Chapter 37

1795 Words
Hindi naghapunan si Sam ng gabing iyun. Pinag iisipan niya ng mabuti kung bibitiwan ba niya si Carlos o hindi. Sa isip niya kinailangan na niyang bitiwan ito nito pagka’t alam na niya ano kahihinatnan pag pinagpatuloy pa nya ngunit sa puso nya, alam nyang mahihirapan siya pagka’t hulog na kalooban niya dito. Nag chat tita Merli nya ng sandaling iyon. “Pamangkin ano gawa mo ngayon?” “Wala tita bahay lang. Musta na po?” “Okay naman ako pamangkin. Gusto mo sunduin ko kayo bukas jan? Dito tayo lunch.” “Sure tita Sunday naman bukas. Samahan ka na namin mag church.” “Very good yan Sam. Wala kasi dito tito nyo hinatid ko na sa pier kanina. Nalulungkot ako mag isa. Tapos may mga bali balita pa sa Covid 19 naku! Ninineryos ako, Sam.” “Sus, wag mo yan isipin tita. Malayo dito satin ang Tsina. Akala ko ba magreretire na si tito? Sabi nyo dati huling layag na nya yung nakaraan?” “Eh nag request kumpanya nila na mag extend pa sya ng dalawa pang taon. Matagal na din sya sa cruise liner na yan kaya kailangan mag train sya ng papalit sa kanya.” “Oo tita para ma enjoy naman nya life nya. Isa pa parati nalang syang wala sa tabi nyo.” “Sanay na ako nyan pamangkin. Kaya nga siguro hindi kami makabuo ni tito mo. Hayaan mo na basta punta kayo dito bukas magmi mince pie ako.” Nakangiti tita nya. Alam nya kasing paborito ni Sam ang Mince pie pati fruit cake nya. “Wow! Sure na sure punta ko dyan tomorrow.” Tuwang tuwa si Sam. Nasa mid 30’s na asal bata parin. Nagtataka man si Merli sa disposisyon at ugali ng pamangkin ay isinangtabi nya yun. Hindi nya alam kung ito ba ay sanhi ng pagka overprotective ng kuya nya sa mga anak nyang babae kaya parang childish ang pag uugali ni Sam or talagang immature lang ito. Haay, sadya nga sigurong hindi ko maiintindihan ang ibang bagay pagka’t hindi ako naging ina. Anyway, gagabayan ko nalang babaeng to. Natatawa si Samantha sa sarili. Naalala nya nuon ilang beses nang kinwestiyon ng tita merl nya patungkol sa ugali ni Sam. Akala nito may abnormality sa genes si Sam. Hininimok nya daddy ni Sam na ipa check up baka autistic daw ito lalo na nuong nakipagrelasyon ito sa mga babae. Nag away sila ng daddy nya at tita nya nuong time na yun kaya hindi ito nakipag communicate ng matagal sa family nya. Tsaka na lamang nakipagbati ito nuong nalaman nyang may taning na daddy ni Sam at naging close sya muli sa tita nya. Laking tuwa nito nuong nakitan nyang nagdadamit babae na si Samantha at tumatanggap na ng ligaw kaya’t kung may karelasyon si Sam nuon na babae ay hindi nya ito sinasabi sa tita nya. Bka isipin na naman nyang abnormal si Sam. “Sam mga pinsan mo na halos kaedaran mo at ang iba mas bata pa sayo pati mg aka contemporary mo may direksyon na sa buhay, may matinong trabaho, pamilyado pero ikaw, naka apartment ka parin tapos nagtuturo ng mga koreano, ano bang buhay yan” Kitang kita sa mukha ng tita nya ang pagkabalisa. “Tita relax, I will be okay. Hindi ko ikamamatay kung tatanda akong mag isa. Ayaw nyo pa nun may mag aalaga sa inyo ni Tito Bob.” “Hindi namin kailangan ng may mag aalaga sa amin ng tito mo. We have each other kahit papano eh ikaw?” Suyang suya ang itsurang tita nya na para bang nakakain ng binurong santol. Hinalikan nalang nya tita nya at niyakap. Alam nyang kahit ganun ugali ng tita nya, mahal sya nito. ********** Sunday morning nasa Christian Church sila ng tita nya at si Amy. Panay ang chat ni Carlos sa kanya pero hindi nya ito pinapansin. Nagla lunch sila ng tita nya at pinsan nya sa bahay ng tita nya ng tumawag si Carlos. “Mahal, bakit? Bakit ka puro seen zone?” Medyo tumaas boses ni Carlos. “Nag church kasi kami ng tita ko at pinsan ko. Right now andito ako sa house ng tita ko dito kami mag lunch.” “Hanggang anong oras ka jan?” Medyo demanding boses ng tukmol. “Baka gabihin kami. Depende. Or baka dito na kami matulog. Hindi ko sure.” “So, ibig sabihin hindi ka uuwi ng Pasig? Hindi kita susunduin bukas?” Medyo dry ang boses nito. Halatang asar. “Hindi ko din alam. Depende. Anyway, ihahatid naman kami ni tita kung sakali man. I’ll let you know, ha.” “Samantha sino ba yan? Maya nayan tapusin mo muna lunch mo.” Medyo irita na din boses ng tita nya. Old school kasi ito at ayaw nyang pinaghihintay ang pagkain. “Sige na Carlos. Chat nalang kita ha? Sige, bye.” In off ni Samantha ang phone. Ni hindi man lang nya natawag na mahal si Carlos. *********** “Sam, nag usap kami ni Amy kasi may suhestyon ako kung pwede lang sana.” “Ano po yun tita?” “Kasi pupunta muna ako ng Davao. Dadalawin ko sana pamilya natin dun chaka may aayusin lang ako sa property ko sa Samal at sa Cebu. Hindi kasi ako makakilos kasi andito ako sa Antipolo. Maaari bang kayo muna tumira dito kahit pansamantala lang?” “Pero tita saan madami din kasi akong gamit sa Pasig chaka convenient sa lahat ang lugar na tinitirhan ko.” “Ganun ba. Tanong ko na lang yung kamag anak ni tito mo. Yung pamangkin nya jan sa Morong. Baka pwede sya dito mag stay hangga’t wala ako.” Nasa bahay na sila ni Sam at Amy ng gabing iyun. “Ako yun unang kinausap ni tita tungkol sa pagtira nga sa bahay nya kahit daw two years. Okay lang sakin kasi nga homebased naman ako. Kaya sabi ko hindi ako makapag desisyun at mag usap muna kayo.” “Mahirap kasi Aimz na lumipat kina tita kasi maayos naman na tayo dito dba? Chaka malayo kasi sa trabaho ko ang Antipolo. Ayoko din kasi yung pag kinailangan nila na umuwi sa Antipolo tapos mapipilitan tayong maghanap ng malipatan. Madami pa naman tayong gamit.” Alanganin si Sam sa ganitong idea pagka’t komportable na siya sa kinalalagyan nya ngayon. “Sabagay sampung taon na din tayo dito at mabait ang landlady natin. Pero look at the bright side, sa two years na stay natin sa kanila, makakapag ipon tayo tapos bili tayo ng property dba?” Explain ni Amy kay Sam “Ewan di pa rin ako sold sa ganung idea kasi libre nga ako sa bahay lugi naman ako sa pamasahe.” Talagang nagdadalawang isip sya sa idea na ito. Nasanay na kasi sya sa Pasig. “Pag isipan muna natin yan. O siya mauna nako matulog. May work pa ako mamayang madaling araw.” Pumasok na si Amy sa kwarto nya kaya’t naiwan si Sam sa living room. Nag iisip si Sam tungkol sa proposal ng tita nya ng nag vibrate phone nya. Si Carlos. Buong araw nya itong in ignore. “Sam, umiiwas kaba sakin?” Irita ang boses ni Carlos ng makipag usap ito ke Sam. “Hindi naman ako umiiwas sa yo. Madami lang akong ginawa today. Isa na dun yung pagdalaw ko ke tita sa Antipolo tas nag church kami. May mga pinag usapan kasi kami na personal.” “Ano ba naman yung magpasabi ka sana sakin kahit isang minuto lang. Hindi yung tawag ako ng tawag sayo at chat ng chat tas ignored lang.” May himig tampo si Carlos sa nobya. Naninibago si Sam sa ganitong relasyon at natatawa ng konti. Wala kasi syang intensyon na seryosohin ang lalake. Heck, kelan ba naging seryoso si Sam sa relasyon? “Sensya na talaga Carlos sobrang na busy ako today.” Nagi guilty na sya. “I just wanted to explain why tinulak kita the last time nagkita tayo. Delikado ka kasi sakin kung niyakap mo pa talaga ako. Ayoko kasing saktan ka, Sam. Lalake ako at tinatablan ako. Sam, nirerespeto kita. Natatakot din ako na pag may ginawa ako sayo, baka mawala ka sa akin.” Hindi alam ni Sam kung matatawa siya kay Carlos sa explanation nya. “Carlos, unang una thirty five na ako. Pangalawa walang babae na pupunta sa bahay ng lalake without expecting something like this romantic thing to happen at isa pa boyfriend kita. What’s wrong with it? Napahiya ako eh. Chaka sinabi mo sakin na hindi mo magawa sa akin yun dahil loyal ka. Ako girlfriend mo pero loyal ka sa iba? Nagkita lang kayo ni Bes Melissa mo nung isang linggo bigla nag shift na loyalty mo? Carlos, kung si Melissa man ito, tell me loyal ba sya sayo? How could you say loyal ka sa isang taong pag aari ng iba? Ikaw mag isa tapos sya may asawa? Ganun ba? At this time, may nangyayari sa kanila ng asawa and that’s normal dahil mag asawa sila. Eh ikaw? Dba kaya andito ako sa buhay mo dba? For you to be happy? Teka nga, why am I explaining these things to you? Diba you were the one who came to me? Because you wanted to have a girlfriend? If naguguluhan kapa Carlos then we should stop this. You wait for Melissa nalang. I’m sure she wil make time for you.” “Wait, ano ba pinagsasabi mo? Nag eexplain lang ako sa side ko kung bakit ko ginawa yun.” “I heard you said you were loyal that time.” “Loyal ako sayo.” Nagulat si Sam sa sagot ni Carlos. Is this man crazy? “That’s bull, Carlos. Wala akog karibal expcept one person your bestfriend, si Mrs. Santiagio.” “Bakit mo magiging karibal yun eh may asawa na yun.” “Does it matter to you Carlos if may asawa sya or wala? Importante ba sayo kung ang babae ay may asawa or wala? Wala ka namang ginalang eh, dba?” Hindi naka imik si Carlos. Sa unang pagkakataon, sapol sya sa mga binitawang salita ni Sam. Unang taong nagpamukha sa kanya ng kanyang kahinaan. “Ginagalang kita Sam. Mahal na mahal kita.” Totoo yun. Sa puso ni Carlos, mahal na mahal nya si Sam. Napabuntong hininga si Sam. “Mahal din kita Carlos. Pasensya na, I have a rough day. Sleep na tayo. “Sorry din Sam. Ge pahinga kana. Goodnight I love you.” “I love you too. Paghiga ni Sam, isa si Carlos ang laman ng isipan nya. Pag aaralan nya sarili nya at ag relasyon nila. Hindi alam ni Sam paano dadalhin relasyon nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD