Episode 27

1425 Words
Chapter 27: What's Happening Heart ***** Third Person's Pov Kinaumagahan ay walang nagawa si raven kung hindi sumama kay archer na diretso lang ang tingin sa harap habang nagmamaneho. Ayaw man pumayag ni raven na ito ang mag drive ay wala siyang nagawa. Wala siya sa mood makipag sagutan sa lalaking kasama niya dahil hindi naman talaga niya forte ang makipag away ng ganun. Napikon lang talaga siya kagabi kaya nagawa niya yun. Medyo may kalayuan pa ang tinatahak nilang daan papuntang Batangas, napagpasyahan din nila na wag na lang magkibuan dahil baka mapatay lang nila ang isa't isa. Hindi niya talaga alam kung bakit ba ito pikon na pikon sa kanya simula pa lang, samantalang ang mga pinsan nito ay kahit papano bumait na sa kanya. Alam niyang trabaho lang 'to pero hindi niya Lubos maisip kung bakit hinahaluan niya ito ng personal na bagay minsan. Wala siyang balak sumama kanina at si gavin na lang sana ang pasasamahin ng biglang tumawag ang tito niya, saying na siya na lang ang sumama dahil kinakabahan daw ito parang may hindi magandang mangyayari, lalo na't nalaman nito na aalis ang isa sa mga binata. Napangiwi siya ng maisip nanaman yun, kung paano pa siya pagalitan ng tiyuhin niya. Kabahan ka talaga tito, dahil baka ako pa ang pumatay dito pag hindi siya umayos ng ugali niya. Napatingin siya kay archer na nakatingin lang sa harap, hindi niya alam pero parang may kakaiba dito ngayon, he looks so gloomy. Kahit paru-paro ay matatakot siyang lapitan. His aura is dark, she can see that this guy beside him his clenching his jaw. Nagiwas na lang siya ng tingin ayaw niya ng away, may baril pa naman siyang dala ngayon. She extended her hand at bubuksan sana ang stereo when she also felt his hand. Nagulat siya at naramdaman niya ang milyon-milyong boltahe na gumapang sa katawan niya. Binawi niya ang kamay niya at tumingin na lang sa labas. Narinig niyang tumunog ang stereo at napapikit na lang siya dahil sa kanta, hindi niya alam kung bakit may impact at nalalagyan niya ng meaning. Simpleng kanta lang ito na napapakinggan niya din sa isang kotse kasama ang buong team niya, pero hindi tumitibok ang puso niya ng ganito kabilis. Daig niya pa ang sumali sa marathon. "Are you hungry? Do you want something to eat?" Napatingin siya dahil hindi galit ang boses nito. Ang totoo nga ay parang napakabait nito sa malumanay nitong boses habang nagtatanong. Wala sa sariling napatango siya, huminto sila sa isang fast food chain at nag drive thru na lang, habang umoorder 'to ay napatingin siya sa lalaki. We stop to get something to drink My mind clouds and I can't think Scared to death to say i love her Then a moon peeks from the clouds Hear my heart that beats so loud Try to tell her simply. Napahawak siya sa kaliwang parte ng dibdib niya at pinakiramdaman niya ito. Ang bilis ng pagtibok nito at napapikit siya ng mariin. Nakita ni archer ang ginagawa niya, nakapikit ang dalaga kaya malaya siyang napagmamasdan ni archer. Hindi niya pwedeng itanggi na napakaganda ng babae sa harap niya. Her perfect eyebrows, her eyes, her pointed nose, her fluffy cheeks and her reddish lips--aish! Archer ano bang ginagawa mo! "Ano bang ginagawa mo? Nagbabayang magiliw ka ba? Wala dito yung bandila kaya itigil mo yan" Sabi ni archer kaya napadilat agad si raven at napasimangot. Hindi niya alam sa sarili niya kung sisinghalan niya ba 'to, pero kalaunan ay napangiti na lang siya ng tipid. Iniwasan niya ang mga tingin nito at dumungaw na lang ulit sa labas. Habang nagda-drive ay kumakain sila, napansin niyang medyo nahihirapan si archer pagsabayin ang dalawa. Kusang gumalaw ang kamay niya at kinuha niya ang hawak na burger nito. Nangunot naman ang noo ni archer sa ginawa niya. "Hey? Gutom ka pa ba? May dalawa pa sa brown bag you can have that if you want o gusto mo, let's stop for awhile at sa restaurant na lang tayo kuma---" natigilan si archer sa pagsasalita ng ipakain sa kanya ni raven ang natitirang burger nito. Kumuha ng tissue si raven at pinunasan ang bibig nito na nalagyan ng ketchup at mustard. "Tsk! Ang dami mong sinasabi, I just did that dahil halatang nahihirapan ka. Ayoko naman mamatay dahil lang sa burger" Sabi ni raven at patuloy lang to sa pag aayos ng mga kalat nila.  Hindi na lang nagsalita si archer dahil hindi din naman niya alam ang sasabihin niya. Hindi na bago sa kanya ito, pero naninibago siya dahil hindi katulad ni raven ang ini-imagine niyang gagawa nito sa kanya. He just found his self smiling infront of the mirror.  Halos batukan naman ni raven ang sarili niya dahil sa ginawa niya, hindi niya maintindihan pero parang may sariling isip ang katawan niya at ito ang gumagawa para sa kanya.  Inabot pa sila ng ilang oras bago makarating sa rest house ni archer sa batangas. Pagbaba pa lang ni raven ay humanga na kaagad siya sa nakita. Amoy ng tubig dagat kaagad ang bumungad sa kanya, tinignan niya ang kabuuan at hindi siya makapaniwala sa sobrang ganda ng nakikita ng mga mata niya. Matingkad na dagat ang nakikita niya, wala din tao dito kasi talagang private area ang parteng ito. Nakita din niya ang kulay crimson na ulap at ang papalubog na araw. Kusang gumalaw ang paa niya at lumapit siya sa may dagat, pinanood niya ang araw na lumubog, she smile because of it. Nare-relax siya pag nakakakita siya ng isang magandang scenery. Sino ba ang hindi di ba? Hinayaan na lang muna siya ni archer at ito na ang kumuha ng mga gamit nila, sinalubong siya ni mang isko at aling betty na care taker ng rest house niya. Mag asawa ang dalawang ito. "Iho, kamusta ang byahe?" Tanong sa kanya ni aling betty. Kinuha naman ni mang isko ang dalawang hindi kalakihan na bag sa kanya. "Okay naman po, medyo nakakapagod lang." Sagot niya at ngumiti. "Mabuti naman kung ganun--aba't teka lang, akala ko ba'y may kasama ka?" Tanong sa kanya ni mang isko. Hinanap ng mata niya si raven at nakita niyang papalapit na ito sa kanila. Hindi niya maalis ang tingin niya dito. Hindi niya din alam kung bakit, napahawak siya bigla sa dibdib niya at alam niya kung ano 'to. Pinilig niya ang ulo niya at tinignan na lang niya ang mag asawa. "Nandiyan na po siya" maikling sabi niya kaya napatingin naman dito ang mag asawa. "Aba iho, hindi mo naman sinabi na napakaganda pala ng kasama mo." Nakalapit na si raven kaya narinig niya ito kaya napangiti na lang siya ng tipid. "Iha, ako nga pala si betty at ito naman ang aking asawa na si isko, kami ang care taker nitong rest house ni ar-ar" Sabi ng matandang dalaga.  "Ar-ar?" Nagtatakang tanong niya. "Oo iha, ar-ar. Si archer" Sabi ni aling betty at muntik ng mapabulahaw ng tawa si raven pero pinigil niya lang. "Ah, ar-ar. Pfft!--- ako po pala sila raven. Nice to meet you po" at ngumiti siya ng matamis. Naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya nilingon niya ito. Nakita niyang halos patayin na siya ni archer sa ma ala laser beam nitong tingin. "Ay napakaganda mo talaga iha, may relasyon ba kayong dalawa nito ni archer?" Excited na tanong nito sa kanya. Nakaramdam siya ng tuwa ng marinig niya iyon pero alam niyang hindi pwede at nakapa imposible. "Ah-eh" walang lumalabas na salita sa bibig niya. Dinunggol ni mang isko si aling betty para patahimikin, nahalata niya kasing parehas hindi makapagsalita ang dalawa. "Ano ba naman ga, yung bibig mo nga. Hayaan mo na sila, tignan mo ang pula na nila parehas" Sabi ni mang isko. Napatingin si archer at raven sa isa't isa at nakita nilang parehas nga silang namumula. Aish! Kalma nga heart! Bakit ba naghuhurimentado ka!? "Ah-eh, h-hindi po. B-bodyguard niya po ako" Sabi ni raven at ngumiti ng pilit. Napasimangot naman si aling betty dahil sa sagot ng dalaga sa tanong niya. Napansin naman to ng iba. "Sayang, akala ko pa naman ay may relasyon kayo. Bagay na bagay kasi kayong dalawa e. Tsaka hindi bagay sayo ang pagiging bantay lang ng batang ito. Mas bagay nga sayo mag modelo e." Sabi niya. Napangiti na lang ng tipid si raven at hindi niya maintindihan sa sarili niya kung bakit lumulukso sa tuwa ang puso niya.  Pero nawala ang ngiti niya ng marinig na nagsalita ang lalaking kasama niya at makakasama pa sa loob ng dalawang araw.  "Come on aling betty, we're not together and we will never be. She's not my type" Sabi ni archer at dumiretso na papasok sa loob ng rest house. May mga sinabi sa kanya ang mag asawa bago pumasok sa loob ng bahay pero halos wala siyang naririnig, all she can hear is her heart breaking into pieces.  "Bakit nasasaktan ka?" Tanong niya sa sarili niya habang nakatingin sa daan na pinasukan ni archer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD