"Myghad Nic and Kessler! Kailan ba kayo magtitino? You're so babaero." Inis na sigaw ni France sa kambal nyang si Nic at kay Kess.
Nandito kami ngayon sa Restaurant ni Tori dahil nagkaayaan nanaman ang mga pinsan ko na lumabas and as usual ay napakagulo nanaman sa table namin.
"We're just friendly France and anong magagawa namin kung palay na yung lumalapit sa manok. Right Kess?" Pagdadahilan ni Nic sa kambal nya at hinarap pa ang isang gago. "Pakess nga naman jan." Pagloloko nito habang tumatawa pa. Minura naman sya ng isa at binatukan pa.
"Ewan ko sa inyong dalawa, susumbong kita kay Mommy." Sabi na lang ni France sa kapatid nya. Sumingit naman si Zen sa kanila na katatapos lang kausapin ang boyfriend nya.
"Well, parang di na tayo nasanay sa kanila. Don't worry, someday the things that they were doing will come back to them. Karma na lang sa kanila." Maarteng sabi nito sa mga pinsan namin na tinawanan lang sya.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain ng order kong Mousse cake. My favorite. Pangatlong subo ko na ng magsalita si Mako na nasa harapan ko.
"How's your company, Isobel?"
Sa aming magpipinsan si Mako talaga ang pinakaseryoso at tahimik sa amin. Hindi ko nga alam kung bakit napapapayag nilang pasamahin yan eh.
"Business is great but my lovelife is tagilid." Natatawang sabi ko.
"Kuya is not asking for your lovelife ate Isobel." Pagsingit naman ni Vincent, ang bunso naming magpipinsan. He was a year younger than France.
"He's right, but I thought you and Everson are together again. I saw you once in this restaurant when I was having a business meeting." Naalala ko naman ang sinasabi ni Kuya. Yun yung time na sinama ko si Dreize.
"That was just a business meeting. We got the project regarding his new company branch and that time, he did some changes on the contract." Tumango tango naman ito sa akin.
If you're wondering, walo kaming magpipinsan sa father's side ko and ngayon hindi pa kami kumpleto kasi wala pa si Jeyci, the great zoo doctor. Mabuti na nga lang at wala yun kundi mabubuska nanaman ako.
"Look who's here, my favorite cousin."
Or I am wrong cause he's here.
Inis na binalingan ko ng tingin ang kadarating lang na si Jeyci na nakacoat pa.
"Kainis! Dapat di ka na dumating." Singhal ko dito kaya napatigil ang iba kong pinsan sa pag uusap at binati sya.
"Gwapo talaga ng pinsan namin, manang mana sakin." Mayabang na sabi ni Nic na nakatikim naman ng mura kay Jeyci.
"Yow, gusto mo ng Kess?" Natawa naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Kessler. Kung sya ang kasama mo hindi mo na kailangang gaguhin yung pangalan nya kasi sya na mismo nanggagago sa sarili nya.
Binati naman nya ang iba pa naming pinsan at naupo na sa tabi ni Mako.
"Guys, guys! I have a good news." Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa kagaguhan ng pinakafavorite kong pinsan. Please insert the sarcasm on that.
Mabilis namang bumaling sa kanya ang mga tsismoso kong mga pinsan. At nagsimula na ang pag iingay sa table namin.
And that ends my meeting with them. So disastrous.
Dumaan lang ako sandali sa opisina ko at pumunta na sa Ospital. Akala ko ay makakauwi na ako after the treatment pero pinagstay pa ako ni Doc for my test and kapag okay na ang result ay ititigil na namin ang injection system. Hindi na namin kailangan magproceed sa by week na treatment if magiging maayos na ang lahat.
Ilang minuto lang ay dumating na si Doc. Nakangiti ito sa akin kaya hindi ko maiwasang mag assume sa result.
"Congrats Miss Isobel. You've already finished your treatment." Nagpasalamat ako kay Doc at sa mga nurses na umalalay sa akin when I was still in treatment. Binalita ko kaagad kila Dreize and Tori ang good news about sa treatment ko and I invited them for dinner. Agad naman silang pumayag at sinabing magkita kita na lang kami sa Grill House malapit sa Hospital.
Nagchat na din ako sa GC naming magpipinsan na successful ang treatment ko kaya naman hindi na natigil ang cellphone ko sa pagtunog dahil sa mga message nila.
Nauna na akong pumunta sa Grill house dahil may tatapusin lang daw sandali si Tori sa Resto while Dreize is on his way.
Nagba-browse ako sa IG ko ng may tumawag sa pangalan ko. "Isobel?"
Nilingon ko naman kung sino yon at bumungad sa akin si Everson na naka tshirt at black pants na tinernuhan nya ng sneakers. Bigla ko namang naalala yung mga panahon na nasa college kami. Ganyan madalas ang pormahan nya.
"Hey, ikaw lang mag isa?" Tanong nito.
"Nope, I'm actually waiting for Tori and Dreize. We will have dinner. You can join us if you're fine with it." Nakangiti kong sabi sa kanya. Wala namang masama kung iinvite ko sya cause we're still friends afterall and nakakamiss din yung buo pa kaming lima. Me, Everson, Dreize, Tori and Dustin.
"Oh I will gladly accept that, you know. I missed the time we were all still together." Natawa naman ako dahil sa huli nyang sinabi.
Magsasalita sana syang muli ng may tumikhim sa gilid ko. Binalingan ko naman ng tingin kung sino at nakita ko si Dreize na seryosong nakatingin kay Everson.
"Oh, kanina ka pa?" I ask him pero hindi pa din nya ako tinitignan kaya bumaling naman ako kay Everson na alanganing nakatingin sa akin. "By the way, I invited him to join us. You're fine with it right?" Binalik ko uli ang tingin sa kanya.
Tinignan naman nya ako at tipid na tumango. "May magagawa pa ba ako?" Sabi nya at naupo na sa tabi ko. Aba, talagang may attitude problem.
Ilang sandali lang ay dumating na din si Tori na hingal na hingal pa. "OMG! guys, you can't believe what I am going to tell you.I saw—oh? Everson? you're here. Long time no see, kamusta ka na?" Bati nito kay Everson na nakangiti sa kanya. Naupo naman sya sa tabi nito.
"You look so good, Tori. Kamusta ka naman?" Everson asked.
"Well same old, same me mahal pa din yung EX." Sabi nito na sinabayan nya pa ng tawa. Alanganin naman na napatingin sa akin si Everson kaya kinuha ko ang atensyon ni Tori.
"Hoy, babae ano? Di na tayo kakain nyan?" Pag iiba ko sa usapan. Inirapan naman ako nito at kinuha na ang Menu.
Tinawag ko na ang waiter at umorder. Napatingin naman ako sa katabi ko na tahimik lang na nakaupo kaya kinalabit ko ito at tinaasan ng kilay.
"Why are you so silent?" Bulong ko sa kanya. Tinignan ko naman yung dalawa sa harapan namin na nagkukwentuhan at binalik sa katabi ko.
"Why did you invited him? He's not supposed to be here, alam mo yon. Hindi na tayo kagaya ng dati." He said kaya bahagya akong napatingin kay Everson na kausap pa din si Tori.
"I don't see any wrong with that. He used to be our friend and hindi naman masama na ibalik yung dati right? It is not too late for that to happen."
Hindi naman sya makapaniwalang nakatingin sa akin. "You're insane, Isobel. Naririnig mo ba yung sinasabi mo? Ibalik yung dati? So you what you mean is, magkabalikan kayo?" Inis na bulong nito sa akin.
My issue about Everson is different from him being our friend. Bago pa maging kami ni Everson naging magkakaibigan muna kami and ayoko naman na maging dahilan yon para hindi na uli maibalik yung dati naming pagkakaibigan.
"Let's not talk about it now. We should be celebrating the success of my treatment."
Hindi ko na muling kinausap si Dreize at hinarap na lang sila Tori. Inalis ko muna sa isip ko yung pag uusap namin ni Dreize at nakipagkwentuhan sa dalawa. Paminsan minsan naman ay kinakausap sya ng pinsan nya kaya lang ay tango lang at iling ang sagot nito.
Natapos ang Dinner namin at nagpaalam na din si Everson dahil baka nagaalala na daw sa kanya si Tita Mandy. He thanked me for the dinner bago sya umalis.
Naiwan naman kaming tatlo nila Tori sa parking ng grill house.
"So we should go now cause we all know that we are all tired." Sabi nya at hinarap ako. "And thank you sa libre mo babae pero hindi sapat yon kaya painom ka naman! Minsan ka na lang manlibre susulitin na natin." Umakbay pa sya sa akin na ikinitawa ko.
"Baliw! Saan ba? Pay—" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Dreize.
"No, she's not going to drink any kind of alcohol. Hindi ibig sabihin na magaling na sya ay gagawin na nya yung mga bawal sa kanya." Seryosong sabi nito at tinignan pa ako.
"Isang beses lang naman, insan."
"No. Go home Tori or else isusumbong kita kay Tita." Sabi nito at tinulak pa si Tori papasok sa kotse nya. Hinarap naman ako nito at tinuro ang kotse ko. "You should go home too." Wala na akong nagawa at sumakay na sa kotse ko.
Naunang umalis si Tori na bumusina pa at kasunod ako habang nasa hulihan naman si Dreize.
Nandito ako ngayon sa Restaurant ni Tori at nakikitambay. Natapos ko na din naman kasi ang mga pinipirmahan ko sa office and I already asked Ela to visit the site and report it to me. Naibigay ko na din kay Everson yung progress doon sa site sa Makati.
Dala dala ko si Reiven para na din ilibot. Sinita pa nga ako ni Tori dahil no pets allowed daw sa restaurant nila but I just shooed her kaya wala na din syang nagawa.
Nakahiga sa lap ko si Reiven habang ako naman ay nagbabrowse sa social media accounts ko.
Nags-scroll lang ako ng mapadaan sa timeline ko ang isang tagged post kay Dreize. Nakaakbay ito sa isang babae while holding a glass of wine and not to mention that he's smiling widely along with that girl. Tinignan ko kung kailan iyon and it was dated yesterday night.
So nagbar pa pala sya kagabi nung pagkatapos naming magdinner. Kaya pala ayaw nya kaming payagan ni Tori na magbar kasi baka maka istorbo kami sa date nya.
Grabe, akala mo naman nag iisa lang yung bar dito.
Nagscroll lang uli ako at inalis sa isip ko yung nakita ko kanina pero talaga nga namang minamalas ako because another picture with the same night ay lumabas sa screen ng phone ko.
And again.
Amalia Tyler is with Aldreize Oden Valderama at D'azur Club
This time the picture is more intimate than the first one. That Amalia is hugging Dreize from the back and that guy is smiling to that girl. Malalandi.
Inis na in-off ko ang phone ko at nagtawag ng waiter.
"Give me a half gallon of Oreo Ice cream with Mousse Cake and water." Sabi ko sa waiter. Wala sa menu nila ang ice cream but they have stocks dahil madalas yon ang kinakain namin nila Tori kapag dito nagkaayaan.
Ilang sandali lang ay dumating na ang pinakuha ko kaya nilantakan ko yon agad. Kinuhanan ko naman si Reiven ng pagkain sa dala kong maliit nyang bag at pinakain sya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusubo kay Reiven ng may tumawag sa pangalan ko. Tinignan ko kung sino yon at napabuntong hininga na lang ako ng makita kung sino.
"What are you two doing here?"
Naupo naman sila sa harapan ko at kinuha pa ang ice cream ko na pinag agawan pa nila. Ni hindi man lang pinansin yung tanong ko.
"Hoy gago ako na nauna!" Sigaw ni Nic kay Kessler na hawak hawak ang ice cream ko.
"Hoy ka din, nauna kaya ako!" Depensa naman ni Nic na hawak hawak na din ang container.
"No, this is mine!"
"Walang sayo, Kess!"
"Wala ding sayo Nic! Akin lang ang ice cream na ito!"
Napailing na lang ako dahil sa frustration sa dalawa. Bakit sa dami ng pinsan ko bakit sila pang dalawa ang nakakita sa akin?
"Nicanor! Kesimiro Lerio! Give me back my Ice Cream!" Singhal ko sa kanila na nagpatigil sa pag aaway nila. That is the only thing na makakapagpatigil sa mga pinsan ko, ang mga pangalan nila. Their real name.
"Heaven naman, napakabantot naman ng tawag mo samin." Nakabusangot na sabi ni Nic.
"Kaya nga, baka marinig ka ng mga chicks sa tabi tabi maturn off pa." Segunda naman ni Kess.
Tinaasan ko naman sila ng kilay at nilahad ang kamay. Dahan dahan naman binigay ang Ice cream ko.
"Aba! Matapos nyo kong di pansinin ng dahil sa ice cream na to? Manigas kayo jan." Sabi ko sa kanila at nilantakan na ang stress reliever ko.
"We understand Heaven, di mo nga pala kami favorite cousin." Halos masamid naman ako dahil sa biglang sinabi ni Kess na sinang-ayunan naman ni Nic.
"Yeah, we really know how you hate us. Okay lang naman—"
Inis na tinawag ko ang waiter at nagpakuha ng dalawang gallon ng Ice Cream. Tuwang tuwa naman silang dalawa ng makarating na yung order ko. They even take a photo of that Ice Cream with my face as a background. Tinawag na nga akong Heaven kahit Haven naman talaga tapos nagpalibre pa.
I'm 100% sure that they will send that to our GC. And hindi nga ako nagkamali dahil seconds lang ay nag ingay na ang phone ko dahil sa messages nila.
Inopen ko ang chatbox ng GC namin at halos maglog ang phone ko sa sunod sunod na message.
Mang Nicanor: Mainggit kayo mga minamahal kong pinsan.
Mang Kesimiro: Whahaha! Hail to our queen @Heaven
Aleng Zenaida: Luh? @Heaven napakadaya!
Mang Vicente: Si ate @Heaven di na ako love.:'(
Mang Epimako: Favoritism.
Natawa naman ako sa reply ni Mako.
Mang Jericko: HOY HEAVEN! Daan ka naman sa clinic ko di ka na nachecheck up, baka malala na rabies mo. Nanlilibre ka na eh hahaha.
Aleng Franciscana: MABULUNAN SANA KAYONG DALAWA!!!
Aleng Franciscana: Naol @ Heaven
Mang Nicanor: BAKIT KAMI MABUBULUNAN EH MAY PA BUBBLE TEA PA NGA SI @ HEAVEN HAHAHA.
Mang Kesimiro: EHEM! BAKA NAMAN@Heaven.
Napapailing na lang ako dahil sa kakulitan ng mga pinsan ko. Sinamaan ko naman ng tingin ang dalawang ugok sa harapan ko na tuwang tuwa sa kagaguhan nila.
Pagkayaring ubusin ng dalawa ang ice cream ay nagpaalam na din dahil may game pa daw sila sa kabilang barangay. That's the best definition of eat and run.
Binayaran ko na ang nakain ko at nagpunta sa office ni Tori para naman sya ang bwisitin ko. Dapat lang maging fair. Kung nabwisit ako kanina dapat din na bwisitin sya.
Pumasok ako sa loob ng office nito ng walang katok katok.
"Ladies and Gentlemen let's all welcome! Miss Universe 2020 Isobel Haven Del Rio!" Sigaw na sinabayan pa ng maliit na tahol ni Reiven. Supportive talaga ng baby ko.
Inikot ko naman ang tingin ko sa buong office ni Tori pero wala sya. Saan kaya yung babae na yon?Tinignan ko din yung Cr nya pero wala din sya. Siguro lumabas lang bumili ng pagkain.
Pero impossible, nasa resto na nga sya eh.
Tinawagan ko ang number nya at ilang ring pa lang ay sinagot na nya.
"I went out. Hindi na ako nagpaalam cause you're with your cousins. Babalik ako jan kapag magsasara na kami, so feel free to leave okay?" Sabi nito habang tumatawa pa.
Loka loka talaga yon, iwan ba naman yung bisita nya.
"Guguluhin ko office mo, lagot ka sakin." Pagbabanta ko sa kanya na hindi naman ata gumana dahil tinawanan pa ako lalo.
"Don't me, not me. Gora na me. Bye bye." Magsasalita pa sana ako ng babaan nya ako.
Hindi na ako nagtagal sa office nya at umuwi na din. Kasalukuyang nagdadrive ako ng tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino yon at nakitang si Dreize kaya hindi na ako nag abala pang sagutin.
Badtrip ako sa kanya kaya ayoko syang kausapin. Hindi naman ako nagagalit kasi may kasama syang babae ang sa akin lang naman sana kung gigimik lang din naman pala sya edi sana pinayagan na nya kami ni Tori. Ang lakas pa ng loob nyang pigilan kami kahapon. Nag iinit ulo ko sa kanya.
Nagpatuloy lang ako sa pagdadrive at di pinansin ang nagriring na phone ko. Titigil din naman yan kapag napagod.
Nang maipark ko na ang kotse ko sa garahe ay pumasok na din ako sa loob ng bahay. Dinala ko naman si Reiven sa higaan nya at hinayaang maglaro doon.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit. Naabutan ko naman sa baba si Nay Minda na naghahanda ng meryenda.
"Iha, tumawag ang ate mo at sinabing maeextend ang bakasyon nila. Ayaw pa daw kasing umuwi ng pamangkin mo kaya pinagbigyan na nila." Bungad sa akin ni yaya ng makababa na ako.
Kumuha naman ako ng isang cookies na nasa mesa at sinubo ito. "Sinabi po ba kung hanggang kailan sila?"
"Naku, iha hindi nasabi. Pero ang sinabi ng Papa mo sinisiguro nila na aabot sila sa kaarawan mo."
Bigla namang naalala nya na two weeks na lang ay birthday ko na. How saddening. Dadating nanaman pala yung pinakaayaw kong araw sa buhay ko.
My birthday is the most painful thing on my life, pinaalala lang nito sa akin yung araw na pinanganak ako ng ina kong nagtakwil sa akin at ang araw na sumama ito sa lalaki nya. It should be the happiest moment of my life kasi pinapaalala nito yung pagdating ko sa mundo pero sa akin yon yung araw na sana hindi na lang nangyari. Okay ng wala ako sa mundong ito wag ko lang maranasan yung mga hirap at sakit na nararamdaman ko ngayon.
My life became miserable because of her, marami pa syang kasalanan sa akin na naging dahilan kung bakit hindi ko sya makalimutan at mapatawad.
"Iha? Ayos ka lang ba?" Nabalik ako sa wisyo ng magsalita si Nay Minda sa harapan ko. Hindi ko naman maiwasang mapangiti at yakapin si Nay.
Sya na kasi ang nagsilbi kong nanay ng talikuran ako ng tunay kong nanay at masasabi kong napakaswerte ko dahil dumating sya sa buhay ko. Naalala ko noong bata pa ako inaaway ako ng mga kaklase ko kasi yaya yung kasama ko at hindi ang mama ko kapag hinahatid ako sa school. Hindi ko na lang pinapansin yung mga sinasabi nila dahil ang tinuro sa akin ni Nanay na wag makikipag away pero dumating yung time na hindi ko nagustuhan yung sinabi nila kaya nakipagsabunutan ako doon sa kaklase ko kaya naman pinatawag si Papa. Pinalo ako pero pinagtanggol ako ni Nay Minda.
At simula talaga noon, hindi ko na hinayaan na may magsasalita ng masama tungkol kay Nay Minda.
"Nay Minda bakit kaya ang ganda ganda ng alaga nyo?" Sabi ko habang nagpapacute sa kanya.
"Nako anak, bibilugin mo nanaman ang ulo ko." Natatawa nitong sabi sa akin at pinisil pa ang ilong ko.
"Totoo naman po, Nay eh. Mana kaya ako sayo."
Nung araw na yon ay nakipagkulitan ako kay Manang at inaya ko syang manood ng Movie. Nagpagawa din ako sa kanya ng peanut butter sandwich na ikinagulat nya. Well, I don't like the taste of it but now I feel like eating it.