Two weeks have pass and ngayong araw ay maaga akong nagising dahil tila hinahalukay ang sikmura ko kaya naman nagmamadali akong nagpunta sa CR at doon sumuka.
"Iha? ayos ka lang ba?" Bungad sa akin ni Nay Minda nang pagpasok ako sa kusina. Nakadating na sya kaninang madaling araw dahil narinig ko na may nalilinis yata sya sa likod.
"Medyo masama lang po ang pakiramdam ko pero kaya ko naman po." Nanlalambot na sabi ko.
"Sigurado ka ba, anak? Namumutla ka ah. Magpahinga ka muna ngayon at wag munang pumasok sa trabaho." Bilin ni Nay na sinang-ayunan ko. Hindi ko kasi talaga kayang pumasok kaya mas okay na din na umabsent ako.
"Kumain ka na ng makabalik ka na sa kwarto mo."
"Opo."
I was thinking if what is the reason why I feel sick all of a sudden. Is it because of the cake? Nasobrahan kaya ako ng kain kaya sumama ang pakiramdam ko? Pero matagal naman na yon..
Hapon na ng magising ako at naramdaman kong medyo umayos na ang pakiramdam ko kaya naman bumaba na ako para magmeryenda. Medyo nagcrave kasi ako sa tomato shake. I never had it before but I think it will taste good.
"Oh, Iha? maayos na ba pakiramdam mo?" Bungad ni Nay ng makapasok ako sa kusina.
"Medyo gumaan na po ang pakiramdam ko."
"May kailangan ka ba? Kung nagugutom ka ay ipagluluto kita."
Mabilis naman akong umiling at nagpunta sa ref.
"Gusto kong kumain ng tomato shake. Kahit ako na lang po ang gumawa kaya ko naman po." Sabi ko at kumuha na ng kamatis. Kumuha din ako ng honey kahit na hindi ko alam kung ayos lang bang ilagay doon.
Binalingan ko naman si Nay Minda na halatang nagtataka sa pinaggagagawa ko.
"Alam mo naman ba ang ginagawa mo iha?"
Natawa naman ako sa sinabi ni Nay kaya mas lalo itong naweirduhan sa akin.
"Nay, hindi naman po masamang mag experiment ng pagkain tsaka wag po kayong mag alala dahil alam ko pong masarap ito. Trust me on this, Nay." Sabi ko sabay kindat sa kanya. Hinayaan na lang nya ako sa pinaggagagawa ko at nagpaalam na manonood lang muna sya sa sala habang may ginagawa ako dito sa kusina.
After kong magawa ang shake na inimbento ko ay sinimulan ko na itong tikman at hindi naman ako nadisappoint sa lasa nito. Who would have thought that this will turn out so good.
Nagmamadali akong nagpunta kay Nay Minda at pinatikim sa kanya ang gawa ko. Humigop naman sya dito at hinintay ko ang reaksyon nya.
"Iha, ano ba naman itong pinaggagawa mo. Hindi nga man lang ata ito makakain eh. Itapon mo na iyan at gumawa ka na lang ng strawberry shake mo." Sabi nito sa akin habang nakangiwi pa din dahil sa ininom nya.
"But it tastes good for me. Maybe dila mo na ang may problema Nay. I will not throw this and I will not make a strawberry shake." Sabi ko at umakyat na sa kwarto ko. Nahagip pa ng mata ko ang pag iling nya bago ako umakyat.
Totoo naman kasing masarap eh.
Pagkayari kong kumain ay bigla akong nakaramdam ng antok kaya naman nahiga na ako sa kama ko at natulog uli.
Kinabukasan ay maaga uli akong nagising dahil sa pagkalikaw ng sikmura ko. Nanlalambot na napaupo ako sa sahig ng CR dahil sa panlalambot na nararamdaman ko.
"Iha? Ano nanamang nangyayari sayo?" Tanong ni Nay ng maabutan akong nakaupo sa sahig.
"Nasusuka lang po ako pero ayos naman na po ako ngayon." Sabi ko bago dahan dahan na tumayo at lumabas sa CR.
"Abay kaya mo naman bang pumasok nyan sa trabaho? Baka naman ika'y mapaano pa doon."
"Ayos lang po ako, gumaan naman na po yung pakiramdam ko nung naisuka ko na."
"Kung ano ano kasi ang kinakain mo kaya ayan."
Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni Nay Minda sa akin.
Lumabas na din si Nay ng madalhan nya ako ng tubig na may honey kaya naman naggayak na din ako para sa pagpasok.
Tinawagan ko muna si Ela kung anong schedule ko ngayon bago ako tumuloy sa pagpasok.
I have a business meeting at 10 AM and I need to visit the sites this afternoon.
Hindi naman ganon kadami kaya sa tingin ko ay kakayanin ko namang makasurvive ngayong araw.
"Good Morning, Miss Isobel." Bati sa akin ng mga empleyado ng makita ako sa elevator.
Nang makarating ako sa floor ng office ko at ay bumungad sa akin si Ela na dala dala ang mga files na pipirmahan ko at mga proposals na ichecheck ko.
"Is there any problems when I was gone?" I asked her.
"Everything is fine, Miss Isobel."
"That's good."
Nang makapasok ako ay dumiretso agad ako sa table ko at sinimulan na ang dapat kong gawin. After ng meeting ay dumiretso kaagad kami sa sites at doon na naglunch at pagkatapos ay bumalik na kami sa company para sa update ng projects sa mga places na binisita namin.
"Miss Isobel, Sir Dreize is here." Sabi ni Ela ng kumatok ito sa pintuan.
"Come in." Sabi ko habang nakatingin pa din sa files na inaayos ko.
Nang makapasok sya sa loob ay umikot agad sa buong office ko ang amoy ng body spray nya kaya naman hindi ko naiwasang maduwal dahil sa kakaibang amoy nito.
"Wait." Pagpigil ko sa kanya.
"What?"
"Don't go near me."
"And why?"
"I..."
"What?"
"I don't like your smell." Diretsang sabi ko sabay takip ng ilong ko. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha nya kaya nagpatuloy ito sa paglapit sa akin.
"You don't like my smell? What do you mean by that?" Nakakunot noong tanong nya.
"I just don't like your body spray today."
"But it's your gift, remember?" Sabi nya.
Oh? The Baccarat Rouge 540? Hindi ko alam na yun pa din pala ang ginagamit nya hanggang ngayon.
"If that's the case then change it. I will recommend another brand for you." Sabi ko na sinang ayunan naman nya kaagad.
"Just use Penhaligons The Tragedy of Lord George. It's quite expensive than Baccarat so I can guarantee you that it smell better." I said, sounding like a spoiled brat.
"Okay. Money is not a problem for me anyway." He said at naghandang maupo pero napatigil uli sya dahil sa pagbawal ko sa kanya.
"What are you doing?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"I'm about to sit."
"Didn't I told you to change your body spray?"
"Yeah but I can do that later. I still need to order that." He said like it's not a big deal.
"Then go back after you purchase that." Sabi ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang unti unting pagkainis nya dahil sa inaakto ko.
"What is happening to you? Why are you acting like that?" Tanong nya habang nagpipigil ng inis.
"I already told you. Ayoko nga ng amoy mo. It makes me sick." Hindi makapaniwalang nakatingin sya sa akin dahil sa huli kong sinabi kaya wala na syang nagawa kundi sundin ang sinabi ko.
"Fine. I'll be back at 30 and make sure that you will not give me this kind of treatment again." He said at naglakad na palabas sa office ko.
Nakahinga naman akong maluwag ng hindi ko na naamoy ang Baccarat sa loob ng office ko. As if naman makakabili agad sya nung perfume na sinabi ko, sa ibang bansa pa manggagaling yon and it will take a while before maship dito sa Philippines.
I busied myself with the paper works hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pintuan at bumungad doon si Dreize na masama ang tingin sa akin. I just look at him habang naglalakad sya papalapit sa akin at ng maamoy ko sya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng antok.
Oh my gosh. I just love his new scent. It feels like heaven.
"You can stay here anytime you want, Dreize." Sabi ko sa kanya ng makalapit na sya sa akin. Nang matitigan ko sya ng matagal ay doon ko lang napansin na nagpalit din pala sya ng damit. Well ofcourse, he needs to.
Wait, bakit ang bilis naman ata nyang makabili ng Penhaligons. Mukhang minaliit ko ata ang kakayahan ng isang Aldreize Valderama.
"Do you have that perfume on your collections?" Tanong ko sa kanya.
"Nope. I bought it on my teammate."
"How much?"
"Twofolds." Sabi nya na ikinalaki ng mata ko.
Alam ko naman na hindi nga problema sa kanya ang pera pero bakit naman doble ang binayad nya para lang sa bodyspray? Pwede naman syang umorder at hintayin maiship bago sya bumalik dito.
53,300 is not a joke.
"Ganyan ba kaimportante ang ipinunta mo dito para magbayad ka ng ganoong kalaking halaga?"
"Yes." He said without even breaking his eyes on me.
"And what is that important thing?" I asked.
"Where did you go yesterday?" He asked with his serious tone and face.
Did I hear it right?
"Pardon?" Alanganin na sabi ko.
"I said... where did you go yesterday?"
Is that all he want to ask me?
"I was at my house." I answered.
"And what did you do?"
"Rest." Maikling sagot ko na mukhang hindi nya pinaniwalaan.
"Really?"
"Yeah. Masama pakiramdam ko kahapon that's why I'm absent."
"Hmmm... okay."
"Is that all you came for?" Alanganing tanong ko sa kanya.
"Yeah, why? Are you expecting something other than that?"
What? Di naman masamang magtanong ah.
"Well, it isn't something worth the money you spent." Diretsang sabi ko sa kanya. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng inis sa mukha nya dahil sa sinabi ko.
"You're worth the money I spent and will going to spend, Isobel. Always remember that." He said na tumatak hindi lang sa isip ko kundi pati sa puso ko.
After ng sinabi nya na yon ay nagpaalam na din sya dahil may practice game sila sa football. He has a busy schedule in his company and his team but he's still making time with me, so how can I stop myself not to falling in love with this guy?
7 na ng gabi ng mapagdesisyunan kong umuwi. Pinauna ko na si Ela na umuwi kanina dahil wala na din naman syang gagawin. Nang mailagay ko na sa bag ko ang mga kailangan kong dalhin ay lumabas na din ako ng office at bumaba na. Nang makarating ako sa first floor ay bumungad sa akin si Everson na nakaupo malapit sa reception desk kaya naman tinawag ko ang pansin nito.
"What are you doing here?" I asked him ng makita nya ako.
"I was waiting for you." He said at tumayo na para lapitan ako.
"Do you need anything? Is there a problem with the project?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"My mom..." Alanganin na sabi nya na nakapagpakaba sa akin.
"Why? What happened to Tita Mandy?" Tanong ko na mababakas ang pag aalala.
Tita Mandy is like a mother to me. Sya ang madalas na sinasandalan ko noon kapag kailangan ko ng kalinga ng isang ina. She might not be my real mother but she became one when she accepted me and cared for me.
"No, my mom is fine but I came here because she wanted to have dinner with you and she asked me to personally tell it to you." He said.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nya kaya hindi na ako tumanggi at sumama na sa kanya.
"Where are we going to eat?" Tanong ko sa kanya habang nakasakay kami sa kotse nya.
"Sa bahay. My Mom will cook for our dinner." Hindi ko naman maiwasang mamiss ang luto ni Tita Lalo na yung adobo at sisig nya.
"She will definitely cook your favorite food." He said and give a short glance on me.
"Mukhang mapapadami ako ng kain ah." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Feel free... para sayo naman talaga yung niluto ni Mom."
Naging maayos ang byahe papunta sa bahay nila at ng makarating kami ay sumalubong agad si Tita na abot tenga ang ngiti.
She gave me a tight hug ng makababa na ako sa kotse while Everson kissed her Mom's forehead na lagi nyang ginagawa kahit na noong kami pa. This is what I will never forget sa mga ginagawa niya. He's a gentleman na madaling makakakuha ng puso ng mga babae so I can't blame the girl who fell in love with him when we're still together.
"Come in, iha. Alam kong magugustuhan mo yung niluto ko." Tita Mandy said while escorting me inside their house. Si Everson naman ay nagpaalam muna na aakyat para magpalit ng damit.
Hindi ko maiwasang isipin yung mga panahon na kami pa ni Everson. Ganito din ang routine namin noon kapag iniimbitahan ako ni Tita na kumain sa kanila after ng class namin.
"Iha? Is there a problem?" Napabalik ang atensyon ko kay Tita ng magsalita ito.
"I'm fine po Tita, may naalala lang po ako." Sabi ko at sumunod na sa kanya.
Ilang sandali lang naman ay nakababa na din si Everson na nakapagpalit na ng damit nya.
"Did I make you wait?" Tanong nya nang makapasok na sa kusina.
"No, hindi ka naman ganon katagal." Sabi ko na ikinatawa ni Tita.
"We're just fine, sanay naman na kami sayo eh." Tita said na sinang ayunan ko.
"Pinagtutulungan nyo nanaman akong dalawa." He said while pouting. Natawa na lang kami ni Tita dahil doon.
"Come on, let's eat."
Nang matapos ang dinner namin ay bigla na lang sumama ang pakiramdam ko kaya nagpaalam ako sa kanila at mabilis na nagpunta sa Cr. Nang matapos ako sa pagsusuka ay naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong bumagsak pero ilang sandali ang lumipas ay hindi ako nakaramdam ng sakit. Nang makita ko ang dahilan kung bakit hindi ako bumagsak ay nakita ko si Everson na nakaalalay sa akin na halata ang pag aalala sa mukha.
"What happened? May nakain ka ba na hindi maganda? Don't you like the food my Mom prepared for you?" Tanong nya na mabilis kong inilingan.
"No, Actually kahapon pa masama ang pakiramdam ko pero umayos naman na kaya pumasok na ako but I didn't know na bigla nanamang sasama ang pakiramdam ko." Paliwanag ko sa kanya habang akay akay nya ako papunta sa sala.
"Hey, what happened to you iha?" Nag aalalang tanong ni Tita ng makita ang itsura ko.
Pinaupo muna ako ni Everson bago sya nagpunta sa kusina para kumuha ng tubig. Naiwan naman kaming dalawa ni Tita sa sala kaya sinagot ko na ang tanong nya.
"Medyo masama lang po yung pakiramdam ko." Sabi ko kay Tita.
"Do you want to go to the hospital? I will tell-" She was cut off when Everson came and give me the water.
"Thanks." I said ng abutin ko iyon. Hinarap ko naman si Tita pagkatapos kong uminom. "Tita ayos lang po ako. Hindi naman po ganon kalala yung nararamdaman ko." I said to reassure her.
Napahinga naman ng malalim si Tita bago magsalita.
"If that's the case then atleast let us take care of you. Dito ka muna matulog sa bahay para hindi ka na mapagod sa byahe." She said na hindi ko na tinanggihan. Gusto ko na din kasing magpahinga kaya wala na din akong lakas para tumanggi dahil alam ko naman na ipipilit ni Tita yung gusto nya.
"Tell me if you need anything, okay?" Sabi ni Tita ng maihatid ako sa guestroom. Tumawag na ako kay Nay Minda na dito ako magpapalipas ng gabi at sinabing wag na akong hintayin.
"Magpalit ka na din ng damit mo, may natira ka pa namang damit jan sa closet mo at sa tingin ko ay kasya pa iyon sayo."
Umalis na din siya pagkatapos non at ng isasara ko na sana ang pintuan ng biglang tawagin ni Everson ang pangalan ko kaya napahinto ako.
"Why?"
"Call me if you need anything, nasa kabilang room lang ako." He said at umalis na. Hindi na ako nagtaka sa inakto nya dahil kilala ko kung gaano kaalaga at maalalahanin si Everson.
Habang nasa loob ako ay inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto na madalas ko ding tulugan kapag inaabot na ako ng gabi kila Tita. This room is still the same, from the placement of furniture and the color of the interior. Nakakatuwang isipin na naging parte din ng buhay ko ang lugar na ito.
Nagpunta na ako sa closet at nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang mga oversize shirts na paborito kong isuot noong college pa ako. Ang komportable kasi at mas madali din suotin kaysa sa mga blouse at dresses na sinusuot ng karamihan.
Kinuha ko na lang ang unang shirt na nakita ko at ang cycling short at pagkatapos ay nagpalit na ako. After that ay nagpunta na din ako sa kama para makapagpahinga na.
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako nagsuka ngayong umaga dahil baka mag alala na si Tita Mandy. Nang makababa ako ay sinalubong agad ako ni Everson na mukhang kanina pa ako hinihintay sa baba.
"Goodmorning." Bati nya ng makarating ako sa harapan nya.
"Goodmorning din." Bati ko pabalik bago hanapin ng mata ko kung nasaan si Tita. Mukhang nahalata naman iyon ni Everson kaya nagsalita ito.
"My Mom went to her amiga." He said.
"Ang aga naman ata?" Natatawang sabi ko sa kanya.
"Well, there's no time for gossips." Natawa naman ako dahil sa sinabi nya. Mga Marites nga naman talaga hindi papaawat.
"You're right."
Inaya nya na din ako ni Everson sa kusina pagkatapos naming mag usap dahil baka daw lumamig ang pagkain na hinanda ni Tita bago sya umalis.
Hindi na ako nagpalit ng damit dahil maggagayak pa naman ako bago pumasok sa office. Uuwi na lang ako ng ganito dahil tinatamad na din talaga ako na gumalaw galaw.
After ng breakfast ay nagpahatid na din ako kay Everson dahil baka matambakan pa ako ng files at madelay pa ang iba naming projects this year.
"I hope you had a good sleep last night." Sabi niya ng makababa na kami sa kotse. Dala dala ko sa kamay ko ang paper bag na naglalaman ng damit ko habang nakaharap sa kanya.
"Well, you know how comfortable I am in your house so I definitely had a good and comfortable sleep." Sabi ko naman. He was about to reply when someone interrupted him.
Nang tignan ko kung sino yon ay bumungad sa akin si Dreize na madilim ang tingin na ipinupukol sa amin ni Everson.
"I waited for you the whole night only to see that you're with your Ex and heard that you spent the night in his house." Malamig na sabi nya. "Nice one, Isobel." Panghuling sabi nya bago sya naglakad papunta sa kotse nya at pinatakbo na ito paalis.
Nice one, Isobel.