Warning: This chapter contains scenes of violence that some readers may find disturbing. Reader discretion is advised. _____ Lumikha ng malakas na ingay ang paglagapak ng kristal na baso sa sementadong pader ng opisina ni Romulo sa loob ng warehouse. Nagngingitngit siya sa galit dahil in-report sa kanya ng tauhan na hindi man lang nag-abalang tumugon ang mag-asawang Novaro sa mga mensaheng pinadala nila sa mga ito. Iritado siyang tumayo at tinungo ang maliit na silid kung saan nakakulong si Elara. Pagpasok niya sa loob ay nakita niyang nakaupo ito sa bakal na silya. Nakagapos ang mga kamay nito palikod, may busal sa bibig, at nakalaylay ang ulo. Ang unang oras ng hindi pagtugon ng mag-asawang Novaro ay nagpainit na sa ulo niya, kaya in-utos niya sa mga tauhan na pahirapan si Elara par

