Episode 26

1652 Words
Chapter 26: Non-Stop Bickering ***** Raven's Pov Gulat pa din ako hanggang ngayon kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira. I didn't tell him nor notify him about my personal life sinced that day happened. I already cut our connections with each other. Flashback... What is he doing here? Damn it! "Anong ginagawa mo dito...von?" Tanong ko sa kanya pagka kita ko pa lang sa kanya dito sa labas ng gate namin. "I want to talk to you raven" Walang pagdadalawang isip na sabi niya. Nagdadalawang isip pa ako kung papayag ba ako o hindi, but in the end ay pumayag na lang ako. I know von, hindi naman siguro niya ako sasaktan dahil sa mga nangyari. I still trust him even he don't trust me anymore. Nag hintay lang siya sa kotse niya habang nagbibihis ako, hindi na ako nag ayos at simpleng skinny jeans, sweatshirt at rubber lang ang sinuot ko, cellphone at wallet lang din ang dinala ko. Hindi na ako nagdala ng bag at masyadong hustle, mag uusap lang naman kami. Dumiretso kami sa isang coffee shop sa may Dalton Ave. Tahimik lang kami habang hindi pa dumadating ang order namin. Nasa pinaka sulok kami ng coffee shop sa second floor. The aura is light pero hindi ako komportable. Hindi na ako sanay. "So...uhm...how are you raven?" Panimula niya. Napatingin ako sa kanya and he's also looking at me. Matagal ko siyang tinignan pero ako din ang bumawi agad. "So far, I'm doing good. How about you von? K-kamusta ka naman?" Hindi ko mapigilang hindi mag stutter habang tinatanong ko siya. Napakalaki mong tanga raven. Tingin mo okay lang siya? "I'm good, busy sa iniwang business nila dad sa'kin. Nag migrate na kasi sila sa new york at ako na ang pinag handle nila ng empire." Sabi ni von kaya tumango lang ako. Matagal kaming nanahimik hanggang sa basagin niya ang katahimikan na nagpaimik din sa'kin. "You're still on your duty? Matagal na kitang sinabihan na umalis ka na sa trabaho mong yan di ba?" Napatingin ako sa kanya. This time ay iba ang sinasabi ng mga mata niya. Halo-halo ang emosyon na nandito. Hindi ko maintindihan. "Yes. But I love my job von, hindi mo ko masisisi. Sinabi ko na din sayo di ba? Na hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang taong yun" Sabi ko at nakita kong yumukom ang mga kamay niya dahil do'n. "Masyadong delikado ang trabaho mo raven alam mo yun! Why are you still insisting it? Sinabi ko na din na ako ng bahala do'n tumigil ka lang sa ginagawa mo ngayon! You know it's not safe!" Tumaas na din ang boses niya. Buti na lang at nasa sulok kami at konti lang din ang tao dito sa second floor. Ano bang problema niya? Napag usapan na namin to dati pa, kaya nga lumayo na din ako sa kanya at sa lahat. Alam kong malalaman niya ang plano ko pero wala akong balak magpa pigil sa kanya. Masyado ng malayo at malawak ang nalalaman ko. No one can stop me now. "You know me devon, no one can stop me specially if my decision is already final" Sabi ko at tumayo na. Akala mo magiging maayos ang usapan namin pero hindi pala. "Wait, where are you going?" Nagtatakang tanong niya. I stare at him with my blank face. "I'm going home, have a safe drive" Sabi ko at lumabas na ng coffee shop. Narinig ko pa siyang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi na ko lumingon pa. Pumara ako kaagad ng taxi para makauwi agad ng bahay. End of flashback It's already 8PM at kauuwi ko lang, kinailangan kong dumaan sa headquarters dahil pinatawag ako ni tito drake. May inofer siya sa'kin na mission habang suspended ako sa mga montefiore. Akala ko nga free lang ako dahil sabi niya diba suspended ako. SUSPENDED!  Pagbukas ko ng wooden door namin ay nakita kong mga nakaupo sa sala ang apat na alaga ko at may kanya-kanyang ginagawa. Asan nanaman mga pinsan ko?  "Raven!" Napangiwi ako sa ginawang pagsigaw ni aisaac. Lumapit siya sa'kin na may malapad na ngisi sa labi niya at biglang yumakap.  Ano nanaman gusto ng batang 'to? Lumayo naman siya sa pagkakayakap sa'kin at tinignan ako.  "Saan ka galing?" Tanong niya at nagpout pa. -.- tingin niya ba cute siya? "May kinausap lang sa headquarters" Sabi ko at nilagpasan na siya. "Kumain kana ba?" Tanong ulit niya.  Sasagot pa sana ako ng biglang magsalita si archer. Nandyan nanaman yung malalamig niyang tingin. Na master na niya noh?  "Tomorrow we're going to batangas to check the building that im going to manage their." Sabi niya habang hindi ako tinatapunan ng tingin.  What? Ako? Bakit ako? Suspended ako kaya hindi ako pwede gumawa ng action. Kung gusto niya papasamahan ko siya kay gavin.  "Sir archer, I'm still suspended and I'm not able to--" pinutol niya ang sasabihin ko at pinanlisikan niya ako ng mata. What the?!  "I'm not asking your opinion, I don't care if you're suspended or what. If i say it, you will follow it" Sabi niya at inirapan pa ko. Umalis siya sa may living room at hindi ko alam kung saan pumunta yun. Tahimik sila austine sa gilid at nakaupo lang. Napapikit ako sa sobrang kapikunan. Punyeta ba siya? Ayokong mawalan ng trabaho! Hype!  "Bwiset!!" Sigaw ko. Hindi ko talaga pwedeng itago 'to, baka mas lumala pa ang galit ko at hindi lang 'to masabi ko.  "Kalma noona, Baka mapatay mo pinsan ko" pag awat sa'kin ni aisaac at sinabayan pa ng mahinang pagtawa. Baka nga talaga mapatay ko pinsan mo dahil sa ugali niya. Tang*na talaga!  "Pigilan mo ugali niyang pinsan mo dahil baka kahit boss ko kayo sasamain sa'kin yan!" Gigil kong usal.  "What did you say? I heard you" nagulat ako sa biglang pagsulpot ng bwiset na 'to!  "Narinig mo naman pala bakit mo pa tinatanong" Sabi ko at inirapan siya. Wala na akong pakialam kung sagut-sagutin ko siya. Suspended naman ako e. Wala ako sa field ngayon.  "Aba't! Hoy kung makasagot ka ha! Ako pa din ang boss mo! Binabayaran ka para hindi sumagot-sagot ha!" Sigaw din niya. Aba mahaba ang pasensya ko pero pagdating sa kanya umiikli.  "Hoy ka din! Wala ka din karapatan sigaw-sigawan ako, binabayaran niyo ko pero hindi kasama dun ang sigaw-sigawan at lait-laitin ako!" Swear pag hindi pa nila nilayo sa'kin ang lalaking 'to baka ako na pumatay dito.  "T-teka, huminahon nga kayong dalawa" awat sa amin ng tatlo. Si aisaac ay nasa gilid ko habang si alexander naman ay nasa gilid ni archer.  "Sabihan niyo yan tomboy na yan!" Sabi niya at dahil dun nagpanting ang tenga ko. Sinong tomboy? Ako?!  "What did you say?!" Angil ko. "You heard me lesbian!" Sigaw ulit niya. Napapikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Yes I'm boyish but damn! I'm not a lesbian! "Atleast hindi bakla" Sabi ko at nginisihan ko siya. Nakita ko kung paano siya mamula dahil dun. I guess i hit his button.  "What the f*ck! Take it back! I'm not a gay! Lesbian!" Sigaw din niya. Tangna napapagod na ko siya pa bubungad sa'kin para siyang babaeng putak ng putak.  "Gay!" "Lesbian!" "Gay!" "Lesbian!" "F*ck I'm not a lesbian you gay!" Sigaw ko ulit. Pasalamat siya at wala akong baril sa katawan ko kung hindi pinaputukan ko na 'to!  "Pucha! I'm not a gay and i can prove it to you right here, right now! I can make you stop working and make your tummy grow for 9 months. And I'll make sure you're going to beg for more after that" Sabi niya at ngumisi. Alam kong pinamulahan ako sa sinabi niya. Punyeta 'tong manyak na 'to "Oooooh!" Rinig naming pang aasar ni austine kaya sabay namin siyang tinignan ng masama.  Susugudin ko na sana siya ng suntok ng awatin at yakapin ako sa bewang ni aisaac para hilahin palayo sa pinsan niya. Halatang hirap si aisaac sa pag awat sa'kin.  Nakita kong inaawat din ni alexander si archer dahil kumakawala din ito sa hawak ng pinsan niya.  "Bitawan mo ko Alexander, ipapatikim ko sa kanya ang sinasabi niyang kabaklaan ko!" Sigaw niya pa.  "Ah ganun? E pucha ka pala talaga! Bitaw aisaac papatikim ko din diyan sa pinsan mo yung kamao ko!" Sabi ko at nakita kong mas lalo siyang napikon.  Dumagundong naman ang malakas na tawa ni austine sa paligid. Masyado siyang masaya ha. Le-leegan ko talaga siya pag ako nakawala dito. Isa pa 'tong walking AIDS na 'to!  "Hoy, gago ka austine! Wag ka lang umupo diyan tulungan mo akong awatin 'tong dalawang to! Marami akong schedule wala akong time para asikasuhin and lamay at libing ng dalawa 'to" sigaw ni alexander kay austine. Advanced siya mag isip ha! Pero sisiguraduhin kong isang lamay at libing lang ang aasikasuhin nila. Yung sa pinsan lang nila! >."Noona, calm down. Tama na. Let it slide ayokong mawalan ng kuya, ayoko din naman na makulong ka dahil sa bakulaw kong pinsan" Sabi niya. Ramdam ko pa din ang inis ko kahit pinapakalma na niya ako. "Hoy! Narinig kita aisaac mag kampihan pa kayo sige!" Ang laki ng tenga ng bwiset na 'to! Bulong na nga lang yun. "What's happening here?" Napalingon kami sa likod namin at nakita kong nakatayo sa likod namin ang mga pinsan kong mga nakakunot ang noo.  "What happened? Bakit ganyan mga itsura niyo? Para kayong....mag papatayan?" Tanong ni kuya james.  "Anong parang? Mag papatayan talaga pinigilan lang namin, dahil kung hindi baka may lamay na tayong inaasikaso ngayon" Sabi ni alexander habang hawak si archer.  "What? Ano ba nangyari?" Tanong ni kuya maic "Yan tomboy niyo kasing pinsan e!" Sabi ng impakto at ngumisi pa.  Susugod na sana ako dahil naramdaman kong lumuwag ang kapit sa'kin ni aisaac, nagulat sila ng patakbo akong lumapit kay archer na hawak pa din ng dalawa.  I was ready to punch him in his face ng may biglang bumuhat sa'kin palayo, pagtingin ko it's kuya jensen.  Kahit anong gawin kong pagpalag walang epekto.  Pinagtapat nila kaming dalawa para daw mag sorry sa isa't isa. Pinagalitan pa kami ng malaman ang dahilan. Para daw kaming mga bata.  "I'm sorry/sorry lesbian" Sabay naming sabi pero hindi nakatakas sa pandinig ko yung huling sinabi niya.  Since magkahawak ang kamay namin for shake hands, walang sabing hinila ko siya palapit sa'kin at tinuhod ang harap niya.  "Serves you right gay" bulong ko at tumakbo na paakyat sa kwarto ko ng may malaking ngiti sa bibig ko.  "Argh! Curse you lesbian!" Rinig kong sigaw niya. Bahala siya atleast naka ganti na ako. Hays! Nakakapagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD