"Would you mind if Everson donates the one you needed?"
Nasamid ako dahil sa tanong ni Dreize kaya bahagyang kumirot ang puson ko. "Why are you asking that question?" Gulat na tanong ko sa kanya.
What if mangyari nga iyon and that 50% became possible and I got pregnant with my Ex's child. Omo! That will be a big problem.
Natawa naman sya sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. I really thought he's serious with his question. Kung ano ano na yung pumapasok sa isip ko.
"You're funny, you really think na magdodonate yung Ex mo?" Sinamaan ko naman sya ng tingin dahil sa kalokohan nya.
"Well, Mr.Aldreize Oden Valderama that is possible. Tita Mandy can ask for her son and because he loves his Mom so much he will donate his sperm cell to me, understand?" Tinaasan ko pa sya ng kilay at binelatan. Nagseryoso namang muli ang mukha nya at nanatili lang na nakatulala sa akin.
"Hoy! Tulala ka nanaman." Winagayway ko pa ang kamay ko pero nakatingin pa din sya sa akin.
Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya bago sya ngumiti sa akin at tumayo. "Well, that is still impossible. That's not gonna happen." Sabi nya bago sumibat at lumabas ng room ko. What the heck is that? Ang weird talaga ng magpinsan na yon.
The first schedule of my treatment is tonight. Kinausap ako ni Doc kanina for the schedules na available ako and he also told me that we will try it first for a week and if hindi pa din nagbabago, we will continue it until it gets better.
7 PM ang time ng injection ko so I still have 5 hours dahil 2 PM pa lang ng hapon. Wala sila Tori dahil nagkaproblema yung isang branch ng restaurant nya sa Nueva Ecija. Maaring bukas na uli sya makabalik dahil kailangan nya pang magpahinga. And Dreize is also busy with his meetings today, hindi din kasi sya pumasok ng 2 days so maraming appointments ang narescheduled ngayon.
And ako naman ay nagpakuha sa secretary ko ng mga contracts na hindi ko pa napipirmahan. And tomorrow pwede na akong madischarged and babalik na lang ako for the injection.
I was reading the proposal of Ever Company. As you can see that company is owned by my Ex— Everson. They planning on having a new branch in Makati. Malapit lang kami so hindi ko na kailangan bumyahe ng malayo layo.
I signed the papers dahil wala namang problema sa proposal and maybe tomorrow we can already sign the contract. I will just send them the email about it.
Nagpahinga lang ako pagkayari ng pagbabasa ko ng mga projects na pinadala ko. And when the clock strikes at 7 ay nagpunta na si Doc kasama ang nurses. The process is just simple, tinurok lang sa right and left stomach ko yung injection and tapos na.
Kinabukasan ay naigayak na ni Nay ang mga gamit namin kaya naman naghintay na lang kami ng discharge paper na pipirmahan ni Nay at ang bill sa hospital.
Bago kami umalis ay dumating na si Doc at sinabi lahat sa akin ng lahat ng kailangan kong gawin.
"I can see that it has a good result on you kahit sa first treatment pa lang. I can see through it na magiging successful ito sooner and also I just wanna tell you about the do's and don't. You should avoid eating or drinking foods with so much sodium, don't drink alcohol or anything na may alcohol."
Marami pa syang binilin sa akin and after that ay nagpunta na kami sa Nurse Station para sa discharge papers at bills pero nagulat ako ng makitang paid na ang bills ko.
"Who paid for it?" Tanong ko sa Head Nurse.
May pinindot naman ito sa computer at pagkatapos ay tinignan sa receipt na nakalagay sa logbook nila.
"Aldreize Oden Valderama po ang nagfull paid ng bills nyo, he paid it through card po."
The heck?
Napatingin naman ako kay Nay Minda kung alam nya yun pero halatang nagulat din sya sa narinig.
Why would he pay for my bills?
Muli akong humarap sa Nurse na naghihintay sa amin. "Can I ask if how much is it?"
Muli itong tumingin sa monitor. "250,000 po for insemination and 70,000 for the hospital bills." So all in all 320,000 yung binayadan nya. I knew that he is f*****g rich but he doesn't need to pay my bills lalo na kung hindi naman sya yung dahilan kung bakit ako naconfine.
"Nay Minda, you can go home first. May pupuntahan lang po and then uuwi na din ako after." Paalam ko.
Kailangan kong makausap si Dreize, hindi basta basta yung binayad nya na yon. I should pay it no matter what.
"Mag iingat ka,iha." Nauna ng umalis si Nay Minda at nagpaiwan na muna ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Dreize pero ring lang ito ng ring. I tried to call him again pero out of reach na. I dialed his secretary's number at sumagot naman agad ito.
"Hello Miss Isobel, how may I help you?" Sabi ni Gracie mula sa kabilang linya.
"Gracie, is your Sir Dreize in his office? I can't reach him." Matagal naman itong natahimik sa kabilang linya kaya tinignan ko kung nawalan ako ng signal pero nakita kong full naman ang signal ko.
"Hello?" I said.
"I'm sorry po Miss Isobel, may dumating po kasing bisita si Sir kaya hinold ko muna. About sa tanong nyo po, Mr.Valderama is here but he has an appointment with a client." Tumango tango naman ako sa sinabi nya.
"I see. Just tell him to call me back later if he's not busy anymore. Thank you." Binaba ko na ang tawag at lumabas na sa hospital. Pumara naman ako ng Taxi at umuwi na.
Nasa Company ako ni Everson ngayon with my Secretary, I even informed Tita Mandy na pupunta ako dito kaya naman dadaan daw sya para kamustahin ako.
Pagpasok pa lang namin sa building ay binati na ako ng mga employee na nakakakilala sa akin. I greeted them back. Nakarating kami sa floor ng office ni Everson at bumungad sa amin ang Secretary nya na si Alexa. She motioned us to go inside at pinagbuksan kami.
"Sir Corpuz, Miss Del Rio is already here." Napatingin naman sa amin si Everson na nakasuot ng kanyang 3 piece suit. I smiled at him and he smiled back.
Baka nagtataka kayo kung paano ko nagagawang ngumiti at maging formal sa Ex kong nanloko sa akin. Well, hindi sa pagmamayabang pero I graduated with bachelor of arts and theatre major in pagpapanggap and best in smiling face.
Actually this is business, I can separate my personal life and be professional.
"Please have a seat." He said. Naupo naman kami ng Secretary ko na si Ela sa seats na kaharap nila.
I majored in pagpapanggap so I can do this.
"We recieve your email last night so we are very pleased to know that you accepted our proposal." I smiled at him at pinaabot kay Ela yung contract na ginawa namin.
"This is the contract we made, you can revise that and after this, we can proceed to the planning of your next branch. And I will send you the blueprint the day after tomorrow." Sandaling binasa niya yung contract pero he immediately agreed on that. We signed the contract and after that ay pinag usapan na namin ay plans nila for the building.
Nayari ang meeting namin bago maglunch. He invited us to have lunch kaya hindi na din ako tumanggi. Maybe this is good for me and him, also para magkaroon kami ng closure. Hindi man naging maganda yung paghihiwalay namin atleast we are still civil to each other.
Tita Mandy texted me that she's in the restaurant nearby that's why doon ko na lang sila inayang kumain for lunch.
Nasa entrance pa lang kami ng Restaurant ay nakita ko na si Tita Mandy. She waved at us and motioned us to go there. While my secretary and Everson's secretary ay humiwalay ng table.
I kissed Tita's cheeks ng makalapit na kami sa kanya."Iha, how are you? How's the treatment?"
Nahagip ko naman ang naging reaksyon ni Everson about sa sinabi ni Tita. So he doesn't know about it?
"Oh! Hindi ko pala nasabi sayo anak. She's going to undergo a treatment dahil sa condition nya. I already told you naman na kung ano yon, right?" Mukhang nalinawan naman siya sa sinabi ni Tita.
Katabi ko si Tita kaya nasa harapan ko si Everson.
"Tita, baka hindi ko na po kayo masyadong mameet kasi may mga pending projects pa po kaming kailangan gawin and kailangan ko din pong ivisit yung mga sites this week." May dalawa kasing matatapos ng project this week and after that may tatlo naman na new projects. If you're wondering marami kaming workers cause they were the workers na matagal ng nakahire sa company. May mga bago din so there's a lot of sufficient number of workers.
Pagkadating ng order namin ay nagkwentuhan lang kami ni Tita and sometimes nakikisali naman sa amin si Everson.
Natapos yung lunch namin and after that ay pinauna ko na si Ela sa Firm dahil dadaan pa ako sa Company ni Dreize. And baka dumaan na din ako sa Office ni Tori para bisitahin sya.
Tinanong ko kay Manong guard kung nanjan ba si Dreize at sinabi nitong kadadating lang pero mukha daw masama ang timpla.
Nagpaalam na ako kay Manong at sumakay na ng elevator.
Pagbukas ng pinto ay nakita ko na si Gracie na nagtatype sa harap ng computer. I greeted her ng makalapit ako sa kanya.
"Good afternoon po, Miss Isobel." Bati nya sa akin.
"Is he on a meeting or appointment right now?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman ito sa office ni Dreize at bumalik sa akin.
"He's inside po but he's not in good mood. Kagagaling nya lang po sa lunch meeting nya and then when he came back naiba na po yung mood nya. Maybe the meeting didn't go well." Tumango tango naman ako sa kanya.
Nginitian ko naman sya at nagpaalam na.
"Pray for my soul." Natatawa kong biro sa kanya na ikinatawa nya din.
Hindi na ako nag abala pang kumatok at binuksan na ang pintuan ng office nya. Nakita ko sya na nakaupo sa swivel chair nya habang nakatalikod. Mukhang hindi naman nya napansin ang pagpasok ko.
"Easy, you might get drown in your own thoughts." Sabi ko na nagpaharap sa kanya sa akin. Kita ko ang pagkagulat sa mukha nya pero napalitan agad yon at sumeryoso uli sya.
Ano naman kaya problema neto?
"Why are you here?"
Hindi na ako nag abalang alukin pa at naupo na sa couch nya. "I just came here to pay my debt." I said.
Kinuha ko naman sa dala kong bag ang chequebook ko at inilista ang amount ng binayad nya kahapon.
Tatayo na sana ako para iabot sa kanya yon ng magsalita sya.
"Debt? You don't have any debt here." He said.
"Baka nakakalimutan mo Dreize, ikaw nagbayad ng bills ko sa hospital." Tumayo na ako at lumapit sa kanya.
Nanatiling madilim ang ekspresyon nya nang makalapit na ako sa pwesto nya.
"Ah, yeah I get it. Looks like you and Everson are together again. I understand." Pagak pa itong tumawa.
"What are you saying? "Me? Everson? Together? Nahihibang na ba sya?
"Don't worry Isobel, I will always support anything you want. I am your friend right?" He said sarcastically.
Nagtaka naman ako sa mga sinasabi nya kaya hindi ko maiwasang mainis din dahil sa inaasal nya. I don't really get him kung saan nanggagaling yung mga sinasabi nya na yan.
"Can you please say it clearer, hindi ko maintindihan yang pinagsasasabi mo."
"You and Everson, what's so hard to understand? I saw you a while ago and you're with him and his mom eating happily inside the resto. Now tell me, what so hard to understand on that?"
So he saw us? Ano namang mali don? It is just lunch with a client and Tita Mandy, what's the big deal about it?
"Are you seriously saying that to me? Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" Inis na sabi ko sa kanya. Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kanya at sa pinaggagawa nya. "You're much better than that, Dreize. I never expected you to say that to me. Of all people Dreize ikaw pa! Do you think hahayaan ko pa na gawin nanaman nya akong tanga? Sa tingin mo ba magpapakamartir nanaman ako ng dahil sa kanya. You're unbelievable!" Mabilis akong lumabas sa office nya at hindi na nag abala pang batiin si Gracie. I didn't really expected him to act like that.
Sya yung kasama ko nung nung mangyari lahat yon at sya yung kasama ko habang binabangon ko yung sarili ko dahil sa pagkabagsak ko tapos ganon lang kadali sa kanyang sabihin yung mga salita na yon ng dahil lang sa nakita nya?
Hindi na ako nakadaan kay Tori dahil sa inis na nararamdaman ko. Baka mamaya sya pa mapagbuntunan ko at mag away kami.
Mabigat ang pakiramdam ko na umuwi ako sa bahay. This is what I hate the most when I'm upset or angry. I can't talk to anyone dahil baka sa kanila ko pa mailabas lahat ng sama ng loob ko.
Hindi na ako kumain ng Dinner that day dahil nawalan na din ako ng gana. Kinabukasan ay umayos na ang pakiramdam ko hindi gaya ng kahapon. Pumasok ako sa trabaho at nagpunta sa firm.
Today is the schedule of my visitation in the sites. Nacontact ko na din ang mga Engineers na naka assign every sites. Ang unang pupuntahan namin ay sa Caloocan dahil yon ang pinakamalapit na site sa firm and yon lang din ang project namin dito sa Manila. Pending pa kasi ang Upcoming Building na ipapatayo ng Ever Company.
Nakarating kami sa site ay 9 AM, matatapos na ang commercial building na 3 months ding ginawa. Finishing na lang ang kailangan at kaunting linis ng place and then okay na, maybe tomorrow ay matatapos na ang project.
Pagkayari doon ay tutungo naman kami sa Cavite for the rest house na pinagawa ng client. It is a 3 story house na may dalawang pool and big lawn.
Naabutan ko pa ang client na binibisita ang site kaya medyo natagalan din ako. After that ay nagpunta naman kami sa isa pang site sa Cavite. Isa din syang comercial building pero mas maliit kaysa doon sa Caloocan kaya hindi aabutin ng 3 months ang project.
After the 3rd site ay inaya ko ng maglunch si Ela sa nearest Restaurant na nadaanan namin.
"Ela, can you reschedule our visiting on the next site? I need to go back to Manila for my treatment and I only have 3 hours before that." 2 hours kasi ang byahe papuntang Manila to Cavite at nakadepende lang din yon sa traffic.
"Miss Isobel, naresched ko na po. But you have an appointment po with Mr. Corpuz for some adjustments lang po regarding sa project. It is a dinner meeting." Tumango naman ako sa sinabi nya. Makakapunta naman ako jan cause sandali lang naman ang injection and makakapagpahinga pa ako. I think sandali lang din naman yung meeting namin.
"Just tell them na tuloy ang meeting."
"Yes po."
Nakadating ako sa hospital 30 minutes before my appointment. Nagpalit din ako ng damit sa Restroom doon and then nagpunta na ako sa office ni Doc.
Dumaan muna ako sa condo ko at naligo,after that ay nagpunta na ako sa meeting place namin.
Dinala ako ng waitress kung nasaan si Everson at ilang sandali pa lang ay nakita ko na sya.
I thanked the waitress at nagpunta na sa table namin. Napansin naman ni Everson ang presensya ko kaya tumingin sya sa gawi ko.
"Am I late?" I asked him ng pinaghila nya ako ng upuan.
"Nope, I just came here early."
Tinawag nya ang waiter at muling humarap sa akin.
"I am sorry to ask for a meeting again, I just want to add some things on our contract." Tumango tango naman ako sa sinabi nya.
Nagtingin ako sa menu ng order ko at sinabi sa waiter. Tinignan ko naman sya kung meron na syang order at nagkataon naman na napatingin din sya sa akin.
"I will just order the same like hers." Sabi naman ni Everson na ikinakunot ng noo ko. I just shrugged the thought of it at nagproceed na sa meeting namin.
"So what are the changes you want to add on the contract?" Inabot ko din sa kanya yung contract na pinirmahan namin.
Muli nyang binasa ito at ilang sandali lang ay naglabas sya ng pen at notepad.
"I just wanna add on the contract that you need to report the progress of the project on us every week." He said.
"But you can freely check it anytime you want, you're the client and that is fine if you will visit the site so there is no need for us to report every week."
"Of course, we've already thought about that but the next 3 months will be so hectic for us. May mga conference and meetings that we need to attend and I don't have time to visit the site. My people are also busy with the new products that are going to be put on the market." Nalinawan naman ako sa sinabi nya kaya pumayag na ako.
"I understand, then my secretary will report it to you every week. Is that all?"
Pagkatapos ng usapan namin ay dumating na ang dinner namin. Nang matapos na akong kumain ay nagpaalam ako sa kanya na pupunta lang ako ng restroom.
Nasa hallway ako papuntang restroom ng may humila sa akin papunta sa fire exit. Pumiglas ako pero sadyang mas malakas ng humihila sa akin.
Nabigla ako naman ako ng makita kung sino ang nanghila sa akin.
"Dreize?"