Chapter 40

516 Words
Madaling araw ng linggo sa bahay ng tita ni Sam sa Antipolo. Katabi nyang matulog pinsan nya at kinailangan nyang I off cellphone nya pagka’t tawag ng tawag si Carlos. Bandang alas kwatro ng madaling araw ay tiningnan nya ang cellphone at nakita nya messages ni Carlos. Nagmamakaawa ito. “Bakit mo ba ginagawa sa akin to? Ano ba ginawa ko sayo? Ba’t ayaw mong sagutin mga calls ko sayo? Ano bang pinagsasabi mong makikipaghiwalay ka? Dahil ba kay Emily? Hindi ba nag usap na tayo? Please mag usap tayo. Puntahan kita sa inyo andyan na ako.” Ramdam ni Sam ang pagkabalisa ni Carlos. “Wala na ako jan sa Pasig. Dito ako sa Antipolo. Dito na muna ako sa bahay ng tita ko.” Sinagot sya ni Sam. Hindi nya ito matiis. Tumawag si Carlos at sinagot sya ni Sam. “Anong ibig mong sabihing wala kana dito sa Pasig? Babalik ka pa ba dito?” Nanginginig boses ni Carlos. Napabuntong hininga si Sam. “Ewan ko Carlos, hindi ko alam. Sa ngayon hindi pa muna. Kakalipat lang naming dito kanina.” “Pero bakit? Bakit hindi ka man lang nagpasabi sa akin na ganyan pala plano mo? Bakit ka nagpadalos dalos ng desisyon? Ano ba ako sa buhay mo? Bakit ka ganun mahal?” Galit at naiiyak na boses ni Carlos ng mga sandaling iyun. Napaka unfair mo Sam. “Carlos mahal. Nasa trabaho ka. Ayoko distorbohin ka. Kinailangan ni tita ng kasama dito. Ang apartment ko may problema. Tapos anjan pa si Emily at si Maui…” “Anong si Emily,ba’t mo kilala si Maui?” Tanong ni Carlos kay Sam. “Chinat ako ni Maui. Kung anu anong pinagsasasabi sakin.” Pagtatapat ni Sam. “Hindi mo nalang sana pinansin kasi bata yun eh.” Naiirita na si Carlos. Nag excuse muna siya sa trabaho nya at ngayon wala syang tulog para maayos ang gulo nila ni Sam. “Hindi na yun bata. Kinse anyos na yun. May kamalayan na at alam na ang tama sa mali. Hindi ko sya pinatulan pero ayoko kasi ng ganito, ayoko ng ganitong drama.” Naiirita si Sam. May naalala syang ganitong scenario nuon nasa Davao pa sya. “Sam, Sam please ayoko. Wag moko iwan. Hindi ko kaya. Kakasimula palang natin. Mahal kita, Sam.” Pagsusumamo ni Carlos. “Di ba mas mabuting tapusin na natin to hanggat maaga pa. Bago lumala at magkasakitan tayo?” “Sam bakit ka ganun? Bakit ka gi give up? Bigyan mo naman ako ng chance, tayo. Bigyan mo ng chance tayo.” “Oo nga Samantha. Bigyan mo na ng chance yang damuhong yan para makatulog na tayo. Tsk madaling araw.” Nagmamaktol na si Amy dahil nagising sya sa usapan nila ni Carlos. “Sige na Carlos. Usap nalang tayo bukas ha. Kailangan mo rin ng pahinga. Tulog na tayo.” “Idlip lang ako ng dalawang oras. Sige Sam. Tulog na tayo. I love you, mahal.” “I love you too Carlos. Ingat lagi.” Duon napagtanto ni Sam malalim na ang kanilang relasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD