Dreize?
"What are you doing here? And why did you dragged me here?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Napatingin naman ako sa suot nya dahil nakasuit pa sya.
Looks like he's having a business meeting here or dito lang sya magdidinner?
"How about you? What are you doing here?" Pabalik na tanong nya sa akin.
"I have a dinner meeting with Everson about the changes in the contract." I honestly said. Nanatili namang nakakunot ang noo nya na tila hindi kapani-paniwala yung sinabi ko. Why would I lie about that?
"Dinner meeting? You can talk about it tomorrow, so why in such a hurry and gabi na ang schedule?"
Naguluhan naman ako sa mga tinatanong nya. As far as I remember, galit ako sa kanya dahil sa kung ano ano ang binibintang nya sa akin nung isang araw.
"And why are you so curious about that? Ano naman kung gabi na? We can even talk about it even 3 on the morning as long as we are free. So what is it to you, Mr.Valderama?" May halong inis na ang pagkakatanong ko sa kanya. Mas lalo naman dumilim ang anyo na naging dahilan ng kaba ko pero hindi ko na pinahalata pa sa kanya yon.
"Are you really saying that to me? I was there for you nung sinaktan ka nya nung niloko ka nya. I was there when you were crying your heart out because he cheated on you. Pinuntahan kita kahit na may mas mahalaga akong kailangan gawin. I went for you even though I'm in the middle of my meeting and I even came to you even though it is torture for me to see you cry because of that man. So you tell me, what is it to me?" May diin na sabi nito. I wanna get mad at him dahil parang sinusumbat nya lahat ng nagawa nya sa akin. But I can't.
I saw his efforts that time. I saw how he hurriedly went on me just to hear me saying how much I love Everson. Andon sya kahit madaling araw na kapag nalalaman nya na umiiyak ako. I can see on his eyes that time yung pagod at yung hirap na nararamdaman nya while taking care of me.
Pero ito din dapat yung dahilan para isipin nya na wala akong balikan si Everson. Huminga muna akong malalim bago ako magsalita dahil ayoko ng pahabain pa itong di pagkakaintindihan namin.
"You don't need to worry. Business is business." Sabi ko sa kanya. "Kung may una man na makakaalam na about my lovelife ay kayo yon ni Tori cause you are my friends, right?" Napansin ko na hindi nagbago ang reaksyon nya kaya may sasabihin pa sana ako pero nagsalita na sya.
"Ofcourse, I'm your friend." Tipid nyang ngiti.
Pagkayari naming mag usap ay nagpaalam lang ako sa kanya na pupunta lang sa restroom. Sinabi naman nya na hihintayin nya ako kaya hindi na ako nagulat na makita sya sa harap ng pintuan ng girl's restroom.
"Who's with you?" I asked while we were walking.
"No one, just me. Why?"
"Well, just join us on our table. Tapos na din naman yung meeting." He agreed immediately.
Pagkadating namin sa table ay nakita ko ang gulat na ekspresyon ni Everson pero ilang sandali lang ay nakabawi na ito at nginitian si Dreize. "Bro! Andito ka pala?" Nakipagman hug pa sya kay Dreize na nanatili lang seryoso ang mukha kaya patagong kinurot ko naman sya kaya napalingon sya sa akin..
'Behave' I mouthed him.
Agad naman itong sumunod at nginitian si Everson. "I came here an hour ago. I was actually watching you both." Walang kagatol gatol na sabi nito. Tinignan ko naman sya at nanatili lang na na kay Everson ang paningin nya.
What the hell with this guy?
"Please take a seat." Sabi na lang ni Everson.
Naupo na ako sa dati kong pwesto at tumabi naman sa akin si Dreize kaya nasa harapan naming dalawa si Everson.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon ng dalawa dahil patago man nilang gawin ay nakikita ko ang masasamang tingin nilang dalawa sa isa't isa.
The whole time na nasa resto kami ay nag usap lang kami— I mean dumaldal lang ako dahil nagpapakiramdaman yung dalawa. Nagpaalam na din si Everson after naming kumain dahil walang kasama si Tita Mandy sa bahay. Hinatid na din ako ni Dreize sa bahay at hindi na din sya nagtagal dahil may aasikasuhin pa sya about sa business nila.
3 days had pass and nandito ako sa office at chine check ang isang proposal for a big company na susupplayan namin ng hollow blocks and cement. Aside from the firm we also have our hardware that supplies our needs when constructing that is why we don't need any supplier.
"Ela, can you check the site in Caloocan and sent it to me on my email and also send me some pictures," Binalik ko uli ang tingin ko sa ginagawa pero sandali lang iyon dahil sa pagring ng cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang caller at nakita ko ang pangalan ni Tori kaya naman sinagot ko agad ito.
"What is it?"
Natawa naman sya sa kabilang linya dahil sa bungad ko sa kanya.
"Hello too, my dear friend.
"We're not friends." Nakakunot noong sabi ko na mas lalong ikinatawa nya.
"Yeah, I know cause we're sister not by blood but by heart." We're always correcting each other lalo na kapag nasasabi namin ang word na friend. We don't recognize each other as friends cause we have this mentality that the word 'friend' is automatically associated with the word plastic, traydor, at manggagamit. We don't like the word best friend cause it's so corny and childish.
"So why did you call?" Deretsang sabi ko.
"Well, are you going on Dreize's game tomorrow?" Game?
"Does he have a game tomorrow? I didn't know that. He didn't invite me." Nakakunot noong sabi ko. As you all know, Dreize is also a football player, and back when we were in high school he is the team captain of the football team.
"What?! Seryoso ba? Gago talaga yon."
"Well, he didn't invite me so I won't go. Hindi din naman ako kailangan don. " I cockily said.
And rest day ko tomorrow and I already have plans for myself.
"Gaga! Pumunta ka. Ako na iinvite sayo."
"Nah, I have plans tomorrow. Maybe you should go with me dahil pupunta ako sa favorite place natin." Nakangising pag aya ko sa kanya.
"Gaga ka talaga! You knew that he loves to play football and you also knew that he wants to see you when he's playing. Baka gusto mong matalo sila."
I knew that he loves to play but the second one is not really true. Ano naman kung hindi ako manood? Hindi naman ako yung scorer don. Hindi din ako yung bola at mas lalong hindi ako yung net.
"Tori, you also knew that it is not true. He can play without me, okay? They can even make it and win without me so he can manage." Napabuntong hininga na lang si Tori dahil alam nyang hindi ako mapipilit.
"Just take care tomorrow and tell him to do a great job." Ibababa ko na sana yung tawag ng magsalita uli si Tori.
"Isobel? I'm begging you. Can you go kahit na magpakita ka lang sa kanya?" Napaisip naman ako dahil sa sinabi nya. Why is she so eager to let me come on that game?
"Give me atleast one reason para pumunta ako."
"Dreize is always there for you when you needed him. And he needs you tomorrow." Saglit akong natigilan dahil sa sinabi nya.
"Alright, I'll go kasi grabe naman yung pangongonsensya mo sa akin, but I won't promise you na magtatagal ako." Narinig ko naman sa kabilang linya ang pagyes nya kaya natawa na lang ako.
She really love his cousin.
"Love you na talaga, sis."
She ended up the call kaya natatawang nakatingin ako sa phone ko pero nagulat ako ng makitang may message si Dreize sa akin. It was sent 10 on the morning. How didn't I notice it?
I open the message at ng mabasa ko ito ay naguilty ako sa mga sinabi ko kanina kay Tori.
From: SuperDreize
Hey, I have a game tomorrow. Would you mind if I ask you to watch?
I replied to him kahit medyo huli na.
To: SuperDreize
I'll go but I can't watch the whole game, is that okay?
Ibababa ko na sana ang phone ko cause I think hindi naman agad sya makakapagreply pero nagulat ako when his name popped on my screen.
From: SuperDreize
And why is that? As far as I remember tomorrow is your day off.
I instantly replied.
To: SuperDreize
Well, that's a secret and just for me to know ;-)
Binaba ko na ang cellphone ko ng magvibrate uli ito.
From: SuperDreize
I understand. So see you tomorrow.
Hindi na ako nagreply sa kanya at tinuloy na ang ginagawa ko.
When the clock strike at 6 ay nag ayos na ako para pumunta sa hospital. Tinawagan ko naman kanina si Tori about sa invitation ni Dreize at halos hilahin na ako sa cellphone para sabunutan. At kesyo daw alam naman nya na imposible na hindi ako iinvite ni Dreize at dahil sa dami ng sinasabi nya ay binabaan ko na sya.
Kinabukasan maaga akong gumayak para pumunta sa game ni Dreize dahil 9 ang start. Hindi na ako nagpasundo sa kanya dahil ayoko naman na maabala pa sya and also I need my car para hindi na hassle magcommute kapag nagpunta ako sa restobar.
Saktong 9 ako nakarating sa Stadium dahil sa traffic. Nahirapan din akong magpark dahil napakadaming sasakyan sa parking lot mabuti na lang at may umalis na isa kaya ako nakapagpark. Nag ayos lang ako sandali at nagpunta na sa Stadium.
Nasa entrance pa lang ako ay rinig ko na ang sigawan ng mga tao at ng makapasok naman ako ay halos malula ako dahil sa dami ng manonood. Hindi na ako nag abalang hanapin si Tori dahil nakaabang na sya sa akin sa Entrace.
"Hoy gaga! Anong oras na, kanina ka pa hinahanap ni Insan." Bungad nya sa akin ng makalapit ako sa kanya.
Inikot ko naman ang paningin ko sa field at hinanap si Dreize pero hindi ko sya makita. "Where is he?" Tanong ko kay Tori na nagtitipa sa cellphone nya.
"Pinatawag na ni Coach, nasa locker room sila at magstart na yung game." Tumango lang ako sa kanya. Hinila naman na nya ako sa pwesto namin na nasa likuran lang ng mga players. Well that's the perks of having connections. Yabang ko noh.
"By the way, hanggang anong oras ka manonood?" Tanong ng katabi ko na kumakain ng hotdog. Nilingon ko naman sya at tinignan ang relo ko.
"Second quarter lang, miss ko na kasing uminom ng alcohol." Natatawa kong sabi sa kanya. Halos batukan naman na nya ako dahil sa sinabi ko.
"Napakasama mo talaga kay Dreize, minsan na nga lang game nila ipagpapalit mo pa sa alcohol?" Inismiran ko lang sya at binaling na ang atensyon sa field.
Ilang sandali lang ay naglabasan na ang mga players at nakita ko naman agad si Dreize at napansin ko na parang may hinahanap ito. Nang mapadako naman ang mata nya sa bleachers nila ay nakita nya kami kaya kinawayan nya kami at nginitian.
"Gwapo talaga ng pinsan mo noh?" Biglang sabi ko kay Tori. Mukhang nagulat naman sya sa sinabi ko pero agad din syang nakabawi at nginisihan ako.
"Naku naku, crush mo pa si Insan?"
Binigyan ko naman sya ng signature poker face ko na ikinawala ng ngisi nya. "Ofcourse you don't." Sabi nito at binalik na ang tingin sa field. But I knew how I feel.
Nagstart na ang first quarter and so far maayos naman ang game ni Dreize at sya ang nakagoal kaya may 1 point na sila habang 0 pa din ang kalaban. Halos mag iisang oras na at nananatili pa ding 1-0 ang score. Ilang sandali lang ay dumating na ang hinihintay ko, ang 2nd quarter.
Bumalik naman sila Dreize sa blechers na nasa harapan namin kaya nakausap ko sya.
"Nice game, Dreize." Nakangiting bati ko sa kanya. Nginitian nya din ako at inabutan pa ng water.
Gentlemen talaga neto. Kakainis!
"Hindi ka ba naiinitan dito?" He asked me. Si Tori naman ay busy sa pakikipag usap sa kateam ni Dreize.
Umiling ako sa kanya. "Actually, I was just going to tell you na aalis na din ako. I won't be able to watch until the last game cause I need to go somewhere." Napansin ko naman ang pagkunot ng noo nya.
"And where are you going?"
"Somewhere. I need to do some stuffs." Alanganin na sabi ko. Hindi ko kasi pwedeng sabihin na pupunta ako sa restobar ng ganito kaaga and also ayaw nya din na umiinom ako.
"Okay." Nagulat naman ako sa sinagot nya pero hindi na ako nagpahalata. Tumalikod na sya sa akin at tinuon ang pansin sa mga team mates nya.
Tinawag ko naman ang pansin ni Tori at nagpaalam na din. "Are you really sure na aalis ka na?"
"Yeah, I already told Dreize about it. Nagpaalam na ako."
"And what did he say?" Sandaling tinignan ko si Dreize at hinarap si Tori.
"He's okay with that. So I need to go now." Sandali ko pang tinignan muli si Dreize na nakatalikod sa akin.
Nakaalis ako sa Stadium at dumaan muna ako sa restaurant para kumain ng lunch. After that ay umuwi muna ako sa bahay at nagpalit ng damit.
2 PM na ako nakarating sa Bar at nang makapasok ako ay bumungad sa akin ang katahimikan nito. May iilang tao na pero hindi pa naman sila mga wasted. Nagpunta ako sa counter at umorder ng martini.
"One Martini, Ma'am." Nginitian ko naman ang bartender at kinuha ang order ko. Iinumin ko na sana iyon ng may kumuha nito mula sa kamay ko. Sisigawan ko sana yung lapastangan na kumuha niton ng makita ko ang madilim na anyo ni Dreize.
"What are you doing here? Diba may game ka?" Nanatili lang ang talim ng tingin nito sa akin. Anong problema nya?
"What the hell are you doing, Isobel? " Galit na sabi nito sa akin.
Natakot naman ako dahil minsan ko lang makitang ganito si Dreize.
"I just want to have fun and ngayon na lang naman ako iinom." Alanganin na sabi ko. Ang makakapal nyang kilay ay halos magdugtong na and he's brushing his hair multiple times bago ako tignan uli.
"Fun? Do you think fun aabutin mo? You're on a treatment, remember? And the first thing that your doctor said is to avoid drinking any kind of drinks na may alcohol." Nanlalaki naman ang mga mata ko ng maalala ko yung sinabi ni Doc. Natigilan ako sa kinauupuan ko at nakatitig lang sa hawak nyang glass na wala ng laman dahil tinapon nya ito.
Nang makarecover ako ay doon pa lang ako nagsalita. "I almost forgot about it." Mahinang usal ko sa sarili ko. Tinignan ko naman si Dreize and he's still mad.
"When will you learn how to take care of yourself, huh? You always make me worried. It's not funny anymore, Isobel." He walked close to me and hold my wrist.
"Dreize." Iniiwas ko naman ang tingin ko sa kanya dahil naiilang ako sa mga titig nya
"Look at me when I'm talking to you." Dahan dahan akong tumingin sa kanya at pinagsisihan ko yon dahil nakikita ko sa mga mata nya ang pagod.
Why so stupid, Isobel Haven? Syempre kagagaling nya lang sa game.
"Dreize, I'm sorry okay. I promise I won't do this again. Please go home, I know you're tired." Sabi ko sa kanya at hinila na sya sa palabas ng bar. Nang makalabas kami ay sinalubong kami ng nagmamadaling Van at niluwa nito ang team mates ni Dreize at si Coach Abella.
"Isobel?!" Tawag sa akin ni Mark na kateam nya.
Si Dreize naman ay patuloy lang na naglalakad at hindi pinansin ang kasama nya.
"May nangyari ba sayo? Dreize ditch the game and when we called him wala namang sumasagot that's why we got worried dahil baka napano na sya." Sabi sa akin ni Tim na kasunod ni Mark kanina.
"He ditch the game?" Tulalang tanong ko sa kanila. Nakita ko naman si Coach Abella na nakatingin kay Dreize habang papasok sa kotse nito.
"I'm sorry guys, did the game went well?" Pagbabago ko sa topic.
Ngumiti naman sa akin sila Mark at tumango. "Well, we still managed to do a great job and luckily we got 2-0."
Nagpaalam na din ako sa kanila at humingi ng sorry kay Coach dahil sa ginawa ni Dreize. Sumakay na ako sa kotse ko at umuwi na sa bahay. Tinawagan ko naman si Tori ng makarating na ako sa bahay.
"Hoy babae! Did my cousin went to you?" Sigaw nya sa akin sa kabilang linya.
"Yeah and his Team went to the restobar to check on him, akala nila may nangyari na kay Dreize."
"Gaga ka kasi! Binawal pala sayo yung alcohol tapos iinom ka pa! Aba! Mabuti pala at sinabi ko kay Dreize kundi napahamak ka na!" Nilayo ko naman ang speaker ng phone ko dahil sa pagsigaw nya.
"Can you lower down your voice?" Inis na sabi ko.
Nagiguilty na nga ako kasi hindi lang si Dreize yung pinag alala ko kundi pati na din yung Team nila.
"Ewan ko ba kasi sayong babae ka!"
"Oo na nga, nagsisisi na nga yung tao eh. Atsaka bakit kasi sinabi mo pa sa kanya na sa bar ako pupunta? Pati tuloy game nila naapektuhan."
Napabuntong hininga naman si Tori sa kabilang linya.
"How can't I tell him about that kung nung pag alis mo halos hindi na sya makausap ng team mates nya. Hindi na nga din sya naipasok sa last game kasi wala sya sa focus. Ewan ko ba don sa pinsan ko na yon, napakaweird ng kinikilos." Turn ko naman para mapabuntong hininga dahil sa sinabi.
May problema kaya si Dreize? Hindi naman sya nagsasabi sa akin and hindi ko din naman napapansin na may problema dahil okay naman sya kapag magkasama kami.
"Maybe he just have a problem?"
"A heart problem, I think." Makahulugang sabi ni Tori at bahagya pang tumawa.
So weird.