Episode 28

1868 Words
Author's Note: Hi Guys! Sorry kasi ngayon lang ulit ako nakapag update. Sana magustuhan niyo 'to and maybe the revelation of the secrets is almost there, so suportahan niyo lang. Salamat! Paki vote kung nagustuhan niyo man ^.^ Chapter 28: Danger ***** Raven's Pov Maaga akong nagising dahil kailangan pa namin pumunta sa meeting na sinasabi ni archer. Tamad na tamad akong kumilos ngayon at hindi ko alam kung bakit. Tuwing naiisip ko din ang sinabi niya kagabi daig ko pa ang gulay na lanta.  Pumasok ako sa loob ng banyo at naligo, inabot ako ng trenta minutos sa loob bago ako lumabas ng banyo. Dumiretso ako sa closet ko at kukunin ko na sana ang jeans at t'shirt ko ng maalala ko ang sinabi niya sa'kin kagabi.  "Wear a semi-formal, you're not my bodyguard for tomorrow, you will be my secretary temporarily. Ayoko din malaman nila na bodyguard kita." Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.  Ngayon na lang ulit ito nagsalita mula kanina. "What? Pwede naman ako magsuot ng pantalon na lang ha." Sagot ko naman sa kanya. Tinignan niya ako ng malamig at ang  masama pa dun para na niya akong papatayin sa mga tingin niya.  "Hindi ka ba nakakaintindi? Meeting ang pupuntahan natin! And didn't i say you're going to be my secretary" madiin na sabi niya. Huminga na lang ako ng malalim at lumipat ang tingin ko sa mga naka hanger na dress sa gilid ng closet ko. Binigay niya sa'kin 'to kagabi, hindi ko alam kung saan niya nakuha. Sabi ko kasi ay bibili na lang ako pero kumatok siya sa kwarto ko at dala ang apat na magkakaibang kulay at style na dress at sapatos.  Sinuyod ko ng tingin ang mga ito at napapikit na lang ako, wala bang pang conservative dito? Tangina halos luwa na ata ang kaluluwa ko dito e. T.T Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi kunin ang puting dress na mukang ito lang ang maayos, kaya lang maiksi pa din. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at napangiti ako. It's been awhile sinced i wear a dress like this. Kinuha ko ang puting stilleto na kaparter din nito. Nasa apat na pulgada ang taas nito.  Pumunta ako sa tapat ng vanity mirror ko at nag ayos ng kaunti. Naglagay ako ng powder at imbis na lipgloss lang ay naglagay ako ng kulay light red na lipstick na bumagay sa'kin, lalo because of my white complexion. Sinuklay ko ang buhok ko at hinayaan na lang muna itong makalaya sa pagkakaipit. Nang makuntento ako ay tumayo na ako at kinuha ang itim na pouch ko. Nilagay ko dito ang wallet ko, lipstick, press powder, pepper spray at maliit na handgun. Nilikom ko ang mga folder na binilin sa'kin ni archer at lumabas na ako ng kwarto ko. Nagumpisa na akong bumaba ng hagdan at nakita ko pa na naglilinis ng mga muwebles si aling betty. Napangiti ako bigla. I remember my mom to her. Mahilig kasing maglinis ng bahay nun kahit marami na kaming kasambahay.  Nilapag ko sa mesa ang mga hawak ko. "Good morning aling betty" bati ko kaya mabilis siyang lumingon sa gawi ko. "Ay gising kana pala raven. Magandang Umaga din. Naku at napakaganda mo talaga hahaha!" Puri nanaman niya. Kahapon pa siya kaya nahihiya na ako.  "Aling betty talaga, salamat po. Gising na po ba si sir archer?" Tanong ko dito at ngumiti.  "Oo, nandun na siya sa hapag kainan, mag umagahan ka na din." Sabi niya. Nagpasalamat lang ako at dumiretso na sa dining area. Habang papalapit ako sa dining area ay halos lumabas naman ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Ano ba 'to? Magpa check up na kaya ako. Hindi na normal 'to. Pag pasok ko ay nakita ko siyang nakaupo na sa habang nakatingin sa walang laman nitong plato. Akala ko ba sabi ni aling betty kumakain na ito? Mukang hindi naman.  "Goodmorning sir archer" I do my best wag lang mag stutter sa harap niya. He looks at me at hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin ang reaksyon niya, pero base on it ay nagulat siya. Bakit?  "Morning, bakit ba ang tagal mo? Kanina pa ako dito. Umupo ka na nga para makakain na tayo!" And galit nanaman siya. Ano ba naman! Wala na ba talagang maayos na araw Na kasama 'tong hudas na 'to?! At ano daw? Tama ba rinig ko? Kanina pa siya dito? So it means hinihintay niya ako?  With that mas lalong lumala ang pagkabog ng puso ko tila tuwang tuwa ito sa nalaman. I just shook my head at umupo sa kaharap niyang pwesto. We started eating quietly. Nauna siyang tumayo kaya napagmamasdan ko ang itsura niya. He's wearing a fitted black pants na pang opisina, naka tuck-in naman dito ang puti nitong long sleeve na polo at hindi din naman maipagaakila ang mga muscle nitong bumabakat sa polo niya, naka ayos din ang itim nitong necktie and his hair is still messy pero mas lalo itong bumagay sa kanya. Damn! Bakit ko ba siya tinitignan?! Pero kasi ang hot niya tignan--aish! Get a grip raven!  Natapos akong kumain kaya dumiresto na ako sa sala kung saan siya naghihintay, he's looking at me intently habang papalapit ako sa mga gamit ko, dang! Hindi niya ba alam na nakakapang lambot ang mga tingin niya? Pwes kung hindi pa, gusto kong sabihin pero ayoko naman ipahiya ang sarili ko.  Hindi ko na lang siya pinansin at tinignan ko ang wristwatch ko, it's already 7:00 at 7:45 mag sisimula ang meeting. "Let's go sir archer" pinilit kong lamigan ang boses ko. Nakita ko naman nakabawi na siya kaya lumabas na kami parehas.  "Give me the key" Sabi ko habang nakalahad ang kamay sa harap niya. Sinimangutan niya ako at tinignan ng masama.  "No! Doon ka sa passenger seat, ako ang magmamaneho" Sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan.  Mabilis ang naging kilos ko, nilabas niya ang susi sa may bulsa niya kaya kaagad akong lumapit sa kanya at hinablot ito. Sinamantala ko talaga ang kabagalan niya at shock situation niya para makapasok at paganahin ang makina ng sasakyan.  Pumasok siya kaagad sa passenger seat na masama ang tingin sa'kin. "What the f*ck raven! Ako sabi ang mag mamaneho!" Naiinis na sabi niya. Imbis na pansinin ko siya ay nagdrive na lang ako papuntang opisina niya.  Kumalma naman siya kalaunan hanggang nakarating kami sa pupuntahan namin, pabagsak niyang sinarado ang pintuan ng kotse. Gago'ng to! Sakit sa tenga!  Bumaba na din ako pagkatapos kong mag park at hinabol siya, nakita ko naman na hinihintay niya ako sa elevator kaya mabilis akong sumakay. Hindi lang kami ang nandito. May iba din empleyado na nakasakay pero ramdam ko ang tensyon nila. Knowing that their boss is at the same elevator as theirs.  Huminto ang elevator at mas lalo kaming nasiksik, damn! Hindi ba pwedeng sa susunod na elevator na lang sila? Ito naman boss ko imbis Na sawayin hindi nagsasalita. Masyado na kaming close sa isa't isa tatlong pulgada na lang din ang layo ng bibig namin sa isa't isa. Bakit biglang uminit? Pag pasok ko naman kanina naka max naman ata aircon nitong elevator ha? Bakit ngayon?--hindi raven wag ka mag isip ng kung ano dyan, maraming tao kaya mainit.  "Nagkasabay-sabay ang meeting ngayon kaya kailangan nila ng masasakyan na elevator, hindi ako pwede mag sungit ngayon sa kanila" napatingin ako sa kanya ng bigla siyang magsalita. Naintindihan ko naman ang gusto niyang sabihin kaya tiniis ko na lang. Limang floor na lang naman e. Kalma heart.  Hindi ko alam kung sinasadya na itulak ako ng isang babaeng empleyado niya kaya muntik na akong ma out of balance sa ginawa niya. Pero hindi natuloy, there's an arm na pumulupot ng mahigpit sa bewang ko para maiwasan ang pag bagsak ko. Napatingin ako kay archer pero hindi siya sa'kin nakatingin, kung hindi doon sa babaeng nakasangga sa'kin. Swear ang sama ng tingin niya.  "Could you please be careful next time? She almost got hit on the floor!" Naiinis na sabi ni archer at malamig itong tinignan.  "S-sorry po sir archer, m-ma'am" Hinging paumanhin niya. Tumango na lang ako at hindi na siya pinansin. "Are you okay?" Tanong niya sa'kin, may nahimigan akong pag aalala sa boses niya pero isinantabi ko na lang at tumango. Hindi niya pa din inaalis ang kamay niya kaya hinayaan ko na lang.  Huminto kami sa nasabing floor at sabay na bumaba, tinanggal naman niya kaagad ang kamay niya at dumiretso na kami sa conference room kung saan gaganapin ang meeting.  Pagpasok pa lang namin ay sa amin nakatingin lahat--no let me rephrase it, sa akin nakatingin lahat ng lalaki mapa matanda man o average, bwiset lang -.-  "Stop looking at her if you still want your eyes connected to their own socket" malamig na turan ni archer kaya nag iwas tingin naman ang mga ito.  Tumagal ng isang oras ang meeting at halos wala naman akong ginawa kung hindi ayusin ang time table niya, papeles at nag jot down lang ng important notes sa meeting.  Natapos ang meeting at nanatili kaming dalawa sa conference with a man na hindi ko kilala, pero based on his aura may ibubuga siya, parang hindi siya basta-basta. He's around our age kaya masasabi kong bata pa din ito. Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi ko makita ang muka niya. "Is there anything you want to say Mr.Acuesta?" Halata ko sa boses ni archer ang pagiging sarkastiko. Kilala niya ba ang taong 'to?  "Come on archer, don't act like we don't know each other. Tsaka wala naman na akong kailangan, gusto ko lang sabihin sayo na, your secretary is one of hella beautiful lady. That's all" Sabi niya at sana hindi na lang siya humarap.  Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko, hindi dahil sa saya o tuwa. Kung hindi dahil sa kaba at galit. What the f*ck is he doing here?! Kaya pala sabi ko pamilyar ang muka niya no'ng nakatagilid siya kanina. Hindi ko kasi masyadong maaninag ang muka niya dahil na din naka dim ang lights ng conference room, kung hindi naman dim naka off dahil sa projector. "Back of byron! Wag mong idadamay ang secretary ko dito" nang gigigil na sabi niya sa lalaking kaharap niya.  Hindi ko maiiwas ang tingin ko sa kanya. May kakaiba sa byron na 'to. Bakit parang pamilyar siya? Bukod sa engkwentro namin sa labas ng village namin, bakit parang pamilyar siya sa'kin? Tulad na lang noong una naming paglkikita, ganun pa din ang reaksyon ko, he still familiar pero hindi ko alam kung saan at kelan ko siya nakita. Also parte din pala siya ng empire na 'to?  "Wala naman akong balak archer, I just wanted to warn you. Bantayan mo siya baka magulat kana lang isang araw, nasa akin na siya tulad ng nangyari kay kate--" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng bigla siyang suntukin ni archer ng malakas.  I was stunned in a moment at nakita kong may binulong si archer dito na nagpagalit din kay byron pero hindi ko pinansin yun. Sino si kate? Ano siya ni archer at bigla na lang itong nagalit? There's a blazing fire na makikita sa mata ng dalawa. Lalong lalo na kay archer. Napahawak ako sa dibdib ko. Masakit. Bakit nanaman?  Napatingin na lang ako sa harap only to find out na kaming dalawa na lang ang nandito at wala na yung byron. Bukod sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko ay kinabahan ako, Byron is a danger to us, nararamdaman ko yun. Pero bakit? Sino ba talaga siya? Sino ka ba talaga Byron Acuesta?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD