Chapter 11

3319 Words
A month has passed and the baby in my womb is seven weeks old. Ang bilis lang ng panahon dahil higit magdadalawang buwan na sya at hindi ko maiwasang matakot dahil hindi ko alam kung anong maaaring mangyari sa mga susunod na araw. "Hey, what are you thinking? Are you okay? Sumasakit ba yung tyan mo?" Nabalik ako sa wisyo dahil sa sunod sunod na tanong sa akin ni Dreize. This guy... Kung isang buwan na ang nakalipas, isang buwan na din syang nakabuntot sa akin at masasabi ko na walang araw na hindi ko sya nakikita sa harapan ko. Well, I like it. Sino ba namang hindi matutuwa na kasama ang crush nya? "You're always asking that and obviously paulit ulit lang din sinasagot ko sayo." May halong inis na sabi ko sa kanya. "Okay, calm down. Don't stress yourself. Hindi na ako magtatanong." "Aba, kasalanan mo naman kung bakit ako nastress eh." "Yeah, that's why I'm apologizing." Sabi nito. "You really should." I said at naglakad na. Nasa mall kami ngayon at naghahanap ng mga comfortable clothes na pwede kong suotin. Karamihan kasi ng mga damit ko ay denim and formal dresses kaya kailangan bumili ng bago. Nasa woman section kami ngayon at nagtitingin tingin ako habang naglalakad. Si Dreize ay naglaho na lang bigla matapos makipag away sa akin at idadagdag ko lang na kasama nya yung cart ko. Namili na ako ng mga bibilhin ko at sa dami ng nakikita ko ay dalawa lang ang napili ko kaya naman naglakad na uli ako para hanapin si Dreize. Hindi pa ako nakakatatlong hakbang ng biglang sumulpot sa tagiliran ko ang kabuting lalaki na ito na tulak tulak ang cart na punong puno ng mga damit. Hindi ko napigilang mapamura dahil sa nakita ko kaya naman kitang kita ko ang gulat sa mukha nya. "Hey, don't say bad words. The baby might hear that." He said. "Hey to you too." Nakataas na kilay na sabi ko sa kanya. "So what will you gonna do with that clothes?" Nakataas pa din na kilay na sabi ko sa kanya. "This is all for you." "And what will I do with ALL of that?" Tanong ko at pagkatapos ay tinuro ko sa kanya yung dalawang damit na dala dala ko. "This is all I need." "But..." Tinitigan ko lang sya pero pagkatapos non ay napabuntong hininga na lang sya at bagsak ang balikat na isa isang binalik ang mga kinuha nya. I paid for the clothes na napili ko and I waited for him in the counter after that. Ilang sandali lang naman ay nakita ko na syang papalapit sa akin pero hindi nakaligtas sa mata ko ang tatlong damit na hawak hawak nya. Nang makalapit sya sa akin ay tinignan ko uli yon at nakita kong pambabae sya kaya tinaasan ko nanaman sya ng kilay. "Just let me buy this for you. "He said with his low voice na halatang napagod sa pagbabalik ng mga kinuha nya kanina kaya naman wala na akong nagawa at pumayag na lang. "Sa susunod hindi na ikaw isasama ko kapag bumili ako ng gamit ni baby." Sabi ko sa kanya ng makalabas na kami sa department store. "What? Hindi pwede yon." He said na akala mong bata na hindi pinayagan na sumama ng nanay nya. "And hindi din pwede na kasama ka." Pabalik na sabi ko sa kanya at nauna ng maglakad sa kanya. Kumain lang kami sandali sa Greenwich dahil nagcrave ako sa chicken nila. Dumaan din kami sa Contis at nagtake out ng blueberry cheesecake bago nya ako hinatid sa bahay. "Call me if may pupuntahan ka or you need something but most importantly if you're craving anything just don't hesitate to call me, okay?" He said ng pagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya. "Nakakahalata na ako ah, masyado ka atang mabait sa akin these past few weeks?" Sabi ko sa kanya ng makababa na ako. "I'm always like this, hindi mo lang ganong naappreciate non." Nakangising sabi nya sakin. Maybe he's right. Ngayon ko lang din napansin yung ganitong side ni Dreize. Ganito din naman sya sa akin noon pero mas lumala ngayon. Siguro dahil dalawa na kami ngayon na nasa katawan ko kaya doble na din yung alaga nya sa akin? Dreize is a really caring person and he's a gentleman pero gaya nga ng sabi ko mas doble ngayon. And I kinda like it, I like this side of him. "Oo na, sige na. Ikaw na mabait, gentleman, maaasahan, mayaman, at..." Sabi ko at pinutol ko pa ang huling sasabihin ko. "At?" He impatiently asked. "... Mayaman." Sabi ko at tinawanan ang naging reaksyon nya. " Dalawang mayaman kasi mayaman ka naman talaga. And that's what I can say for now." Pang aasar ko pa sa kanya. "Look who's talking, mayaman ka din baka nakakalimutan mo." Pagbabalik nya sa akin. "Not the same as yours." "Don't worry, malay mo mapasayo yon balang araw." "Aba, hoy wala akong balak nakawan ka noh." I said base sa pagkakaintindi ko sa sinabi nya. Napailing na lang sya sa sinabi ko kaya naman tinawanan ko na lang sya. "Sige na, bumalik ka na sa kompanya mo at magparami ng pera para naman maraming mapasakin balang araw." Biro ko sa kanya. "I will gladly do that." He said at umikot na papunta sa driver seat. Kumaway lang ako sa kanya at pumasok na sa loob dahil hindi yan aalis hangga't hindi ako nakakapasok sa loob. Dala dala ko ang mga pinamili naming damit at pumasok na sa loob ng bahay. Sinalubong naman ako ni Nay Minda na nagtitiklop ng damit sa sala. "Kaaga nyo naman atang nakauwi?" Bungad nya sa akin. "Kailangan ko na din po kasing magpahinga dahil may work pa ako sa office bukas." I said at inabot kay Nay and cake na binili namin. "Let's have some, Nay." Sabi ko at nauna ng maglakad sa kusina. "Mukhang napapansin ko na nahihilig ka ata sa cake. Mukhang ito nag pinaglilihian mo ngayon ah." Sabi ni Nay habang nakasunod sa akin sa kusina. Binaba ko muna yung dala kong paper bag sa bakanteng upuan at naupo na sa katabi nito. Si Nay naman ay kumuha na ng platito at tinidor at nilagay ito sa harapan ko. "Actually napansin ko din yan, Nay. " I agreed. "At alam mo din na masama ang sobra diba?" He said that meant something different to me. It's just like the saying 'once is enough, twice is too much'. May mga bagay talaga kapag sobra na hindi na maganda. "I think I need to go to my doctor tomorrow." Sabi ko kay Nay. "Mas mabuti yan para naman malaman mo kung anong lagay ng anak mo." "Ikaw na lang kumain nyan Nay o kaya ay ipadala mo sa mga apo mo." Sabi koat tumayo na sa upuan. "I'll call Dreize and tell him that I will go to-" Napatigil ako sa pagsasalita ng marealize ko yung sinasabi ko. Why would I call him and tell him? Hindi dahil madalas syang nasa tabi ko ay dedepende na ako sa kanya lalo na at hindi naman nya ako responsibilidad o ang sanggol na nasa sinapupunan ko. Nagpaalam na muna ako kay Nay at umakyat na sa taas habang dala dala ang mga paper bag. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga dahil sa mga nangyari nitong nakaraang araw. Ngayon lang pumasok sa isip ko lahat at hindi ko maiwasang manghina. Nagpalit na ako ng damit at nilagay ko na ang mga pinamili sa closet. Pagkatapos ay nahiga na ako sa kama ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Kinabukasan ay nagpunta nga ako sa Ospital para magpacheck up. Hindi ako nakapagpasched sa Doctor ko at hindi din ngayon ang date ng check up ko kaya naman nakapila ako ngayon kasama ang mga nanay din na katulad ko. May mga kasama akong nakapila na malalaki na ang tyan at ang iba ay kapapanganak lang. "Ma, kalian ko makikita yung baby brother ko?" Dinig kong tanong ng batang nasa harapan ko sa nanay nya. Siguro ay nasa limang taon na ito. "Isang buwan pa makikita mo na sya." Sabi ng nanay nito. Hindi ko naman naiwasang mapatingin sa tyan nya dahil maliit lang ito kumpara sa ibang buntis na kasama namin dito. Siguro may mga babae lang talaga na ganyan lang magbuntis kasi naalala ko si Ate noon nung pinagbubuntis si Grey ay napakalaki ng tyan nya. "Ilang tulog pa?" Napangiti naman ako sa tanong ng bata. Ganyan din kasi Grey. Halos lumaki kasi sya na kasama ako kaya naman ang dami ko ding alam sa bata na yon. "Mga 30 na tulog pa. Marami pa yon." Sagot naman uli ng nanay. After an hour ay ako na ang nasa pila at nang tawagin ng nurse ang pangalan ko ay pumasok na ako sa loob. Nakangiti namang binati ako ni Doc Ocampo na nakaupo sa harapan ng table. Naupo naman na ako sa upuan na nasa harapan nya. "Kamusta, iha? Sa pagkakaalam ko hindi ngayon ang schedule ng check up mo ah." Bungad nya sa akin. "Yes, Doc. Sa susunod na linggo pa sana iyon but these few weeks kasi I always eat sweet foods and mostly are cakes." I told him. "It's good that you came here. You're still under monitoring so you should look always look after your health. Hindi na lang nag iisa ang aalagaan mo kundi dalawa na kayo." He said. I know it's my fault cause I didn't pay attention to what I eat. "For now, go to the room 3 to test your blood sugar and for your ultrasound." He said kaya naman nagpaalam na ako sa kanya at tumayo na. After ng check up ay sinabi na din sa akin ni Doc ang result at based nga dito ay mataas ang sugar ko. Inadvice sa akin na kahit na magcrave ako sa anything sweet ay pigilan ko muna daw ang sarili ko na kumain dahil mas makakabuti sa amin ni baby yon. Palabas na ako sa clinic ng makita ko si Dreize na pababa sa kotse nya. Hindi nakaligtas sa mata ko ang madilim na ekspresyon nya na mas makikita sa magkasalubong nyang mga kilay. Agad nya din akong nakita dahil nasa pintuan na ako ng clinic kaya naman naglakad na sya palapit sa akin. "What are you doing here?" I asked him. "I should be the one asking you that." He said na hindi pa din nawawala ang salubong na kilay. Hindi ko naman naiwasang mairita sa itsura nya at sa tanong nya kaya naman inis na sinagot ko sya. "I'm pregnant and this is where I go to have a check-up" May halong inis na sagot ko. Napabuntong hininga na lang sya dahil sa sagot ko at napahawi pa sa buhok nya. Aba, sya pa ngayon ang nafufrustrate eh sya nga yung bigla biglang nandito tapos susungitan ako. "I just wanna know if there is a problem or if something happened to the baby." Kalmado ng sabi nya. Kaya naman pala kasi na kalmado bakit sasalubungin nya pa ako ng kasungitan nya. "And bakit naman gusto mong malaman?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Gosh, my hormones. "Well... hmmm... I'm worried." "And bakit ka nag aalala?" "Because I like you." He said habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "I already know that." Simpleng sagot ko sa kanya. I wanted to be happy about that cause we both like each other but iba na ngayon. I already have a someone I should protect aside from myself. Hindi na lang ako ang masasaktan dito kundi dalawa na kami and I don't want to risk that. "I know what you feel about me but it's not the same as before." "It doesn't matter with me if you're pregnant. I can handle the responsibility, I can be a father to-" "You don't know what you were saying." "Trust me. I will prove it to you." He said. I know Dreize, I know how passionate he is and kung paano sya kadedicated sa bagay na gusto nyang gawin. If that's what he wanted then I will let him. "Fine, do what you want to do." I said na nakapagpangiti sa kanya. "Then, should I start now?" He said at inilahad ang kamay sa harapan ko. "Dreize, hindi ako lumpo buntis ako baka nakakalimutan mo. I can walk, I can even drive." I said at nauna ng maglakad sa kanya papunta sa parking. "I'll take you to your company." He said at bubuksan na sana ang pintuan ng kotse nya pero inangat ko sa mukha nya ang susi ko. "I told you, I can drive." "But-" "What? Are you going to piss me off?" Wala na syang nagawa kaya naman umiling na lang sya sa akin. "I will accompany you, sundan kita." He said at sya na ang nagbukas ng pinto ng kotse ko kaya naman pumasok na ako sa loob at sinara na nya. Nang makarating ako sa company ay hinayaan ko na si Kuya na magpark ng kotse ko habang si Dreize naman ay bumaba sa kotse nya at lumapit sa akin. "What? Hahatid mo pa ako sa taas?" I asked him na tinanguan naman nya. "You don't have to, bumalik ka na sa kompanya mo." "Sandali pa lang ako nawawala and it will not affect my company." Sabi nito. Minsan talaga natural na lang na lumalabas sa bibig ni Dreize yung kayabangan nya and I know that he's not aware with that. "But it will affect me." Sabi ko naman na ikinakunot ng noo nya. "How?" "Well, cause I'm worried and it's not good for my health." I said to him at mabilis naman bumakas sa mukha nya ang pag aalala kaya hindi ko maiwasang mapagiti sa reaksyon nya. Nakakakilig talaga magkagusto lalo na kung yung gusto mo ay umamin din sayo na may gusto sya sayo. Diba? "Fine, I'll go now pero susunduin kita mamaya." He said bago naglakad papunta sa kotse nya pero bago sya sumakay ay binalikan nya pa ako ng tingin kaya naman wala na akong nagawa kundi pumasok na sa loob dahil hindi nga pala aalis yan kapag hindi pa ako nakakapasok. Binati ako ng mga nakakasalubong ko habang naglalakad ako papunta sa elevator at ganon din ng makasakay na ako sa loob. Pagkababa ko sa floor ng office ko ay bumungad naman sa akin si Ela na may mga piniprint na papers sa cubicle nya. "What's that?" I asked her ng madaan ako sa kanya. "This is the hard copy of the Request of Proposal that will be given to the stakeholders later." She said at doon ko lang naalala na mayroon nga pala kaming meeting mamaya. "What time is it again?" I asked her. "2 PM, Miss." Tumango naman ako sa sinabi nya at nagpunta na sa office ko. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko kaagad ang ilang folders na nasa lamesa ko na sigurado ako na mga kailangan pirmahan yon. Naupo na ako sa upuan ko at nagsimula ng basahin ang laman ng mga folder at nagsign para sa approval. Hindi ko na namalayan ang oras at nang tignan ko ang orasan ay malapit ng mag alas dos ng hapon. Nag ayos lang ako sandali at tinabi ko muna ang mga files na naapprove ko na. "Miss Isobel." Rinig kong sabi ni Ela habang nakasilip sa pintuan. Tumango ako sa kanya at naglakad na palabas sa office ko. Nakasunod lang sa akin si Ela habang papunta kami sa conference room. Maraming contract ngayong buwan na kailangang matapos na ang mga ongoing na projects namin at maghire ng mas madami pang workers. Mahirap naman kasi na irush namin na hindi naman enough ang personnels dahil baka mamaya yoon pa ang ikasira ng pangalan ng kompanya namin. "Are all the shareholders present?" Tanong ko kay Ela ng makarating na kami sa floor ng conference room. This floor is only for meetings. There are four conference rooms in this floor and sometimes na na-ooccupy sya lahat lalo na kapag maraming projects and I'm sure na by this month ay mapupuno lahat ng rooms dito sa floor dahil sa meetings ng iba't ibang department. "Yes, Miss Isobel. And regarding the voting with the termination of Mr. Hidalgo's contract, we will also hold that at this meeting. I already informed the other shareholders through email this morning." She said na tinanguan ko. Naunang pumasok si Ela sa room 1 bago ako pumasok. Pagkapasok ko sa loob ay binati ako isa isa ng mga shareholders at binati ko din sila pabalik. Nang makarating ako sa gitna ay umupo na ako at sinenyasan si Ela na magsimula na. My secretary will present the project proposals and the shareholders will decide whether we accept the project or not. After the first presentation, we talked about the pros and cons of this certain project. After the exchange of ideas and opinions, we came up with the result and that is what happened for the rest of the presentation. Sa 11 na project proposal na pinresent ni Ela ay 7 lamang don ang naaprubahan ko at ng mga shareholders. After noon ay nagproceed na kami for the voting of Mr. Hidalgo's termination of contract. So to tell you about the reason for that. The Company agrees to provide or make available, to the Shareholders monthly income statements and balance sheets within a reasonable time, but no greater than 30 days, after the end of each month. And because of that, shareholders have the access to the company's finance, financing offers, and documents. Each Shareholder and Director agrees that he/she will keep all matters about the Company strictly confidential other than normal disclosures made in the course of business. Mr. Hidalgo violated the confidentiality of the financing offers that's why we are here to vote for his removal. We don't need to vote but it's the shareholder's right to vote for the removal of shareholders like them. The conference meeting ended after the removal of Mr. Hidalgo and just like what I said, lahat naman ng shareholders ay bumoto for his removal. Malaki kasing threat sa company na magleak ang any information about sa finance. Kung sa projects lang ay hindi naman makakaapekto sa kompanya dahil hawak naman namin ang legal na contract sa associated company. "Miss Isobel, you can just check your email for the list of the companies that want to buy Mr. Hidalgo's shares in the company." She said. "Okay, you can get the folders inside my office and send me the approved proposals and I will revise some terms and sign it afterward." Sabi ko sa kanya at pumasok na sa office ko. Nang maidala na sa akin ni Ela ang pinapakuha ko ay nagsimula na din ako at dahil doon ay hindi ko na namalayan ang oras. Natigil lang ako sa ginagawa ko ng bumukas ang pintuan ng office ko at pumasok doon si Dreize na nakakunot ang noong nakatingin sa akin. "What?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya at pagkatapos ay binalik ko uli ang tingin ko sa mga papel na nasa harapan ko. "Do you know what time is it?" Tanong nya sa akin kaya naman binalingan ko ang digital clock na nasa gilid ng table ko at sinabi sa kanya ang oras. "9:43 " I said habang inaayos yung proposal na natapos ko. "That's not what I'm asking, Isobel." Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi nya pero pinagsawalang bahala ko na lang iyon, "I know it's late so you don't need to ask me the time. " I said. "Yeah, but do you also know that it's bad for the baby's health?" Baby? What is he say- Natigilan ako sa ginagawa ko ng rumehistro sa utak ko ang sinabi nya. "Wait, based on your reaction I think you forgot that you have a baby inside your womb." Oh my gosh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD