Chapter 12

3208 Words
"Come on, ihahatid na kita sa inyo." He said dahil hanggang ngayon ay wala pa din ako kibo. "Isobel." Muling tawag nya sa pangalan ko. Unconciously, hinawakan ko ang tyan ko at napabuntong hininga bago ko inangat ang tingin ko kay Dreize at tumango sa kanya. "I haven't-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng putulin nya ito. "I know, let's stop by the nearest restaurant here." Nakalimutan ko din kumain dahil naoccupy talaga ako ng trabaho. Maaga ko din pinauwi si Ela kaya walang nakapagpaalala sa akin na hindi pa ako nagdidinner. "Don't overthink, okay? Just promise to yourself that you will not do this again." Bilin nya sa akin habang naglalakad kami palabas sa office ko. "Or maybe you can just take a leave. You can ask Mako to look after your company or if you want to, you can ask me. I know I can handle this kind of business." He suggested. "No, it's fine. Hindi na mauulit to." Sabi ko sa kanya at sabi ko din sa sarili ko. I should not do this again or I will end up becoming the person I hated the most. "Then it's settled. I will look after you just in case you forgot." Tinanguan ko naman ang sinabi nya. Gaya ng sabi ni Dreize, kumain muna kami bago nya ako inihatid sa bahay. Pagkarating namin sa bahay ay Sinalubong kaagad kami ng nag aalalang si Nay Minda na hawak hawak pa ang cellphone nya. "Naku'ng bata ka! Kanina pa ako nag aalala sa iyo, akala ko ay napano ka nanaman." Sabi nya sa akin ng makababa ako sa kotse ni Dreize. "Nay, Nawala po sa isip ko yung oras sa dami ng mga inaayos ko na proposal kanina." Sabi ko naman sa kanya bago hinarap si Dreize na nasa tabi ko. "Do you want to stay over?" Tanong ko sa kanya dahil baka pagod na syang magdrive. "No, it's okay." "You sure?" Paninigurado ko sa kanya na tinanguan nya. "I'll pick you up tomorrow." He said bago sya magpaalam sa amin. Inaya ko naman na si Nay Minda na pumasok para makauwi na si Dreize. Masama nanaman ang pakiramdam na nagising ako kaninang umaga kaya naman tinanghali na ako ng pasok. Tinawagan ko din si Dreize na wag na nya akong sunduin dahil tatanghaliin na akong pumasok but he still insisted na sunduin ako kaya naman 10:30 pa lang ay nasa bahay na sya. Nasa opisina na ako ngayon at inaayos ang mga naiwan ko kagabi na papers. Hindi ko na din kasi naayos dahil sa paglipad ng isip ko kung saan saan. "Miss Isobel." Tawag ni Ela sa akin pagkatapos nyang kumatok. "Yes?" Tanong ko sa kanya habang nakaharap pa din sa proposal na nirerevise ko. "Sir Dreize called me and told me to remind you that it's lunchtime." She said kaya naman unconsciously ay napatingin ako sa orasan. She's right, 12:01 na ng tanghali. Wait, did I just hear Dreize's name? "Dreize called?" "Yes, Miss." "Oh, okay. You can have your lunch now." "And Miss, he also sent this meal for you." Sabi nya habang dala dala ang paper bag ng isang sikat na restaurant dito. Ngayon ko lang napansin na may dala dala nga sya. "Thank you." Sabi ko bago sya lumabas. Tinignan ko naman ang laman ng paper bag at meron doon sticky note kaya naman kinuha ko ito at binasa. "Eat your lunch and I'll pick you up later." Yon lang ang nakalagay sa note pero sapat na iyon para makapagpangiti sa akin. "Look how lucky we are baby, your mom has a sweet and loving suitor." Sabi ko habang nakahawak sa tyan ko. I ate my lunch with a smile on my face. Sino bang hindi mapapangiti kung yung crush mo nagpapadala ng pagkain sayo at sinusundo ka. "Miss Isobel? Sir Dreize is here." Sabi ni Ela na nakapagpangiti sa akin. This has been our routine for the past five months and now I am 27 weeks pregnant. Malaki na ang tyan ko at medyo nahihirapan na din ako sa paggalaw galaw. Nasa Korean Restaurant kami ngayon at as usual ay kasama ko ang mga pinsan ko na walang ibang ginawa kundi asarin ako na butete lalo na si Nic at Kess. Halos sa araw araw ata na ginawa ng Diyos ay walang ibang ginawa ang dalawa na ito kundi bantayan ang paglaki ng tyan ko at bwisitin ako. "You know what Isobel, hindi ko ba maintindihan sayo kung bakit si Vin ang pinaglihian mo eh lagi naman kaming nandito ni Kess. Hindi ka ba nangangarap na magkaroon ng napakagwapong anak?" "And hindi ko din maintindihan kila tito kung bakit hindi ka pa nila tinatakwil." Sabi naman ni Zen na ikinatawa naming lahat maliban kay Nic na masama ang tingin kay Zen. "They can't disown me cause I'm handsome." Mayabang na sabi nya na ikinailing ko. "Hindi ko ba alam kung bakit natagalan nating kasama tong isa na to." Sabi ng kambal nya. "And the fact that you stayed in the same womb with this guy. Saludo naman ako jan sa iyo France." Sabi naman ni Jeyci na tuwang tuwa sa nangyayari ngayon. Inikot ko ang tingin ko sa buong lamesa at hindi nakawala sa pansin ko ang pananahimik ni Kess kaya naman kinuha ko ang pansin nya. "You okay?" I asked him. "Yeah." Maikling sagot nya. "Really? Is there anything bothering you?" Napabuntong hininga naman sya bago nagsalita. Napansin ko na nasa amin na din nag pansin ng mga pinsan namin kaya naman sabay sabay kaming naghintay sa sasabihin ni Kess. "I'm just wondering if Vin will look like your child. And does that mean your baby is Vin's child?" Sabay sabay kaming napahawak sa noo namin at napabuntong hininga dahil sa sinabi ni Kess. Ano nga bang aasahan namin sa kanya. "Let's just eat, okay?" Mako said na halatang nabigla din sa narinig nya. After naming kumain ay nagpunta kami sa mall para magtingin ng baby stuffs. "How will we choose the baby's clothes if we don't know the gender?" Tanong ni Vin. "We can choose unisex," Zen said. "Yeah and mostly baby's clothes are white. And we can choose yellow or red for the baby's other stuff like a crib." Sabi ni Mako na nakapagpagulat sa amin. "You do know a lot of babies stuffs ah, siguro you also wanted to have a baby na." Sabi ni France. "It's not a bad thing you know." He said na sinang-ayunan ko. He's right naman talaga. Nasa tamang edad na kaming lahat to build our own family kaya natural lang na magkaroon kami ng idea sa mga ganitong bagay. "You have a point jan." Pagsang-ayon din ni France. After naming makabili ay nagkanya kanya na silang buhat ng mga pinamili namin. Si Nic sa crib, si Kess sa stroller at baby carrier, si Mako sa infant bath tub, si Vin sa mga clothes, si Zen sa mga feeding bottles and diapers, si France sa mga bath items, and si Jeyci sa changing basket. Actually yang mga yan na lang ang kulang sa kwarto ni baby. Nakapag ayos na kami ng nursery room and eto na lang ang kulang. And kung hindi nyo natatanong kung sino ang halos bumili ng mga naunang gamit ay walang iba kundi ang magpinsang Dreize and Tori. Mas excited pa ata silang dalawa kaysa sa akin. Nagulat na lang ako isang araw may truck sa harap ng bahay at nagbababa ng mga gamit na hindi ko naman inorder. Akala ko nga noong una namali lang ng address pero ng makita kong kasunod ang sasakyan ni Dreize ay nakumpirma ko na tama ang lugar. Nagalit ako sa kanya that time pero wala na din akong nagawa dahil nabili na kaya naman sinabi ko sa kanya na babayaran ko sa kanya yung mga binili nya pero ayaw pa din kaya naman napagkasunduan namin na hati na lang kami. Nang makarating kami sa bahay ay pinasok na din nila sa loob ang lahat ng pinamili at inakyat sa nursery room. Nagstay muna sila sa bahay hanggang gabi kaya naman naayos na din namin sa kwarto ang mga gamit. Pagkauwi nila ay sya namang pagdating ni Dreize na kagagaling lang sa business meeting sa Singapore. One week sya doon kaya naman madalas na kasama ko ay si Tori dahil pinababantayan daw ako ni Dreize sa kanya. Hindi na nga pala ako pumapasok sa office pero yung mga kailangan na gawin ay pinapadala ko dito kay Ela. "Iha, maiwan ko na kayo dito at magtitiklop lang ako ng mga nilabhan." Paalam ni Nay Minda sa amin. Nasa sala kami ni Dreize at nanonood sa Netflix. May mga fruits din na hiniwa kanina ni Dreize bago sya magpunta dito sa sala. "Hey, muntik ko ng makalimutan. I will be in France for a month because of the conference meeting and I need to stay there after that for the new branch." He said habang nakatingin sa akin. A month? I will be 31 weeks pregnant at that time. Well it's not like manganganak na ako non or it's not like he needs to be by my side all the time kaya wala namang problema. "Kailan ka aalis?" Tanong ko sa kanya. "Uhm-tomorrow." He said. Tomorrow. Yeah, he just came home from a week-long business meeting and now he's going to another business conference but for a month. "Maybe you can also tell me your schedules after a month so that I won't be surprised or so that I won't have to wait just for you to leave again." I said habang diretsong nakatingin sa kanya. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagkagulat nya dahil sa sinabi ko. "I'm sorry but I just need to be there. You know that my sister can't help me with the business so I need to handle it by myself for now." Paliwanag nya sa akin. "Dreize, I'm not holding you back or anything. I don't care if you need to handle your business or you need to go to different countries and stay there for a month, for a year, or even for a decade. I don't care about that. Ang sa akin lang, sana magsabi ka naman kaagad para naman makapaghanda ako o kahit na para na lang hindi ako maghintay sayo para lang malaman ko na aalis ka nanaman." "I'm sorry if I made you feel that way. I just-" "Stop saying sorry, that's not what I need from you. All I want is for you to tell me that I don't need to wait for you." Sabi ko sa kanya na nakapagpgulat sa kanya. "Hey, Isobel." He said to me almost pleading. Hahawakan sana nya ang kamay ko kaya lang ay mabilis ko itong iniwas. "Please, listen." "I don't want to keep you waiting but I also don't want the idea that I won't come back, that I won't be able to come back to you because no one is waiting for me. Please don't do this." He said na ngayon ay nagmamakaawa na sa akin. "Don't be confused Dreize. You have no responsibility to me. You have nothing to choose from. You don't have to choose if it's your job or me." I said dahil yon naman ang totoo. I still remember the time he told me that he liked me in front of the clinic and at that time, he insisted on taking the responsibility but seeing the situation now, I don't think he can handle the responsibility. Well, I understand him at some point. This baby is not his son but he decided to take responsibility and I salute him for that. This is what I liked about him. He's a nice person. "I told you that I will-" "Well, you don't have to. Just focus on your business cause I don't want to be the reason if something happens to your company." "Isobel." Pagod na tawag nya sa pangalan ko na ikinangiti ko. I found it amusing at some point. This is the first time I heard him get tired of calling my name. Or maybe it's not my name that he gets tired of calling and maybe sa akin na talaga sya napapagod. "It's late and I need to rest too and so do you. I think maaga pa ang flight mo bukas." Sabi ko at tumayo na. Hindi ko na sya hinayaan na makapagsalita dahil naglakad na ako paakyat sa hagdan. Nahagip pa ng mata ko na aalalayan nya sana akong umakyat sa hagdan kaya lang ay binilisan ko na ang lakad ko. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay doon ko lang narinig ang pagsara ng front door kaya naman napaupo na lang ako sa kama ko at napabuntong hininga. "We need to stay strong baby." Sabi ko habang hawak hawak ang tyan ko. After a month ay nakarecieve ako ng email kay Dreize. Madalas naman syang tumawag sa akin noong nasa France sya and I think yon yung way nya para bigyan ako ng assurance. And ngayon nakarecieve ako ng email mula sa kanya. Una pa lang ay hindi na maganda ang kutob sa laman ng email nya kaya naman binuksan ko ay gabi na simula ng marecieve ko kinaumagahan. And kagaya nga ng ineexpect ko ay nakalagay doon na kailangan nyang magstay don for another 2 weeks dahil nagkaroon ng problema sa isa nilang planta. I replied with a simple 'okay' dahil wala naman akong ibang sasabihin sa kanya kundi yon. Another 2 weeks and I'm 33 weeks pregnant at that time and 3 more weeks ay makikita ko na ang anak ko. "Isobel, nanjan ang mga pinsan mo sa baba." Sabi ni Nay Minda sa akin. Sasabihin ko pa lang sana kay Nay Minda na paakyatin sila dito sa taas ay nagsulputan na silang lahat dito sa kwarto ko. "Hey, butete." Bati sa akin ni Nic na may dala dala pang isang basket ng prutas. "Aba, para namang dumadalaw ka sa may sakit." Puna ni Nay Minda habang nakatingin sa basket na dala ni Nic. "Nay, eto lang kasi available na prutas na nadaanan namin." "Ay nakong bata ka talaga." Sabi ni Nay at nagpaalam na din. "Hey, in less than a month we will know the gender of the baby." Sabi ni Jeyci na nakaupo na sa gilid ng kama ko. "Yeah, I'm so excited na." Masayang sabi ni France. "Anak mo? Anak mo?" Pambabara naman ng kambal nya kaya naman nauwi na sa away ang usapan. Napailing na lang ako dahil sa dalawa. Napansin ko na wala si Vin at Kess kaya naman tinanong ko si Jeyci na nasa tabi ko. "Where's Vin and Kess?" "Si Vin gumagawa ng project kasama yung schoolmates nya and si Kess may hangover pa, nakipag inuman ata sa mga kabarkada nya kagabi." Sagot nya. Binalingan ko naman si Zen na abala sa cellphone nya dahil kanina pa sya doon nakatingin. "Zenaida, what's on your phone and you can't take your eyes off it." Sabi ko sa kanya kaya naman napatingin sya sa akin. She gave me a you-already-know-look kaya naman napailing na lang ako. "When will you move to the room downstairs?" Napatingin ako Mako dahil sa tanong nya. Buti pala pinaalala nya. Sinabi nga pala sa akin ng doctor na wag daw muna ako sa taas magstay para mas madali kapag biglang humilab yung tyan ko. Hindi din kasi maganda na aakyat pa ako sa hagdan dahil baka mamaya ay maaksidente pa ako. "Maybe tomorrow." I answered. "We don't know when you will give birth so you have moved to the room downstairs." May point naman sya. Mas okay na din na sure. "Okay." Sabi ko sa kanya. Lumipat na kami sa kwarto sa baba, nalinis naman na iyon ni Nay kaya anytime talaga ay pwede na akong lumipat doon. Tinatamad lang talaga ako maglakad kahit na kailangan ko naman talaga maglakad lakad dahil minamanas yung paa ko. "Don't you have work?" Tanong ko sa kanila ng makapagsettle na kaming lahat dito sa loob ng kwarto. "It can wait, hindi naman ikakabagsak ng kompanya ko yung isang araw na absent ko." Mayabang na sabi ni Nic. His business is something about supplying sports materials like balls, racket and anything that concerns sports. "I closed the clinic for now, madami namang vet jan sa tabi tabi." Sabi naman ni Jeyci na akala mo hindi buhay ng mga hayop ang tinutukoy nya. "Sometimes nagtataka din ako kung bakit vet ang kinuha mo." Puna ni Zen sa kanya. Napapaisip din ako sa part na yan. Si France naman ay tapos na daw ang designs nila for this week kaya anytime pwede lang sya umalis sa clothing line nya. May mga staffs naman sya na naghahandle sa shop if ever man na may customer na kumuha ng orders. And Zen as we all know ay wedding coordinator kaya naman and hindi naman araw araw na may kinakasal kaya naman hindi ganoon kabusy ang sched nya. Actually tumatanggap din naman sya ng project like birthday party o mga events sa company pero ang pinakafocus kasi ng business nya ay wedding. "Bahala nasi daddy sa company nya, wala naman talaga akong balak na maghandle non." Sabi naman ni Kess na ikinailing ni Mako. Given na ganyan ang magiging reaksyon nya dahil sa aming lahat ay sya ang business minded. "You should accept it by now that you're the only one who will inherit your company." Sermon nya dito kaya naman napanguso na lang si Kess dahil tototo naman yung sinabi ni Mako. Wala naman kasing ibang anak sila Tito kaya sya lang talaga ang pag asa nila. "Hindi ko ba pwedeng-" "If that is your plan, then you can delete your name from the family registry." Sabi ni Mako na nakapagpalaki ng mata naming lahat. Tila nawalan naman ng kulay ang buong mukha ni Kess dahil sa narinig nya. Ilang sandali lang naman ay nakarecover na sya at nagsalita na. "Mako naman, di ka na mabiro." Alanganin na sabi nya na halata pa din ang kaba. Binaling ko naman ang tingin ko kay Mako pero madilim pa din ang ekspresyon nito. "Don't make jokes about such things, especially the ones your parents worked so hard for. I know we are all born na nakukuha natin lahat ng gusto natin but that doesn't mean we can just live like this. We will not depend on our parents for life and they will not be here forever." He said. Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso si Mako at alam ko na hindi lang ako ang nakapansin nito. Never nyang pinersonal ang mga biro ni Nic at Kess kaya naman hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaksyon nya. Kess wasn't able to defend himself dahil tumayo na si Mako at naglakad na palabas ng bahay. Hahabulin ko sana sya kaya lang ay naalala ko yung sitwasyon ko kaya wala na akong nagawa at napabuntong hininga na lang. I can't overdo myself dahil nasa kritikal na kalagayan ako ngayon. Magiging delikado para sa baby na lumabas sya ngayon at hindi din maayos ang pagbubuntis ko kaya naman kailangan na makumpleto ang buwan bago ako manganak. I looked at Kess at ganoon na lang nadurog ang puso ko na makita syang umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD