Napansin niyang titig na titig sa kanya ang lalaking bisita ng lolo niya. Hindi tuloy niya malaman kung paano kikilos. Iba kasi ang tingin ng lalake. May itsura ang lalake o tamang sabihin na gwapo ito. Mukhang bata pa at hindi nalalayo sa edad niya. Hindi nga niya alam kung paano nagkaroon ng kaibigan ang lolo niya ng ganitong kabata at kagwapo. Sa datingan ng lalaking kaharap walang duda na galing ito sa mayamang pamilya. Halata sa tindig nito at kasuotan. Sa polo shirt pa lang nito nagsusumigaw na ang libong presyo galing sa maliit na tatak na nakasulat roon. Mas lalo siyang naniwalang mayaman ang bisita nila dahil sa mamahaling relong suot nito na kung hindi siya nagkakamali milyon ang halaga ng suot nitong simpleng relo. "Yanna maupo ka na at sabayan kami ni Mayor sa pagkain," saad

