1 week has passed at natapos na ang session and the doctor said na hindi pa fully healthy yung egg cell ko kaya I still need to undergo a weekly treatment.
And about Dreize, 1 week ko na din syang hindi nakikita dahil may business trip sya abroad. And he just usually talks to me through Skype and sometimes he calls.
"Isobel, tumawag sa akin si Dreize and he told me na hindi mo daw sinasagot yung tawag nya kanina. Ano nanamang problema nyong dalawa?"
Nasa Cafe kami ngayon at inaya ako ni Tori na ivisit sya sa shop nya. Well, this is one of Tori's business.
Sinagot ko naman ang tanong niya. "Paano ang sabi nya hindi nya daw ako nabilan ng pasalubong."
Hindi naman makapaniwalang nakatingin sa akin si Tori dahil sa sinabi ko. Tinaasan ko naman sya ng kilay kaya nakatanggap ako ng irap mula sa kanya.
"Kahit kailan talaga kayong dalawa! Pati ako dinadamay nyo pa." Inis na sabi nito habang nagtatype sa cellphone nya. "At eto namang pinsan ko, hindi mo lang masagot yung isang tawag nya akala mo 24 hours ka ng nawala. Abay, kulang na lang 24/7 nakabantay sayo eh."
"Dreize is just like that, syempre bukod sa kaibigan ako ng pinsan nya, the other reason ay dahil syempre matagal na din kaming magkaibigan. What's the use of us being friends kung di sya mag aalala diba? Nakasanayan nya lang yon." Eksaherada naman syang tumawa sa sinabi ko na parang may nakakatawa akong sinabi.
Kahit kailan talagang babae na ito.
"Nakasanayan? Aba! Sa akin nga hindi magawang mag alala! 2 days akong hindi nagpakita at di sya nacontact pero wala man lang ginawa! Aba! That is so unfair." Natawa naman ako dahil sa sinabi nya.
"Ganon talaga, I'm more important than you." Sabi ko.
"Edi wow! Alam ko naman yon."
Nasa sala ako at nanonood sa Netflix ng may magdoorbell. Hindi na ako nag abalang tumayo dahil pinag buksan na ni Nay Minda. Ilang sandali lang ay pumasok na din si Nay na nakangiti pa.
"Sino po yung nagdoorbell?" Tanong ko habang nakatingin pa din sa screen ng TV.
"Naku iha si Dreize. Papasok na din yon, nagtatanggal lang ng sapatos nya."
Dreize? Ngayon uwi nya?
Umalis naman na si Nay Minda at sya namang pagpasok ni Dreize na nakasuit pa. Nanatili lang itong nasa pinto at parang may hinihintay.
"Ano pang ginagawa mo jan?" Takang tanong ko sa kanya.
Nakangiti lang naman syang nakatingin sa akin. "Well, I'm waiting for my surprise for you. Medyo nahihiya kasi eh." Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
Sino naman yon?
Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng tahol mula sa pintuan ko at pumasok doon ang isang maliit na Gold Retriever. Manghang nakatingin ako doon at ilang sandali lang ay tumakbo ako dito palapit.
"Oh my gosh, this is so cute." Hindi makapaniwalang sabi ko habang buhat buhat ang maliit na tuta.
Tinignan ko naman si Dreize na nakangiti sa akin habang tinatanggal ang coat nya.
Naglakad ako papunta sa couch habang buhat ang tuta. "Kailan ka pa dumating? And where did you get this cute little puppy?" Naupo sya sa tabi ko at nilaro din nya ang tuta.
"Actually kadadating ko lang and I still have my luggage on my car. Dito na ako tumuloy so you can see my present. And this cute puppy travelled from Canada to Philippines just to be with you." Wow!
"Muntik ko ng makalimutan! I haven't given it a name yet." Wait lang, hindi ko pa pala alam kung babae ito o lalaki. Binaliktad ko naman ang aso at nakita kong may junjun ito kaya bahagya akong napangiti.
"What so funny?" Nagtatakang tanong ni Dreize. Umiling naman ako sa kanya at nag isip na ng pangalan.
"Help me think of his name." Ngumiti naman ito at nag isip na din.
"What if I name him Blackey?" Suggestion ko. Umiling naman sya sa akin kaya nag isip pa ako.
"He's not black."
"What if Bruno?"
"Na ah,that so common."
"Oh,right. Bakit hindi ko naisip yon."
Nag isip pa ako ng nag isip kaya lang ay parang hindi naman babagay.
Whitey? Potchi?
"Why don't we name him, Reiven?" Tanong nito habang nakangiti sa akin. Ang gwapo.
"Reiven? San naman nanggaling yon?"
"It comes from our names. Rei on my name Dreize and Ven on your Haven. Sounds nice right?" Napangiti naman ako dahil sa suggestion nya.
Reiven, I like that.
"Okay, Reiven it is."
Tinignan ko ang tuta na nilalaro ang daliri ko. "Hi Baby Reiven, do you like your name?" Pagkausap ko dito. Kinawag naman nito ang buntot nito kaya natawa kami ni Dreize.
"Looks like he likes it."
"Yeah, I think so." Sabi ko. "By the way, have you eaten already? Magpapaluto ako kay Manang."
"No need, kumain na ako kanina sa plane." Tumango tango naman ako sa kanya at ibinaba muna si Reiven.
"How about coffee?"
"Alright."
Hindi rin nagtagal si Dreize dahil kailangan nya pang magpahinga dahil may jetlag pa yon mula sa byahe nya. Kami naman ni Reiven ay nagpunta na sa taas at naghandang matulog.
Kinabukasan ay sinama ko si Reiven para maglibot sa park. Maaga pa naman para sa pasok ko sa Firm kaya maililibot ko pa sya and I will also buy him some foods and milk. And maybe tomorrow ay dadalin ko sya sa Vet para patignan.
Nakaupo ako sa swing dito sa park sa subdivision namin habang nakakandong sa hita ko si Reiven. I took some photos of us at sinend kay Dreize. Nagsend din ako kay Tori at sinabing may new puppy ako. After a minute ay nagreply agad sya.
From:Toriring
Hayp ka! Mang iinggit ka pa.
Natawa naman ako sa reply nya.
To: Toriring
Hahaha Gaga! Hingi ka din sa beloved cousin mo.
Nireplayan lang ako ng loko ng emoji na nakamiddle finger. Siraulo talaga yon kahit kailan.
Ibababa ko na sana ang phone ko ng magvibrate ito. Tinignan ko naman kung sino ang nagmessage at nabasa ko ang pangalan ni Dreize.
Fron: SuperDreize
My babies are so cute:-)
Automatiko namang akong napangiti dahil sa sinabi. Bakit ang sweet nanaman ng hinayupak na ito? Pafall amp.
To: SuperDreize
At kailan pa ako naging baby, aber?
Agad naman syang nagreply.
From: SuperDreize
Oh? Baby damulag ka namin diba? Isip bata ka kasi.
Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na sweet sya. Kikiligin pa naman sana ako.
To: SuperDreize
Kainis to! Lagot ka sakin kapag nagkita tayo!
Tinago ko na ang cellphone ko at binuhat na si Reiven paalis sa park.
Nasa office ako ngayon at tinitignan ang mga supplies na idadala sa mga sites. Mamaya naman ay pupunta ako sa gawaan ng hollowblocks dahil baka kailanganin naming magdagdag ng machines dahil madadagdagan na ng susuplayan.
Kanina bago ako umalis sa bahay ay binilin ko muna si Reiven kay Nay Minda. Nakabili na din ako ng food at milk nya and bukas ko pa malalaman kung anong supplement ang kakailanganin nya.
Tapos ko nang ayusin ang mga supplies ng magring ang telecom.
"Ms. Isobel, your meeting will start at exactly 2 PM on Conference Room 2." Bungad ni Ela. Tinignan ko naman ang oras at 11:30 pa lang.
I still have 2 hours and 30 minutes. Wala naman na akong gagawin ngayon so nag ayos na ako at lumabas na sa office. Naabutan ko naman si Ela na nageencode sa cubicle nya.
I called her name. "I will be back before the meeting, just call me if there's any problem. You can already have your lunch."
Naglakad na ako palabas ng firm. May mga bumabati sa akin and I just smiled on them.
I think idadala ko na lang si Reiven sa Vet ngayon para naman malaman ko na din ang mga kailangan nya. May kilala naman akong Vet na malapit lang din dito.
Nang makababa na ako ng building ay sinalubong naman ako ni Manong Edwin. "Ma'am, ang aga nyo ata ngayon?"
"Naku, Manong. Dadalin ko po sa Vet si Reiven." Nagtataka naman ang itsura ni Mang Edwin dahil sa sinabi ko kaya natawa ako sa kanya. "Reiven is my Gold Retriever Puppy." Naliwanagan naman ito at bahagyang napakamot pa sa ulo.
"Ma'am akala ko naman po eh may anak na kayo." Sabi nito na mas ikinatawa ko.
"Manong, kung ganon lang po kadali magkaanak baka madami na akong anak."
Nagpaalam na din ako kay Manong at pinuntahan sa parking ang kotse ko. After that ay dumiresto na ako sa bahay at kinuha si Reiven na tulog ng abutan ko sa bahay.
Inilagay ko muna sya sa kulungan na dala ni Dreize kahapon. And speaking of Dreize, may atraso pa nga pala sa akin yung lalaki na yon.
Nagdrive thru muna ako para bumili ng lunch ko. After non ay tumuloy na ako sa Vet na kilala ko at pagkatapos kong magpark ay nilabas ko na si Reiven sa kulungan nya at kinarga na lang.
"My baby Reiven will have his first check up." Kausap ko dito ng papasok kami sa clinic. "Don't be scared, okay?" Nakapasok na kami sa loob at sinalubong ako ng assistant ni Jeyci, the one and only Jeyci of the Del Rio. "Hello Miss Isobel." Bati sa nito sa akin and I just smiled at her.
"Where's Jeyci?" I asked her. He guided me to my cousin's office.
"He's having his lunch po. Pasok na lang po kayo."
Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin ang pinsan kong punong puno ang bibig ng pagkain. Natawa naman ako sa itsura nya kaya napatingin sya sa gawi ko.
"Gutom na gutom tayo ah." Natatawa kong sabi sa kanya at umupo sa upuan na nasa harapan nya. Mabilis naman nyang nginuya ang pagkain nya at uminom.
"Why are you here?" Inirapan ko naman sya at tamad na itinuro si Reiven.
"State the obvious, cousin." Binalingan naman nya si Reiven na nilalaro ang daliri ko.
"Oh, I like this cute little puppy. Regalo mo na lang sa akin." Inis naman na inilayo ko sa kanya si Reiven at sinamaan sya ng tingin.
"No! Bumili ka ng sayo o kaya manguha ka ng aso ng customer mo tapos sabihin mo kamukha lang.." Natawa naman ito sa akin at ginulo pa ang buhok ko. Tumayo naman sya at kinuha sa akin si Reiven.
"So anong sakit nya?" He asked me.
"Anong silbi mo kung sakin mo din itatanong yan? Nagdoctor ka pa!" Singhal ko sa kanya.
"Kalma, Heaven."
"It's Haven, okay? Just check my dog." Sigaw ko sa kanya kaya naglakad na ito palabas ng office nya.
This is the reason kung bakit ayokong nakakasama yung mga pinsan ko, lagi na lang kasi nila akong binubwisit.
Lumabas na din ako at naabutan ko siya na pinapat ang ulo ni Reiven habang nasa table ito.
Hinayaan ko lang syang gawin ang dapat nyang gawin habang ako ay kumain na lang ng inorder ko kanina. After that ay nagpaalam na ako kay Jeyci na babalikan ko na lang si Reiven pagkatapos ng meeting ko. He immediately agreed kaya umalis na ako.
Pagdating ko sa office ay nagpalit ako ng damit at nagproceed na sa conference room.
Pinag usapan namin sa meeting ang tungkol sa proposal namin sa Vida Corp, it is the second largest telecommunication company. They want to have a branch in Germany and we would like to have that project cause we can gain more influence when we finish that. 30 minutes lang inabot ng meeting and after non ay bumalik na ako sa clinic.
Naabutan ko naman na nilalaro ni Jeyci si Reiven sa couch.
"How's my baby?" Tanong ko ng makaupo ako sa harapan nila. Tumakbo naman sa akin si Reiven kaya kinarga ko sya.
"He's fine and nagreseta ako ng food supplements. And also tinurukan ko sya ng anti rabies if ever man na makakagat sya. You can call me if there's something wrong with him." He said na tinanguan ko lang. As long as he's fine, I'm also okay with it.
"So gift mo na kay Reiven yung food supplement. Ala akong pera, naghihirap na ang Pilipinas." Tumayo na ako pagkasabi ko sa kanya. Hindi naman makapaniwalang nakatingin sya sa akin.
"You're unbelievable! Lagot ka sa amin kapag may gala uli." Sabi nito na tinawanan ko lang. Kahit naman di ko siya inisin eh bubuwistin pa din naman nila ako.
"I'm looking forward to your threat, cousin. Call me kung kailan uli tayo gagala."
Nagpaalam na ako sa kanya at inuwi na si Reiven. Nanood lang ako ng TV buong maghapon hanggang sa magdinner.
Nasa Dining ako ng may magdoorbell, tinignan ko naman kung sino yon at nakitang si Tori at Dreize.
Ano namang ginagawa ng magpinsan na yon dito?
Lumabas na ako ng bahay at pinagbuksan sila.
"What are you two doing here?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad kami papasok. Bigla ko namang naalala yung sinabi ni Dreize kanina kaya agad ko syang hinampas sa braso. "Akala mo nakalimutan ko noh?" Singhal ko sa kanya na ikinatawa nya lang.
Abay gago to ah!
"What? I was just stating a fact." Pagdadahilan nito habang umiilag sa hampas ko.
Natigil naman ako ng magsalita si Tori. "Naku kayo talagang dalawa, alam ko naman na mahal nyo ang isa't isa kaya pwede ba mamaya na yan dahil nagugutom na ako." Naramdaman ko naman na nagblush ako dahil sa sinabi nito.
Inirapan ko naman si Dreize at nauna na sa Dining. "Nay Minda, padagdag pa po ako ng dalawang plato."
Naupo na ako sa dati kong pwesto habang si Tori naman ay dumiresto sa Ref ko at kumuha ng soft drinks habang si Dreize naman ay nilalaro si Reiven.
"Paubos na stock mo ng soft drinks, diba bawal ka?" Tinignan ko naman si Tori na nasa tabi ko na.
"I'm don't drink that, yan pa yung stock ko dati." Binigyan naman nya ako ng mapang usisang tingin kaya nginisihan ko lang sya. "You can ask Nay Minda about it, parang niloloko."
"Alright, naniniwala na ako."
Binalingan naman nito si Dreize na kalaro pa din si Reiven. "Hoy hilaw kong insan! Napakaunfair mo hindi mo man lang ako binilan ng aso! Napakawala mong kwentang pinsan. Susumbong kita kay Tita Macey." Natawa naman ako sa sinabi ni Tori.
Binelatan naman sya ng pinsan nya at tumayo na. "You can ask your Ex to buy you a lot of dogs, I know he can afford that." Natawa naman ako dahil sa sinabi nito.
Tori had a relationship for almost 2 years but not everything works as we want it so just like the other couples, they broke up. We thought that time that they will end up together but sadly Dustin's Ex came into the picture. He left Tori to be with his Ex and until now they are still together while my friend Tori is still trying to move on. And not to mention that we were all friends before they got together.
"Isang malaking pakyu sayo, di kita irereto sa crush mo sinasabi ko sayo. Sisiraan kita sa kanya! Hayp ka." Gigil na sabi nito at hinarap na lang ang pagkain nya. Tori might look like strong when you see her but truthfully she's also a woman who needs someone she can lean on.
"Let's just eat, okay?" Sabi ko at binalingan si Dreize. "And you, just give her a dog para naman may kalaro na yung baby Reiven ko."
"I won't, Tita can buy her a dog and she can also buy it for herself." Sabi nito kaya inambaan ko sya ng suntok.
Napakakulit talaga ng magpinsan na ito. Hindi ko ba alam kung paano ko sila natagalan.
"Or she can find someone to buy it for her." Ako naman ngayon ang nang iinis kay Tori. Nung isang araw kasi naikwento nya sa akin na may nakasabay sya sa jeep nung coding yung kotse nya. Ang gwapo daw and she also asked for his name, ganoon kalakas ang loob nya.
Tinignan naman ako ng masama ni Tori dahil don. "I don't like that guy anymore, hindi man lang ako nirereplayan. Kainis!" Sabi nito at muli nanamang tinuon ang pansin sa pagkain.
Natapos ang Dinner namin at naiwan naman si Dreize na naghugas ng pinagkainan namin. Wala naman syang magagawa kapag kami na ni Tori ang nagkasundo.
Nasa sala kaming dalawa ni Tori. She was texting someone habang ako ay karga karga si Reiven na natutulog.
Ilang sandali lang ay natapos na si Dreize at tinabihan ako. "Did you went to the vet?" Tumango naman ako sa kanya habang hinihimas ang buhok ng tuta.
"I went tp Jeyci's clinic a while ago and he gave Reiven a free supplement and anti rabies vaccine." Sabi ko dito. Nakakunot naman ang noo nito na tila may iniisip.
"I think I've heard that name before. Do I know him?"
"Yeah, he's my cousin that you punch way back when we were still in college. You've mistaken him as a bad guy cause he's dragging me but truthfully dadalin lang naman talaga nya ako sa meeting place naming magpipinsan cause we're having lunch. I hope you remembered." Nakangiting sabi ko sa kanya. That memory is still fresh on my mind.
"Oh! Yeah, I was very sorry with him. I just have a trust issue that time but I think it was all gone now." Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya. I think he's just convincing his self.
"Let's just say that I believed that." Sabi ko sa kanya na ikinatawa nya.