Tinignan ko ang naging reaksyon ni Tori at halatang hindi nito naintindihan ang sinabi ko.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong nya sa akin.
"It's so hard to handle someone like me. Alam kong alam mo yon dahil sa tagal na nating magkakilala. You knew na mahirap mapredict ang mga gagawin ko at lalo na ang emotion ko. And more to do that, alam mo din kung gaano pa din ako naapektuhhan sa past ko. Ayokong masaktan sya ng hindi ko man lang napapansin."
Unti unti nyang naiintindihan ang gusto kong sabihin sa kanya kaya naman napabuntog hininga na lang sya.
"But, why don't you take a risk just this once? Just give yourself a chance at kung hindi magwork then-"
"And ano? I will sacrifice our friendship? Hindi naman pwede yon Tori. Sayang naman yung panahon na nakasama ko sya."
"But still... just try it. Take a risk, you only live once kaya wag mong hayaang masayang yung pagkakataon na mayroon ka. If it does not work out well then be platonic like your relationship with Everson. Mas okay na magsisi ka dahil may nagawa hindi yung magsisisi ka dahil wala kang nagawa."
She's right.
I should not stop myself on liking Dreize. I should fight for this feeling. Minsan ko nang pinagsisihan na itago kay Dreize ang nararamdaman ko at ayoko ng mangyari pa uli yon.
"Okay, di ko na tatakbuhan yung nararamdaman ko sa kanya." Sabi ko na nakapagpasigaw sa kanya sa tuwa.
"Sa wakas maglalayag na din ang ship ko. Tagal kong naghintay ah." Napailing na lang ako dahil sa sinabi nya.
"Ano na ang next step natin?" Tanong ko sa kanya.
"Sunduin mo yung aso mo." Sabi nito at doon ko lang naalala na binalik ko nga pala si Reiven kay Dreize.
"Pero paano yon? I'm sure na nakita na nya yung sulat ko."
"Nope. That's not gonna happen."
"Ha? Paano mo naman nasabi yan?" Tanong ko sa kanya.
"Dreize went on an overseas business trip so he's not in the company, so go now and get your dog."
Mabilis naman akong tumayo at nagpaalam sa kanya bago nagtungo sa parking para pumunta sa Company ni Dreize.
Mabilis naman akong nakarating doon walang pag aalinlangan na umakyat papunta sa office nya. Napansin ko pa ang nagtatakang mukha ng Guard na kinausap ko kanina dahil sa pagkakita sa akin. Nang makarating ako sa floor ng office nya ay binati ako ni Gracie.
"Miss Isobel."
"Hi, I just wanna ask if you receive a carrier with a dog inside."
"Yes po, Miss Isobel. I left the dog inside the office and actually kadadala ko lang po ng pagkain sa loob so I think the dog is still eating pa." She answered.
"Did you already tell this to Dreize?" Kinakabahang tanong ko.
"Hindi pa po. Hindi po kasi nagrerecieve ng any calls and texts si Sir kapag nasa business meeting sya." Sabi nya na ipinagtaka ko.
He's not receiving any calls and text? Then why can I contact him when he's overseas? Nevermind. Hindi yon ang dapat na isipin ko ngayon. Dapat ay nagpapasalamat ako don dahil hindi nya malalaman yung ginawa ko kanina.
"I don't want him to know about this. Can you keep it a secret?" Sabi ko na ipinagtaka nya pero sa huli ay pumayag din sya sa sinabi ko.
"Yes Miss I assure that I will keep it a secret." Sabi nya na ikinangiti ko. Sa akin lang naman nya gagawin iyon dahil kilala nya ako at alam nya na kilala ako ni Dreize, pero kung iba yon ay hindi nya magagawang magtago..
"Thank you very much." Sabi ko bago ako nagpaalam na kukunin na ang aso sa loob ng office. Pagkapasok ko sa loob ay una ko agad hinanap kung nasaan si Reiven. Nang makita ko kung nasaan sya ay mabilis ko iyong pinuntahan.
Nang makita nya ako ay masaya itong sumalubong sa akin.
"I miss you so much, baby." Sabi ko dito at niyakap sya. "I'm sorry iniwan ka ni mommy."
Nang makuha ko na si Reiven ay nagpaalam na akong muli kay Gracie at muling pinaalala sa kanya ang secret namin. Pagsakay namin sa kotse ay hindi ako tumuloy pauwi sa bahay kundi nagdrive ako papunta sa clinic ni Jeyci para ipacheck up si Reiven.
Nang makadating kami doon ay dumiretso agad ako sa office ni Jeyci at naabutan ko sya na naglalaro sa cellphone nya.
"Hoy! You have a patient." Bungad ko sa kanya.
"Oh? Hi, Heaven. Hi, Reiven. Rhyming ah." Sabi nito habang nakatingin pa din sa monitor ng cellphone nya.
"Hindi ka titigil dyan o ako magpapatigil sayo?" Banta ko sa kanya na hindi nya lang pinansin.
"Later, Heaven. Kita mong nagrarank ako eh."
"Isa."
"5 minutes."
"Dalawa."
"3 minutes na lang."
"Tat-"
"Fine! Eto na nga oh. Kalma lang tayo. Masyado kang hot eh." Sabi nito sa akin.
Inirapan ko lang sya at binigay na sakanya si Reiven.
"Are you going to wait or you'll just go back?" Tanong nya habang palabas kami sa office nya.
"I'll go back. I still need to sign the papers in the company." Sabi ko. "Just call me if you're done." Pahabol ko pa at lumabas na sa clinic nya.
Nagdrive na ako pabalik sa company pero huminto ako dahil may nadaanan akong isang cake shop. Nagpark muna ako sa gilid ng shop at pumasok dito. The sweetness and the aroma of coffee welcomed me when I went inside. Binati ako ng crew kaya naman napangiti ako dahil doon at binati din sila.
Nagpunta na ako sa counter at nagtingin ng oorderin ko.
Bavarian Creme, Chocolate, Strawberry, Blueberry, Creme Cheese, Lemon, Apple, Raspberry, Red Velvet. What are the flavors I saw on the glass counter? It's all mouth-watering.
Hinarap ko ang crew na naghihintay ng order ko at sinabi ang gusto kong bilin.
"Give me all the cakes you have here." Walang alinlangang sabi ko na ikinagulat nya.
"Are you sure, Ma'am?"
"Yes." I said while smiling. "And deliver it to this address." Sabi ko at inabot na sa kanya ang card ko kasama ang address ng company.
"Thank you, Ma'am." Sabi nito nang paalis na ako.
Nagdrive na ako papunta sa Company at ng tanaw ko na ito ay hindi ko maiwasang tignan kung sino ang taong naghihintay sa entrance.
Dreize?
I thought he's out of the country so why is he standing in front of my company?
Nagpark ako sa entrance kung saan sya naghihintay kaya naman napatingin sya sa sasakyan ko. Nang makababa ako ay dumiretso muna ako kay Kuya Edwin para ipa-park ang kotse ko at pagkatapos ay nagpunta na ako kay Dreize na pinapanood lang ang lahat ng galaw ko.
"Why are you here?" Tanong ko sa kanya pero nanatili lang itong nakatitig sa mukha ko pero ilang sandali lang ay nagsalita na sya.
"Aren't we going to your office?" Pabalik na tanong nya kaya naman inaya ko na sya sa taas.
Habang nasa elevator kami ay hindi talaga maiiwasan ng mga empleyado ko na tignan sya kaya naman hindi ko napigilang tumikhim kaya naman mabilis silang nag iwas ng tingin. Binalingan ko naman si Dreize na wala lang pakialam sa mga babaeng nakatingin sa kanya.
Sanay na sanay ba, Dreize?
Nang makarating kami sa floor ng office ko ay sumalubong sa amin si Ela na bumati sa amin.
"Bring us coffee." Sabi ko bago kami makapasok sa office.
Dumiretso agad ako sa couch at sumunod din sya sa akin. Magkaharap kami ngayon kaya naman malinaw kong nakikita ang reaksyon nya.
"So? What made you come here?"
"I should be the one asking you that, Isobel." Sabi nito na nakapagpakunot ng noo ko. What? This is my company so why would he ask me that question?
"What do you mean?"
"Why did you went to my company?" Tanong nito na nakapgpatigil sa akin.
Did Gracie told it to him? But I know she won't.
"Aren't you going to answer?"
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
"Tell me first if how did you know about that."
"CCTV." Maikling sabi nya na mabilis ko naming naintindihan.
"I left Reiven in your office." Sabi ko. I know that he saw it that's why I don't need to lie about that.
"And why?"
I should not tell him the reason why.
"Because... I can't leave him alone. Nay Minda is in the province and I need to go to the sites so I can't bring him that's why I left him to your office but Tori said that you were on a business trip kaya bumalik ako para kunin sya."
I'm such a good liar. I didn't even stutter while saying those words. I felt sorry for him.
"Really? And where is he now?" Tanong nito na mukhang nagdududa sa sinabi ko. I might be a good liar but Dreize knew me better.
"He's staying on my cousin's clinic." I said.
Tumango tango naman sya kaya nakahinga ako ng maluwag. I didn't get caught.
"Is that the only reason why you came here?" Tanong ko na agad ko ding pinagsisihan.
Why would I asked that question? Ano bang inaasahan ko?
Magsasalita na sana sya ng may kumatok sa pintuan. Bumukas naman ito at bumungad sa amin si Ela na dala dala ang kape na pinatimpla ko sa kanya kanina. Akala ko ay didiretso na sya papasok pero mas lalo nya pang binuksan ang pintuan. Tinignan ko kung sino iyon at ng makita ko ang dala dala nito ay mabilis akong tumayo at naglakad papalapit sa pwesto nila.
Binati ko sila at iginaya papunta sa lamesa kung saan kami kanina nag uusap ni Dreize. Tatlo silang staff ng shop na naghatid ng order ko.
"Just put it here." Nakangiting sabi ko sa kanila.
Napabaling naman ako kay Dreize na halata ang pagtataka dahil sa mga cake na ibinababa sa table.
"What is this?" Nagtatakang tanong nya na hindi ko na inabala pang sagutin.
"Ma'am, can you sign here?" Sabi ng isang lalaki at pinapirma ako. "Mukhang magfu-food tasting po ata kayo sa kasal nyo Ma'am." Sabi ng isa sa kanila na ikinalingon ko sa pwesto nito.
"You're funny. I don't even have a boyfriend tapos kasal pa." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Ay? Kung ganoon po para saan po ang mga cake na ito?"
"I just craved with it, that's all." Sabi ko na ikinagulat nila kasama na din doon si Dreize.
"Then why didn't you just buy a piece and not the whole cake?"
"That will be a hassle for them. It's too much work." I said.
Hindi makapaniwalang napailing na lang sya sa akin.
Nagpaalam na din ang nagdeliver ng cakes at hinatid na sila ni Ela kaya kami na lang dalawa ni Dreize ang naiwan dito sa office. Hindi ko naman maiwasang mailang sa tingin nya sa akin dahil para ba akong alien sa mga mata nya.
"What? Don't you have any business to attend to? or maybe some papers you need to sign?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagkunot ng noo nya na naging dahilan ng pagdidikit ng makakapal nyang kilay.
"I do. You know how busy my company is."
"Then-"
"But I can cancel my appointments if you're acting like this." He said.
"Wala naman akong ginagawang masama ah." Nakangusong sabi ko sa kanya.
"Wala pa talaga sa lagay na yan?"
"Nagcrave nga lang ako. Tsaka hindi mo naman pera yung ginamit ko ah." Naiinis ng sabi ko sa kanya.
"You're right. But what will you do with the leftovers? Do you think you can finish that?"
"I ca-"
"Call your cousins to come here or send this to them." He ordered.
"Fine." Sumusukong sabi ko at kinuha na ang cellphone ko para tawagan ang mga pinsan ko.
I called on our group chat so I can call them all at once.
Ang unang sumagot sa kanila ay si Nic na halata namang lagi na lang walang ginagawa sa buhay. Hindi na ko na ineexpect na sasagot si Kess dahil alam ko naman na magkasama sila ngayon ni Nic. At hinid nga ako nagkamali dahil narinig ko na ang boses ni Kess sa background.
Sumagot na din sila France at Zen na mukhang kayayari lang din mag lunch. Sunod na sumagot ng call ay si Mako at Jeyci.
"Why did you call?" Tanong ni Mako.
"Are you free today? or if not then I can send this to you." Sagot ko.
"Send what?" Si France naman ang nagsalita.
"Cake."
"Cake?" Nagtatakang tanong ni Zen.
"At bakit may cake?" Si Jeyci.
"May nadaanan nga kasi akong cake shop kaya dumaan muna ako doon and I just like the flavors they have so I bought all that."
"No way." Hindi makapaniwalang sabi ni Mako.
"Did I hear it right?" Rinig kong sabi ni Kess.
"We're on our way." Sabi naman ni Nic at narinig ko sa background ang pagdaing ni Kess na mukhang hinila pa ata ni Nic.
"Papunta na din ako. Minsan lang manlibre ang paborito kong pinsan kaya susulitin ko na." Sabi ni Jeyci. Hanggang sa tawag ba naman iniinis ako nito.
"I'll be there in 20." Mako said at nawala na din sa tawag.
"How about you France and Zen?"
"Yeah, see you."
"Me too. I'll be there."
Sagot nilang dalawa. Pinatay ko na ang tawag at nagpunta naman ako sa message at hinanap ang pangalan ng bunso sa aming magpipinsan. He's still studying that's why I didn't expect him to answer the call. I will just message him if he don't have classes and invite him over but if he still have classes then I will just send some for him.
To: Youngest
Hey, do you have classes today? If not then come to my office. Our cousins will come over but if you have classes then I will just send it to your house so don't you even dare skip classes.
Lovelots.
Nang maisend ko na iyon ay bumalik na ako sa pagkakaupo. Nakatitig nanaman sa akin si Dreize pero ngayon ay hindi na panghuhusga ang nasa mukha nya kundi pagkamangha.
Siguro hanggang ngayon ay bilib pa din sya sa bond na meron kaming magpipinsan.
"I already called Tori." Sabi nya ng makitang dinadial ko ang number nito. Mabilis kong kinancel ang tawag at binaba na ang phone ko. Nanatili lang akong tahimik habang hinihintay ang mga pinsan ko na dumating.
Halos ilang minuto lang ang lumipas at dumating na din si Nic at Kess na mukhang tumakbo pa ata papunta sa office ko.
"Saang marathon ba kayo galing ah?" Bungad ko sa kanila.
"We run cause your employees are asking for photos." Hinihingal na sabi ni Nic.
"That's not true."
Napatingin naman kami sa bagong dating na si Jeyci na kapwa hinihingal din kagaya ng dalawa.
"I was the one who they asked to have a picture and these idiots run along with me and left me." Pagpapaliwanag nya.
"Hindi kaya. Kami ang nauna sayo kaya kami ang hinabol noh."
"Kaya nga, mas nauna kaya kaming dumating sayo." Pagsang ayon ni Kess.
"Basta ako ang hinabol. Tapos." Sabi nito naglakad na papunta sa couch na sinundan naman kaagad ng dalawa.
Napatigil naman silang tatlo ng makita si Dreize na nakaupo doon ang pinapanood kami.
"He's the one sho told me to share this to you. Tagal din naming nag uusap ng dahil doon." Pagpapaliwanag ko sa kanila.
Lalapit na sana ako sa pwesto nilang apat ng bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si France at Zen.
"Magkasama kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Nope, nagkasabay lang kami sa Parking." Zen said na tinguan ni France.
Napatingin naman silang dalawa sa tatlo na nakatayo pa din ngayon.
"Kanina pa sila? And why do they look like that ba?" Conyong tanong France.
"See for yourself." Sabi ko at naglakad na papunta doon. Sumunod naman agad sila at nang makita ang tinitignan ng tatlo ay ganon din ang reaksyon nila.
"You bought all this cakes?" Nanlalaking mata na tanong ni Jeyci.
"Technically yes."
"Ano to? Isa isa tayo ng cake na kakainin?" Natatawang sabi ni Kess.
"Iba ka talaga Heaven. Minsan ka lang manlibre pero napakagalante naman."
"Kaya ikaw ang favorite cousin ko eh." Sabi naman ni Jeyci na inakbayan pa ako. Mabilis ko naman syang tinulak palayo sa akin. Napaka kapal ng mukha, at parang isang malaking karangalan sakin na maging paborito nya. Malas ko lang talaga.
"Oh, Hi Dreize." Pagbati ni Zen dito ng makita nya. Binati din naman sya ni Dreize na tahimik lang kaming pinapanood.
"I think I should go now, you're cousins are already here so I'm rest assured that you will not eat all this cakes that you brought." Sabi nito na ikinanguso ko.
"Epal, sige na alis ka na." Pagtataboy ko naman sa kanya. Tumayo na sya at nagpaalam na din sa mga pinsan ko.
Mabilis naming nagsi-upuan ang tatlo na agad namili ng cake na uunahin nilang kainin. Naupo na din sila France at Zen na nakigulo na din sa kanila.
Halos 10 minutes din ang lumipas at dumating na din si Mako at kasama nya si Tori na mukhang nakasabay nya din sa pagpasok.
"Gaga ano nanamang nangyari sayo ah? 9 na cakes? really?"
"Hay nako, wag mo na akong sermunan dahil nagawa na yon ng pinsan mo kanina."
"I know. Nakasalubong nga namin sya kanina nung papasok kami."
"Let's just eat okay? Alam ko naman na mauubos pa din natin ito." Sabi ko at nagpunta sa iba.
Nagtext na sa akin si Vin na may klase sya kaya naman sinabi ko na lang na padadalhan ko na lang sya sa kanila. He said okay kay naman tinuon ko na ang pansin ko sa pagkain ng mga cakes na binili ko.
Umorder pa sila ng drinks sa resto na malapit sa company kaya nagkakagulo nanaman kami kung sino ang magbabayad pero sa huli ay si Mako na ang nagbayad dahil naiingayan na sya sa amin.
My day went well at nagsibalikan na din sila sa kani-kanilang trabaho at nag uwi din sila ng cake. Nagpadala na din ako sa kay Vin and he texted me that he already receive it.
Nang makauwi ako sa bahay ay hindi ko naiwasang mahilo kaya naman maaga lang akong natulog ng araw na iyon.