Napabuntong-hininga na lang si Ahtisa, pinagmamasdan niya ang mag-asawang Novaro na nakalupagi sa damuhan at pilit na hinahawi ang matataas na damong tumubo sa puntod ng anak ng mga ito, habang humahagulhol at paulit-ulit na sinasambit ang mga katagang umaasam ng kapatawaran. Noong nawala sa kanya ang mga magulang niya, pakiramdam niya ay isa siyang kristal na basong ibinalibag sa pader, nabasag at nagkandapira-piraso. Ngayon, natitiyak niyang iyon mismo ang nararamdaman ng mag-asawang Novaro. Tila mga nagkalat na piraso ng nabasag na baso. Ramdam na ng mga ito ngayon ang naramdaman niya noon. Napapitlag si Ahtisa nang maramdaman ang init ng palad ni Apollo na lumapat sa kurba ng ibabang likod niya. Napatingala siya rito. Nakayuko ito sa kanya, at titig na titig sa mga mata niya. “Are y

