Episode 24

1558 Words
Chapter 24: Raven is back Minhyuk (Monsta X) as Aisaac Montefiore ***** Madaling araw pa lang ay umalis na sila raven sa agency na walang nakakakita, sinadya niya ito upang walang makapansin sa kanila sa paglabas lalo na't kasama pa nila si aisaac. Mabilis na pinatakbo ni gavin ang sasakyan para maaga din silang makarating sa mansion. Nakarating sila eksaktong alas sais ng umaga at tulog pa ang lahat. Nagulat ang guwardiya nila ng makita si raven na  kasama sila gavin. Pagpasok naman nila ng mansion ay halos lahat ng kasambahay nila ay nagulat ng makita si raven, ang mayordoma pa nila ay muntik ng magsisisigaw ng makita ang dalaga, mabuti na lang at napigilan kaagad ito ni raven. Nagpaalam muna si gavin na babalik sa agency dahil pinapatawag ito ng tito niya kaya hinayaan na lang niya, si aisaac naman ay umakyat muna sa kanyang kwarto upang makapag pahinga, ang mga kasambahay naman nila ay bumalik na sa ginagawa nila. "Iha naku! Abot abot ang kaba namin ng dalawang linggo ka'ng hindi nakauwi, ano ba ang nangyari sayo pati sa mga kaibigan mo?" Tanong ni manang ising dito. "Naku manang, mahabang kwento po. Ang mahalaga ay maayos na kami at nakauwi na ulit ako." Naka ngiting sabi niya sa matanda. Dito lang talaga siya nakaka ngiti ng hindi peke. "Hays! O siya sige, ipagluluto na lang kita ng makakain mo, baka bumaba na din ang mga yun." Sabi ni manang. Tumalikod na ito ng may naisip siya, pinigilan niya si manang sa pagluluto at sinabing siya na lang daw ang gagawa. Nag agawan pa sila ni manang ng chopping board pero sa huli ay sumuko na din ang matanda sa ginagawa ni raven. Pinusod niya ang buhok niya at inangat ang sleeves ng damit niya. Sinuot niya din ang apron na nakahanda na sa gilid lang. "Let's do this" Sabi niya at kinuha na niya ang mga lulutuin. It's just a typical breakfast with a twist, dahil imbis na sa dining niya papakainin ang mga lalaki ay dadalhin niya ito sa kwarto ng mga ito. Habang inaayos niya ang bawat tray ng walo ay napapa ngiti siya. It's been a long time sinced i did this kind of thing. Nang matapos siya ay nagpatulong siya sa ilang kasambahay nila para buhatin ang mga ito paakyat. Inuna niyang dalhan ang kuya maic niya na ngayon ay nakikita niyang mahimbing pa din sa pagtulog. Nilagay niya sa bedside table nito ang tray ng pagkain niya. Tinapik niya ito ng marahan. "Wake up, breakfast is ready" nang makita niyang naalimpungatan na ito ay mabilis siyang lumabas sa kwarto ng kuya niya. Kilala niya ang kuya maic niya baka kahit namiss siya nito ay batuhin siya ng maraming kutsilyo dahil sa ginawa niyang pag gising dito. Sumunod naman ay si johannes at jensen magkasama kasi ang dalawa sa kwarto, ito ang pinakamalaking kwarto sa buong mansion dahil dalawang tao din ang umookupa. Hindi man halata pero close na close kasi talaga ang dalawa sa isa't isa. She open the door and close it, she got shocked when someone threw her a pillow, buti na lamang ay mabilis niya itong nailagan kung hindi ay matatapon ang hawak niyang tray na may pagkain. "What the hell kuya jensen! Matatapon yung hawak ko sa ginagawa mo!" Inis na usal niya. Nanlaki naman ang mata ni jensen ng makita niyang harapan ang pinsan niyang dalawang linggo ng nawawala. Napabalikwas naman ng bangon si johannes ng marinig ang boses ng dalaga. Nilapag niya ang pagkain sa bedside table ng dalawa which is napapagitnaan ng kama ng mga kuya niya. She snap out her finger infront of the two boys. Doon lang nila na realize na hindi imahinasyon ang dalagang nasa harap nila. "Goodness raven!" Sabi ng kuya jensen niya at hinila siya nito payakap sa mga bisig niya. "Where the f*ck have you been?! Don't you know we're all worried sick about you?!" Inis na sabi ng kuya johannes niya but she only smile to him. Kumalas siya sa yakap ng kuya jensen niya at tumabi siya kay johannes. Walang sabing yumakap siya dito. "I'm sorry about that, may kinailangan lang kaming asikasuhin kaya ganun yung nangyari, wag na kayo magalit. Pinagluto ko na nga kayo as a peace offering e." Sabi ni raven sa mga ito. Wala naman silang nagawa at niyakap na lang ang dalaga. Nasa gitna sila ng yakapan ng biglang kumalabog ang pintuan ng kwarto. Nakita nilang nakatayo doon si james na bagong gising at halatang gulat ang ekspresyon. Nagtaka siya sa ingay na nagaganap sa katabi niyang kwarto, pagbukas naman niya ng pinto ay limang kasambahay nila ang nasa tapat ng pinto nila johaness kaya tinanong niya kung ano ba ang nangyayari sa loob. Ang isa ay sinabing nakabalik na kasi si raven kaya maingay sa loob, hindi siya nagdalawang isip na pumasok sa loob para tignan kung totoo nga ang sinasabi ng mga ito. And there he saw his cousins hugging raven in the middle. Tumakbo siya palapit kay raven at hinigit ito patayo.  Inikot niya ang dalaga at siniguradong walang nabawas o galos ang dalaga. "Are you okay? May masakit ba sayo? Tell kuya?" Nag aalalang tanong nito pero napangisi lang si raven sabay umiling. "I'm totally fine kuya, don't worry" Sabi niya at tinabig ang pinsan niya. "Go eat your breakfast and fix yourself, y'all stink" Sabi niya at ngumiwi pa. Ang kaninang nag aalalang muka nila ay napasimangot, totoo nga na nakabalik na si raven sa kanila dahil hindi nanaman maganda ang mood nila pag nagsasalita ito. "Whatever" pikon na sabi ni jensen at pumasok sa loob ng banyo. Lumabas na si raven at sumunod naman na pinuntahan niya ay si alexander na alam niyang gising na, alexander is an early bird. Tamad lang tumayo kaagad. Kumatok siya sa pinto ng kwarto nito at binuksan, nakadapa ito facing the headboard habang nagla laptop kaya hindi siya nito nakita pagpasok. "Here's your breakfast young master" Sabi niya kaya kaagad napabalikwas ng bangon si alexander at naka ngangang nakatingin kay raven. "R-raven?" Nauutal niyang sabi. Raven gave him a slight nod and smile. "Eat your breakfast sir, you look skinny than before" Sabi niya dito at lumabas na kaagad. Hindi pa din makapaniwala si alexander na nakausap niya ulit ang dalaga pagkatapos ng dalawang linggo. Napatingin siya sa bedside table niya at nakita niya do'n ang isang sunny side up egg, bacon and ham, toasted bread, brewed coffee and a small note. He reach it using his left hand at binasa ito. He smile automatically. Sorry for being absent in two weeks, here's a breakfast as a peace offering. -Raven Sunod niyang pinuntahan si austine at pagbukas niya ng pinto ay naka boxer lang ito kaya napatalikod agad siya. "Sheez! Who are you?! What are you doing here!?" Naiinis na sigaw ni austine. Humarap dito si raven kahit ayaw niyang makita ang hubad nitong katawan. Ganun na lang din ang gulat ni austine ng makita si raven sa harap niya. "Captain sexy?" Napakunot ang noo ni raven sa tinawag sa kanya ng boss niya. Ngayon niya lang ito narinig kay austine at aaminin niyang kinilabutan siya dito. "Where did you get that f*cking pet name young master?" Malamig na sabi nito. "Totoo nga! Nasa harap nga kita, hindi ako nagha-hallucinate!" Hindi pinansin ni austine ang sinabi ni raven at ngumiti pa ito na parang tanga. "Tsk!" Tanging nasabi ni raven at nilapag ang pagkain niya sa mesa. "What's that captain sexy?" Tanong nito at nilapitan pa siya. Hindi pa ito nakuntento at inakbayan pa siya nito. Her forehead creased because of austine's sudden movement. Malakas niyang tinapik ang kamay nito at sinamaan ng tingin. "Stop calling me captain sexy at kumain ka na lang kung ayaw mong gutumin kita" nanlilisik ang mga matang sabi niya dito at naglakad na ito papunta sa may pinto ng kwarto. "Whatever captain sexy, kababalik mo lang nagsusungit ka nanaman!" bulong ni austine na hindi nakatakas sa pandinig ni raven. "Whatever too, Walking AIDS!" Pang aasar niya dito. Napatakbo na palabas si raven ng makita niyang babatuhin siya nito ng makapal na libro. Sinilip niya naman si aisaac na mahimbing ang tulog. Tinabihan niya ito at tinapik ng marahan ang pisnge. "Hey sleepy head, wake up. Eat first wala pa laman yan tiyan mo." Malumanay na sabi niya dito. Aisaac lazily get up just to eat, what do you expect? Even tho how sleepy he is, he still going to eat. He's a glutton remember? "Thank you noona" he said then flush a sweet smile. Aisaac is like a little brother to her. She smiled at huling pinuntahan ay ang kwarto ng boss niyang pinaglihi sa sama ng loob. She knock three times but no one's answering, binuksan niya ito at bumaba na ang huling kasambahay na kasama niya ng makuha na niya ang tray. Pagpasok niya ay nagtaka siya ng walang makitang lalaking nakahiga sa kama niya, hinanap niya ito sa buong kwarto pero wala talaga. Mabilis niyang nilapag ang tray sa may study table nito at naglakad papunta sa pinto. She was about to go out when a pair of strong arms hug her from the back. Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa leeg niya. Handa na sana niyang ibalibag ito ng maamoy niya ang isang pamilyar na pabango nito. Based on his manly but sweet scent. It's obviously archer is the one who's hugging her from behind. "Young master?" Mahinang tawag niya dito. Nagtataka siya kung bakit ito nakayakap sa kanya. Gusto man niya itong kalasin ay may nagtutulak at nagsasabi sa kanya ng wag at hayaan lang.  "Where have you been raven? I'm going crazy for the past two weeks because of your sudden dissapeared." Bulong nito sa dalaga. Hindi naman kaagad nakapag salita si raven at parang may nakabara sa lalamunan niya. Wtf! Why are you like this raven?! You're not like this! What's happening to you?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD