CHAPTER 129

2234 Words

Nagulantang ang mag-asawang Novaro nang biglang tumunog ang cellphone ni Mr. Novaro. Kinuha nito ang aparato mula sa front pocket ng suot nitong polo shirt at tiningnan ang pangalang rumehistro sa screen. Pinatunog ni Apollo ang dila nito, puno ng pang-uuyam, puno ng pagkasuya at pagkamuhi. “Why don’t you answer it, Mr. Novaro? Come on, take the call. Baka may mahalagang balita kang dapat na marinig ngayon,” wika nito sa may edad na lalaki, matigas ang boses, magaspang at maanghang. Ang pangamba at nerbiyos ay malinaw sa anyo ng mukha ni Mr. Novaro, salitan ang tingin nito sa mukha ng CEO at sa caller ID na nakabalandra sa umiilaw na screen ng hawak nitong cellphone. Apollo let out a low, mocking chuckle. “I would bet my CEO seat that the call has something to do with your businesses,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD