabi ni raven kaya masama siyang tinignan ni archer. Tangina! Ano nanaman?!
"You'll stay here with von, von take care of her" Sabi niya bago alalayan tumayo si seira.
Di ba dapat siya ang bantayan ko? Abnormal talaga!
Hindi siya mapakali sa pwesto niya ng makita niyang nakalabas na ang dalawa, tumayo siya at nagpaalam kay von na pupunta lang ng restroom, pag pasok niya ay ni lock niya kaagad ang pinto at naghilamos. Tinignan niya ang repleksyon niya sa salamin. She can see herself like in the past. She don't want that to happen again.
"Ano nanaman ba nangyayari sayo?! Get a grip raven! This is not you! Stop yourself please...please" pahina ng pahina ang boses niya dahil alam niya sa sarili niyang ang nararamdaman niya ito ay naramdaman na niya noon.
Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Noah, isa sa mga tauhan niya na nandito din sa batangas, ang alam niya ay katatapos lang ng misyon niya dito. Ang misyon kasi niya ay patayin ang gobernador ng nasabing lugar dahil isa din pala itong isang maimpluwensiyang drug lord and a businessman. Hindi lang naman pagbabantay ang ginagawa nila. Dahil bukod doon, pinaparating na ng mismong ahensya ng pamahaalan ang case na ganito, yung tipong pinapagawa na nila sa mga well trained agent, dahil hindi na kinakaya ng mga pulis. They have the permission of the authority.
Sinagot kaagad ito ni noah at nagbigay galang sa kanya.
(Yo capt! What can i do for you?) Tanong nito sa kanya.
"Noah? Can you follow Archer Montefiore? We're also here in batangas at may kailangan lang ako asikasuhin" Sabi ko na lang. Matanong kasi masyado si noah. Para itong si caezar.
(Sure capt! No problem I'm just going to track him and give you an update from time to time. Take care cause i care, love you mwah!) Gusto niyang matawa dahil sa kalokohan nito.
"Okay, salamat" sabi lang niya at binaba na ang tawag.
Inayos lang niya ang sarili niya bago lumabas ng restroom, she's walking to the hall where located when she saw the banner that hanging from the door, it's Jared Gonzalez and Byron Acuesta's picture of partnership. Pero hindi yun ang nakatawag ng atensyon niya. It's Byron's last name. Hindi mo makikita agad ito dahil bukod sa naka italic na ito, maliliit pa ang sulat. Except na lang kung observant na tao ka talaga. Akala niya ay Acuesta ang surname nito. But she think is wrong. So wrong.
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig at dali-dali niyang kinuha ang cellphone sa clutch bag niya. Ilang scroll pa ay nahanap na niya ang pangalan na gusto niyang tawagan, at tinawagan noong una pa lang.
"Gavin, where is your report?" Malamig na sabi niya dito.
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.
(I know that you'll ask that)
"I know you know from the very start gavin, kaya nga pina imbestigahan ko siya sayo di ba? Now give me what i need to know" utos niya dito at maya-maya lang ay narinig na niya ang report nito. Tulala niyang naalis sa tenga niya ang cellphone niya. While gavin is still on the line at tinatanong kung okay lang siya.
Tila ba wala na siyang naririnig na iba kung hindi ang nireport lang sa kanya ng binata.
Charles Dylan Alonzo a.k.a Byron Acuesta, brother of von, alam ba ni von ang lahat ng ito? Bakit hindi man lang niya sinabi sa'kin? At kaya ba kilala niya ako dahil kaibigan ako ng kapatid niya? Ang gulo! Alam kong may mas malalim pa na dahilan 'to, ang pagsunod niya sa'min noon alam kong may mas malalim pa na dahilan dun.