Kabanata 4 Bayan

1580 Words
“Oh, ayos ka lang ba, Sid?” tanong ni Lira nang makita niyang malayo ang tingin ng kaibigan. Nasa tabing-dagat sila, tinatanaw ang palubog na araw sa dakong kanlurang bahagi ng langit. Ang malumanay na alon ng dagat ay dumadapo sa buhangin, ngunit hindi nito matabunan ang lungkot na nararamdaman ni Sidney. Isang taon na ang lumipas mula nang magpasya si Sidney na sumama kay Lira sa kanilang probinsya sa Quezon, isang lugar na tahimik at malayo sa kaguluhan ng siyudad. Dito, wala masyadong nakakakilala kay Sidney, at ang buhay ay tila simpleng dumadaloy, tulad ng hangin na humahaplos sa kanilang balat. Dahil maliit lamang ang kanilang bayan, at tawid-dagat pa, hindi rin matutuklasan agad ang mga detalye ng nakaraan ni Sidney. Hindi maiwasang malungkot ni Lira para sa kaibigan. Alam niyang hindi madaling kalimutan ang lahat ng mga sakit na dinala ng nakaraan, lalo na't si Sidney ay nagdanas ng matinding pagkatalo at pangungutya mula sa mga taong dati niyang pinagkakatiwalaan. Sa kabila ng bagong simula, hindi pa rin nawawala ang bigat sa kanyang mga mata—ang mga alalahanin at sakit na iniwasan niyang harapin. “Sid, nandito ako. Alam ko mahirap, pero hindi mo kailangang mag-isa,” wika ni Lira habang malumanay niyang hinawakan ang kamay ni Sidney. "Mahalaga ka sa akin, at hindi ko iiwanan." Si Sidney ay napabuntong-hininga. “Alam ko, Lira. Salamat. Sa lahat ng nangyari, ikaw na lang ang natirang tunay na kaibigan ko. Mahirap kalimutan ang mga nangyari, pero siguro… siguro ito na lang ang aking paraan upang maghilom.” Si Lira ay nagbigay ng malalim na ngiti, at tumingin silang dalawa sa ilalim ng dilaw na langit na dahan-dahang nauurong sa likod ng mga bundok. Ang dagat ay sumasalamin sa kanilang mga mata, parang nagsasabing kahit ang pinakamadilim na gabi ay nagtatapos din sa isang bagong umaga. --- “Huwag mo ako alalahanin, okay na ako,” masayang turan ni Sidney kay Lira, subalit makikita pa rin sa kanyang mata ang hindi matapus-tapos na pag-iisip. Pinipilit niyang magpakasaya, ngunit sa loob-loob niya, alam niyang malayo pa ang kanyang paglalakbay patungo sa ganap na pagpapatawad sa sarili. “Maraming salamat dahil, sa kabila ng lahat, nandito ka pa rin. Malaki ang utang na loob ko sa mga magulang mo. Kung hindi dahil sa kanila, baka hindi ko pa matutunan kung paano muling magsimula,” saad ni Sidney, ang mga salitang iyon ay puno ng pasasalamat. Bagamat nahirapan siya sa mga nangyari, natutunan niyang pahalagahan ang bawat tulong at malasakit na ibinigay sa kanya, lalo na ng pamilya ni Lira --- "Ano ka ba? Pamilya ka na namin. Kaya wala kang utang na loob sa amin. Kami nga ang may utang na loob dahil sa mga tulong na ibinigay mo. Naging maayos ang buhay ng pamilya ko. Nakabili ako ng bangka ni Tatay, tapos may sarili na ring tindahan si Nanay, at nakapagtapos ang iba kong kapatid," wika ni Lira, ang kanyang boses ay puno ng pagpapahalaga at pasasalamat. Si Sidney, na naririnig ang mga salitang iyon, ay naramdaman ang matinding kilig sa puso. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon ang takbo ng kanyang buhay. Kung tatanungin siya noon, hindi niya akalain na makararating siya sa puntong iyon—ang makapagbigay ng tulong sa ibang tao at makagawa ng mga bagay na magdudulot ng pagbabago sa buhay ng isang pamilya. "Napakabuti mo talaga, Lira," sagot ni Sidney, ang mata ay bahagyang kumikislap dahil sa emosyon. "Hindi ko alam kung anong klaseng swerte ang nagdala sa akin sa buhay niyo. Wala akong ginusto kundi ang matulungan ang pamilya niyo. Minsan nga, hindi ko na rin alam kung paano ko kayo pasasalamatan." "Ang totoo, Sid, hindi mo kailangang magpasalamat. Alam namin kung gaano ka kabait at gaano ka katatag. Ang pagiging mabuting tao mo ay sapat na. Hindi lahat ng tao ay may kakayahang magbigay ng tulong sa iba, pero ikaw, hindi mo naisip ang sarili mong kapakanan. Kaya kami ang may utang na loob sa’yo," wika ni Lira, binigyan pa ni Lira si Sidney ng mahigpit na yakap. Habang sila'y nag-uusap, tinatanaw nila ang malawak na dagat. Ang mga alon ng dagat ay patuloy na dumarampi sa baybayin, tila nagsasabi ng mga kuwento ng mga tao na naglakbay, naghirap, at nagsikap upang magtagumpay. Para kay Sidney, ang lugar na ito ay nagiging simbolo ng kanyang bagong simula. "Ngayon ko lang naisip, Lira," simula ni Sidney, "na sa kabila ng lahat ng nangyari sa akin—ang mga pagsubok, sakit, at lahat ng mga pagkatalo—ito pala ang kailangan ko. Kailangan ko ng bagong simula, ng mga tao na magpapakita sa akin kung paano muling mangarap, kung paano muling magsimula." "Sid, hindi mo kailangang magmadali. Ang paghilom ay isang proseso, at nandito kami para samahan ka. Walang may nagmamadali, ang mahalaga, natututo ka at natututo tayo lahat," sagot ni Lira, ang mga mata ni Lira ay naglalaman ng pag-unawa at malasakit. Ngumiti si Sidney, at sa huli, napagtanto niyang ang tunay na yaman ng buhay ay hindi sa mga materyal na bagay, kundi sa mga relasyon at sa mga taong nagmamalasakit sa iyo sa kabila ng lahat ng pagsubok. “Ay, siya nga pala! Sasama ka ba sa amin bukas? Pupunta kami ni Inay sa bayan,” wika ni Lira, nag-aalok ng paglabas at pagpapalipas ng oras sa labas ng tahimik nilang bayan. Alam niyang makakatulong ito kay Sidney upang makalimot, kahit saglit lamang, sa mga nangyari sa kanyang buhay. Si Sidney ay nag-isip sandali, tumingin sa malawak na dagat na ngayon ay nagsisimulang mag-iba ang kulay mula sa dilaw patungo sa malalim na asul. “Siguro, kailangan ko nga ‘yon. Matagal-tagal na rin akong hindi lumalabas at hindi nakikita ang ibang tao,” sagot ni Sidney, kahit na may bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Alam niyang magdudulot ng kahit kaunting kasiyahan ang paglabas, at kailangan niyang magbigay pagkakataon sa sarili upang maghilom. “Sigurado akong makakabuti ‘yan sa’yo, Sid. Iba ang pakiramdam pag nakakalabas at nakakakita ng bagong mga tanawin. Laban lang, hindi ka nag-iisa,” wika ni Lira, isang ngiti ang umabot sa kanyang labi, habang tinitingnan ang kaibigan na unti-unting nagiging mas maligaya sa kabila ng lahat ng pagsubok. Si Sidney ay tumango at dahan-dahang nagsimulang maglakad patungo sa isang maliit na kubo sa gilid ng baybayin. Sa loob-loob niya, kahit malalim ang sugat na dala ng nakaraan, may mga bagay pa rin na makakapagpagaan sa pakiramdam. “Sige, sasama ako.” Masayang tugon niya simula ng dumating siya dito sa bayan nina Lira mabibilang palang sa kamay niya kung ilan siya nakapunta sa bayan. --- Hindi pa sumisikat ang liwanag ng araw nang maaga silang pumalot sakay ng bangka ni Mang Agustin, ang Tatay ni Lira. Ang hangin sa umaga ay malamig at mahangin, at ang mga alon ng dagat ay tahimik na dumadampi sa gilid ng bangka. Habang binabaybay nila ang dagat, ang kalangitan ay nagsisimula nang magbago ng kulay, mula sa madilim na asul ay nagsimula nang magbigay ng liwanag ang pagsikat ng araw. Si Sidney ay nakatayo sa likod ng bangka, tumitingin sa lawak ng dagat na tila walang katapusan. Pakiramdam niya'y parang nagsisimula siyang maghilom mula sa lahat ng sakit at pagkatalo na kanyang naranasan. Lira, na nakaupo sa harap ni Sidney, ay nakangiti sa kanya, at ang mga mata nito ay puno ng pag-asa at saya. “Sid, hindi ko akalain na magiging ganito tayo. Minsan, parang ang bilis ng lahat, pero ang mahalaga, nandito ka na at masaya akong kasama kita,” wika ni Lira habang tinatanaw ang magandang tanawin. --- "Mabuti, Hija, sumama ka sa amin ni Lira, abay. Malungkot sa bahay; ikaw lang mag-isa doon kapag umalis kami," ani ni Nay Julian, ang nanay ni Lira. "Huwag ka nang mag-alala, Nay. Hindi na siya mag-isa," wika ni Lira, sabay tingin kay Sidney, na may ngiti sa mga labi. "Kaya nga po, Nay, mabuti at napilit ko itong si Sid na sumama sa atin ngayon." "Opo, Nay Julian, may kailangan lang po akong bilhin sa bayan at gusto ko rin po sanang tumawag sa bahay dahil wala pong signal dito sa isla," nakangiting tugon ni Sidney sa ginang. "Oo nga, nakakatuwa naman at nagtagal na kayo ni Lira dito," sabi ni Nay Julian, sabay taas ng kilay. "Minsan, maganda ang magbabad sa ganitong lugar para magpagaan ng loob." Si Sidney ay huminga ng malalim at tiningnan ang buong paligid. Ang tahimik na isla, ang simpleng pamumuhay, at ang mga kababayan nila Lira ay nagsilbing isang pahinga para sa kanya. Walang media, walang mga mata na nagmamasid, at walang mga alingawngaw ng mga iskandalo—ang tanging naririnig niya ay ang tunog ng mga alon sa dagat at ang huni ng mga ibon. Habang naglalakad sila patungong bayan, sumabay ang hangin at pinatigas ang mga buhok ni Sidney. Ngunit hindi ito naging sagabal. Ang mga simpleng bagay na dati ay hindi niya pinapansin ay ngayon ay nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng kapayapaan. "Sid, balita ko nga pala, may mga bagong produkto ang tindahan sa bayan. Baka gusto tingnan sakaling may magustuhan ka?” --- “Sige, puntahan natin,” nakangiting saad ni Sidney, sabay lakad patungo sa direksyon ng tindahan na tinutukoy ni Lira. Habang papalapit sila sa tindahan, hindi namalayan ni Sidney na abala siya sa paligid dahil napakaganda ng lugar makulay ang bawat tindahan na nakikita niya. Hanggan sa hindi na rin niya namamalayan na ang isang taong. “Ayyy…” tanging nasabi na lamang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD