Chapter 6

3132 Words
"Why did you dragged me here?" Malamig na tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Nasa office ako kanina ng hilahin ako ng lapastangan na ito at dalin sa Cafe na malapit lang sa Firm ko. Magcocomplain sana ako kaya lang ay ayoko namang sayangin ang lakas ko sa walang kwentang bagay kaya nandito ako ngayon at nakaupo sa harapan ni Jeyci. "Insan naman, minsan lang ako humingi ng favor sayo. Diba ako ang favorite cousin mo?" Napahawak na lang ako sa noo dahil sa pinagsasasabi nito. "Hoy Jericko baka gusto mong bilangin ko lahat ng pabor mo sakin? Ano magbilangan tayo ngayon." Paghahamon ko sa kanya kaya naman nakabusangot itong nakatingin sa akin. "Haven naman, you're so cruel to me. This favor is not hard, I promise." Sabi nito. Wala na din naman akong nagawa dahil alam ko naman na hindi ako titigilan nito. "Tell me." Bigla namang sumaya ang mukha nito at lumapit pa sa akin. "Well, any minute now ay may dadating na babae and I want you to act like my girlfriend. Again." Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pabor nito sa akin. Natrauma na ako sa huli kong pagpapanggap dahil napakaepic talaga ng nangyari noon. It was a total chaos. Ewan ko ba naman at may lahing barbarian pala ang jinojowa ni Jeyci. "And what's the deal?" "Anything you want, name it." Tagumpay naman akong napangiti dahil sa sinabi nito. Ganito na ba kadesperado si Jeyci para ganoon ang kapalit sa pagtulong ko? "Okay, I'll tell you kapag tapos na so I can judge if how big is my payment." Sabi ko kaya sya naman ang napabuntong hininga. Umoder ako ng Americano and Cheesecake. Pangalawang subo ko pa lang ng cake ng may humila sa buhok ko at hinila ako patayo. Shit! Matatanggal na ata yung hairline ko. "Malandi kang babae ka! You're a slut! w***e! b***h! Mang aagaw ng boyfriend, dapat sayo pinapakain sa buwaya!" Sigaw nito sa akin habang hila hila pa din ang buhok ko. Si Jeyci naman ay sandali pang natulala bago hilahin palayo sa akin ang babae nya. "Hey! Chandra stop it! You're making a scene." Sabi nito sa babae na patuloy pa din ang pag abot at pagkarmot. Akala ko may mas lalala pa sa mga naging jowa nya pero hindi pala. Noong last binuhusan ako ng juice at sinampal ng ilang beses akala ko yon na yung malalang gagawin sa akin pero bugbog sarado ako dito. "Blame your filthy b***h, Ecko. Di naman ako mag-eeskandalo kung hindi dahil sa kalandian nya." Sigaw nito sa akin ng makabitaw na. Inayos ko naman ang sarili ko at hinarap yung Chandra. Ecko? Sagwa. Kasuka. "Girl, you're so desperate. Wala na bang nagmamahal sayo at pilit kang naghahabol sa boyfriend ko?Tapos na kayo diba? So anong katangahan ang ginagawa mo dito? Magkakababy na kami so stop pestering us!" Mataray na sabi ko sa kanya na naging dahilan kung bakit sya muling pumiglas sa hawak ni Jeyci. Agad naman akong nakaiwas sa kanya at sinubsob sya sa lamesa. "One more time that your filthy hands touch my precious skin makikita mo kung anong hinahanap mo." Banta ko sa kanya at kinuha ang cheesecake ko at binuhos sa pagmumukha nya. Lumabas na ako sa Cafe at di na pinansin ang pagtawag sa akin ni Jeyci. Myghad! Malaki-laking ang talent fee dapat ang kuhanin ko kay Jeyci. Halos matanggal na anit ko kanina ah. Nakarating ako sa Firm namin at nagulat naman ang mga employees ng makita akong may mga karmot at gulo gulo ang buhok. May nagtanong pa sakin kung ayos lang ako kaya hindi sinasadyang natarayan ko pa. Sino ba naman kasing nasa tamang wisyo ang magtatanong kung okay lang ako sa lagay na ito. Pagkapasok ko sa office ko ay nagpunta agad ako sa Cr at tinignan ang itsura ko. May karmot ako sa pisngi at sa noo na namuo na ang dugo ganon din sa braso ko. Habang ang buhok ko naman ay parang pugad na ng ibon sa sobrang gulo. Inayos ko ang sarili ko at naupo sa couch. Napatulala naman ako at ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang kahihiyaan. Talaga bang pumayag ako kanina kay Jeyci? Talaga bang hinayaan ko yung babae na yon na bugbugin ako? Oh my gosh. Ilang linggo naman kaya gagaling ito at sure ako na mamaya lang ay may pasa na din ako. Pahamak talaga yung lalaki na yon, kakarmahin din yon pagdating ng araw. Nakatulog ako dahil sa pagkapagod ko mentally at physically. Nagising lang ako ng pumasok si Ela sa office ko at sinabing 7 na ng gabi. Nag ayos lang ako sandali at umuwi na din. Kasalukuyang naiipit ako sa traffic ng tumawag si Tori at nag aaya sa Resto nya. Hindi naman ako nagdalawang isip na pumayag at nag U-turn. After 10 minutes ay nakadating na din ako sa Resto nya nagpark lang ako sandali at pumasok na. Hindi naman ako nahirapang hanapin sya dahil nasa usual spot namin sya nakaupo at hindi sya nag iisa. Naglakad ako palapit sa kanila at napansin naman agad ako ni Tori at nginitian ako pero agad ding nawala iyon ng makita ang band aid ko sa mukha at sa braso. Sinalubong nya ako at hinawakan pa ang mukha ko at braso. "What happened to you? Naaksidente ka ba?" Nag aalalang tanong nito at hinila ako papunta sa table. Pinaupo naman nya ako sa tabi nya na kaharap si Dreize. Hindi ko makita ang ekspresyon nya dahil hinarap uli ako ni Tori sa kanya. "Hoy Babae! Ano na? Anyare sayo?" Inuga uga nya pa ako kaya naman natawa na lang ako sa kanya. Inalis ko ang kamay nya sa balikat ko at ako naman ang kumapit sa kanya. "Easy okay? May bumugbog lang sa akin kanina kaya ako nagkaganito but it was just some bruises and scratch. Malayo sa bituka." Ani ko at nagjoke pa pero nanatili lang na seryoso ang mukha nya. Napangiti naman ako dahil sa pinapakita nya ngayon. Tori's really worried about me and it makes me happy hindi dahil sa nag aalala sya kundi dahil sa alam kong mahal na mahal nya ako. "Hey, I'm really fine. Galos lang ito. Tsaka I am sure na naparusahan na yung gumawa sa akin nito." Napangiti naman ako dahil sa naiimagine ko na kalagayan ng babae na iyon ngayon. "Still, don't joke about your condition right now. Alam mo naman kung gaano ka kahina diba? You should worry about yourself too." Pangaral nito sa akin na tinanguan ko naman. "Okay po Nay, wag na po kayong mag alala." Sabi ko at tinawanan pa sya. Bumaling naman na ako sa harap ko at hindi ko maiwasang pagtayuan ng balahibo dahil sa intensidad ng tingin ni Dreize. Maski si Tori ay napakapit sa akin dahil sa itsura ng pinsan nya. "Ah–ano, I will just get some food. Maiwan ko muna kayong dalawa." Paalam nito at hindi na ako hinayaang makapagsalita. Hahabuli ko pa sana yung braso ni Tori para hindi ito makaalis pero halos patakbo itong umalis sa pwesto namin. Nanlulumo naman akong napaharap sa kasama ko ngayon. Now, it's just me and Dreize. Huminga muna ako ng malalim at tinignan sya. Ilang sandali lang ay nagsalita ito. "Why aren't you answering my calls?" Malamig na tanong nito. Sasagot na sana ako sa kanya ng muli syang magsalita. "Where have you been?" "And where did you get that bruises?" "Why do you always get yourself hurt? Why are you always making us worry? And..." Sandaling pinutol nya ang sinasabi nya at huminga ng malalim. "And why do you always makes me want to protect you? Huh? Why Isobel? Tell me." Hindi ko magawang masagot ang mga tanong nya dahil ayaw pa din nitong magproseso sa utak ko. Pero isa lang ang sigurado ko, I wanna cry. Unti unti nanamang bumabalik lahat. Unti unti nanaman akong kinakain ng nakaraan. Dahan dahan akong yumuko at hinayaang maglandas ang luha sa pisngi ko. Bakit ba ang emotional ko ngayon? Nakakainis. "I must be the one who's mad at you now Dreize, do you know that?" Umiiyak na sabi ko sa kanya. "I should be cursing you right now pero wala akong maisip na sapat na dahilan para gawin yon. Gusto kong magalit sayo pero hindi ko kaya. Gusto kitang saktan pero hindi ko magawa. Bakit? Bakit ako nagkakaganito?" Patuloy lang ako sa pag iyak habang sinasabi sa kanya ang mga katagang iyon. "I accepted this favor so you will be worried. I am hurt because of you alam mo ba yon? Nasaktan ako dahil sayo. Gusto kong maramdaman yung pisikal na sakit kasi natatalo na yon ng sakit dito." Sabi ko habang tinuturo ang dibdib ko. "Hindi ko na alam, wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari sa akin." Kagabi ko lang naisip ang mga bagay na ito ng makasama ko si Nay Minda. Nakausap ko sya tungkol sa nakita ko doon sa social media. Hindi dapat ako makaramdam ng kahit na ano dahil sa nakita ko. Ano nga lang ba ako? Diba kaibigan lang naman. Magkakaibigan lang kami kaya wala akong karapatan. Pero wala, wala akong nagawa para pigilan yon. Wala akong nagawa para pigilan yung nararamdaman ko. Kagabi ko lang din inamin kung tama nga ba ang nararamdaman ko. I don't want to accept it but I can't even let go of it. Pero may mali, alam kong may mali kaya alam kong tama ang naging desisyon ko. Pinunasan ko ang luha ko at muli syang tinignan. "I'm fine. It can heal easily nagawa ko naman na ito dati pa and I know I can get through with this. It is just a small scratch and it can't kill me so I want you stop worrying. I want you to stop caring. And I don't want you to protect me." Malamig na sabi ko sa kanya. "I can't understand you, anong masama kung mag alala ako? What's wrong if I want to protect you?You know how much I wanted to do that things, so why are you asking me to stop?" Naguguluhang sabi nito sa akin. Hindi na ako nag abala pang sagutin sya dahil dumating na din si Tori. Naging tahimik ang dinner namin at si Tori lang ang nagsasalita. Alam kong nahahalata nya ang kinikilos namin ni Dreize pero hindi na sya nakiaalam pa. Nauna na akong umuwi sa kanila dahil nagpapatulong si Tori sa pinsan nya na magsara ng Resto. Pagkadating ko sa bahay ay nanghihina akong lumapit sa isang mahalagang binigay sa akin ni Dreize. "Hi Reiven, alam mo ba nasasaktan ang mommy mo ngayon. Ang tanga tanga ko kasi, hinayaan ko nanaman yung sarili ko na kainin ng nakaraan." Sabi ko dito na mahimbing lang ang tulog. Natawa naman ako dahil sa kabaliwan ko. I was so stupid to fell on the same trap again. I was so stupid to let myself drown in my past. Bago maging kami ni Everson hindi ko makakalimutan kung gaano kami kasayang lima. I can still remember kung paano kami naging magkakaibigan. Tori and I are already friends dahil magkaklase kami and one day when I went on their house nagkataon na nadoon yung pinsan nya which is Dreize. Una pa lang ay nagwapuhan na ako sa kanya and hanggang sa tumagal ay inamin ko na sa sarili ko na may gusto ako sa kanya but things got different when he introduced his girlfriend to us. Hindi alam ni Tori yung nararamdaman ko sa pinsan nya and I felt sorry for her. And one time, Dreize invited us to come with him. Ipapakilala nya daw sa amin yung barkada nya and that was also the time na nakilala namin si Everson and Dustin. We all clicked together, but I can't change the fact that I still like him. But things changed noong umamin sa akin si Everson. He said that in front of our friends. Inaamin ko naman na hindi mahirap mahalin si Everson and that start the 5 years of my relationship with Everson. Kinalimutan ko yung tinatago kong nararamdaman kay Dreize at tinuon ang pansin kay Everson. Pero hindi sa lahat ng oras kampi sa akin ang tadhana dahil dumating yung panahon na nagawang manloko ni Everson and that made things a lot harder than before. Dreize is always been there for me ng maghiwalay kami ni Everson, he was always there to make me feel better and I was so stupid to think more of his acts. I really tried to avoid him pero hindi ko magawa kasi sya yung pilit na lumalapit. And today, hindi ko na kinaya. I just became a ticking bomb na bigla na lang sumabog. I didn't go to the Firm today dahil masama yung pakiramdam ko. Hindi na din ako ang abalang bumaba at kumain kaya nagpadala na lang ako kay Nay Minda ng pagkain ko. "Iha? Dalin na kaya kita sa Ospital? Naku kinakabahan ako sayong bata ka." Sabi ni Manang ng maghatid sya ng lunch ko. Umiling naman ako sa kanya at kinuha yung tray ng pagkain. "Nay Minda, don't worry po. I'm just tired kaya nawawalan ako ng gana. But I'm still eating oh." Pagbibiro ko pa. Mahina naman akong pinalo ni Nay sa braso ko. "Naku, ikaw bata ka! Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." "Opo nay,sige na po. Shupi ka na." Natatawa kong sabi sa kanya hanggang sa maisara na ni Nay yung pintuan. Dahan dahan ko namang binaba ang tray sa table at binuhat si Reiven na naglalaro sa carpet. "Hi baby Reiven, I might give you back to your real owner. Baka kasi hindi na kita maalagan eh. I will be busy with my work and I will go on different places. Hindi naman kita pwedeng isama and Nay Minda won't also be home so she can't take care of you. I hope you understand it, okay?" Naluluhang kausap ko si Reiven na nakatingin lang sa akin. Hindi man ganoon katagal na nandito si Reiven at ganon katagal na nakasama but I still love him. Ayoko syang ibalik pero ayoko din namang hayaan na hindi sya maalagaan dito atleast kapag binalik ko sya I know na maalagaan sya. Kampante ako na may magpapakain sa kanya, magpapaligo at maglalaro. And I know this is the best for me para makalimot. "I'm really really sorry." Niyakap ko ang munting tuta hanggang sa makatulog ito. Sinamantala ko naman ang pagkakataon at naligo na ako. I will give him back today to his rightful owner. Nang matapos ako ay kinuha ko sa baba ang carrier at dahan dahan na ipinasok si Reiven. Binuhat ko ito at nagpaalam kay Manang na may pupuntahan ako. Ayaw nya pa akong payagan nung una pero wala na din syang nagawa dahil nakagayak na ako. Isinakay ko na sa passenger seat si Reiven at pumunta na ako sa Driver seat. Nagdrive ako papunta sa office ni Dreize at sandaling nagpark. Binuhat ko ang carrier ni Reiven at naglakad papunta sa pwesto ng Guard. "Manong." Tawag ko dito kaya naman napatingin sya sa gawi ko. "Ano ho ang kailangan nyo Maam?" Dahan dahan ko namang inabot sa kanya ang natutulog na si Reiven kasama ang lalagyan nito. May iniwan akong sulat sa loob noon na nakalagay ang kailangang supplement ni Reiven. Naglagay din ako ng schedule ng paglilibot sa kanya. And last is my note for Dreize. Nagtataka naman si Manong ng iabot ko sa kanya yon. "Manong pakibigay na lang po sa Boss nyo. Aalis na din po ako." Sabi ko at sandali pang tinignan ang munting tuta na walang kaalam alam sa nangyayari sa paligid nya. "Ma'am ano ho bang pangalan nyo ng masabi ko kay Sir Aldreize." Pahabol na tanong ni Manong. "Hindi na po kailangan,kapag po inabot nyo sa kanya yan malalaman na po nya kung kanino nanggaling." Hindi ko na hinayaan pang magsalita si Manong at umalis na ako doon. I can't stop myself from crying when I went back to my car. Nanlalambot na tinawagan ko si Tori ng sagutin nya ang tawag ko. "Where are you?" Humihikbi kong tanong sa kanya. Nagulat naman sya ng marinig ang pag iyak ko. "Hey what happened? May nangyari ba sayo? Should I call Dreize? Nasaan ka ba?" Sunod sunod na tanong nito sa akin na tanging hikbi lang ang nasagot ko. "Isobel Haven, ano ba! Pinag aalala mo ako. Sumagot ka." "I'm sorry, I'm really really sorry. Please help me. I need you now. And please don't call him."Sabi ko sa kanya na halos bulong na lang. Nandito ako ngayon sa Condo ni Tori at kung paano ako nakarating dito ay hindi ko na din alam. Ngayon lang din ako natigil sa pag iyak habang si Tori ay nakatingin lang sa akin. "Oh ano? Ayos ka na? Baka naman pwede mo ng ipaintindi sa akin kung bakit ka umiiyak?" Panimula nito at inabutan pa ako ng tubig. Kinwento ko sa kanya lahat simula nung time na nauna kong nagustuhan ang pinsan nya and yung ginawa ko kani-kanina lang. "Seriously? Do you think I was stupid para di ko mahalata yon? Hindi mo ba naalala yung mga time na sinasadya ko talagang umalis para lang maiwan kayong dalawa? Can't you remember the time na kapag kailangan mo ako eh lagi akong busy kaya si Dreize lang ang lagi mong nakakasama? And also nung time na kayo pa ni Everson alam mo bang halos sabunutan kita noon at halos itakwil ko na si Everson sa barkada? Marami akong nagawa para sa inyong dalawa so hindi na ako magtataka kung magkakaroon kayo ng feelings sa isat isa." Dire diretsong sabi nito pero sapat na para maintindihan ko. So wala din naman palang saysay yung mga pagtatago ko sa kanya noon? Sya pa pala yung dahilan kung bakit mas lalong lumalim yung nararamdaman ko para kay Dreize. Malungkot naman akong napatingin sa kanya. "But I can't, we can't." Makahulugang sabi ko sa kanya. Naguguluhan naman syang nakatingin sa akin. "Why? Anong pumipigil sayo Isobel? You are both single, wala kayong masasaktan sa anong nararamdaman nyo." Sunod sunod akong umiling sa kanya habang umiiyak. "You don't and can't understand me." "Then explain! Make me understand. What's stoping you to love him? My cousin is always there for you, kahit na busy sya nagagawa nyang puntahan ka. Kahit na minsang mawala sa kanya yung Singaporean deal nya para lang damayan ka. He did all that just for you to be okay. Naiintindihan mo ba ako? So please tell me kung anong pumipigil sayo." Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi nya. Gusto kong lumaban,gusto kong hayaan yung sarili ko na mahalin si Dreize pero hindi na talaga pwede. I really can't do that. Huminga ako ng malalim at sinabi kay Tori ang dahilan. "I'm a mess."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD