Kararating lamang ni Emily galing Cagayan de Oro pagkatapos makita nya ang post ni Carlos sa sss. Kahit pa tinanggal niya agad ito at hindi ito tumagal sa pagkakapost ay nagdulot ito ng pagkabagabag kay Emily. Para kay Emily ay may relasyon sila ni Carlos kahit pa man matagal ng hindi sila nagkikita nito sapagkat hindi nagkakaroon ng panahon si Carlos na dalawin siya sa Cagayan de Oro.
“Hon, ang layu kasi ng CDO chaka hindi ako marunong magbisaya.”
Ang dami nitong rason. “Hon, andito naman ako. Puwede ka naman dito sa bahay mag stay, hindi kasi ako makapunta dyan kasi walang magbabantay kay Maui. Chaka mahirap iwan trabaho ko.”
“Ganun din ako hindi ko maiwan si ate dito sa negosyo namin. Eto nga hindi pa ako nakakapaghapunan at sobrang pagod ako sa mga errands ni ate. Masyadong demanding kasi client namin.” Pag eexplain si Carlos kay Sam.
“Kawawa naman ng honey ko. Gusto mo padalahan kita dyan ng Vjandep?”
“Ney wag na. Lalaki lang ako lalo. Itago mo nalang yan. Kamusta na si Maui?” Si Maui ay anak ni Emily sa una nyang kinakasama. Isang taon pa lamang ito nuong umalis sya at tumungong Japan kung saan nagkita sila ni Carlos at nagkaroon ng whirlwind na relasyon. Naunang umuwi si Emily dahil natapos ang kontrata niya ngunit patuloy pa rin komunikasyon nila ni Carlos.
Kahit pa babaero ito nuon pa ay hindi iyun pinansin ni Emily. Naghiwalay sila ng matagal ni Carlos ngunit nagkabalikan uli nuong 2018 nang makita siya ni Carlos sa sss. Nangako itong magsasama sila ngunit dalawang taon na at parang walang nangyayari. Nagsasawa na sya sa ginagawa nila sa Video messenger. Isa pa, natatakot sya na baka ma hack sila at ipost sa porn sites mga sinend nila na videos. Ayaw nya ng ganung scandal lalo pa’t lumalaki na si Maui.
“Malaking bulas si Maui. Matangkad pa sa kin. Say “hi” to tito. Pinakita ni Emily ang video call nila ni Carlos.
Tiningnan sya ni Maui at nagulat ito. Nakahiga si Carlos sa sofa ng opisina ng ate nya at nakita nya lumaki mga mata ng dalagita at namula. Tawa ng tawa ina nito. “Hi po tito” sabay takbo.
”Nahiya haha.” Natawa nanay nya sa reaksyon ng anak.
Iyun ang huli nilang pag uusap ni Carlos. Mga chats nya at calls ay hindi na nito pinapansin ng mga ilang buwan na din. Nasa pier sya ngayon at sa bahay ng isang kaibigan sa Pasig muna siya aakyat. Tamang tama pagkat iisang lugar lang mga pupuntahan nyang tao.
********
“Emily napasugod ka?” Gulat si Lorie pagbukas niya ng pintuan. Nasa harap nya si Emily bitbit ang isang malaking travelling bag. Kaibigang matalik sila ni Emily nuong High School pa sila. Tubong Maynila si Emily ngunit lumipat sila ng Cagayan de Oro dahil sa negosyo ng papa nito. Minsanan nalang silang magkita nito at kadalasan ay si Lorie ang napupuntang CDO dahil sa gustong gusto nito ang pumasyal sa Iligan at Camiguin. Nuong huli nilang kita ay pumunta sila ng Bukidnon para pumuntang Del Monte Plantation at pumasyal.
“May susugurin akong mga tao Lors. Sensya na hindi kita naabisuhan. Pwede ba ako dito pansamantala?”
“Oo naman. Pwede ka naman dito. Kami lang naman ni mama at mga anak ko dito sa bahay. Minsan lang dito nauwi kapatid ko kasi dun na naglalalagi sa boyfriend nya. Teka sino ba yan? Pasok ka muna nagluto ako ng adobo. Mamayang hapon pa pasok ko.”
“Salamat Lorie. Saan pala mga bata?”
“Ah, andun sa papa nila. Mga one week sila dun.”
Habang kumakain sila ng lunch ay pinag usapan nila mga buhay at pamilya. Hiwalay sa asawa si Lorilie simula ng nambabae ang asawa nito. Nagkaroon ng relasyon ang asawa nya sa boss nito na babae dahil parati silang nag a out of the country. Sa una ay okay lang kasi work related daw ang pag abroad nila. Kalaunan ay hindi na umuwi ang lalake kahit nasa Manila. Eventually iniwan nya si Lorie for good at nag file sila ng annulment. Umuwi si Lorie sa mama nya sa Pasig bitbit dalawa nyang anak na lalake.
“Me idea kaba sino ang babaeng ito na kinalolokohan ng boyfriend mo?”
“Samantha daw eh. Dito din nakatira sa Pasig. Nakapublic profile nya. Eto sya, o.” Pinakita ni Emily kay Lorie sa kanyang phone f*******: ni Lorie.
“Kasamahan ko yan sa work ah. Oo, si Samantha.” Medyo nabigla ng kaunti si Lorie.
“Katrabaho mo pala malanding to? Aba’y itong babaeng to ang rason bakit ako napasugod dito sa Maynila eh. Nang aagaw ng kasintahan ang landi! Ganitong klaseng babae din yung naging babae ng ama ni Maui. Sasama ako sayo ngayon Lorilie.” Nanlilisik mga mata ni Emily sa galit.
“Maghunos dili ka nga muna Emily. Hindi pa naman natin sigurado na si Samantha nga yun.” Pagdedepensa ni Lorie sa kasamahan nya kay Lorie.
“Teka nga Lorilie, kaibigan mo ba tong babaeng to?”
“Katropa ko sya. Kasama sa lunch pero dko talaga sya close na kaibigan. Kausap lang, ka starbucks kasama ng grupo. Pero kahit papano kilala ko tong babaeng to eh. Ni hindi ito makabasag pinggan chaka maniwala kaba kung sasabihin ko sayong hindi ito interesado sa lalake?” Pahayag ni Lorie kay Emily.
“Huuus! Ibig mong sabihin isang Bi tong si Samantha?” Natatawa si Emily sa sinabi ng kaibigan.
“Hindi ko talaga sigurado kung Bi or Les sya pero hindi pa ito nagkukwento ng anything about men. Chaka sabi sabi sa grupo namin may nakarelasyon daw ito na babae dati.”
“Lorelie hindi naman kasi porke nakipagrelasyon ang isang babae sa kapwa babae ay hindi na siya makikipagrelasyon sa lalake ever. Bisexual yang babaeng yan.” Suyang suya si Emily at nakikita iyun sa mukha nya.
“Kung totoo naman ito eh baka hindi aware si Sam sa ginagawa ng boyfriend mo. Siguro womanizer bf mo at isa si Sam sa mga gfs nya.”
“Kaya nga Lorie gusto kong kausapin ang babae to eh.”
“At ano naman sasabihin mo sa kanya, ha Emily? Layuan mo boyfriend ko, akin sya?” Natatawa si Lorie sa ugali ni Emily towards kay Sam.
“Of course I’m not gonna do that. Kakalbuhin ko lang naman yang Sam na yan.”
“I’d better get ready. If you want to confront her mamaya mga 3pm kasi vacant kami. Offpeak kasi so activity time lang namin. Dadalhin ko sya sa isang coffee shop na hindi masyadong matao. Aroma and Blends, dun tayo.”
“Eh, dko gusto kape dun eh.” Himutok ni Emily.
“Pero maganda ambiance. Besides you’re not there for the coffee. You’re there to clear things up kay Samantha for her to know also na may inaapakan syang tao at para din alam nya kung anong klaseng lalake pinatulan nya. At ikaw, you should have learned from your past mistakes. Now, it is up to you kung ipaglalaban mo pa rin ba relasyon mo with Carlos or let him go. Being a womanizer is not a good sign, my dear. Baka hindi lang kayo ni Sam, may iba pa.”
***********
“Teacher Sam, available kaba now?” Pumasok si Lorie sa room ni Sam.
“May pinapa answer na book sa akin si Teacher Anna pero okay lang. Next week pa naman nya kukunin. Important ba yan?”
“Sort of cher. May makikipag usap sayo sana personal lang. May konting problem kasi . Dun tayo sa Aroma and Blends don’t worry sagot ko ang drinks. Alam mo naman madami tayo mga sponsor sa mommies ng studs hehe.” Ngumiti si Lorie mg pagkaganda ganda. Silang dalawa ni Sam pagdating sa kape, click na click.
“Sige cher, ayusin ko lang to. Wait nyo ko sa coffee shop.” Kanina pa nga kapeng kape si Sam at feel nyang umorder ng cold caramel macchiato.
Pagdating nya sa Aroma and Blends ay umorder agad sya ng kape at pinasabing kay Lorie lang ang tab. Mismong si Jackie ang nag punch ng order at nag asikaso kay Sam ngunit hindi siya nakilala nito. Magka sss lang kasi sila ngunit hindi pa talaga sila nagkikita ng personal. Gayunpaman namukhaan agad siya ni Jackie. After nyang makuha ang order nya dumirecho sya sa isang table na may couch sa dulo. Mukhang pribado pag uusapan nila.
Palapit na si Sam sa table nina Lorie at may kasama syang isang magandang babae. Nakangiti si Sam na papalapit sa kanila. Todo ngiti naman ni Lorie ngunit ang babae ay mukhang casual lamang na nakatingin sa kanya. Pag upo nya ay para syang sinusukat ng babae. Ano ba problema ng babaeng to sa kin at gaano kaya ka importante pag uusapan namin at kailangan kong iwanan trabaho ko para makipagkapehan sa kanila?
“Cher Sam si Emily nga pala. Bestfriend ko sa Cagayan de Oro siya nakatira.” In introduce sakin ni Lorie si Emily habang paupo ako.
“Hi Emily, from CDO ka pala. Tiga Davao pala ako may mga kamag anak ako nakatira sa Cagayan de Oro.”Tuwang tuwa ako na nakikipag usap sa kanya ngunit mukha nya ay suya. So talagang na waste oras ko dito para isnabin lang ng Emilyng ito. Ano bang atraso ko sa mukhang social climber nato?
“Dito talaga sya Sam. Nalipat lang sa CDO family nya nuon kasi dun nagwo work daddy nya before. Uhm cher Sam kasi si Emily gusto ka nyang tanungin sana tungkol kay…” Hindi na natapos ni Lorie sinasabi nya.
“Tungkol sana kay Carlos. Kasi pinost nya na girlfriend ka daw nya.” Direktang sabi ni Emily.
Bakit parang hindi ako nagtataka? “Oo ako girlfriend nya. Girlfriend ka din ba nya?”
“Aware ka ba about it?” Tumaas kilay ni Emily.
“No, hindi ako aware tungkol sa yo at walang nabanggit si Carlos tungkol sa iyo. So far wala syang na mention na Emily. As far as I am concerned sinabi nyang wala na syang girlfriend when he courted me.”
“At naniwala ka naman?” Tumaas lalo kilay ni Emily kay Sam. Kinakabahan naman si Lorie sa ugali ni Emily towards Sam. Nevertheless, nangako itong hindi nya aawayin si Sam.
“Look, if you have issues with Carlos, better confront him. Talk to him. Pag sinabi nyang it’s not over between you and him, I will give way. You can have him.”
Hindi umiimik si Emily. “You won’t fight for him?”
“Does he deserve it? Isa pa the way you insinuate parang matagal na relasyon ninyo. Nirerespeto ko naman yun. Kung ano man relasyon ninyong dalawa, I will give way.” Tiningnan nya si Emily sa mata. She doesn’t like her pero gusto nya mga ganitong tao. Prangka at hindi nagpapaliguy liguy. Ayaw nya ng babaeng umiiwas sa laban at hindi marunong makipag usap. “Tell you what, he’s picking me up later tonight mga around 7pm. If you want, abangan mo sya then you guys talk. Kasi pag sinabihan ko sya now about you, baka magtago. I don’t know him that much kasi we were dating for only three weeks so mas kilala mo sya. You talk to him.”
*********
Dumating si Carlos pasadong alas siyete na ng gabi. “sorry mahal natrapik kasi ako sa may Canley kasi may banggaan.”
“Mahal usap muna tayo sa Aroma and Blends, may puntahan kaba after here?” Tanong ni Sam kay Carlos.
“Wala naman teka park ko lang motor ko.”
“Samahan na kita.” Pumasok sila sa compound ng Prestige Building para ipark motor ni Carlos.
“Ano pala yan mahal, bakit parang pa surprise surprise kapa?” Natatawa si Carlos.
“Andito kasi si Emily, girlfriend mo daw sya.”
“Yung tga CDO?” Natatawang tugon ni Carlos.
“Hindi daw sya sa CDO originally. Tiga Manila daw sya at nalipat lang sila ng family nya duon. Anyway andito siya para I claim what is rightfully hers.” Sagot ni Sam.
Pagpasok nilang dalawa sa loob ng café ay tumango si Jackie kay Carlos. Nakita iyun ni Sam at ngumiti siya kay Jackie. Nakilala niya si Jackie a sss. Derecho sila sa table ni Lorie at Emily. Tumindig si Emily at sinampal si Carlos at hinalikan ito sa labi. Napayuko nalang si Sam at muntik ng mabilaukan si Lorie. Nakailang kape na ba sya ngayong araw? Mejo nininerbyos na nga sya. Napakamot nalang sa ulo si Jackie sa nasaksihan. Si Carlos talaga oo. Sobrang babaero.
“Emily ba’t ka andito? Ano bang ginagawa mo?” Tinulak nya palayo si Emily.
“Dinadalaw ka. Tagal na kaya di natin nagkita.” Malambing boses ni Emily. Despederado. Gusto nyang bumalik sa kanya si Carlos.
“Emily…”
“Honey, hon. Andito nako. Hindi na tayo maghihiwalay pang muli.”Pag eexplain ni Emily.
“Emily, walang tayo. Wala naman tayo talaga. Walang label ang relasyon natin. We were just having fun. Two consenting adults doing things na gusto natin. Remember nung nasa Japan pa tayo?”
“But hon.., dba kaya nga honey tawagan natin?” Halos magmakaawa si Emily.
“Hon, Emily please. Minahal kita yes pero bilang kaibigan. But not as lover. I love having s*x with you kasi game ka at masarap kang kaibigan. I love your family pati anak mo, she’s also like a daughter to me pero ibang level ang kaya kong ibigay sayo.”
“You’re joking.” Tumutulo na luha ni Emily at nanginginig na ito.
“I’m not.” Nakatingin sa kanya si Carlos.
“Ikaw Samantha. Seryoso ka ba sa ganitong klaseng lalake? Paglalaruan kalang nito gaya ng ginawa nya sa akin. Ini enjoy ka pa nya ngayon.” Babala ni Emily kay Sam.
“Sige lang Emily. I enjoyin ko din si Carlos para sumarap.” Nginitian siya ni Sam. Napahagikgik si Lorie sa sinagot ni Sam sa kaibigan pati si Carlos napayuko. Dimo mo mawari kung natawa o nahihiya.
“May kalandian ka din ano?” Nanlilisik na mga mata si Emily.
“Oo naman. Lahat naman ng babae kaya pumayag na makipag date kay Carlos para magkaroon ng spice life nila dba? Lahat naman tayo malandi. Hindi pumapatol si Carlos sa virgin.” Napalingon si Carlos sa kanya bigla. Ano bang nakain ng babaeng ito?
“Magsama kayo. Pareho kayong may diperensya sa ulo.” Timalikod si Emily at kinuha nya handbag niya.
“Senya na. Na umay na kasi sayo si Carlos.” Palaban na sagot ni Sam.
Lumapit si Emily sa kanya. “At sa tingin mo, hindi kaya dadating ang panahon na mauumay din sya sayo?” Nakataas kilay nito.
“Dadating kami sa puntong ganoon pero hindi ko gagawin ang ginawa mo ngayon. I’ll make sure na sawa na din ako sa kanya.” Casual lang na tiningnan siya si Sam.
“We’ll see about that. Tayo na Lorie.”
Napatindig bigla si Lorie bitbit kape nya. “Teka hintay!”
Kinikilig na binulungan nya si Sam, “usap tayo bukas”. Sabay labas ng pintuan.