Umalingawngaw ang bayolenteng tunog ng sapilitang pagbukas sa metal roll-up doors ng warehouse. Tapos ay maingat na pumasok ang pangkat ng mga pulis sa loob, may hawak na mga armas, at mataktikang pumuwesto sa likod ng malalaking haligi. “Romulo Romani, napapaligiran na kayo ng mga alagad ng batas! Sumuko ka na!” Dumagundong ang malakas na boses ng lider ng grupo. Unang nagpaputok ang kampo ni Romulo. Gumanti ang mga alagad ng batas. Sumabog ang ingay ng palitan ng mga putok ng baril. Napuno ang buong lugar ng tunog ng mga balang tumama sa sementadong haligi, pader, mga kahon, at metal beams. Ang mga balang tumatama sa bakal ay may matinis at napakangilong tunog, at pinagri-ricochet ang mga bala sa ere. Kumapal ang usok sa loob ng warehouse. Makikita ang walang untag na paglipad ng mg

