Puno ng tensiyon sa loob ng sasakyan ni Apollo. Tensiyong sa sobrang kapal ay tila puwedeng hiwain at hatiin na sa dalawa. Animo may malamig na elektrisidad ang humahalo sa hangin at nagpapabigat sa kanilang mga paghinga. Humugot ng malalim na paghinga si Apollo, ang kamay niya ay lalong kumuyom sa manibela, ang mga daliri niya ay bumabaon sa leather cover ng steering wheel. Nag-iigting din ang mga prominenteng ugat sa likod ng mga kamay niya. Si Ahtisa ay tahimik lang na nakaupo sa passenger side. Ang mga kamay nito ay mariing magkasalikop na nakapatong sa ibabaw ng kandungan nito. Nakatingin lang ito sa unahan. Sa likuran naman ng sasakyan ay nakapuwesto ang mag-asawang Mr. and Mrs. Novaro. Sa totoo lang ay ayaw sana ni Apollo na lumulan ang mga ito sa sasakyan niya. Dahil napopoot pa

