CHAPTER 128

2231 Words

Nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ng pantalon ni Apollo. Ang tunog ng pag-vibrate ng aparato ay bumasag sa tahimik na silid kung saan ito at si Ahtisa lang ang taong nandodoon. Sa gilid ng mga mata ni Ahtisa ay nakita niyang napasulyap sa kanya ang asawa, bago nito sinagot ang tawag. Nakaupo lang siya at tahimik na binabasa ang mga libro ng kurso niya. Pinakuha niya iyon para kahit absent siya sa online classes ay may napag-aaralan pa rin siya. Nagpapasalamat talaga siyang inaayos ni Apollo ang lahat para magawa niya pa ring umagapay sa takbo ng mga aralin kahit na malayo siya sa SBC at may matinding pinagdaraanan ngayon. Tumayo si Apollo at lumapit sa kanya. Maingat nitong hinaplos ang pisngi niya gamit ang likod ng kamay nito. Ang buko-buko ng mga daliri nito ay kumikiskis sa makinis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD