Chapter 9

3037 Words
Hindi na ako pumasok ng araw na iyon sa opisina dahil sa pagbigat ng pakiramdam ko dahil sa nangyari kanina. Kung iisipin din kasi ay wala din akong magagawa kahit na pumasok ako lalo na at maraming laman na ibang bagay ang isip ko. "Kanina ka pa jan bumubuntong hininga." Napatingin ako kay Tori na abala sa pagkain nya ng ice cream na kinuha nya sa kusina ng resto. Muli nanaman akong napabuntong hininga bago ako magsalita. "What can I do? Sa sobrang disappointed ko sa sarili ko hindi ko na din alam ang gagawin ko." "You should explain it to him. Hindi naman nya malalaman ang totoo kung magtatago ka lang dito diba?" She said. "So ano pang ginagawa mo dito? Come on, go now." Sabi nya at tinaboy na ako. Wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng resto at pumunta sa kompanya ni Dreize. Nang makarating na ako sa harapan ng building ay tila tinatakasan ako ng lakas ng loob dahil sa kabang nararamdaman ko. I don't know if how will I tell that to him, hindi ko alam kung papaniwalaan nya ba yung sasabihin ko o mas paniniwalaan nya yung nakita nya kanina. Nang makarating ako sa floor ng kompanya nya ay sumalubong sa akin si Gracie na may pag aalala sa mukha. "Miss Isobel." "Is Dreize here?" Tanong ko sa kanya. "Yes, but he's not on his usual self today. Lasing po ata syang pumasok dahil namumula po yung mukha nya tapos medyo hindi diretso yung paglalakad nya." She answered. I can't stop myself from sighing again cause I know that I'm the reason why he's acting like that. Hindi ko din maiwasang mas madisappoint pa sa sarili ko dahil sa nalaman kong kalagayan ni Dreize. "I'll go inside and I will try to talk to him." "Sige po." Naglakad na ako papunta sa office ni Dreize at naglakas loob na pumasok doon. Nang tuluyan na akong makapasok ay bumungad sa akin ang alak kaya hindi na ako nagduda pa na lasing sya. Hinanap ng mata ko kung nasan sya at hindi naman ako nabigo ng makita ko syang nakahinga sa couch habang nakatakip sa mata ang braso nya. Naglakad ako palapit sa kanya at ng tuluyan na akong nasa harapan nya ay mas nakita ko pa kung gaano kamiserable ang kondisyon nya. Hindi nakabutton nang maayos ang shirt nya at hindi nakaayos ang pagkakatuck in nito sa pants nya na kahit kalian ay hindi hinayaan ni Dreize. He's always neat when it comes to his clothing at kahit na naglalaro sila ay makikita talaga na malinis syang tao pagdating sa pananamit. I just watch him while he's peacefully sleeping. Ilang minuto akong nanatali sa ganong posisyon ng marinig ko na magsalita sya. "Isobel." Tawag nito sa akin na ipinagtaka ko. Is he awake? Magsasalita na sana ako ng marinig kong muli ang pagtawag nya sa pangalan ko pero hindi yon ang naging dahilan kung bakit ako napatigil kung hindi ang mga sumunod na katagang sinabi nya. "I like you..." I was frozen for minutes bago ko marehistro sa isip ko ang sinabi nya. "He likes me." Mahinang bulong ko sa sarili ko. "You're so cruel..." He said. I'm sure that he is dreaming. "Dreize?" Paggising ko sa kanya. Napaungol naman sya dahil sa pagtawag ko sa at pag uga sa balikat nya. "Dreize wake up." Nang sa wakas ay nagising na sya ay nakita ko ang pagkagulat sa ekspresyon nya ng makita akong nasa harapan nya pero sandali lang yon dahil napalitan din agad iyon ng lungkot. "You're not real. It's just my imagination..." He said while staring at me. "Dreize." Hahawakan ko sana ang mukha nya ng bigla syang umiwas at sa bumaling sa kabila. "No, don't touch me. Sa oras na hawakan mo ko alam kong mawawala ka and I don't want you to go." Hindi ko mapigilang maluha dahil sa sinabi nya. I'm hurting the person I like and it pains me more to see him like this. "Please Dreize... It's me. I'm here." I said with my pleading voice. I extended my hand again to touch his face and this time I succeeded. "See? I'm here." Pumikit ako dahil hindi ko kayang makita na ganito sya. The last I saw him like this is when he broke up with his first girlfriend. He's wasted that time and he never talks to all of us. We remained in that position for minutes but when I felt something on my hands, I slowly opened my eyes and I was frozen for a second when I saw that he was crying. It's his tears. Tinignan ko ang kamay ko na may patak ng luha nya. "Ang sakit..." He said while crying. "I already lost a chance when he entered your life and I lost again for the second time. Why is it so hard to love you? Did I make a grave sin in my past life that's why I'm experiencing this kind of pain right now?" I don't know what to say so I just hug him and let him cry on my shoulder. "Hindi ba pwedeng ako naman?Ako naman yung piliin mo sa pagkakataon nato?" "Dreize." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap sya. "Why? Is it not possible?" "Lasing ka lang, Dreize. You should sober up and we'll talk again." Sabi ko sa kanya. Tatayo na sana ako ng pigilan nya ako sa braso. "I'm not drunk... I'm broken." "No, you're drunk. Hindi mo alam yung-" "I like you. Matagal na..." I didn't say anything. "But you like someone else. You will never like me, you only see me as a friend, and you-" "I like you." Walang pagdadalawang isip na sabi ko habang hindi pa din inaalis ang tingin sa mga mata nya. He was left dumbfounded so I took this opportunity para puntahan si Gracie at pakuhanin ng lugaw. Maglalakad na sana ako paalis ng abutin muli ni Dreize ang kamay ko. Binalingan ko sya at nakita ko ang pagdadalawang isip sa mga mata nya kaya naman hinarap ko uli sya. "What's wrong? May sasabihin ka ba?" Tanong ko. Sandaling kumunot ang noo nya at pagkatapos ay umiling sa akin. "Nothing, I think I'm just hearing things because of alcohol. Don't mind me." He said na nakapagpangisi sa akin. "I will ask Gracie to prepare your food. Dito ka lang muna." Hindi ko na sya hinyaan na magsalita at naglakad na ako palabas ng office nya. Pagkalabas ko ay bumungad na sa akin si Gracie kaya naman sinabi ko na sa kanya ang kailangan ko. "You can buy porridge or macaroni soup and one coffee." She instantly went outside kaya naman muli akong pumasok sa office ni Dreize pero napahinto ako ng makaramdam ng hilo. Hindi ko napigilang mapahawak sa pintuan dahil tila nanlalambot ang mga tuhod ko. "Hey, what's wrong?" Narinig kong sabi ni Dreize ng makita nya ako. "Nahilo lang." I said at naglakad na papunta sa pwesto nya. "Are you sure?" Tumango naman ako bilang sagot. "Nakapagpabili na ako ng makakain mo kay Gracie. Hihintayin ko muna syang makabalik bago ako umalis." We waited for minutes hanggang sa makabalik si Gracie dala ang mga pinabili ko sa kanya. "Eat this para magkaroon ng laman yung tiyan mo. And after that drink this medicine so you will not have a headache." Bilin ko sa kanya. Binilinan ko din kanina si Gracie na tignan tignan ang boss nya kung ayos na ito. "Saan ka pupunta?" He asked. "Company. Marami pa akong ichecheck na papers kaya aalis na din ako. Naibilin naman na kita sa Secretary mo kaya makakapante na ako and you should also take care of yourself ayokong makikita na ganito ka nanaman umagang umaga." Sermon ko pa sa kanya. Hindi na sya umimik pa kaya naman naglakad na ako palabas pagkatapos kong sabihin yon sa kanya. Maggagabi na nang mapagdesisyunan ko na mag out na sa work. Tinapos ko na din kasi ang iba pang mga papeles na para sana bukas dahil baka sumama nanaman ang pakiramdam ko. Nang makauwi ako sa bahay ay bagsak agad ako sa higaan at hindi ko na nagawa pang makapagpalit ng pantulog. 3 weeks have passed and I'm still experiencing the vomiting every morning and I often crave for unusual foods na hindi ko naman madalas kainin o never ko pang nakakain. I know it's weird but I just shrugged the thought of it and focused myself on work. As long as wala naman akong nararamdaman na masakit sa katawan ko ay wala naman sigurong problema. Ayoko ng idepende ang sarili ko sa mga gamot at sa Ospital. Bukod sa magastos talaga ay nagiging cause pa yon ng pag aalala ng pamilya ko. And hindi naman na bago sa akin ito lalo na at alam ko naman na mahina talaga ang katawan ko at madali akong magkasakit. "Isobel?" Napatingin ako kay Zen na kanina pa pala ako kinakausap. Nasa Resto kami ngayon ni Tori dahil nagkayayaan nanaman ang mga pinsan ko. "What is it again?" "I just want to know if you wanted to open a branch in Singapore." She asked. "Ofcourse, but it is not possible this year. Marami pa kasing mga projects dito sa Philippines and I just can't open another branch while we're all busy. Baka hindi ko maharap yung new branch o kaya naman ay mapabayaan ko yung branch dito." I said. I'm still considering the branch in Singapore kaya medyo nai-stress ako sa trabaho ngayon. "You have a point, mas okay talaga na sure ka bago ka magsimula uli ng branch sa ibang bansa." She said habang tumatango tango pa. May kanya kanyang mundo ang lahat kaya naman malaya kaming nakakapag usap ni Zen. "How about you? Are you still planning to open another branch in Korea?" I asked her. Nag isip naman sya sandali pero tumango din kaagad. "Of course, you know that it is my dream. Una pa lang ay desidido na akong mag open ng branch sa Korea." She said. As you all know Zen is a wedding coordinator and she already has 3 branches here in the Philippines and 1 in Australia right now she's planning on making another branch in Korea which is her dream place. "Then we should execute the plan so you can open up another branch sooner." I said. Narinig naman ng mga pinsan namin yon kaya nabaling na sa amin ang atensyon nilang lahat. "What branch?" Mako asked. "Pagkakaperahan ba yan?" Pagsingit naman ni Nic na nanlalaki pa ang mata. "Sali ako." Sabi naman ni Kess na walang kamalay malay sa pinag uusapan namin. Napailing na lang si Zen dahil sa dalawa at sinagot na nya ang tanong ni Mako. "I'm actually planning on opening up another branch in Korea and since hindi naman ganon kabusy ang schedule ko dito, itutuloy ko na yung plano sa Korea." She explained. "That's good to hear." Mako commented. "Are you going to stay there while the company is still in progress?" Tanong naman ni Jeyci. "He's right, you're going to stay there ba?" Pagsang ayon naman ni France. "Well, I should stay there. Wala namang pwedeng magbantay don kundi ako and I also want to personally see the place and meet the people around there. Sa ganoong paraan kasi mas mapapadali ang trabaho ko, right?" Tumango naman kami sa sinabi nya. If that's the case then we all don't have a choice. It's still her decision that will matter the most. All we cared about is what will make her happy and if that's what will make her happy then we will also be happy with that. "Then good luck and congrats on your next branch, Zen." Sabi ni Mako. "Congrats ate." Bati naman ni Vin. "I'm so happy for you talaga." France said. "Blow out naman jan." Nic "Paparty na yan." Kess Kanya kanya kami ng bati kay Zen pero hindi nakaligtas sa akin ang pagiging tahimik ni Jeyci na bihira lang mangyari. "What's wrong?" Tawag pansin ko sa kanya. Hindi naman kami napansin ng iba naming pinsan dahil sa ingay ni Kess at Nic. "Nothing." Maikling sabi nya na lalong nakapagpataka sa akin. I'm not insensitive, Jeyci. Sabi ko sa isip isip ko. "Don't lie to me, I know there is something wrong." I said. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya bago magsalita. "Come with me." He said na tinanguan ko lang. Nagpaalam muna ako sa mga pinsan namin na magsi-CR lang ako at magpapasama kay Jeyci. Hindi naman sila magtataka don dahil nakasanayan na namin na may isa sa kanila na sasamahan kami sa CR lalo na kapag nasa bar kami at madaming tao. They always protects us kaya kahit saan kami magpunta ay dapat may kasama kami na magbabantay sa amin. Sa parking lot ako dinala ni Jeyci kaya naman mas rinig ko na ang malalakas na pagbuntong hininga nya. "Now, tell me. What's bothering you?" I asked him. "It's about Zen." "What about her?" Nasa kanya lang ang atensyon ko habang matiyagang hinihintay kung ano ang sasabihin nya. "She told you that she's going to Korea because of her new branch, right?" He asked me na tinanguan ko. "That's not the reason why she wanted to go there." Sabi nito na nakapagpakunot ng noo ko. "I don't get what you were saying." Naguguluhang sabi ko sa kanya. "We all knew his boyfriend, she introduced him to us a few months ago if I'm not mistaken." Sabi nya na tinanguan ko uli. "What about that guy?" "He's in Korea." "And?" "And-" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinutol ang sasabihin nya. "Can you cut the chase and just tell it directly?" Iritableng sabi ko sa kanya. Hindi naman sya makapaniwala sa sinabi ko kaya napasinghap sya. "Okay, okay... Chill." He said. "Now tell me." Sabi ko at humalukipkip pa. "Her boyfriend proposed to her 2 weeks ago and she rejected it. He said that it was fine and he understands her. And last week, her boyfriend fly to Korea to attend a business conference but after two days a friend of Zen called and told her that she saw his boyfriend with another girl, clinging to each other. That someone also saw them go into the same hotel room while kissing each other. She called Zen on the same day she saw that and that same day Zen told me everything and asked me to keep it a secret for the meantime." "So to make it short... she will go there because she wanted to confirm if his boyfriend is really cheating on her." Nakatulalang sabi ko habang dinadigest pa din ang nalaman ko. "Yeah, that's what I think." Based on what I heard, there is a big possibility that it is the reason why she wanted to go to Korea. I know that Zen loves that guy and she's not just ready to get married that's why she rejected his proposal. "What's your plan, then? Are you going to stop her? To confront her?" "I don't know... that's why I'm preoccupied since she announced that. I don't know what to do and what to say." He's the one that is more affected with this dahil silang dalawa ang pinakaclose sa isa't isa. Hindi totoo na ako ang paborito nya and I don't have any hard feelings with that kasi hindi ko din gugustuhin yon. "Let's just go back for now, we still have time to think about how we will approach her and talk to her." Sabi ko sa kanya na tinanguan nya. Baka magtaka na sila kung bakit napatagal kami. Nang makabalik kami sa table ay tahimik ang lahat na ipinagtaka naming dalawa ni Jeyci. "Is there a problem?" Tanong ko ng makaupo na kami. Walang sumagot sa kanila nung una pero ilang sandali lang ay nagsalita na si Mako. "Zen's boyfriend called and broke up with her." He said kaya mabilis na napatingin ako kay Jeyci na nakatingin na din pala sa akin. I nodded at him na mukhang naintindihan naman nya dahil sa pagtango nito pabalik sa akin. I think it's time to ask her about her plan on going to Korea and the real reason why she wanted to go there. "Then I think you don't have any reason to go to Korea, right?" Napatingin naman lahat ng pinsan namin kay Jeyci dahil sa sinabi nito. Lahat sila ay nagtataka sa sinabi nito kaya naman ako na ang nagsalita at hinarap si Zen. "I heard from Jeyci that Andrei is cheating on you. He didn't tell me because he can't keep your secret but I forced him to tell it to me so don't blame him." I said. "We all just want to know from you is the real reason why you wanted to go to Korea. We are not against you going to that country but we just wanted to know your reason. Mahirap kasi na hayaan ka namin na magpunta sa foreign country without knowing your reasons. " Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming lahat ng makapagsalita ako kaya naman kinuha ko na lang ang pagkakataon na iyon para sabihin lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. "You knew that we will always support you but if that is something na ikakasakit mo, hindi kami papayag sa gusto mo. We're just your cousins and we don't have the right to control your decisions but we can help you decide what is right and what is wrong but in the end, it's still your own choice." "You don't have to ruin yourself just because of him. Remember na kinaya mong mabuhay ng wala sya kaya kakayanin mo din na wala sya. Don't let that guy ruin your dreams. Kung pupunta ka sa Korea, that's because of your shop and not because of someone who cheated on you. Please, isipin mo muna yung sarili mo bago yung iba. Always choose what's good for you and that is the best choice." After ng sinabi ko ay naiyak na lang si Zen at hindi na nagawa pang magsalita and with that we can already tell her reason. She's guilty. "I'm sorry... sorry for lying to all of you and sorry for not trusting you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD