CHAPTER 134

2307 Words

“Nasaan si Romulo?” Ang pangalan ng matandang Romani kaagad ang sinambit ni Elara pagkahimpil na pagkahimpil ng puting van sa loob ng isang lumang warehouse. Mula sa mezzanine kung saan nakapuwesto ang kanyang opisina, ay kitang-kita ni Romulo ang paghinto ng van sa pinakagitna ng malapad na lugar. Ang warehouse na iyon ay dating bagsakan ng mga ilegal na gamot noong malakas pa ang estado ng sindikatong kinabibilangan niya. Ang kaso ay napatumba ang mga ito ng organisasyong pinamumunuan ng mga de Crassus. Magmula niyon ay inabandona na ang lugar na iyon. Mabuti na lang talaga at isa siya sa alam ang lokasyon ng warehouse, kaya ngayon ay nagamit pa niya sa kanyang pagtatago. Alam niya kasing marami nang nakalkal si Apollo Altieri na tinatagong baho niya. Pupusta siyang alam nito na siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD