“Bahala ka jan sa iniisip mo sa akin kuya. Madami pa akong gagawin. Hatid ko muna sina Dennis sa school. Dumi ng isip mo sakin. Chaka wag mo nga pinakikialaman buhay ko, kuya. Atupagin mo buhay mo at pamilya mo. Buhay ng may buhay sinisira mo araw ko.” Hindi na nagsalita pa si Vince. Kilala nya kapatid nya. May katigasan ng ulo at ayaw niya ng kinokontra sya. Pag ginusto nya ay gagawin nya at ayaw nya na pinaghihimasukan sya o pinagsasabihan, tama man o mali. Madaling kilatisin si Carlos, pag hindi totoo ay hindi ito magagalit at mahinahon ito. Pag totoo inaakusa sa kanya ay magsisinungaling ito ng pagalit. Defensive baga at maraming sinasabi. Isip bata pa talaga si Carlos, haaay buhay. Ano kaya magiging drama nila nitong bago nya?
Nagpatuloy si Vince sa pag check ng problema ng motor. May sarili syang talyer, maliit lang pero malaking tulong sa knailang mag asawa. Dalawa na anak niya kay Mae. Si Paul nasa dose anyos na at si Mikaela. Isang taon palang si MikMik pero nagdesisyon na silang mag asawa na dalawa lang. Mahirap ang buhay.
Simula ng dinala ni Carlos si Melissa sa bahay nila inobserbahan na niya kapatid niya. Hindi na ito nag uuwi at sama na ng sama sa Bulacan. Nagtataka na din si inay pagka’t kahit off duty niya ay duon siya tumatambay sa apartment ng manager niya at madami daw silang gagawin. Sa simula ay inakala nila ay pinapa overtime siya ngunit parati itong gipit at kung minsan ay humihingi ng pera sa ate nya at minsan sa akin. Umuuwi ito ng madaling araw at kung minsan ay sa susunod pa ng gabi. Kami lahat ay nagugulumihan nuon pagka’t wala naman sya sa barkada nya at panay alibi nya ay pinag overtime daw siya ng manager niya. OT ng OT pero lagging short. Iyun pala ibang overtime na pinapagawa sa kanya ng manedyer nya. Napapa iling nalang ako. Mabuti naging lalake kapatid ko at babae manager nya. Pamilyado man manedyer nya eh, sa malandi eh. Nagpapasalamat nalang ako at hindi katulad niya napangasawa ko at ang kapatid kong babae. Gusto kong pagpayuhan kapatid ko na I enjoy nalang niya pagka’t lalake naman sya at walang mawawala, malas lang ng kinasakama nya’t iniputan ulo nya. Ngunit nahulog ang damdamin ng tukmol na kapatid ko.
Hindi ko maikakaila, maganda manedyer nya at kahit ako man ay nabighani. Ma PR sya at pati asawa at kapatid kong babae ay natuwa sa kanya nuong pumunta yan ng bahay ngunit si nanay hindi na impress.
“May naamoy akong hindi tama sa babaeng iyun, malansa.” Mother instinct ika nga ngunit hindi akalain ni nanay nuon na si bunso ang mabibiktima ng kamandag ni Melissa.
May mga araw na hindi na umuuwi si bunso nuon at pinapahanap sya parati ni inay. Sabi nya busy daw sya
Mahal na mahal ni nanay si Carlos pagkat nuong nag asawa ako at hindi na ako makatulong sa pamilya ay sya naman pagkamatay ni tatay. Silang dalawa ni Vicky ang nagtrabaho para mabuhay silang tatlo ni inay at nuong nag asawa na din si Vicky ay nagdoble kayod ito pagka’t buntis nuon si Vicky at ang asawa nya ay hindi pa regular sa trabaho. Ang pakikipagrelasyon nya kay Melissa ang naging job security nya nuon para mabuhay sila. Ngunit hindi ko akalain na aabot iyun sa sukdulan.
Naging very close silang dalawa ng kanyang manager nuong nalipat sila ng Metrowalk at naging bisor si bunso. Abot hanggang langit ang galit ni nanay nuong nalaman nyang nakunan si Melissa at si bunso ang may kagagawan. Pinagbilinan nya itong hiwalayan ang manager niya ngunit hindi ito pinansin ni bunso.
“Kuya mahal ko si Melissa. Sabi nya hihiwalayan nya si Bernard at magsasama na kami.” Sobrang saya nya nuon at nangniningning mga mata nya habang kinukwento nya plano nilang dalawa.
“Bunso huwag kang masyadong umasa. Pamilyado ang babaeng iyan at hindi basta basta inaabandona ang pamilya ng ganun ganun lang. Paano anak nya?”
“Malaki na si Cindy kuya. Pwedeng duon siya sa amin, pwede din syang duon sya sa papa niya. Kahit saan naman ay pwede sya. Pinag iipunan namin ngayon ang pagpapa opera ni Melissa.”
“Bakit? May problem ba sa kanya?”
“May myoma sya kuya. Sa matres. Nakunan na sya dalawang beses. Dalawang anak ko sa taong ito ang nalaglag. Ayoko na ng ganun. Gusto kong mabuo na ang sunod naming na anak. Gusto ko syang pakasalan, kuya. Gusto kong apelido ko ang dalahin niya at ng anak namin.”
“Bunso, pag isipan mo ng ma igi mga desisyon mo. Baka nagugulat ka lang sa mga nangyayari sa buhay mo.” Nag aalala na ako sa kapatid ko ngunit alam kong pag nagdesisyon ito ay hindi na mababali pa.
Saksi ako sa pagkaguho ng mundo nito nuong biglang nagdesisyon si Melissa at sumama sa Batangas sa ibang lalake. Naging mabisyo ito at parating lasing umuwi. Naging sugapa din ito sa babae. Mga naging babae nya ay puro may edad at pamilyado. Mga asawa nila ay pumupunta sa bahay at hinahanap si Carlos pagka’t ginalaw asawa nila at ako ang parating humaharap. Ang isa dito ay kumpare ko pa.
“Pare kakausapin ko sana kapatid mo, andyan ba si Carlos?” Mahinahon pero nanginginig si pareng Efren. May dalang itak ito.
“Pare ano ba naman yan? Ba’t may dala kang itak?” Kinakabahan na ako sa mangyayari ngunit hindi ko pwedeng ipahamak kapatid ko. Hindi ko mapapatawad sarili ko.
“Pare naagrabiyado ata ni Caloy si kumare mo, eh. Alam mo namang parati akong nasa ibang bayan at linggohan lang ang uwi ko.” Nanlilisik mga mata ni Efren kahit pa kalmado boses nito. Hindi ko pa nakitaan itong magalit at sa aming magkumpare dito sa lugar namin, ito ang pinakamahinahon. Nagtatrabaho sya sa isang malaking factory sa Valenzuela at kada biyernes ng gabi ang uwi para makasama ang pamilya. Dalawa anak nila na puro babae ni mareng Susan at ang panganay ang aking inaanak.
“Pare mag usap muna tayo. Paano mo nasabing naagrabiyado ni Carlos si mareng Susan eh halos nasa kuwarenta na asawa mo ah. Isa pa si Caloy namin parati itong nasa trabaho paano namang…”
“Pareng Vince yan kasi problema sa inyo eh. Alam mo kung gaano ka hayuk sa laman kapatid mo pinagtatakpan mo pa. Alam ng buong nayon na may nangyayari sa kanila at mismong inaanak mo nakita niya pinag gagagawa nila.”
“Pare ayoko masira relasyon natin dahil matagal na tayong magkumpare at ngayon lang may mga ganitong isyu eh. Kilala mo si Caloy simula ng pagkabata hanggang sa lumipat sila dito. Tanungin mo din si mareng Susan baka naman kasi may hindi lang pagkakaintindihan.”
“Wala ng dapat pag usapan pa Vince. Ilabas mo kapatid mo kundi ikaw pagtatagain ko!” Natakot ako sa itsura ni Efren nuon. Lumabas si Caloy at hinarap si Efren. Sa galit ni Efren ay akma na sana na nayng tagain si Caloy ngunit may nag click sa likuran nito.
“Tatang, ituloy nyo po. Paglalamayan kayo mamayang gabi.” Nasa likuran nya si Dexter ang matalik na kaibigan ni Caloy dito sa lugar at kababata. Isa itong pulis, binata at matinik din sa babae.
“Putragis naman Dexter huwag ka naman makialam.” Galit pa din si Efren ngunit hindi na ito tumitinag.
“Tatang Efren, si nanang Susan ay sadyang makati na parang higad. Nagmumurang kamatis asawa ninyo. Kung meron man kayong dapat na disiplinahin ay ang asawa ninyo at hindi si Caloy. Sigurado ba kayo na si Caloy lang ang tumikim sa asawa ninyo? Baka din po kayo ang nagkulang? Dpo ba? Tatang, umuwi na po kayo at paligayahin si nanang, ayaw ko pong magkalat dito sa harap ng bakuran nina kuya Vince.” Nanlilisik mga mata ni Efren sa galit at humarap siya kay Vince.
“Vince, simula ngayon. Hindi na tayo magkakilala at hindi ka na ninong ni Diane. Kalimutan mo nang naging magkumpare tayo. At ikaw Caloy. Niyurakan mo pamilya mo at pagkatao mo, isa kang animal!” Tumalikod si Efren.
“Wala palang binatbat tong si mang Efren.” Pinasok ni Dexter ang beretta sa kanyang holster. Nakaduko lamang ang magkuya.
“Oy, anu bang nangyayari sa inyo? Andyan ba si nanay? Sina ate?” Para na din kasing pamilya turing ni Dexter sa pamilya nila.
“Umalis sila lahat pumuntang Paco”. Sagot ni Carlos.
Hindi ko napigilan ang sarili ko nuon. Sinuntok ko si Carlos.
Nabalitaan ko nalang na umalis ang mag anak sa lugar namin sa U. Velasco at lumipat na sila ng Valenzuela. Pinalaglag nila ang bata na nasa sinapupunan ni Susan. Pitong taon na ang nakalilipas. Napakarami ng babaeng dumaan sa buhay ni Carlos at ang alam ko, nagkabalikan muli sila ni Melissa.
“Bestprens uli kami ni Melissa kuya. Besprens…with benepits.” Natatawa siya sa biro niya.
“Ikaw bahala Carlos. Babae ang anak mo sa bespren wit benepits mong yan. Baka gawin ding bespren wit benepit anak mo sa lahat ng lalakeng makilala nya pagdating ng panahon. Oy, Caloy. Kung hindi sa inyo ni Melissa tatama ang karma, napupunta iyan sa anak.”
“Bahala ka dyan kuya. Maghanap ka ng kausap mo.”Ganyan si Caloy, ayaw harapin ang katotohanan. Mahilig tumakas. Madaming alibi. Hanggang sa natuto na itong magsinungaling para mapagtakpan sila ni Melissa.
"Kailangan mong itago ang tunay na pagkatao ni Carla, Carlos. Huwag na huwag mong ipagsasasabi sa iba. Huwag mong ipaalam kahit kanino relasyon natin dahil hindi iyun nakaka proud para ilathala. Kung tinuturing mo kaming pamilya ng anak mo ay itanggi mong ikaw ang ama ni Carla, nagkakaintindihan ba tayo? Hayaan mong isipin ng mga tao na isa siyang Santiago at hindi Narciso" Naka speaker si Carlos pagka't nawala ang headphone nya na niregalo ko kamakailan. May kutob akong binigay niya iyun kay Melissa minsan dumalaw ito sa Manila. Hindi umimik kapatid ko ngunit sa nakikita ko, wala siyang nagawa kundi ang magpa ubaya. Hindi marunong magsinungaling si Carlos at kung magsinungaling man siya ay parating nabibisto pagka't hindi niya yun ugali. Bumaba nalang ako at umuwi sa amin. Nawalan na ako ng ganang hatdan siya ng pagkain. Nagluto kasi nuon si Mae ng menudo, paborito ni Caloy at birthday din nya. Maya maya ay pumunta siya ng bahay at nakikain, wala kasi si nanay nuon at pamilya ni Vicky. Hindi ko siya binati nuon, at hindi ko siya pinansin.
Ngayon pagkatapos ng issue nila ni Best Mel nya nuong summer, parang walang nangyari at parang hindi tinablan ang mga damuho. Ngayon, si Samantha na naman ang bago nya at pinagsabay na naman nya sila Melissa at Samantha. Kaawa awang babae. Hindi nya alam ang papel nya sa dalawang tinamaan. Ano na naman kayang drama to.