Chapter 25: Touchy
Kim jin-hwan/Jay (Ikon) as Austine Montefiore
*****
Raven's Pov
Nakayakap pa din siya sa akin at hindi ko alam kung tatanggalin ko ba 'to o hahayaan ko na lang. Pero kasi >."U-uhm, sir archer--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mas humigpit pa lalo ang yakap niya sa'kin. >."Let's just stay like this for 5 minutes please." Sabi niya. Narinig ko ang lambing sa boses niya kaya wala na din akong nagawa kung hindi ang hayaan siya.
I can feel his hot breathe at my nape, he's also sniffing my scent. To be honest I'm really uncomfortable right now. Hindi ako sanay na ganito siya. Mas gusto ko yung lagi kaming nagtatalo kesa ganito siya!
He let go of me after five minutes kaya napaharap na ako sa kanya, na sana hindi ko ginawa. Ano ba naman ang mga lalaking to! Aware naman sila na may babae sa bahay na to bakit ang hilig nilang ipangalandakan ang mga pandesal nila!
"Can you put your shirt on, c-cant you see there's a girl in this house" Sabi ko at pilit iniiwasan ang mga titig niya.
Ilang minuto siyang hindi gumalaw pero sa huli ay naglakad ito papunta sa walk in closet niya para kumuha ng damit. Salamat naman!
"What are you doing here anyways?" Yan nanaman ang tono niyang sobrang lamig. Halos kanina akala mo batang naagawan ng lollipop. Tsk
"Bakit bawal ba akong umuwi? Edi sige, aalis na ako ulit" Sabi ko at akmang lalabas na ng nahawakan niya ako sa braso. I can feel the electricity run down in my spine. What's this? Mabilis kong iwinaksi ang braso ko sa kanya.
"Stupid! I'm asking why are you here in my room" tignan mo na stupid pa ako siya nga hindi nililinaw ang sinasabi.
"Linawin mo kasi, nakakaloko ka naman kasi e." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin at inirapan. Bwiset na lalaking 'to!
"Tsk!" I hear him say.
"I cooked a breakfast for all of you, I decided to deliver it to your rooms, peace offering na din dahil sa pag absent at pagaalala niyo." Sabi ko pero nakatingin lang siya sa'kin ng diretso. Ano ba naman 'tong lalaking to.
Tumango lang siya kaya napagpasyahan kong lumabas na at dumiresto sa kwarto ko. Bakit kahit natulog ako ng dalawang linggo hindi ko ma feel? Pagod na pagod pa din ako hanggang ngayon.
Kinuha ko ang tuwalya ko sa may rack at dumiretso sa cr, ililigo ko na lang 'to, I went straight to my bathroom at nagbabad lang ako sa bathtub. Akala ko mare-relax ako but no! A lots of thoughts is running down to my head.
Same initials lang ang nagpadala ng death threat sa'kin at kay aisaac, hindi ko alam kung ganun din sa iba. Pero ang pinagtataka ko. Anong nagawa ko sa kanya at pati ako my death threat? I mean hindi na 'to bago para sa'kin, pero iba ang pakiramdam ko sa mga sulat na pinakita sa'kin ni Isaac. And the thing here is who the hell is B.L.A?
Wala din ako'ng matandaan na ganun ang initials ng pangalan na kakilala o kaaway ko. Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko.
"Ma'am raven, baba daw po kayo pagkatapos niyo diyan" Sabi ni yaya feliz. Hindi na ako sumagot. Umahon na lang ako at dumiretso sa may shower para mag banlaw.
Natapos naman ako kaagad kaya dumiresto na ako sa walk in closet ko at nagbihis. I just wear a maong sexy short and a v-neck black shirt. Blinower ko lang ang buhok ko at bumaba na pagkatapos.
Pagbaba ko ay nakita ko silang nakakalat kung saan-saan, except kay aisaac? Nasaan yun? Tulog pa din?
"Where's aisaac? Is he still sleeping?" Tanong ko pagkababa ko pa lang sa huling baitang ng hagdan.
"No, he's getting ready captain sexy" Sabi niya at ngumisi pa. Hindi talaga siya titigil sa bwiset na tawag niya sa'kin na yan noh!
Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya. Nakita kong nakasuot ng business attire silang lahat. Wow ha! Ano 'to? Specially sila kuya nakaka gulat. Papasok na sila? Talaga ba? Parang ayaw nila akong makasama ha! Dapat pala hindi na ako umuwi -.-
"Papasok kayo?" Tanong ko at tinignan silang lahat.
"Yes, kailangan din ako sa company ngayon. May emergency meeting ako sa mga investors" Sabi ni kuya jensen.
Yung iba naman ay ganun din. Yung totoo? Nag usap-usap ba sila tungkol dito?
"Magtapat nga kayo sa'kin" napatingin silang lahat sa'kin pati si sir alexander at sir archer na kalalabas lang galing kitchen.
"Iniiwasan niyo ba ako? Nag usap-usap ba kayong aalis kayo ngayon? Nakakapanibago e." Panunuya kong tanong sa kanila. Napanganga sila dahil sa tanong ko.
"What made you think na iniiwasan ka namin? If i have a choice i will spend my time here with you princess" Sabi ni kuya james at inakbayan pa niya ako.
Hindi nakatakas sa'kin ang pasimpleng pag senyas niya sa iba na maki ayon sa sinabi niya. The hell! So ano? Napipilitan lang talaga sila?
"Ewan ko sa inyo, magsilayas na nga kayo" sabay tulak ng marahan kay kuya james na nasa kaliwa ko.
"Hey" Napalingon ako sa likod ko ng makita ko si aisaac na pababa na sa hagdan. Napailing ako ng makita kong hindi maayos ang pagkaka kabit niya ng neck tie niya. Hays bata pa talaga.
Pagbaba niya ay umakbay kaagad siya sa'kin at ngumiti. Tsk! Bakit ang ganda pa din ng ngipin nito kahit laging kumakain ng matamis? Sino ba dentista nito?
Humarap ako sa kanya at inayos ko yung neck tie niya, nakatingin lang siya sa'kin habang naka ngiti ng nakaka loko. Anong problema nito?
Inayos ko yung kwelyo niya ng marinig ko siyang bumulong.
"I love seeing the view noona, just keep doing that, pero pag ako namatay ikaw ang may kasalanan" Sabi niya at hindi ko alam kung ngingiti o tatawa siya sa itsura niya ngayon.
My forehead creased because of what he said. He's loving the view? Ano? Tsaka bakit ako may kasalanan pag namatay siya? Siraulo ba 'to?
"What are you saying?" Tanong ko pero umiling lang siya. I was shocked when he kiss me at the forehead with a big smile plastered on his face. What the?!
"Yah! Aisaac, stop doing that! Kahapon ka pa ha! Hindi ka ba nagsasawang kasama si raven?" Narinig naming ang nagpo-protestang boses ni gavin sa gilid namin.
Nakita namin na nandun na yung pitong bantay ng mga ito at yung iba ay halatang nagtataka sa kinikilos ni aisaac. Sino ba naman ang hindi di ba? Puro kalokohan ang tumatakbo sa isip ng lalaking 'to, akala mo kung sinong inosente but he's not! He really loves to goof around. Tsk!
"Ehem! Baka gusto mo ng tanggalin yung kamay mo sa bewang ng bunso namin." Sabi naman ni kuya maic.
Ngayon ko lang din nalaman na nakahawak pala sa magkabilang gilid ko ang kamay niya, simpleng hawak din 'to e.
"Umamin nga kayo, may namamagitan ba sa inyong dalawa ni raven?" Tanong ni sir alexander.
Nagkatinginan kami ni aisaac at nagtatanong sa isa't isa kung ano bang ibig sabihin nila.
"Stupid! They're asking what is the real score between you and aisaac, if the two of you are...in a relationship?" Malamig na sabi ni sir archer. Kanina pa siya stupid ng stupid nabi-bwiset na ko ha!
Hindi ko alam pero naiinis ako sa kanya, the way he called me by that name, stupid? Hindi ako ganun ka tanga para hindi maintindihan ang sinabi ni alexander, nagtataka lang ako kasi sa mga ganung tanong nila. Baliw ba sila?
"You can all guys go, the seven of you make sure na babantayan niyo ang mga ito, call me if something happened" malamig kong sabi sa kanila.
They got curious because of my sudden action but i don't care. Sira na ang araw ko dahil kay archer. Akala mo kung sinong matalino makatawag ng stupid. No one dare to call me in that name.
Hindi na sila nagsalita at lumabas na ng mansion, aisaac is the only one who stay, ano pa bang kailangan nito?
"What?" I ask him
"Are you mad?" Nakatingin siya sa'kin ng diretso habang nagtatanong. Natutunaw yung inis ko kahit konti pag nakikita ko talaga ang muka nitong bata na 'to.
You can't blame me guys, I always wished that i have a baby brother but it didn't came true, kaya ganun na lang ang pag aalaga ko kay aisaac because i feel I'm his elder sister.
"I'm not, sige na pumasok na kayo. Wag kayong gagawa ng kalokohan because i swear. Hindi niyo gugustuhing magalit ako" Sabi ko at tinulak na siya palabas.
Nakita kong pasakay na ang iba sa kotse nila. Aisaac hug me first. Ilang taon ba kaming hindi magkikita?
"Take care noona, don't be reckless okay." Bilin niya kaya tumango na lang ako. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin dun. Sumakay na din siya sa van.
Napaka touchy ngayon ni aisaac, hindi naman sa naiinis ako pero kung ano-ano kasi iniisip ng iba, mga walangya, pinag isipan pa kami ng hindi maganda. Naiisip ko pa lang na may relasyon kami ni aisaac, it gives me goosebumps.
Nilingon ko ulit ang van na sinasakyan nila. Bago ito umandar paalis ay nakita ko ang malamig na tingin sa'kin ni archer pero inirapan ko lang siya. Bwiset pa din ako sa kanya. Akala mo kung sinong makayakap kanina tapos ganito siya ngayon? Aish! Bakit ba iniisip ko pa yun!
Pagka alis nila ay siya din ang rinig ko ng pagtunog ng doorbell namin, nakita kong kinakausap ito ng ni mang randy which is yung guard namin.
Sinarado niya yung gate at nakita kong papalapit siya sa'kin.
"Ma'am raven, may gusto daw po kumausap sa inyo" Sabi niya kaya nagtaka ako kung sino ito.
"Sino daw po?" Tanong ko.
"Hindi niya po sinabi pangalan niya pero sabi niya ay kilala mo daw po siya." Sabi niya kaya sa curiousity ko ay sinundan ko siya papuntang gate.
Binuksan niya ito ng bahagya at nagulat ako sa taong bumungad sa'kin. Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman kung saan ako nakatira ngayon?