Chapter 29: Selosan
*****
Raven's Pov
Nakarating kaagad kami ng rest house niya and it's a quiet long drive. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Nagtataka pa din ako kung sino ba ang lalaking yun. The way he talk, parang kilalang-kilala niya ako.
Pagpasok ko sa loob ng bahay since ako ang nahuli, napakunot ang noo ko when someone's hugging archer and archer is doing the same thing, oh-kay? Who is she?
Nakita kong humiwalay yung babae sa pagkakayakap niya kay archer at hinalikan ito sa labi. Hindi ko alam pero parang binagsakan ang puso ko ng napakabigat na bagay para mabasag ito ng ganito kadali. Ano ba problema mo heart?
Hindi ko kilala ang babae pero sa postura pa lang niya ay mahahalata mong galing ito sa marangyang pamilya. Her black straight hair na umabot hanggang dibdib niya, balingkinitang katawan, her white complexion, her 5'6 tall i think? Mas matangkad pa din ako and her angelic face.
Narinig kong may tumikhim sa likod ko, napalingon ako dahil dito. My forehead creased when i saw von. What is he doing here?
"Von?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Raven, I never thought it was you" Sabi niya at ngumiti. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.
"I missed you ven" He used to call me ven short for raven.
Kumalas na kami sa pagyayakapan at tinignan ko siya ng mariin.
"What are you doing here?" Tanong ko at halata naman sa muka ko na nagtataka talaga ako db?
"I'm here with my cousin" Sabi niya at sumulyap sa likod ko. Napatingin din ako dito na sana hindi ko na lang ginawa. Kung mag landian wagas -.- akala ko ba pihikan siya?
"She's your cousin?" Tanong ko dito.
"Yes" sagot niya ay ngumiti. Pero parang hindi ko naman ata siya na meet before.
Tumango na lang ako at nagpaalam na kailangan ko munang umakyat. Masama bang umiwas sa mga tanong na anytime ay ibabato nanaman niya sa'kin, plus ayokong nakaka kita ng mga taong hindi nakakatulong sa pag unlad ng bansa. Masakit lang sila sa mata. Tsk!
Kinuha ko ang mga bug cameras sa mga gamit ko at lumabas ng kwarto. I need to place this everywhere in this house. Mas mabuti ng nakakasiguro, hindi natin alam ang pwedeng mangyari. Kasing liit lang ng centavo ang mga camera na 'to kaya hindi halata.
Naglagay ako sa kusina, sa sala, sa hagdan, sa hallway, sa pinto, sa gate, sa entertainment room and last, sa kwarto ni archer. Wala siya sa loob kaya mabilis ko lang itong nailagay. Nasaan nanaman kaya yun?
Bumalik ako sa kwarto at binuksan ang laptop ko, kinonek ko ito sa camera at nakita ko kung gaano ito kalinaw. Perfect!
Binuksan ko ang isang system where can i see the three remaining guys in the mansion, yes nakikita ko din sila at bawat galaw nila, except lang sa C.R my laptop is connected to satellite kaya madali lang para sa'kin gawin to.
Nakita kong nasa kanya-kanyang kwarto ang tatlo, hindi nanaman sila pumasok? Bakit parang no'ng lumipat ata sila sa mansion naging tamad sila? Minsan na lang pumapasok. Take note mga empleyado nila ang nahihirapan, since yung isang demonyitong boss nila ay tinanggal ang secretary nila, nagiging pala utos sila, Pero... On the other side, sinuswelduhan naman sila kaya okay lang.
Nakarinig ako ng kalabog sa labas kaya chineck ko kaagad ito, at nakaka bwiset lang!!! Marami namang kwarto bakit sa labas ba sila naglalampungan! Tsaka---teka! Bakit ba naiinis ako? Bahala na nga sila dyan!
Tumayo ako at kinuha ang towel ko, dumiretso ako sa cr at naligo, nanlalagkit na din ako. It takes 40 minutes bago ako matapos ng pagligo.
Paglabas ko ay nagbihis kaagad ako ng komportableng damit. I just wear a skinny jeans and a sleeveless black top, pinaresan ko lang ito ng puting rubber shoes.
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako ng kwarto, I saw archer and that girl sitting on the couch while talking, napaismid na lang ako.
Napalingon sa'kin si archer pero hindi ko siya pinansin, maglalakad na sana ako papuntang kusina ng makasalubong ko si von na galing din do'n.
"Hey ven" bati niya sa'kin
"Hey, where are you going?" Tanong ko.
"Ah, I'm just going to get the grocery at my car. Magluluto kasi ako" Sabi niya. Automatic na kuminang ang mata ko dahil dun.
Hindi niyo na itatanong marunong magluto si von, he's an outstanding chef inside and out of the country.
"Can i help?" Tanong ko kaya napatawa siya. Ginulo niya ang buhok ko at tumango. He knows me very well.
"Go to the kitchen, I'm just going to get the grocery" Sabi niya kaya tumango na lang ako at dumiretso sa loob ng kusina.
I don't know kung guni-guni ko lang ba yun pero napatingin ako kay archer at ang sama ng tingin niya sa'kin. What did i do?
Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na papuntang kusina. Kinuha ko ang chopping board at kutsilyo. Sakto naman pag pasok ni von sa kusina.
"So, anong iluluto natin?" Tanong ko.
He smile at me, at may something sa ngiti niya...
"Your favorites" simpleng sagot niya pero malaki ang impact nito sa'kin.
Napatikom ako ng bibig, paborito kong kainin ang luto niyang afritada at adobo, hindi kasi ako kumakain nito dati, all I'm thinking is my body na malagyan ng napakaraming mamantinkang pagkain.
But he do change my perspectives, dahil sa kanya, natuto akong kumain ng mga iniiwasan kong pagkain, pinilit niya akong kainin ang afritada at adobo na niluto niya noong anniversary ng mga magulang niya. And there i claim that these are my favorite dishes.
Hindi na kami nagpansinan at gumawa na lang ng mga naka toka sa amin, napalingon kami bigla sa taong pumasok and it's archer, he's not with that girl--oo nga pala, hindi ko pa kilala kung anong pangalan nun.
Dumiretso siya sa dito sa may pwesto ko , dito din kasi nakalagay ang mga baso, which is katabi ko lang at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mag dikit ang mga balat namin. Damn! Pwede naman siyang umikot bakit ganun pa ginawa niya! >.Sino ka ba para sabihan niya? Bodyguard ka lang naman - Sabi ng maliit na boses sa isip niya)
"Ven, why don't you tie your hair? You're sweating, I'll go get a towel" sasabihin ko na sanang wag na pero nakalakad na siya.
Sinunod ko na lang ang sinabi niya at inipit pataas ang buhok ko, napatingin ako kay archer at ito nanaman ang mala laser beam niyang mga mata, ano nanaman!?
Nag iwas siya ng tingin at pinag sandok ng pagkain ang katabi niya, nag request kasi, Wala ba siyang kamay? Tsk! Ang arte ha.
"It's enough archer, thank you" naka ngiting sabi nito kay archer. Hindi ko alam kung nakailang irap na ako sa araw na to. Siguro kung may bayad ang pag irap, instant yaman kaagad ako.
Dumating si von at inabutan ako ng towel, I said thanks to him at kumuha na din ng pagkain.
"Are you sure yan lang kakainin mo? Ang konti naman" tanong ni archer. Concern?
"Yeah, you know. I'm on my diet kasi" Sabi niya at kumain.
Narinig kong napatawa ng mahina si von sa gilid ko.
"Hayaan mo na siya bro, ganyan lang talaga kumain yan, parang siya si raven dati, di ba ven?" Alanganin akong napatingin kay von na sinasabing "go on say it" at napatingin ako kay archer na blangko ang muka ngayon.
Tumango naman ako at nakita kong tumiim ang bagang niya, after that ay hindi na ulit sila nagpansinan.
"Anyways, archer yung meeting na ihe-held natin bukas ay sa may north pacific, and Byron Acuesta is going to held a party after that, he's inviting us" pagbasag ni von sa katahimikan.
Dahil dun ay napatigil ako sa pagkain, Byron Acuesta, siya nanaman, kailangan ko na talagang makausap si gavin about dito, wala pa siyang binibigay na report sa'kin which is very unusual. Pag may pinapagawa ako sa kanya ay kusa na niya itong nilalatag sa harap ko, pero ngayon? Kahit isang letra wala pa akong nakikita sa report niya. At napaka imposible din na makalimutan niya ito.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain, nang matapos kami ay sila aling betty na ang nag ayos ng pinagkainan namin at pinaalis na kami.
The girl's name is seira , pumunta na siya sa kwarto niya dahil may jetlag daw siya, si von naman ay umalis at makikipag kita lang daw siya sa mga kaibigan niya dito sa lugar. Si archer? Ewan ko sa kanya, dumiretso ako ng kwarto at hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa kama ko.
Napakaraming nangyayari sa bawat segundo ng isang araw, nakakapagod, nakakainis, nakakasaya, nakakasakit at nakakasawa din. Pagkatapos nitong misyon kong 'to, hihingi talaga ako ng vacation leave kay tito. Nai-stressed ako masyado.
Idagdag mo pa si sir archer na nagpapagulo ng sistema ko -.- bumangon ako sa kama at kailangan kong tignan ang tatlo pa na pasaway.
Kinonek ko ito sa satellite at nag type lang ako ng password ko, pagkakita ko sa tatlo at sa mga pinsan ko ay wala silang ibang ginawa kung hindi mag relax, buti pa sila!! T.T They're having a movie marathon habang puro nakataas ang mga paa sa upuan. Sarap buhay ha! Atleast I know that they're safe.
Tatawagan ko sana si gavin ng narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko, I close my laptop at lumapit sa may pinto.
Pagbukas ko ay nagulat ako ng padabog itong pumasok at ni lock ang pinto ng kwarto ko, what is he doing here? Hindi ko pa nga inaaya pumasok, pumasok na kaagad. Asan ba manners ng lalaking ito?
"Sir archer? What do you--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong isinandal sa may pader at kinorner ako.
We're only 2 inches away from each other at halos dikit na dikit na ang katawan namin, muka na lang ang hindi. The f*ck! Nate-tense ako sa ginagawa niya, Ang bilis pa ng t***k ng puso ko. Nyemas talaga!
"Ano bang ginagawa mo?" Pinilit kong magsalita kahit naiilang ako.
I'm looking at his eyes, gusto kong umiwas pero hindi ko magawa, para akong hinihigop ng mga mata niya, yung may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya.
"What do you think you're doing elizalde? Huh?" Tanong niya. Pati ba hininga niya kailangan perfect din? Ang bango e, Amoy menthol.
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko pabalik, naiinis na din ako sa inaasal niya, masyado siyang moody. Ang hirap na intindihin minsan.
Huminga siya ng malalim at pumikit, pinagdikit niya ang noo namin at ilong namin, kiniskis niya ang ilong niya sa ilong ko. Damn! Kalma heart, kaya mo pa di ba? Kakayanin!
And the next thing i knew is he already kissing me, hindi ko alam kung anong gagawin ko but he bit my lips that's why i gave him a permission to invade my mouth.
I can feel my knees turns into its weak state, pero bago pa ko mawalan ng balanse ay niyakap niya ang bewang ko ng mahigpit.
I don't know but I'm just following what he's doing, the kiss got more deeper, smoother and passionate. He really knows how to kiss a girl.
After a minute ay naghiwalay din ang mga labi namin, magsasalita na sana ako pero napatahimik ako sa sinabi niya sa'kin bago ako iwan sa kwarto ko.
Akala ko ba hindi niya ako gusto? Ang gulo niya. Why is he acting like he owns me? At nagseselos pa siya? Napatingin na lang ako sa kawalan. I touch my lips, I can still feel his soft lips, My heartbeats racing and my cheeks burning.
"Listen elizalde, you're mine! And i don't share what is mine, I'm selfish when it comes to you! And don't you dare made me jealous again, intentionally or not...or else i will make you pregnant so you will be mine totally!"
Why archer? May seira ka na di ba? Nakakainis ka! Ang daya mo na ang selfish mo pa!