Habang nakapikit si Ahtisa at nakahiga ang katawan niya sa hospital bed ng Halinaw Private Hospital, ang utak niya naman ay bumalik sa nakaraan... “Dito ka lang, Ahtisa, huwag ka nang bumaba. Tutulungan ko lang ang tao sa loob.” Napatingin ang dalagita sa mukha ng ama niya. “Papa, dito ka lang,” sabi niya, humawak siya sa laylayan ng T-shirt ng papa niya, ayaw niya itong pababain ng traysikel. Ang ama niya ang nagda-drive, sa tabi niya ay nakaupo naman ang kanyang ina. May ide-deliver dapat silang mga sako ng bigas sa malaking tindahan. Ang mga sako ng bigas ay nakapatong sa bubong ng traysikel. Galing iyon sa palayan ng mga Altieri. Tuwing panahon ng anihan ay binibigyan din ng saku-sakong bigas ang mga trabahante. Dahil parehong nagtatrabaho sa palayan ang mga magulang niya, kaya tatl

