bc

Del Rio Series # 1: In Pain

book_age16+
72
FOLLOW
1K
READ
second chance
pregnant
independent
CEO
drama
twisted
bxg
heavy
office/work place
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Isobel Haven Del Rio ended up in a situation where she had no choice but to undergo a process with a chance of getting pregnant. In order to improve her health, she needs a sperm donor. Her friends Tori and Dreize were the ones who looked for a suitable donor but Isobel did not know that Dreize was the sperm donor chosen by Tori.

She got pregnant and she still doesn't know who the donor is because she trusts her friends but when she was eight months pregnant she gave birth prematurely. That same day, she found out that Dreize was the donor and that he only stayed by her side during her pregnancy was due to custody of the child.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Malakas na napasigaw ako habang nasa kalagitnaan ako ng hagdan. Hawak hawak ko ang puson ko dahil sa sobrang sakit at hindi ko maiwasang mapahawak sa railings ng hagdan dahil nanghihina na ako. Narinig ko naman sa baba ang boses ni Nay Minda na ilang sandali lang ay inaalalayan na akong bumaba. "Anak, ano ba iyang nangyayari sayo?" Tanong nito ng makababa na kami sa hagdan. Inaalalayan naman na nya ako paupo sa sala pero sobra ang panghihina ng tuhod ko. Ilang sandali lang ay nandilim na ang paningin ko at nawalan na ako ng malay. Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na narinig ko mula sa kinahihigaan ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at agad akong nasilaw sa liwanag na bumungad sa akin. Inikot ko ang paningin ko pagkatapos at nakitang nasa hospital room ako. Nakita ko naman si Nay Minda na may pinupulot sa sahig at patayo na. Napansin naman nya ako kaya agad syang lumapit sa akin. "Isobel, gising ka na iha. Tatawag lang akong doktor." Umalis ito sa harapan ko at lumabas. Pagkabalik nya ay may kasama na syang doctor at nurse at nakasunod din sa kanila si Dreize. He's my friend. "Miss Haven, mayroon pa bang masakit sayo?" The Doctor asked me. Iiling na sana ako sa kanya ng maramdaman kong muli ang pag kirot ng puson ko. Namimilipit ako sa sakit at hahawakan na sana ang puson ko ng pigilan ako ng mga nurse. "What are you doing?" Paos na sabi ko sa kanila. Pilit ko namang inaalis ang hawak nila sa akin pero sadyang mas malakas sila sa akin. "I'm sorry, Miss Haven pero hindi ka muna maaaring maggagalaw. Something may happen to your womb if you apply force on it." Sabi nito na nakapagpakunot ng noo ko. "What do you mean?" "We're still looking kung ano ba ang condition mo. As we can see you're experiencing severe pain and it is a serious problem because like what we have seen on your tests, you're egg cells have nutrient deficiency. There were abnormalities like what you told me your menstruation is irregular. The pain you're experiencing right now is connected with it. Your egg cell has abnormalities that may risk your health and ability to bear a child. And if ever na hindi agad iyan magamot there is a possibility that it may poison your body." Pilit kong inintindi yung sinabi ni Doc at ang pinakatumatak sa akin ay ang hindi ko pagkakaroon ng anak. "What are the medicines that I need to take?" Tanong ko. Napangiti naman sa akin si Doc dahil sa akin. "You're not going to take it, Miss Haven. We're going to inject it into your fallopian tube through the process of Insemination. With this process, directly na mafefertlize yung egg that will make it healthier although mayroong chances na mabuntis ka with this process but this is much better kaysa mapoison yung body mo." So there is a chance na mabuntis ako. Mas pinaliwanag pa sa akin ni Doc lahat and sa ilang pagpapaliwanag nya ay naintindihan ko na ang sinasabi nya. I will have a problem bearing a child kung hindi ako mag a-undergo sa sinasabi nyang process. Or much more hindi na ako magkakaanak. Abnormal ang release ng unfertilized egg ko so maaaring malason ako nito kung hindi agad magagamot. And the process he was pertaining is through the insemination. "But Miss—" I cut him off. "Just Isobel." "Okay, Isobel. This is not just a mere problem cause you need to undergo that process as soon as possible. Your fallopian tubes are not good as you think, right now. If ever a magtagal pa yan, you will need to undergo an operation and that will stop you from having a baby. But if you're not planning to have kids then we'll just go and get rid of your egg cell." Umalis na si Doc at sumama si Nay Minda para magtanong. Naiwan naman ako kasama si Aldreize na tahimik lang din na nakikinig kanina. "Is it really that bad?" Napatingin naman ako sa kanya ng magtanong sya. "Bad? What?" "Your condition." Tumango naman ako sa kanya at bahagya pang natawa. "So all this time wala kang naintindihan?" Sinamaan naman ako nito ng tingin kaya mas natawa pa ako, napatigil lang ako dahil sa pagkirot ng puson ko. "Ofcourse, I just know about business terms and not what the doctor said a while ago." Napailing na lang ako dahil sa sinabi nya. Kahit kailan talaga. Aldreize became my friend because of Tori, yung bestfriend ko. Cousin nya si Dreize and we're also schoolmate so hindi din impossible na magkakilala kami. "But seriously, what did that Doctor said about your condition?" Seryosong tanong nito. Napabuntong hininga naman ako dahil hindi ko maiwasang matakot. "Well, my condition is a little bit worst. If I will not go on the process they were saying, ooperahan ako and as we all know not operations is a success and that is what I'm afraid of." Napakunot naman ang noo nya sa sinabi ko. "And what is the process that the Doctor was pertaining?" Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko dahil sa tanong nya. He might be my friend pero lalaki pa din sya noh. Muli ko syang tinignan at tinatanya yung sasabihin ko. Pero may pumasok naman sa isip ko kaya yun ang sinabi ko. "Hindi mo ba talaga naintindihan kanina or you're just teasing me?" Inis na sabi ko sa kanya. "I Swear, hindi ko nga alam." Napanguso naman ako sa sinabi nya. "So tell me." Bumuntong hininga ako at nagsalita na. "I need to undergo an injection process or insemination." Alanganin na sinabi ko. Mas lalong kumunot ang noo nya dahil sa sagot ko. Natawa naman ako sa ekspresyon nya kaya nakatanggap ako ng nakakamatay na titig mula sa kanya. "You're just pissing me off, can you say it all so I can understand it clearly?" "Opo na nga po." Bahagya akong umayos ng upo. I counted 1 to 10 bago nagsalita. "So as I was saying, I will undergo an insemination. insemination. insemination. And when you say insemination it is associated with sperm cell." Sabi ko at hininaan pa ang huling salita. "Associated with?" "SPERM CELL NGA!" Sinigaw ko na sa kanya. Nabulunan naman sya dahil sa sinabi ko. Paulit ulit pa kasi, it is so hard for me to tell it tapos ipapaulit pa. Napatakip naman ako ng kumot dahil sa kahihiyan. After he recovered on what I said ay mukhang nagregister na din sa kanya yung sinabi kanina ni Doc. "But,is that unsafe? I mean what if you get pregnant?" "There is a chance but the sperm cell itself will help my egg cell to bear a child. It will give nutrition to it and when they see na kaya ng maging healthy ng egg cell ko without sperm ay titigil na sa process." Mukhang nalinawan naman sya sa sinabi ko. "Kanino manggagaling yung sperm cell?" Napaisip din ako sa tanong nya na yon. I wasn't able to ask it kanina kay Doc. "Sperm bank?" Alanganin na sagot ko. "O pwede ka naman magdonate." Pagbibiro ko sa kanya na mukhang hindi nya narinig dahil sa pag iisip nya sa donor. "That's very unsafe, what if may sakit pala yung donor non or like panget? Baka naman kapag nagkababy ka makuha nya yung genes." Natawa naman ako sa sinabi nya. This is what I like about Dreize, napakabwisit at judgemental nya minsan or should I say lagi? Pero he's sweet and nice too. "Syempre hahanap ako ng gwapo na macho na healthy na donor. I will pay a big price tapos sasayangin ko lang. No way. Tsaka nag a-undergo naman ng mga tests ang mga donor kaya sure akong healty sila." Natatawa kong sabi sa kanya. I don't have a choice dahil wala naman akong jowa noh. I can't ask him to donate some sperm cells. So most probably sperm bank talaga manggagaling ang sperm na iinject sakin. "Nasan ba si Tori?" Pag iiba ko ng usapan. Napansin naman nya na iniiba ko ang usapan kaya binigyan nya ako ng nakakalokong ngiti. "Stop that okay? I wanna eat. Let's not talk about sperm thing." Inis na sabi ko sa kanya. Mukhang hindi naman nya sineryoso dahil nagawa pa akong inisin. "Eat what?" I glared at him at ibabato sana ang pinakamalapit na bagay na nasa tabi ko ng may kumatok sa pinto. Dreize opened it at bumungad sa akin si Tita Mandy na may dalang basket of fruits. "Iha, I heard what happened to you. Tinawagan ako ni Nay Minda. What did the Doctor said about your condition?" She asked. Nagpaalam naman si Dreize na lalabas muna sya kaya naiwan kaming dalawa ni Tita. Sinagot ko ang lahat ng tanong ni Tita pati ang usapan namin ni Dreize ay nasabi ko. Tita Mandy is my Ex boyfriend's Mother. 5 years din kami ni Everson and we're even legal on both sides. Tita really likes me kasi gustong gusto nya daw magkaroon ng anak na babae and when Everson introduced me to his family nagustuhan na ako ni Tita. She even asked me to stay with them when I am still together with his son. But when we broke up hindi naging reason yon para hindi na din kami magkita at mag usap ni Tita. We're still in touch with each other na nagustuhan ko mula sa paghihiwalay namin ng anak nya. Nagbreak man kami pero civil pa din kami sa isa't isa lalo na sa mommy nya. 2 hours nagstay si Tita and after that ay nagpaalam na din sya cause she still have meeting with her client. She owns a pastry shop and she's handling it personally lalo na kung may malalaking orders. Nang makaalis si Tita ay ang pagdating naman ni Tori na may dala dalang sandamakmak na pagkain mula sa mga restaurants nearby. Nagtatanong na napatingin naman ako kay Dreize na nakasunod sa kanya. "What happened to this Alien?" Nagkibit balikat lang ito at pabalang na tumabi sa bed ko. Itutulak ko sana sya kaya lang ay naalala ko ang sinabi ni Doc kanina na wag akong gumamit ng pwersa masyado. Nilingon ko si Tori na abala sa paglalabas ng pagkain na dala nya. "Babae? Ano naman yan?" "As you can see weakling, this is food." Napairap naman ako dahil sa sagot nya. She's calling me weakling because napakamasakitin ko. She is the one who always took cares of me kapag may sakit ako. "I know, what I'm asking is, para saan po iyan." "Well, baka kasi nagugutom ka na. Dumaan ako kanina sa Nurse station and I ask them kung ano bang mga foods ang pwede and hindi pwede sayo that's why natagalan ako sa pagbalik. But this cousin of mine told me that you're talking with your Ex's Mom kaya gumora na ako to buy you some foods." Tori is very sweet lalo na kapag sa akin. Hindi man mahalata when she's talking but I can see and feel it on her actions. She is my real definition of 'actions speak louder than words' . Nanatili lang na nakatabi sa akin si Dreize sa higaan ng makakain na ako. Inalalayan nya din akong mahiga and he even stroke my hair hanggang sa nakatulog ako. While Tori is heavily sleeping on the couch. The next day bumalik si Doc with his confirmation about my insemination process. He asked me kung kailan ako magpapaschedule and if I will used the stocks on the sperm bank or I will find someone I knew to donate. Kasama ko pa din yung dalawa nung dumating si Doc kaya nagkaroon ako ng kasamang magdecide. "Doc, is it really safe kung sa sperm bank kami kukuha?" Tori asked na sinang ayunan naman ni Dreize. "Ofcourse, those sperms was given by healthy donors. Tinetest naman namin ang mga yun before we leave it on the sperm bank. And also those sperms have the name of the donor. We also have their contact information na confidential lang for the donee." Tumango tango naman si Tori sa naging sagot ni Doc. Magtatanong sana ako kay Doc ng maunahan ako na Dreize. "But Doc, how many percent is the chance that she might get pregnant with that process?" Seryosong tanong nito. "Well, for your question. It's probably 50%." %50/50 grabe. May the odds be in our favor. "Are you okay with that?" Napaisip naman ako sa tinanong ni Doc sa akin. If I might get pregnant with that, masasabi kong I'm an instant Mom or should I say I am the modern version of Virgin Mary. But on the contrary, how will I raise my child without a father? What if maghanap sya ng ama? What would I say? Na injection ang ama nya at matagal ng nasa basura ganon ba? But being pregnant is not a problem anymore tapos naman na akong mag aral. I already have a nice job. May bahay ako, may pera, may kaibigan so I can raise my child. And siguro maganda na din yon para kahit hindi na ako magkaasawa atleast may anak ako na masasabi kong sa akin talaga nanggaling right? "Doc, I've already decided. Pumapayag na ako sa Insemination process and also sa Sperm bank na din ako kukuha." Desidido kong sabi. Magcocomplain pa sana yung dalawa ng may tumawag kay Doc kaya nagpaalam na ito sa amin. Pagkaalis ni Doc ay sunod sunod na tanong ng dalawa ang bumungad sa akin. "And why did you agree to that easily?" Tanong ni Dreize. "Well, kaysa naman magpaopera ako and maghintay kung magiging successful ba yung operation or maghihintay na lang ako na malason ng sarili ko." Napabuntong hininga naman ito at naupo sa couch. Naiwan naman si Tori sa akin na kanina pa ako binubungangaan. "Toriana, my friend Toron. Hear me out okay?" Bumaling naman ako kay Dreize na problemado pa din. "And you too." Pinaliwanag ko sa kanila lahat ng nasa isip ko kanina nung nagdedesisyon ako. Madami silang naging tanong pero sa huli ako pa din ang nanalo. After that nagpaalam muna sila na magpapalit lang ng damit sa kanila at aayusin ang mga work nila. Nakabalik na din si Nay Minda na may dala dalang gamit ko at pagkain. If you're wondering kung ano ang trabaho nung dalawa well, obvious naman na. Dreize is a businessman, they are aircraft manufacturers and Tori owns a restaurant while me I'm an actress. Chos lang. I'm a well known Engineer, I have a firm na minana ko pa sa Daddy ko aside from that nagsusupply din kami ng hardware materials sa construction. Well my Dad is in Canada and having a vacation. He's with my sister and my nephew. About my Mom, wala na sya. Sumakabilang bahay na. I was still young when she decided to choose that man kaysa samin and natanggap namin agad yon cause she will never be a good mother to us. Nakatulog ako kakahintay sa dalawa at nagising din ako na wala sila. Looks like may sinisikreto sa akin yung dalawa ah, magpinsan nga talaga yon. Kumain na lang ako ng prutas na hiniwa ni Nay Minda habang hinihintay yung magpinsan. Ilang sandali lang naman ay dumating na sila kasama si Doc. "Isobel, kami na ang namili ng sperm cell para sayo. All you need to do is to let it fertilize your egg. Basta tatandaan mong babae ka na di natin pagsisihan yung napili kong sperm. And kung mabuntis ka man hindi ka magsisisi kasi magandang lahi yon, trust me." Bahagya pa syang natawa habang sinasabi nya iyon. What Tori said was disturbing but I couldn't do anything because it was confirmed. Magtitiwala na lang ako sa kagaguhan ni Tori, minsan may mabuting nagagawa din naman iyon. Nakipagkwentuhan lang sa akin si Tori hanggang sa magpaalam syang magsi-CR lang. Napatingin naman ako sa gawi ni Dreize na kanina pa nakatahimik magmula ng bumalik sila ng pinsan nya. "Hey." Tawag ko sa kanya. Mukhang nagulat naman ito dahil bahagya itong napaigtad sa upuan nya. "What?" Tipid nitong sagot. "May problema ka ba? Kanina ka pa tahimik jan." Tumingin naman sya sa gawi ko at nanatili lang na nakatitig sa akin kaya nailang naman ako. "Hoy! Kinakabahan na ako sayo ah." "Would you mind if Everson donates the one you needed?" A/N: Lilinawin ko lang po na gawa gawa ko lang po yung sakit dito, walang katotohan. Yun lang po. But the Insemination does exist.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook