Tahimik sa buong mansyon, parang bawat pader ay nakikinig sa t***k ng dalawang puso na ayaw umamin sa isa’t isa. Pagod at nangangalay na ang likod ni Meseeyah sa kakayuko sa dami ng papeles, pero ayaw niyang magreklamo. Lalong ayaw niyang makita ni Moses na napapagod siya. Kinuha niya ang isang folder mula sa ibabaw ng cabinet. Mabigat. Makapal. Nang buksan niya— Tok! May muling nalaglag na larawan. Hindi ito tulad kanina. Mas luma. Mas personal. Isang picture ni Moses… bata pa. Tinitingnan ang dagat mula sa may dalampasigan—halatang nanggaling sa Isla Plaez. Parang biglang kumirot ang puso niya. “Bakit may ganito si Moses…?” Hindi niya napansin ang paglapit ng lalaki. “What’s that?” Halos lumundag ang kaluluwa ni Meseeyah sa gulat. Tumayo si Moses sa kanan niya, malamig ang

