Chapter 39

2613 Words
Matapos ang komprontasyon nila ni Emily ay nagpaiwan sina Sam at Carlos sa loob ng café. Lumapit si Jackie. “Friend anong drama yun? Hi Sam.” Maganda ang ngiti ni Jackie. Nakakabighani. Nagtataka konti si Sam kung bakit hindi ito nakita ni Carlos. “Hello Jackie. It’s good to finally meet you.” Nasiyahan si Sam sa napaka warm na aura ni Jackie. Unti unti na realize nya bakit hindi ito pinatulan ni Carlos. “Pangit kasi si Jackie, mukha syang lalake haha. Pag nagtabi kami para kaming magkuya. Siya ang kuya ko.” Pang aasar ni Carlos tungkol kay Jackie. Ngayon nya naintindihan. Ayaw ni Carlos masira ang magandang pagtitinginan nilang dalawa bilang magkaibigan. “Same here Sam. I’ve heard a lot about you. Daming kinuwento ni Carlos tungkol sa yo sakin.” Medyo nahiya si Sam. “Naku sana naman mga good points.” “Good naman, basic stuff. Dyan ka pala sa tapat na building nagwo work.” “Oo Jackie. Dyan lang building namin. Kaya pala familiar ka sa akin.” At home agad pakiramdam ni Sam kay Jackie. “Siguro nga ilang beses na akong nag serve sayo ng coffee tas hindi lang natin namalayan, no?” “Oo nga eh. At least now nakilala na kita. Join ka sa amin para magchikahan tayo.” Anyaya ni Sam kay Jackie. Tahimik lang si Carlos, pinagmamatyagan niya ang dalawa habang nag uusap. Natutuwa sya pagka’t magkasundo ang dalawa. Kung sana ganito din makitungo si Best kay Sam. Kaso malabong tanggapin nya si Sam. Bakit kasi hanggang ngayon ganito pa rin sitwasyon namin. Alanganing kami, alanganing magkaibigan. “Huy Carlos my friend. Lumilipad na naman diwa mo. O ayan nagdala ako ng cinnamon roll para sa inyo. Sabi mo gusto ito ni Sam. On the house yan. Iwan ko muna kayo ha. Baka hanapin ako ni Ms. Banaag at masabon ako.” “Salamat ng marami Jackie. Pasyal pasyalan kita dito ha.” Bakas sa mukha ni Sam ang tuwa. “Sure thing basta andito ako ng Monday to Friday.” Tumalikod ito agad dahil may call daw sya sa loob ng opisina nya. “So ano desisyon mo ngayon? Itong si Emily? May relasyon kapa pala sa kanya tapos ngayon andito ako sa buhay mo.” “Sam, wala naman talaga kaming proper label ni Emily. Basta nangyayari nalang sa amin mga nangyari tapos. Siya lang naman tung nag iisip na may kami.” “Kahit na Carlos. tumagal din yun so-called no label na relasyon nyo. And may nangyayari sa inyo. Ibang babae kasi they think na may something sa inyo dahil dun. May tawag ba kayo or anything? Casual name bases lang ba?” “We call each other honey. Sya talaga naunang tumawag sa akin ng honey. Sa Japan pa kami. Hiniwalayan kasi sya ng live-in partner nya dito sa pinas gamit pera nya. Iniwan anak nya sa kapatid ni Emily at hindi na binalikan. Maliit pa nun si Maui, name ng anak nya. Gustong gusto nyang bumalik ng pinas nuon para maayos buhay nila ng pamiya nya. Sinisi nya sarili nya ngunit hindi hindi sya pwede umuwi kasi may contract sya. Naging close sya sa akin hanggang sa huumantong duon. Partly nakatulong ako para maghilum sugat nila mag ina at naging stronghold din nya ako para magsimula muli. Bung makabalik na kami ng pinas minsanan pag may pagkakataon nagkikita kami. Minsan dinadalaw ko sya duon sa CDO. Anlayo kasi.” “Hindi kaba naka isip nuon na pakasalan sya or samahan sya?” Tanong ni Sam kay Carlos. “Sam, honestly hindi ko sya minahal. Sa puso ko friendship lang habol ko sa kanya. Nung nasa Japan kami basta nangyari nalang mga yun. Ako kasi Sam pag kaibigan kita dadamayan talaga kita. AKit pa nagin ex kita tapos naging friends tayo, loyaty ko sayo pa rin.” “I think nga mas maiging kabiganin ka kesa makipag intimate relationship sayo eh. At least walang expectations.”Medyo nairita na si Sam. “Sam naman. Ano ba naman pinagsasabi mo?” Naiirita na rin si Carlos. “You heard what I said. Mas maiging fubu ka nalang at least no strings attached at wala kang kokonsensyahin kasi nag eenjoy lang kayo sexually without ruining the fun.” Magkadikit na kilay ni Sam sa irita. “Wait Sam. Don’t be childish. Look, I want you to understand. There is nothing going on between me and Emily. Yes, I cannled her honey and yes, may mga nangyari sa amin sa Japan but that was it. I can call honey anybody na close sa heart ko.” Tinitigan lang sya ni Sam habang nginunguya ang cinnamon roll. “Cmon Sam. You should know better. Believe me I am not inlove with her. I like her as a friend.” Pag e explain ni Carlos. Gusto nyang ipa intindi kay Sam na lust lamang ang namamagitan sa kanila ni Emily at pagkakaibigan. No big deal. Pero iba ang dating kay Sam. Alam nya ang nararamdaman ng babaeng umasa at nasasaktan. Mahal ni Emily si Carlos at halata sa galit na pinakita nya kanina. Hindi yun pupunta ng Maynila kung hindi importante si Carlos sa kanya. Tinitingnan nya si Carlos, parang wala lang sa kanya. Parte ba ito ng sumpa mo sa mga babae? Pati ba ako sinumpa mo rin? “If you say so, mahal. If you say so.” Nginitian nya si Carlos habang umiinom ng kape. Hindi ako pwedeng magtagal sa pakikipagrelasyon sayo. ******** Hinatid ni Carlos si Sam sa bahay. Pumasok agad ito sa banyo ang nagpunas pagkatapos ay nagbihis ng pajama. Nag tsaa ito at ngumuya ng flat tops. Nakasara pinto ng pinsan nya kaya di na nya ito dinistorbo kasi baka nagpapahinga na. Madaling araw ang trabaho nito. Kinuha nya si Toby, ang pusa nya at nilagay sa may bintana. Tumingala sya sa langit. Walang buwan nuon ngunit madaming bituin. Iniisip nya mga nangyari ng araw na yun. Ano kaya napasok sa utak ko at nakipagrelasyon ako sa isang lalakeng alam kong palsipikado lahat ng mga sinasabi? Isang lalakeng alam nyang puro kalokohan lamang ang nasa isip at walang planong mag settle sa isang relasyon? Alam na alam nya ito. Hindi tanga si Sam nung ligawan sya ni Carlos. Pero bakit nya pinasubo sarili nya? Maybe for the thrill of it? Kasi bago sa kanya ang ganitong sitwasyon? Nuon pa man sinabi na nya sa sarili nyang she has to guard her feelings towards this man dahil delikado. Paglalaruan lamang sya nito. “Edi paglaruan ko din sya. Hatid sundo ako for free. Minsan free breakfast. Sabi ni Amy okay lang na mag experience para di tumandang walang kwento sa buhay. Sigh” Nakatingin si Samantha sa mga butuin sa langit habang umiinom ng tsaa. Natutulog pusa nya habang hinahagod ni Sam ulo nito. “Sana hindi ako ma inlove. Wag naman sana.” Ngunit parang ganun na nga nangyayari. ********** “Ang aga naman ng ding nato. Ano ba to?” Naalimpungatan si Sam sa sunod sunod na ding ng kanyang phone. “Walang hiya kang babae ka. Haliparot! Teacher ka pa man din na maturingan pero ang landi landi mo. Harot!” “Sino kaba? Kilala mo ba ako? Bat ganyan ka makahusga? Ang aga aga panira ka ng araw ah.” Irita si Sam sa mga ganung chat lalo na kung galing sa kung kaninong hindi niya kilala. “Ako lang naman si Maui. Anak ako ni Emily at inagaw mo boyfriend ng mommy ko.” Galit na chat ng teenager ke Sam. Ang cute naman ng tukmol na to. Maureen pala name nya. Sa Xavier nag aaral. Matalino. Diko sya masisi. After na I abandon sila mag ina ng daddy nya kinailangan nyang ipagtanggol mommy nya. “Maui, ito lang masasabi ko ha. Hindi ko inagawan ng boyfriend mommy mo. Kung alam ko na sila, hindi ko magiging boyfriend si tito Carlos.” “O, ngayon alam mo na. Ipagpatuloy mo pa rin ba relasyon mo sa kanya? Mahiya ka naman.” Pang aasar ng teenager kay Sam. Kung hindi lang ito bata sarap patulan. “Alam mo kasi Maui dapat mag uusap nyan ay si mommy mo at si tito Carlos mo. Kung ano man magiging desisyon ko, yun ay naaayon sa kung ano mapagdesisyunan nila. Hindi mo alam ang tunay na nangyari so hindi tama na husgahan mo ako lalo pa’t hindi mo ko kilala dba?” Maayos pa rin pagkaka chat nya dito dahil mahirap makipag deal sa isang teenager. “Sabihin nyo lang maharot kayo. Malandi!” All caps ang pagkaka type ng bata. “Alam mo hindi ko alam kung paano ka pinalaki ng nanay mo pero sa nakikita ko wala kang manners. As I have said, hindi mo alam ang tunay na nangyari and you don’t know me therefore you have no right to judge me. Next time, bago mag judge, know the facts first. Baka mademanda ka pag dating ng panahon. Do not chat or text me. Do not ever dare siraan ako sa social media because your mom is not a saint either. Baka mapahiya ka pag nalaman mo kung ano talaga relasyon ng mommy mo ke tito Carlos mo.” She dropped the bomb na. She’s hungry, sleepy and angry. After ma seen ni Maui, binlock sya ng bata. That’s it, this has to end. ********** Sam went to work that time at mainit ulo nya. Earlier that day chinat sya ni Carlos na hindi sya masusundo nito at may project sila ng ate nya out of town. May iko cover silang isang malaking advertisement ng isang malaking kumpanya at aabutin sila ng apat hanggang limang araw sa location nila kaya hindi nya ito masundo. Nag UV si Sam at na late sa work. Nag iisa nyang bakanteng schedule pinasukan student dahil absent ang isang teacher. Gustong gusto nyang kausapin si Carlos patungkol sa nangyari ng umagang iyun ngunit hindi ito pwedeng distorbohin pag mag trabaho. Lunch time ng nag chat tita Merly sya. “Pamangkin, kung me time ka call mo ko ha.” Tinawagan nya tita nya. “Tita good noon po. Kamusta?” “Okay naman ako pamangkin. May time ba kayo sa weekend? Invite ko sana kayo ni Amy dito mag lunch.” Aniya tita Merly nya. “Wala naman ako lakad sa Sabado. Free po ako. Ask ko Amy if free sya, chat agad kita.” Sagot ni Sam sa tita nya. “Sige Sam wait ko rely mo ha.” Pauwi nya ng gabing iyun ay nagulat sya sa floor ng apartment nila. “Hala anong nagyari dito?” Gulat si Sam sa itsura ng floor. Nakaangat kalahati ng floor. “Hindi ko alam basta alam ko ng simula sya sa dulo hanggan lahat na. Medyo mahirap nga maglakad.” “Kailangan ko maka usap ang may ari ng apartment. “ Tinawagan nya ito at pumunta agad sa unit nila. Katabi lang ng apartment nya bahay ng landlady nya. “Sam mejo me problema tayo dito sa unit mo. Kinailangan na tanggalin itong sahig lahat at ayusin. Aabutin ito ng one week na trabahuhin at dapat isang buwan muna bago ito tirahan. Kinailangan nyong lumipat.” Napatda si Sam sa sinabi ng may ari ng apartment. “May bakante ba kayong unit or mababakante?” Desperado na si Sam. Sampung taon syang tumira dito simula ng nagka tyhoon Kitsana o mas kilalang typhoon Ondoy. “Wala Samantha eh. Lahat okupado na. Bibigyan ko na lang kayo hanggang matapos ang taon. By January dapat makalipat na kayo.” Sabi ng landlady ni Sam. Ano ba namang araw na to. Sunod sunod ang problema. Nang makaalis ang may ari ng apartment ay nag chat muli tita nya. Mukhang emergency ito. Sabado bago magtanghalian ay nasa bahay ng tita Merli nila sa Antipolo na sila ni Amy. “Sam, Amy, may ipapakiusap sana ako sa inyong dalawa. Ngayon kasi na wala tito ninyo, mag isa lang ako dito. Pwede nyo ba akong samahan? Kahit dalawang taon lang.” “Pero tita may mga gamit kasi kami ni Sam.” “Amy malaki naman ang bahay. Ma accommodate naman dito mga gamit ninyo eh. Chaka dalawa kwarto sa itaas. Pwede kayo tig isa duon. Maganda dito kasi tahimik. Makakapag trabaho kayo ng maayos.” Iniisip ni Sam ng mga sandaling iyun ang magandang offer ng tita nya kaso iniisip din nya trabaho niya at si Carlos. Mapapalayu siya dito. Pero diba ito naman gusto nyang mangyari dba? Kukontak nalang sya ng Angkas rider sa Antipolo para ihatid sya sa workplace nya araw araw. “Sige po tita, payag po ako.” Medyo nagulat si Amy sa desisyon ni Sam. Ngunit sa isip isip di nya, pabor nga sa kanya pagkat tahimik ang lugar at hindi sya mag iisa pag wala si Sam. Kasama nya tita nila. Isang blessing in disguise ang nangyari sa apartment nila ni Sam at isa din itong paraan ng tadhana para tapusin na ni Sam ang ugnayan nila ni Carlos. “Hindi healthy ang magiging relasyon ko sa kanya. Mahal ko na sya ngayon, oo at masakit sa loob ko na iwan sya. Ngunit mas nanaisin kong masaktan ngayon habang maaga pa kaysa sa patagalin ko pa at tuluyang malunod sa kumunoy.” Pinagplanuhan nila ni Amy ang paglipat sa tita nila. Kinailangan magbawag ng gamit para mapasok lahat duon. Typical na up and down ang bahay ng tita nila kaya kahit mabigat sa kalooban nila, kinailangan nilang isakripisyo ang ibang gamit. Isa pa, araw araw may umaangat na tiles sa sahig nila at ang hirap maglakad ng normal. Naaawa si Sam sa pusa nya pagkat nahihirapan itong tumakbo dahil sa sitwasyon nila sa apartment. Napagdesisyunan nilang I garage sale ang iba, ang iba ay ipamigay sa interesado. Iniisip ni Sam malaking tulong din sa kanila ang paglipat sapagkat makakatipid sila sa renta at kahit sa utilities. Masasamahan pa nila tita nila at alam nyang ikatutuwa iyun ng daddy ni Sam. Sinabi nya iyun sa mommy nya ngunit negatibo ang sagot nito kay Sam. “Sam, huwag ka pumayag na duon ka tumira. Hindi mabuting tao tita mo at isa sya sa dahilan kung bakit nalulungkot ng husto daddy mo. Away sila ng away at… totoo. Mahal na mahal ka ng tita mo. Totoo iyun ngunit hindi maganda ugali niya Sam. Nangangamba ako baka mag away lang kayo kalaunan. Nasa poder ka niya, mahirap. Hindi sya madaling pakisamahan.” “Pero mommy nakapag commit nap o ako, eh. Isa pa ang daming issues dito sa apartment. Nakwento ko na iyun sa inyo dba?” Halos maiyak na si Sam. “Nasa sa iyo na yan, Sam. Ako ay nagpapaalala lamang sa iyo dahil anak kita. Ayoko malagay ka sa alanganin. Kung kakailanganin mo tulong ko, pinansyal man o ano, chat mo lang ako. Basta mag iingat ka sa tita mo, hindi maganda ugali nuon. Simba ng simba pero ang character naiiba. Pakisamahan mo sya ng maigi para matiwasay ang pag stay nyo duon, ha. At kung may mahanap ka na maayos na apartment, mas maigi.” Hindi maiwasan na hindi ma worried mommy ni Sam. Kilala nya ang sister in law nya na ito. Mabait at mapagmahal pero masakit itong magsalita at impulsive ang ugali. Parang si… Sam. “Update nalang kita, mi. Sa ngayon okay na kami kina tita muna.” Explain ni Sam sa ina. “Ikaw ang bahala, Sam. Mag iingat kayo ni Amy duon.” November 30, 2019, sabado. Lulan na sila ng moving truck service papuntang Antipolo. Hindi nya sinabi kay Carlos plano nya. Gusto na nya itong hiwalayan.   .    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD