“Ahtisa…” Halos hindi lumabas sa bibig ni Apollo ang pangalan ng asawa. Titig na titig siya sa mga mata nitong tila nilunod ng kawalan. Wala roon ang utak ng asawa, alam niya. Hindi ganoon si Ahtisa. She was lost… somewhere. Probably in a time she never wanted to remember anymore. A time she never wanted to remember again. Nakatitig pa rin siya kay Ahtisa na patuloy na inuudyukan ang lalaki sa likod ng manibela na lakasan ang loob nito. Nagkasya lang siya sa pagtitig dito, sapagkat nanginginig ang mga kalamnan niya. Hindi siya makagalaw. Pinanood niya ang asawa, habang nagsisikip ang lalamunan niya. Kung ito nga ang nagligtas sa buhay niya, paanong si Elara ang lumitaw sa harapan niya at nagsabing ito ang babaeng nagligtas sa kanya? But then again, he couldn’t even remember his savior’s

